Chapter 1
Ezekiel's POV
Papalabas na kami ng school ng makita ko si Genevieve na naglalakad-lakad at mukhang hinahanap na naman ang kasing-taba nyang kaibigan na si Tamiya. Mabilis akong nagtago sa may likod ng puno at inantay siyang makarating sa kinaroroonan ko. Nang huminto siya sa pinangtataguan ko ay lumingon siya sa paligid habang hinahanap ang kaniyang kaibigan, at habang nasa likod ako ng puno ay nag-iisip ako ng kalokohang gagawin ko sa kaniya. Napatingin ako sa hawak kong milkshake pero umiling lamang ako kaya nag-isip pa ako ng iba kong gagawin. Ngunit wala naman akong maisip, kaya lumabas na lamang ako sa pinagtataguan ko at patabig ko siyang dinaanan na halos ikatumba na niya. Tumingin ako sa kanya at kinunutan ko siya ng noo. Kunwaring hindi ko sinasadya ang ginawa ko sa kanya at sinigawan ko siya.
"Huwag ka ngang haharang-harang sa dinaraanan ng mga tao, sa laki mong 'yan sakop mo lahat ng daan." Pang-iinsulto ko sa kanya, ngunit hindi naman nya ako pinansin kaya mas nakaramdam ako ng pagkainis dahil kahit ano yata ang gawin ko ay hindi tinatalaban ang babaeng ito. Palibhasa mataba kaya tumatalbog lang sa kanya ang lahat ng mga sinasabi kong pang-iinsulto.
"Kapag dumadaan ako tatabi ka. Sa laki mong 'yan ang dami mong naaabalang estudyante dahil hindi makaraan sa'yo. Mataba na, apat pa ang mga mata. Saka nagsusuklay ka ba? Nakikita mo ba ang hitsura mo sa salamin, ha?" Muli kong pang-lalait sa kanya ngunit bale-wala lang talaga ang mga ito sa kanya. Magsasalita na lang sana akong muli ng biglang dumating ang aking kapatid na tagapag-tanggol ng babaeng ito. Huwag n'yang sabihing tipo nya ang katulad ng Genevieve dahil nakakahiya siya.
"Tigilan mo pang-iinsulto mo Ezi baka isumbong na kita kay daddy." Wika nya na tinawanan ko na naman. Diyan s'ya magaling, ang magsumbong sa aming ama. Akala mo naman ay napakatino nyang anak samantalang marami rin naman siyang mga kalokohang ginagawa.
"Dumating na naman ang Knight in shining armor ni taba." Wika ko at hinila na agad ako ng aking kapatid papasok sa loob ng sasakyan. Maepal talaga itong si Enzo kahit kaylan kaya nakakainis. Pero bago ako tuluyang pumasok sa aming sasakyan ay napatingin pa ako kay Genevieve, at huling-huli ko siya na nakangiting nakatitig sa aking kapatid kaya napakunot ang aking noo.
"Mukhang pinagpapantasyahan ka ni cholesterol bro. Ang lagkit ng tingin sa'yo, parang masebong taba ng baka." Mapang-asar kong ani na hindi naman nya pinansin. Uso ba talaga ang pang-dedeadma ngayon? Mukhang mahaba ang pasensya ngayon ng dalawang ito.
Pagkauwi namin sa bahay ay dumiretso na agad ako sa likod ng mansion upang maglaro ng basketball. Pero sinundan naman ako ng aking kakambal at galit na galit na naman ito sa akin.
"Tigilan mo nga pang-iinsulto mo kay Genevieve, hindi ka naman inaano nung tao ah! Tumigil ka na Ezi dahil hindi ka na nakakatuwa." Naiinis na sabi sa akin ng aking kapatid na hindi ko naman pinapansin at patuloy lamang ako sa pagdi-dribble ko ng bola. Bigla naman niyang inagaw ang bola sa kamay ko at ibinato niya ito sa malayo kaya sa sobrang inis ko ay itinulak ko s'ya ng dalawang kamay ko na muntikan na niyang ikabagsak.
"Problema mong gago ka ha?" Naiinis ako, masyado siyang pakialamero. Gago siya, mukhang may tama pa yata itong kakambal ko sa matabang 'yon na mukhang hindi nagsusuklay sa loob ng isang linggo. Idagdag mo pa ang may kakapalan na suot nitong salamin, ang gago at walang ka taste-taste pagdating sa babae.
"Just leave her alone! She doesn’t need your bullshit." Malakas nyang sigaw at nilayasan na din agad ako. Kinuha ko naman ang bola at naglaro akong mag-isa ng basketball. Napapangisi na lang ako sa kakambal ko. Mukhang may tama nga yata ang isang 'yon kay Genevieve.
Oras ng hapunan ay hindi kami nag-uusap na magkapatid kaya napapatingin na lamang sa aming dalawa ang aming mga magulang.
