Kabanata 1

1013 Words
Kabanata I Ian                Malalim na ang gabi. Tahimik na rin ang paligid. Buhay na buhay ang aking diwa subalit pasuko naman na ang utak ko’t mga mata.                Marahas akong napabuntong-hininga nang makita kong mag-aalas dose na ngunit hindi pa rin ako nangangalahati sa sinasagutan kong probset. Isa na namang late submission. Isa na namang patunay ng angkin kong kabobohan.                 Nang maalala ang deadline at ang tambak na gawaing nag-aantay sa akin ay muli kong binalik sa screen ng laptop ang buo kong atensiyon.              “With a speed of 4.58 m/s, a helicopter takes flight. A parcel is dropped from its window at a height of 114 meters above the ground. How long does it take for the package to reach the ground? It's worth noting that the package's initial velocity is identical to the helicopter's initial velocity.”                Gumuhit ang isang pilit na ngiti sa aking labi nang muling mabasa ang katanungan. Bakit pa ilalaglag ang parcel kung pwede naman itong iaabot? Dagdag problema pa tuloy. Tanong ko sa aking isipan habang kinukumbinsi ang sarili na kaya kong tapusin ang prob set ngayong gabi. Kinuha ko ang ballpen sa mesa at pina-ikot ito sa mga palad ko. Seryoso namang naglakbay sa mundo ng mga numero ang aking isipan.            Makalipas ang ilang minuto ay tuluyan ko nang nakuha ang tamang sagot kung kaya’t kulang na lamang ay tumalon ako sa tuwa. Dalawa pa. Dalawa pang mahihirap na mga tanong ang kailangan kong masagutan bago ako makapagbunyi. Imbis na panghinaan ng loob dahil sa rami nang kailangang gawin ay nag-ipon ako ng lakas ng loob at nagpakawala ng isang malalim na hininga bago muling nagsagot. “A penny is dropped from a building 100 meters above the ground. Find (a) its location and velocity 2.00 seconds after being released, and (b) the time it takes until it strikes the ground.” Nang makita ang tanong ay agad akong nagsulat. Gusto ko nang matapos ang assignment na ito upang ako’y makapagpahinga na. Tatlumpung minuto pa ang lumipas bago ko tuluyang nasagutan lahat. Muli kong binalikan ang mga katanungan at tila baliw na napahagikhik nang mabasa ang bonus question. “Using the concept of freefall or any of Newton’s three Laws of Motion, briefly explain what love is in your own words.” Kahit pala subsob sa trabaho ay pumapag-ibig din ang mga propesor ko. Underpaid nga lang. Mahina akong napatawa dahil sa aking naisip bago magiliw na nagsagot. Nang matapos ay dali-dali kong kinuha ang cellphone upang kunan ng larawan ang aking assignment. Nang may mabibigat na mga mata at bagsak na balikat dala ng pagod at puyat ay pinasa ko ang pdf version ng aking solutions bago niligpit ang mga gamit kong nakakalat sa study table. Isang mahinang tapik sa ulo ang binigay ko sa aking sarili na naging dahilan upang sumibol ang isang tipid na ngiti sa aking labi. Good job. Bulong ko bago mahiga. Nang tumama ang likod ko sa malambot na kutson ay saka lamang ako nakadama ng kaginhawaan.  Binuksan ko ang hawak-hawak na cellphone at nagpasyang makibalita muna sa f*******: bago matulog. Napangiti ako nang maalala ang bonus question at isang pilyong ideya ang pumasok sa aking isipan. “An object at rest will remain at rest and an object in motion will remain in motion unless acted upon by an external net force. Gaya ng pag-ibig, ang pusong tahimik ay mananatiling tahimik maliban na lamang kung may kakatok at gagalaw rito. Katukin at galawin niyo rin ako please.” Mahina akong napahalaklak pagkatapos kong pindutin ang post button. Biro lang naman pero kung sakaling may pumatol e, di magpapagalaw. Muli akong napatawa dahil sa kalokohang pumasok na naman sa aking utak. Nang may ngiti pa rin sa labi ay pinagpatuloy ko ang pag-scroll sa f*******:. Wala namang bago. May mga nag-aaway. May mga nagpaparinigang mag-ex. May mga nagbebenta ng damit at pagkain. At hindi mawawala ang mga matatandang nagshi-share pa rin ng mga artistang namatay kuno.  Natigil lamang ang walang kwentang pagsusubaybay ko sa buhay ng iba nang mahagip ng mga mata ko ang isang notification. Ben Flores sent you a message. Nang makitang isang simpleng hi lang naman ang laman ng mensahe ay muli akong bumalik sa f*******: upang manuod naman ng mga batang walang ibang ginawa kundi ang kumendeng sa t****k at i-upload ito upang pag-piyestahan ng publiko. Naputol lamang ito nang muli na namang tumunog ang aking cellphone dahil sa panibagong mensaheng natanggap. Kusang gumalaw ang mga daliri ko upang buksan ito. Magkahalong gulat at tawa ang naging reaksyon ko nang mabasa ang nakasulat. Kagaya kanina ay mula pa rin ito sa lalaking nagngangalang Ben Flores. Snobber naman. Galawin kita diyan eh. Kumawala ang mahinang tawa mula sa akin nang mabasa ko sa aking isipan ang mensahe. Agad naman akong nagpunta sa f*******: upang i-stalk ang lalaki bago mag-reply. Nang makita ang profile niya ay mabilisan ko itong pinindot. Hindi maikakailang gwapo ang lalaki. Matangos ang kaniyang ilong. Mapang-akit ang mga mata. Mapula ang labi at magaling din pumorma. Mukhang mayaman din dahil branded ata ang damit. Sa madaling salita, pasado sa profile picture test kung kaya’t dali-dali kong binuksan ang chat head upang mag-reply. “Yes, please.” Tipid at pabebe kong sagot. Nang makitang hindi niya agad na-seen ang message ay muli akong nagtungo sa f*******:. Pogi sana pero ang bagal naman mag-reply. Daing ko sa aking utak.  Sa halip na maghintay ay muli ko na lamang ini-stalk ang profile ng lalaki. May tatlo siyang kapatid. Siya ata ang bunso subalit siya ang pinakamatangkad. Hindi ko alam ang kaniyang edad pero mukhang hindi naman magkalayo ang amin. Nang muling tumunog ang aking cellphone at makitang galing sa kaniya ang mensahe ay hindi na ako nagdalawang isip pa at agad itong binuksan. Sa pagkakataong iyon, hindi ko alam na ang simpleng kapilyuhan ko sa f*******: at ang pag-reply ko sa kaniya ay magbubunga sa isang paglalakbay na magbibigay sa akin ng magkahalong tamis at pait. Isang paglalakbay na gugulo sa aking isipan at nakasanayan subalit bubuo sa pagkatao kong walang pagkakakilanlan at may basag na bahagi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD