Genevieve's POV
Ang sabi nila mommy ay pupunta sila Enzo ngayon dito sa bahay namin upang pag-usapan ang kasal naming dalawa. Maikasal man kami ay sisiguraduhin ko na isang linggo pa lang ay makikipag divorce na siya sa akin. Ayoko kayang makasama siya ng matagal sa iisang bahay. Nasusuklam ako sa kanya, at kahit na ano pa ang gawin niya ay hindi na mababago pa ang nangyari nuon sa amin. Hinding-hindi ko makakalimutan na sa batang edad namin nuon ay sinampal niya ako. I despise him with every fiber of my being dahil sa ginawa niyang 'yon sa akin.
Napatingin ako sa salaming kaharap ko, wala akong make-up ngayon, kitang-kita ko ang kagandahan ng mukha ko... ang natural na mukha ko na walang kahit na anong make-up at pagpapanggap. Humugot ako ng malalim na paghinga, nakatitig lang ako sa salamin.
"Hinding-hindi makikita ng Ezi na 'yon ang mukhang ito, tanging si Genevieve nerdy girl lang ang makikilala niya at hindi ang tunay na ako." Wika ko sa kaibigan ko na nakadapa sa kama. Natawa siya ng mahina at tumingin sa akin.
"Hindi mo pa rin makalimutan ang ginawa niya sa'yo nuon? Kung sabagay, walang puso ang Ezi na 'yon, dapat lang na hindi niya makilala ang maganda mong mukha." Sagot ng kaibigan ko. Napatingin ako sa phone niya. Nakikita ko ang larawan ni Kuya Caleb at ni Kuya Kayden.
Naupo ako sa kama at tinignan ko ang larawan ng dalawa kong kapatid na tinititigan niya. Kuha ito sa isang beach na kasama ni kuya ang mga kaibigan niya. Walang pang-itaas ang mga kuya ko at kita ang magandang pangangatawan nila, marami ding babae ang nakapalibot sa kanila at dalawa sa kanila ay yakap ni Kuya Caleb ng tig-isa nitong braso. Palikero si Kuya Caleb kaya ayokong sa kanya maiinlove ang kaibigan ko sa kanya dahil sigurado akong masasaktan lang si Tami dahil hindi siya gusto ng kuya ko, pero nakikita ko kay Tami na mahal nya talaga si Kuya Caleb kahit nuong bata pa kami. Marami mang gwapo ang nakakaharap niya pero kunwaring kinikilig lamang ang ginagawa niya upang pagtakpan ang tunay na damdamin niya sa kapatid ko. Alam ko na hindi siya gusto ni Kuya Caleb ko, kilala ko ang dalawa kong kapatid lalo na si Kuya Caleb. May babae itong mahal, at para sa kanya ay kapatid lamang ang turing niya kay Tami. Concern si Kuya Caleb kay Tami, kahit naman si Kuya Kayden ko, pero kung minsan kasi ay nabibigyan ito ng kahulugan ni Tami. Minsan ko na siyang kinausap tungkol dito, pero ngumiti lang siya sa akin at hindi ko alam kung pinapakinggan niya ako.
"Bestie anong oras ba darating ang groom to be mo?" Tanong niya na ikinasalubong ng kilay. Napangiwi pa ako ng mukha dahil parang hindi ko maatim na groom to be ko nga ang Ezi na 'yon.
"Ewan! Sana huwag na lang sila makarating. Sana magkaroon ng biglaang bagyo tapos malalaking kidlat para hindi sila makalabas pa ng bahay para hindi na sila matuloy dito, basta huwag lang babaha." Natawa naman ang aking kaibigan dahil sa tinuran ko. Nginusuan ko naman siya dahil sa pagtawa niya sabay irap ko, pagkatapos ay nagtungo na ako sa banyo para maligo. Kailangan ko na ring maghanda dahil sabi ni mommy ay siguradong darating sila mamayang gabi. Mahigit alas kuatro na ng hapon kaya kailangan ko ng mag-ayos ala nerdy girl para naman masuka na siya sa anyo ko at umatras na agad sa kasal namin.
Kapag nangyari 'yon ay babalik na din agad ako ng America upang ipagpatuloy ko na ang buhay ko duon. Ayoko dito sa Pilipinas dahil pinapaalala lang ng lugar na ito kung paano ako sinampal nuon ni Ezi nuon. Naaalala ko pa kung ano ang tawag niya sa akin nuon, 'Geneviooiiink.' Iyan ang tawag niya sa akin nuon. Pero ngayon ang ganda ng katawan ko na itinatago ko sa malalaking damit upang hindi mapansin ni Ezi ang balingkinitan kong katawan. Marami din akong biniling bagong damit na halos hanggang sakong ang haba at long sleeve din ito. Mas okay sa akin ang ganitong damit para naman mas lalo niya akong ikahiya at mas mapabilis ang pag-atras niya.
Hindi naman nagtagal ay natapos na rin agad akong maligo. Tinuyo ko agad ang buhok ko at naglagay ulit ako ng hair spray para tumigas ang buhok ko. Kinuha ko ang make-up ko at nagsimula na naman akong magpinta at sinabayan na din ako ng aking kaibigan dahil bukas pa siya uuwi sa kanila. Wala pa kasi ang Kuya Matthew niya at bukas pa darating galing ng England. Wala naman siyang makakasama sa malaking bahay nila kaya dito na lang muna siya sa amin nag stay, at mas okay sa kanya 'yon dahil araw-araw niyang nakikita ang kuya ko.
After getting dressed and doing my makeup, I couldn’t help but smile... I had actually gone out of my way to make myself look even less appealing, 'yung parang kapag nakaharap ulit nila ako, parang dadalo lang ako ng Halloween party. I also wore a long dress that reached down to my ankles, with sleeves all the way to my wrists and buttons done up to my neck, hoping it might finally intimidate that annoying Ezi. Tignan ko lang talaga kung ituloy pa niya ang kasal namin. Baka nga tumakbo 'yon palabas ng mansyon ng mga magulang ko. Iyon naman ang gusto kong mangyari kaya todo effort ako sa pagpapapangit ko. I didn’t bother brushing my hair too neatly either... I simply added some hairspray and tousled it slightly for a messy look. Huh! Tignan ko lang talaga kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya ulit ako mamaya.
"Wait bestie, tignan mo itong binili ko kanina, inilalagay ito sa ngipin para magmukhang may tinga kang itim para kunwari hindi ka nag toothbrush." Bigla akong napatingin sa kaibigan ko habang namimilog ang mga mata ko. Perfect! Kailangan ko rin 'yon.
"The best ka talaga bestie!" Nakangiti ako sa kanya at kinuha ko ang bagay na ibinigay niya sa akin. Talagang isiningit ko ito sa ngipin ko sa harapan, at saka ako ngumiti ng pagkalaki-laki. Wow, I love it!
"Ayyy, bongga!" Tuwang-tuwa na sabi ni Tami kaya nag high five pa kaming dalawa. Napatingin ako sa orasan na nasa gilid ng aking kama. Mag-aalas sais na ng gabi kaya siguradong pag-dating nila ay tatawagin na agad kami ni Mommy dito. Excited na talaga ako.
"Dito na lang muna tayo Tami, huwag muna tayong lalabas. Hintayin nating tawagin tayo ng kasambahay para naman bongga ang pagbaba natin ng hagdanan... 'yung tipong mapapanganga sila at aawang ang mga labi nila habang bumababa tayo ng hagdanan. 'Yung tipong mag-slow motion ang buong paligid nila kapag nakita na nila tayo." Sabi ko. Kumukumpas-kumpas pa talaga ako ng kamay habang ini-imagine ko ang mga mangyayari.