"May problema ba kayo ng kapatid mo ha Enzo?" ani ng aking ina sa tukmol kong kapatid. "Wala po, may iniisip lang po akong project namin sa school na kailangang maipasa bukas." Well, totoo naman ang sinabi niya na may proyekto kami bukas, pero tapos na naming gawin yon kahapon pa. Tinanguan lamang siya ng aming ina, at pagkatapos ay tahimik na naming tinapos ang aming masarap na hapunan at nagkanya-kanya na kami ng pasok sa aming mga silid.
Mukhang ang aking kapatid ay nagkakagusto pa yata sa isang nerd, hindi maaari ito. Taglay nya ang mukha ko at ayokong isipin ng lahat na iisa lang ang taste naming magkapatid pagdating sa babae. Kailangang gumawa ako ng paraan para mawala 'yang babaeng 'yan sa landas naming dalawa. Pumikit ako habang nakahiga ako sa aking kama at napapaisip ako, maganda naman si Genevieve kahit mataba siya at may makapal na salamin sa mata. Pero nerd pa rin, at ang buhok? Geez! Mayaman naman sila pero parang hindi kilala ng babaeng 'yon ang suklay or hairbrush.
……✎
Kinabukasan, alas otso pa lang ng umaga ay nandito na kami ng aking kapatid sa school, alas nuwebe pa ang simula ng klase namin pero maaga pa lang ay nagpahatid na si Enzo, hindi ko tuloy maaabutan sa pagpasok mamaya si Genevieve. Aantayin ko na lang siya, may trenta minutos pa naman kaya hihintayin ko siya dito sa labas para asarin.
"Let's go Ezi, tulungan mo akong ayusin ang project natin para sa presentation natin mamaya." Napalingon naman ako sa kakambal ko. Aayusin? Tapos na kaya 'yung proyekto namin. Ano problema ng unggoy na ito at mukhang gusto pa yatang magpatulong sa akin sa pag-aasikaso ng proyekto namin kahit tapos na naman ito. "Ikaw na lang, tapos na naman 'yan. Ipapatong mo lang naman 'yan sa table, hindi mo kayang gawin?" Tatalikuran ko na lamang sana siya ng bigla nya akong hinawakan sa aking braso. Napatitig ako sa kanya at nakikita ko na inis ito sa akin.
"I said, let's go." Ani nya kaya napahilamos na lamang ako sa aking mukha ng aking palad sa sobrang pagkainis na aking nararamdaman. Pagkatapos ay sumunod na lamang ako sa kanya habang napapatingin ako sa entrance ng school dahil baka papasok na si Genevieve. May nakahanda pa naman akong pang-iinsulto para sa kanya pero hindi ko na magagawa dahil sa bwisit kong kakambal. Napatingin ako sa aking kakambal na diretso lamang na naglalakad patungo sa sa ikalawang palapag ng building kung saan naroroon ang aming room.
"Hi Ezi." Malanding ani ng isang magandang babae na sa tingin ko ay ito ang kaklase ni Genevieve. Hmm, bakit hindi? Kakaibiganin ko ito para makapasok ako sa loob ng room nila ng hindi sila nagtataka para malaya kong mabubully 'yang Genevieve na 'yan. Tama. Bakit nga ba hindi ko gawin 'yon?
"Hi!" Bati ko na ikinagulat nya at kulang na lang ay magkikisay sa sobrang kilig nya kaya napataas ang dalawa kong kilay sa kanya. Geez.... problema ng babaeng ito?
Isang sigaw na naman ni Enzo ang nagpalingon sa akin kaya lakad-takbo na akong sumunod sa kaniya. Pasalamat s'ya at nauna lang siya ng isang minuto sa akin kaya siya naging panganay. Pagkapasok namin sa aming classroom ay panay ang tingin ko sa aking orasang pambisig. Malapit ng magsimula ang klase namin at gusto ko ng makalabas ng room bago pa dumating ang teacher namin. Mayamaya lang ay siguradong paparating na sila Genevieve, at kung hindi pa ako aalis dito ay hindi ko na maaabutan ang babaeng 'yon.
"Hindi pa ba tapos 'yan Enzo? Napakatagal naman n'yan." Naiinis kong ani sa aking kapatid. Ngunit tila ba mas lalo pa niyang binabagalan ang kilos niya kaya napapasabunot na ako sa aking sarili. Inis na inis ako sa kakambal ko dahil parang nananadya ito. Hanggang sa tumunog na ang bell ng school. Hudyat ito na dapat ang lahat ng estudyante ay nasa loob na ng kanilang mga classroom at wala ng naglalakad pa sa labas. Bwisit na bwisit talaga ako.
"Done!" wika ng aking kapatid at napatingin naman ako sa sinasabi nyang 'done' na daw, pero lintik 'yan, parang wala namang nabago sa ginawa nya. 'Yun pa rin naman 'yon kaya napatingin ako sa kanya ng salubong ang aking kilay at isang ngisi naman ang pianakawalan nya sa akin. Problema ng kapatid kong ito? Nang dahil sa kaniya ay nakalagpas sa pambubully ko ang Genevieve na 'yon. Bwisit talaga! Nakakainis dahil pakiramdam ko ay sinadya talaga 'yon ng aking kapatid upang protektahan ang nerd na 'yon mula sa akin. Sisiguraduhin kong mamayang break time ay hindi na siya makakaligtas sa gagawin ko sa kanya.
