Prelude

380 Words
Prelude Ian Tuwing gabi, kung kalian tahimik ang lahat at maging ang maingay na mundo’y mahimbing na natutulog, ay naisusulat ko ang pinakamalungkot na mga linya. Mula sa bintana ay tanaw ko ang kalangitang binalutan ng mga bituin at sa bawat pagkislap nila’y sumasabay ang pagpatak ng aking mga luha. Subalit ang gabing ito ay iba kaysa sa normal na mga gabing hinayaan kong lumipas habang tulalang nakikipaglaban sa aking isipan sapagkat ako’y nakahimlay sa kaniyang dibdib at ang kaniyang bisig ang nagsisilbi kong tahanan. Sa init ng kaniyang yakap at sa lamyos ng kaniyang paghawak ay nakahanap ang puso ko ng kanlungan. Ngunit, kagaya ng buwan, alam kong lahat ay may katapusan at ang mga alaalang pinagsaluhan namin ay maglalaho rin pagdating ng araw. “Mahal?” pagtawag ko sa kaniyang pansin. Ang mga mata niyang nangungusap ay tumuon sa akin. “Bakit ka umiiyak?” marahan niyang tanong habang pinupunasan ang luhang naglandas sa aking pisngi. Kumawala ang mga daga sa aking puso nang marinig ko ang malamyos niyang boses. Kinuha ng malaya niyang kamay ang aking palad at marahang ipinagsalikop ang mga ito habang unti-unting bumababa ang kaniyang tingin sa aking mga labi. “Mabaya. Kasing kulay ng mga rosas,” mahina niyang turan habang naglalakbay ang hinlalaking kanina’y nagtuyo sa ‘king mga luha sa nakasara kong labi. Pataas, papunta sa pisngi kong malaya na niya ngayong hawak. “Pinaghalong kahel at kunig. ‘Sing ganda nang papalubog na araw tuwing dapit-hapon,” sambit niya habang hinuhuli ang aking tingin, pilit na tinatantya ang ga-balong palaisipang nananahan sa aking mga balintataw. “Bughaw. ‘Sing payapa ng kalangitang puno ng sinag ng araw,” sabi niya habang unti-unting inilalapit ang mukha sa akin. Ramdam ko ang kaniyang hininga habang magkalapat ang magkaparehong dulo ng ilong namin. “Mahal, ikaw ay isang bahagari. At sa iyong mga kulay ay nakahanap ang puso ko ng pahinga.” Ang puso kong kaninang nakikipagkarera ay tuluyan nang sumuko sa laban ng pag-ibig. Kinulong ko sa kaniyang mga mata ang aking paningin at pait na napangiti. Bahaghari. Kagaya ng bahagri ang kulay ko’y kukupas din pagdating ng araw at sa pagkakataong iyo’y nais kong maabot mo ang iyong pangarap nang muli kitang matanaw, mayakap, at mahagkan sa pamamagitan ng mga ulap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD