Ezekiel's POV
"What the hell, Dad! Nakikita ba ninyo ang hitsura ng babaeng ipapakasal ninyo sa akin, ha? My god naman! Gagawin ninyo akong katawa-tawa sa harapan ng maraming tao niyan eh!" Galit ako, hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Oo totoong six years ago ay masyado akong na-guilty dahil sa nagawa ko nuon kay Genevieve, but that was six years ago pa at sinubukan ko naman na mahanap siya at makontak upang makahingi ako ng patawad sa nagawa ko. Pero mula nuon ay binura na niya ang mga social media niya kaya wala ng paraan pa para makahingi ako ng tawad sa kanya, hanggang sa nakapag move on na ako at kinalimutan ko na ang mga nakaraan ko na pambubully ko sa kanya.
"Siguro naman enough na 'yung nagsisi ako for six years sa nagawa ko, hindi ba? Pero ang ipakasal ninyo ako sa kanya ay sobra-sobra naman. May girlfriend ako dad, kaya please lang huwag ninyo akong ipakasal sa kanya." Hindi talaga ako makapaniwala na ipapakasal nila ako. Akala ko ay hindi na ito matutuloy pa.
"Wala kang girlfriend Ezi, at si Briselda ay palipasan lang ng init ng katawan mo. Alam mo 'yan, at kahit nga katiting ay wala kang pagmamahal sa babaeng 'yon, hindi mo nga alam ang salitang pagmamahal." Pang-aasar naman sa akin ni Enzo. Isa pa itong kakambal ko. Bakit hindi na lang kaya sa kanya ikasal ang babaeng nerd na 'yon? Mas lumala pa ngayon ang hitsura ng babaeng 'yon. Hindi ako makapaniwala na after six years, mas lalala pa ang hitsura niya.
"I don't care, Enzo! Kung gusto mo ikaw ang magpakasal kay Genevieve. Wala akong pakialam basta huwag lang ako!" May kalakasan ang boses ko at wala akong pakialam kahit mapagalitan pa ako.
"Tumigil ka Ezi, dahil sa ayaw at sa gusto mo ay ikakasal ka kay Genevieve!" Sigaw ng aming ama. Napapailing na lamang ako ng aking ulo at pabagsak akong napaupo sa sofa. Hindi ako makapaniwala na mangyayari sa buhay ko na magpakasal sa isang pangit na katulad ni Genevieve.
Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko na nasa ibabaw ng coffee table at galit akong naglakad palabas ng bahay. Wala ako sa mood makipag-talo sa kanila tungkol sa kasal na 'yan. Sana lang ay maisip ng aking mga magulang na hindi nila ako dapat pinipilit na maikasal sa babaeng 'yon.
"Ezi! Saan ka pupunta?" Sigaw ng aking kapatid habang naglalakad ako papalabas ng bahay namin. Hindi ako huminto sa paglalakad, pero galit akong sumigaw sa kanya. Siya lang ba ang marunong sumigaw?
"Sa impyerno!" Hindi ko na hinintay pa na sumagot ang kakambal ko o kahit na ang mga magulang ko. Lumabas na lang ako at nagtungo ako kung saan nakaparada ang sasakyan ko.
Pagkasakay ko ng aking sasakyan ay napapailing na lamang ako, hindi ako makapaniwala na si Genevieve ang babaeng kaharap namin kanina. Nuong bata pa kami, kahit papaano ay may hitsura naman siya, pero ngayon... my God, para siyang pinagtaksilan ng panahon! Para siyang tinalikuran ng kagandahan at nabuhay sa pangit na mundo katulad ng pagmumukha niya, silang dalawang magkaibigan. Ngayon ay ipapakasal pa ako sa kanya, paano na lamang ang kahihiyan ko? Damn it!
Kung 'yan ang gusto nila ay wala akong magagawa kaysa naman tanggalan nila ako ng mana. Pero sisiguraduhin ko na magiging lihim lang ang kasal namin at tanging kaming pamilya lamang ang makakaalam ng tungkol dito. Kailangan kong kausapin ang aking ama tungkol sa kondisyon kong ito. Ayokong maging tampulan ng tukso kapag nalaman ng lahat kung kanino ako ikinasal.
Mabilis akong bumaba ng sasakyan ko at halos patakbo akong bumalik sa loob ng mansyon ng mga magulang ko.
"Dad, payag akong ipakasal kay Genevieve pero sa isang kondisyon, dito lang sa bahay gaganapin ang kasal at walang kahit na sinong makakaalam. Isang judge ang magkakasal sa amin at bahala na kayo kung sino man ang gusto ninyong kuhanin, basta walang lalabas na balita tungkol dito." Wika ko, sunod-sunod para maintindihan agad nila. Napatingin sa akin ang mga magulang ko at napapailing sila sa akin. Ipinilit ko sa kanila na 'yun ang kondisyon ko kung gusto nilang matuloy ang kasal namin ni Genevieve. Hindi ako haharap sa simbahan at sa maraming tao na si Genevieve ang nakakapit sa braso ko as my bride. No way! Ayokong malagay sa kahihiyan.
"Sige at tatawagan ko ang mga magulang ni Genevieve tungkol sa kondisyon mong 'yan."Sagot ng aking ama. Ramdam ko ang disappointment nila, pero wala akong magagawa. Hindi na ako kumibo pa at tuluyan na akong lumabas ng bahay upang puntahan naman ang aking mga kaibigan na nauna na sa bar. May usapan kami na mag-iinuman ngayong gabi, late na nga ako dahil sa inis ko tungkol sa kasunduang kasal na 'yan.