Matapos ang ilang oras ng klase ay muling tumunog ang bell na hudyat ng lunch time, kaya nagmamadali na akong lumabas ng classroom at hindi ko na nilingon pa ang kapatid ko na hinahabol ako. Bahala ka sa buhay mo dyan.
Pagpasok ko ng canteen ay hinanap agad ng aking mga mata ang babaeng 'yon, ngunit hindi ko mahanap kaya mabilis akong lumabas at nagpunta naman ako sa likuran ng building. Tinignan ko kung nanduon sila ng kaniyang kaibigan, ngunit wala naman kaya bumalik akong muli sa canteen. Pero natuwa ako ng makita ko siya sa sulok kasama ang kaibigan nyang mataba din na si Tamiya kaya napangisi ako. Akma na akong lalapit sa kanila ng biglang humarang sa daraanan ko ang aking kapatid kaya tinabig ko siya, ngunit hindi naman natinag kaya nagsalubong ang mga kilay ko sa kanya.
"Problema mo ba ha?" Natawa pa siya at inilingan ako.
"Tigilan mo si Genevieve Ezi, huwag mo akong piliting patulan ka." Turan nya kaya sa sobrang inis ko ay piniksi ko ang kaniyang kamay at lumabas ako ng canteen. Nagsunuran naman ang aking mga kaibigan at nakikiusyoso kung bakit ganoon na lamang protektahan ng kakambal ko ang Genevieve na 'yon.
"Magsitigil nga kayo! Ang dami nyong tanong, nakakairita! Wala akong maisasagot sa inyo kaya huwag ninyo akong kulitin." Naiinis kong sabi sa kanila. Tumigil naman sila at napakamot na lamang ng kanilang ulo. Ano ba talaga ang problema ng kapatid ko at lagi na lamang akong kinakalaban? Baka akala nya ay natatakot ako sa kanya, hindi ko titigilan ang babaeng 'yon.
Bumalik akong muli sa loob ng canteen at masama kong tinitigan si Genevieve. Nakita kong busy ang aking kapatid sa pagkain kasama ang kaniyang mga kaibigan kaya pasimple akong nakalapit kay Genevieve at Tamiya. Nagulat pa sila ng bigla akong umupo sa bakanteng silya sa table nila.
"Dahan-dahan lang ang paglamon. Canteen ito at hindi kulungan ng mga baboy." Ani ko, sabay ngisi ng may pang-uuyam sa kanila. Nakita ko ang pamumula ng kanilang mga mukha dahil sa pagkapahiya, lalo na at nakatingin na sa amin ang mga estudyante na nakarinig ng aking mga sinabi kaya umuugong ang tawanan sa paligid.
"Yung isang malaking cake, isang subuan lang ni Geneviooiiink." Sabi naman ng aking kaibigan kaya nagtawanan naman kami. Isang kamay ang humaklit sa aking kaibigan kaya napatingin naman ako sa taong naglakas loob gawin 'yon sa harapan ko. Laking gulat ko ng makita kong ang kapatid ko pala ito. I rolled my eyes dahil heto na naman ang knight in shining armor ng piggy oink, oink na ito.
"Labas. Magsilabas kayo o ako gagawa ng paraan para mapatalsik kayo sa eskwelahang ito?" Galit na galit na turan ng aking kapatid, kaya naglabasan naman ang halos lahat ng estudyante na nasa canteen at napatayo naman ako.
"Problema mo ba ha Enzo? Bakit ba pinagtatanggol mo 'yang babaeng 'yan ha?" Galit na galit ako sa kakambal ko, pero hinablot lamang niya ako at mabilis na inilabas mula sa canteen. Paglabas namin ay piniksi ko ang kaniyang kamay para mabitawan ako at masama ko siyang tinitigan.
"Umayos ka Ezi, kung ayaw mong malaman ni Daddy ang lahat ng ito!" Sigaw niya. Napangisi na lamang ako at napailing-iling sa sumbungero kong kapatid. Talagang pinapanindigan niya ang pagiging tagapagtanggol ng babaeng 'yon.
"May gusto ka ba sa cholesterol na 'yon ha?" Natawa naman siya at akma niya akong tatalikuran ng pinigilan ko siya. Pagharap niya sa akin ay sinagot naman niya ang tanong ko.
"Ayoko lang na may binabastos kang babae lalo na at wala namang ginagawang masama sa'yo. Baka nakakalimutan mo kung sino yang binabastos mo ha Ezi. Sakit ka talaga ng ulo." Inis na inis ako sa kanya. Lagi na lang niyang ipinagtatanggol ang babaeng 'yon.
Hindi pa kami tapos ni Genevieve. Aalamin ko kung bakit ganoon na lamang siya protektahan ng kapatid ko. May relasyon kaya sila o baka naman tama ang hinala ko na in-love ang kapatid ko sa cholesterol na 'yon?