"Ayyyy, bet na bet ko 'yan bestie!" Tumitili pa ang kaibigan ko. Napatingin akong muli sa harapan ng malaking salamin at ngumiti ako ng napakalaki, 'yung kita lahat ng ngipin ko kaya natutuwa ako habang nakikita ko ang itim sa pagitan ng ngipin ko. I'm sure na aatras na ito ngayon sa kasal na gusto ng mga magulang namin.
Hindi nagtagal ay ilang katok sa pintuan ang nagpangiti sa amin. Sigurado akong dumating na nga ang pinakahihintay namin... ang groom to be ko. Tignan lang namin kung hanggang saan niya kakakayanin ang pagiging nerdy girl ko. Hindi na nga yata nerd ang look ko, parang pa-aswang na. Sa isiping 'yon ay natawa ako ng malakas.
"Senyorita, pinapatawag na po kayo ng mommy ninyo, dumating na po kasi ang mga bisita ninyo at naghihintay na po sila sa living room." Sabi ng isang kasambahay namin. Naghawak kamay kami ni Tami at binuksan na namin ang pintuan, and of course, muling natakot ang kasambahay namin ng biglang bumulaga sa kanya ang pagmumukha namin ni Tami. Isang malaking ngisi ang ibinigay namin sa kanya. Ibig lang sabihin ay epektib ang ginawa namin ng kaibigan ko.
Pagkaalis ng kasambahay namin ay nagkatinginan kaming dalawa ni Tami. Bigla kaming natawa ng malakas dahil tila ba nalalapit na kami sa hitsura ng mga aswang.
"Natakot yata natin ang kasambahay ninyo." Bulong niya kaya muli kaming natawa ng malakas.
Nagsimula na kaming maglakad hanggang makarating kami ng ituktok ng hagdanan. Unang napatingin sa amin si Kuya Caleb. Nakatayo ito at kinawayan niya ako kaya lahat ay napatingin sa amin. Nagsimula na kaming lumakad pababa ng hagdanan ng kaibigan ko, pero syempre dahil ako daw ang bride to be, dapat nauuna ako sa pagbaba ng hagdanan.
Ilang baitang na lang sana at nasa ibaba na ako. Ang laki pa naman ng pagkakangiti ko ng bigla kong matapakan ang laylayan sa harapan ng suot kong dress. Na out balance ako at bigla akong bumagsak sa baitang ng hagdanan, at nagsimula akong mahulog na kumakaldag ang pwet ko sa bawat steps ng hagdanan na parang bolang tumatalbog, at kahit anong pigil ko ay tuloy-tuloy na akong nahulog pa-ibaba.
"Oh my god, Genevieve!" Malakas na sigaw ng aking ama at ina, habang si Enzo at ang dalawa kong kuya ay nagmamadaling tumakbo papalapit sa akin upang tulungan ako. Unang nakarating si Kuya Caleb na binuhat agad ako at iniupo ako sa sofa. Nakasubsob ang mukha ko sa dibdib ni kuya dahil pahiyang-pahiya ako. Sobrang sakit ng puwitan at balakang ko. Gusto kong himasin ang pwet at balakang ko, pero nahihiya naman ako dahil lahat sila ay nakatunghay sa akin. Malakas na pagtawa naman ang maririnig kay Ezi. Nagawa pa talaga niya akong pagtawanan sa halip na tulungan ako kanina. Napaka walanghiya talaga ng impaktong 'to! Bakit ba kasi dito pa ako ikakasal?
"Oh my god! Epic, I tell ya!" Ani ni Ezi na tumatawa talaga ng malakas, kaya napagalitan siya ng kanyang ama. Buti nga sa kanya!
Grabe ang pagkapahiya ko sa nangyari, akala ko mapapanganga ko sila sa gagawin ko pero nakarma agad ako. Ilang minuto pa... well, let say na umabot ng twenty minutes ang pagkapahiya ko bago ako humarap sa kanila. Napapangiwi ako dahil nararamdaman ko ang kirot sa puwitan ko, nakakahiya talaga ang nangyari sa akin.