╰┈➤ Nakarating ako ng bar at sinalubong naman agad ako nila Randle. May hawak pa itong dalawang bote ng beer at ang isa ay mabilis na iniaabot sa akin.
"Nakita mo na ba ang babaeng pakakasalan mo? Maganda ba? Excited na kaming makilala ang maswerteng babae kaya magkwento ka na. Nangako ka sa amin na ipapakilala mo siya sa amin kaya kwento na bilis, para kapag ipinakilala mo na siya sa amin ay parang kilala na rin namin siya." Boses ni Randle. Hindi agad ako nakapag salita dahil hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin sa kanila ang nangyari. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila na ang babaeng nakatakdang ikasal sa akin ay pinagtaksilan ng kagandahan kaya puro na lang kapangitan ang natira sa pagmumukha niya.
"Gusto kong maglasing, gusto kong magpaka lunod sa alak dahil ang babaeng pakakasalan ko ay parang babaeng naaagnas. Pangit na nga ang mukha, nerd pa. Kung nakita ninyo sana ang suot niya, grabe pare mapapatakbo ka ng wala sa oras. Kung hindi ko nga lang talaga iniisip ang mamanahin ko ay hindi ko talaga pakakasalan ang Genevieve na 'yon. Ang pangit ng mukha niya, ang kapal ng kilay niya na akala mo ay namimintog na linta." Nagulat sila sa tinuran ko.
"Teka pare... alam mo ba na may nakabangga sa amin kanina ni Dave sa mall na isang babae na nakasuot ng makapal na salamin? May makakapal na kilay ang babaeng 'yon at puno ng kolorete ang mukha na akala mo clown, tapos ang buhok parang kasing tigas ng walis tambo. Dalawa sila, 'yung isa ay may bangs pa. 'Yung walang bangs ang pangit ng ugali, binato pa kami ng sapatos at ang gusto ay itayo namin siya. For all I know sinadya niyang banggain kami upang maka tsansing siya sa amin." Wi ni Randle na ikinalaki ng mga mata ko. Hindi ako makapaniwala, at talagang nagkalat pa ang dalawang 'yon ng kahihiyan sa mall.
"Sila nga 'yon! 'Yung may bangs ay ang kaibigan niyang si Tami, at ang isa ay si Genevieve. Mga bilyonaryang mukhang impakta!" Wika ko, at malalakas na tawanan ang namutawi sa kanilang lahat. Alam ko na ako na ang pinagtatawanan nila ngayon. Buhusan ko kaya ng alak ang mga ito, pagkatapos ay sindihan ko para masunog na sila.
"Oh my god, pare, you are doomed!" Ani naman ni Jack. Napahilamos ako ng aking palad sa aking mukha. Hindi ako makapaniwala, at talagang nagkalat pa sila sa mall bago makipag kita sa amin ng mga magulang ko.
"Guys, ito ba ang babaeng tinutukoy ninyo? Ito 'yung kumakalat ngayon sa social media na pinost ni Briselda. Tignan ninyo ito, sobrang pangit, kung ito ang pakakasalan mo pare mas gugustuhin ko pa na mawalan ako ng kayamanan kaysa naman makatabi ko 'yan sa kama. Ewwww! Seryoso ka ba na magpapakasal ka sa ganyan ang hitsura?" Sabi ni Carlos. Napatingin akong bigla sa phone niya, at ganoon na lamang ang gulat ko ng makita ko nga si Genevieve na nakasalampak sa sahig. Binato nga niya ng sapatos ang mga kaibigan ko dahil gusto niyang itayo siya ng mga ito. Damn it! Hindi pa man kami naikakasal ng babaeng 'yon, puro na agad kahihiyan ang ginagawa niya.
"Nakakahiya ka talaga Genevieve!" Hindi talaga ako makapaniwala ng mapanuod ko ang video, at binasa din namin ang lahat ng comment, at lahat ng comment ay puro panlalait ang sinasabi sa babaeng magiging asawa ko. Ito ba ang babaeng gusto ng mga magulang ko para sa akin? Pero kailangan ko siyang pakasalan. After ng kasal namin ay isasalin na nila sa pangalan ko ang mamanahin ko. Sabi ng ama ko dapat ay mapanatili ko na maayos ang kasal namin sa loob ng dalawang taon na hindi kami naghihiwalay. Well, after two years ay mag file agad ako ng divorce. Hindi na nila mababawi sa akin ang mana ko kapag lumagpas na ng two years.
"Makaramdam ka kaya ng libog sa babaeng 'yan sa gabi ng honeymoon ninyo?" Ani sa akin ni Randle kaya umuugong ang malakas na tawanan mula sa kanila. Hindi ko pa man siya napapakasalan ay puro na agad kahihiyan ang nararanasan ko ngayon, paano pa kapag naikasal na kami ng babaeng 'yon?
"Dalawang taon lang bro, after ng two years ay goodbye na sa kanya. Mag file agad ako ng divorce sa oras na makuha ko na ang lahat ng mamanahin ko sa mga magulang ko. Bahala na siya sa buhay niya after ng divorce." Wika ko. Seryoso ako.
Wala na akong magagawa pa, para sa mamanahin ko ay tinatanggap ko ang kasal. Pero kaylanman ay hindi ko siya sisipingan, kung iyon ang inakala niya na mangyayari sa gabi ng honeymoon namin ay nagkakamali siya. Sa ibang kandungan ako magpapakasarap at hindi sa kanya. Hindi ko maaatim na sumiping sa isang pangit na katulad niya. Hinding-hindi mangyayari. Pasalamatan na lang niya ako na may isang gwapo pa na katulad ko ang magpapakasal sa kanya, pero dahil lamang ito sa kasunduan ng dalawang pamilya.