Nakikita ko sa mukha ni Ezi na pilit niyang pinipigilan ang kanyang pagtawa. napagalitan na kasi siya dahil sa kasamaan ng ugali niya. Napatingin naman ako kay Kuya Kayden na hindi na talaga napigilan ang pagtawa at bumunghalit na talaga ito ng tawa. Halos maiyak ako sa pagkapahiya ko, pero pinigigilan ko lang dahil ayokong makita ni Ezi na isa akong talunan. Bakit ba naman kasi ang haba ng isang dress na ito. Nakakainis talaga!
"Halina kayo sa hapag kainan, at habang kumakain tayo ay itatakda natin ang kasal ninyo sa Sabado." Nagulat ako sa sinabi ng aking ina kaya napatayo akong bigla at tila ba nawala ang matinding sakit ng balakang at puwit ko. Magsasalita sana ako pero pinigilan ako ni Kuya Caleb.
"Duon ka na magreklamo sa dining area." Bulong niya sa akin. Ang masamang titig ko naman kay Ezi ay hindi mawala-wala.
"Grabe bestie, ang bongga ng pagkakalaglag mo ha. Napahawak tuloy ako ng mahigpit sa railing para hindi ako mahulog. Nakakahiya kaya!" Bulong naman ng kaibigan ko kaya inirapan ko siya. Isa pa 'to eh! Napahiya na nga ako dahil sa nangyari, pero siya ay parang gusto na rin akong pagtawanan.
Habang kumakain kami ay nag-uusap ang mga magulang namin tungkol sa kasal daw namin sa Sabado. Gusto ko na sana silang iwanan dito dahil ayoko talagang maikasal sa impaktong Ezi na ito. Pero ayoko namang mapahiya sila mommy. Ayokong sumama ang loob nila sa akin kaya wala naman akong magawa kung hindi ang magpatianod na lang sa kagustuhan nila.
"Simpleng kasalan lang naman ang mangyayari muna, kaylangan lang nating madaliin bago pa may umatras na isa sa kanila. Saka na natin pag planuhan ang engrandeng kasal para sa kanilang dalawa." Napatingin ako dahil sa sinabi ng ina ni Enzo. Gusto ko talagang tumutol, pero walang salita na lumalabas sa bibig ko.
"Agree ako diyan amiga, simpleng kasalan lang muna at tayo lang ang dadalo. Pagkatapos ng kasal nila ay sa condo na ni Ezi uuwi si Genevieve, hindi ba at mas okay 'yon?" Nagulat naman ako sa isinagot ng aking ina.
"What? Ayoko nga mom, manyakin pa ako ng Ezi na 'yan!" Nakataas ang kilay ko, hindi ako papayag!
"Excuse me? Kahit maghubad ka sa harapan ko ay hinding-hindi kita hahawakan. Kahit ang dulo ng buhok mo, wala akong balak na hawakan. Taas ng pangarap mo ha!" Seryosong sabi ni Ezi na may halong pang-iinsulto niya sa akin. Isang irap ang ibinigay ko sa kanya, bwisit talaga ang lalaking ito!
Napatingin naman ako kay Enzo na nakatitig pala sa akin, at nababasa ko sa kanyang mga mata ang matinding kalungkutan na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Baka heartbroken, baka nag break sila ng girlfriend niya. Hindi na ako kumibo pa. Napatingin ako kay Ezi na malamig na nakatitig sa akin at napapailing ng kanyang ulo. Ang tingin ko sa kanya ay tila ba nandidiri siya sa hitsura ko. Isang ngiti ang binigay ko sa kanya na litaw ang lahat ng ngipin ko. Alam ko na nakakabit pa rin ang nilagay kong itim na bagay sa ngipin ko, at nakita ko ang pag ngiwi niya na tila ba nandidiri sa akin. Dahil sa reaksyon niya ay mas lalo kong nilakihan ang pagkakangisi ko sa kanya. Umakto agad ito na parang naduduwal kaya tuwang-tuwa ako. Tama 'yan, mandiri ka sa akin impakto ka!