Chapter 11 -Sayang ang sabon at tubig-

2036 Words
Ezekiel's POV Nakaupo ako sa aking swivel chair ng tumunog ang intercom ko. Mabilis kong sinagot ang tawag ng sekretarya ko, pero laking gulat ko ng ibang boses ang narinig ko sa kabilang linya. "Calling you, Mister Reed! We have a lunch date today, so Ezekiel Zander Reed, please leave the building and join me for lunch." Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Genevieve sa intercom ko. Matinding galit agad ang naramdaman ko ng marinig ko ang mga pinagsasasabi niya, lalo pa at may mga empleyado ako na nakakarinig sa sinasabi niya. Mabilis akong tumayo at binuksan ko ang pintuan ng aking opisina. Nakita ko si Genevieve na nakaupo sa table ng aking sekretarya kaya naningkit agad ang mga mata ko sa galit dahil mukhang ipapahiya pa ako ng babaeng ito. Agad ko siyang nilapitan at galit kong hinaklit ang braso niya. Halos kaladkarin ko na siya papasok sa loob ng opisina ko lalo pa at ang daming empleyado na ang nakatingin sa amin. Talagang ginagalit ako ng babaeng ito. Gusto talaga niya akong ipahiya sa mga tao. "Anong tinitingin-tingin ninyo? GO BACK TO WORK!" Malakas kong sigaw na ikinapitlag nilang lahat. Mabilis na nagpulasan ang mga empleyado ko na akala mo ay mga nagtatago sa batas. Hinila ko papasok sa loob ng opisina ko si Genevieve at pabalya ko siyang itinulak sa sofa. Ibang klase din talaga ang babaeng ito. Dito pa talaga siya sa building ko nagkakalat ng kahihiyan. "Ouch! Dahan-dahan naman, Ezi! Wait... Oh my! Ito na ba 'yung eksena na pipilitin mo akong angkinin sa loob ng opisina mo dahil hindi ka na makatiis? Dahil sabik na sabik ka na sa akin? Wait lang naman hindi pa ako handa. Check ko muna ngipin ko sa banyo at baka may tinga pa ako para naman hindi nakakahiya kapag hinalikan mo ako." Nagulat ako sa sinabi niya at natawa pa ako ng pagak. Mukhang nababaliw na yata ang babaeng ito at kung ano-ano na ang pinagsasasabi niya sa akin na walang katuturan. Kaylanman ay hindi ko siya hahalikan. "Hindi pa ako nasisiraan ng ulo para pagnasahan 'yang katawan mong hindi ko alam kung pinaliliguan mo ba o panay pabango lang ang nilalagay mo. Kahit maglagay ka pa ng maskara ng pinakamagandang babae sa mundo ay hinding-hindi ko pa rin pagnanasahan ang katawan mong 'yan. Pwede ba Genevieve, umuwi ka na dahil naaalibadbaran ako sa'yo!" Napapailing na lamang ako ng ulo sa kanya. Sa halip na sumagot siya sa akin ay tumayo lang siya at biglang kumapit sa braso ko. Napaatras akong bigla at naitulak ko siya ng bahagya. Hindi pa rin ako makapaniwala na ipinagkasundo ako ng mga magulang ko sa babaeng ito. "Grabe ka naman magsalita sa akin. Naligo naman ako nuong isang araw, noh! Wait... hmmmn... nuong isang araw nga ba 'yon? Teka lang at hindi ko maalala kung naligo ba ako nuong isang araw." Sabi niya na ikinagulat ko. Bigla akong napatakbo sa office table ko dahil ayokong mapatabi sa kanya. Nakakadiri ang babaeng ito. Ni hindi niya maalala kung kailan siya huling naligo. My God, gusto ko na yatang umatras sa kasalang ito. Nakatayo pa rin siya sa gitna ng opisina ko habang hinihimas ang kanyang baba na nakatingin sa kisame. Mukhang inaalala niya kung kailan siya huling naligo. Mukha ngang hindi siya araw-araw naliligo dahil ang buhok niya ay naninigas na parang walis tambo. Ayokong lumapit sa kanya dahil nandidiri ako sa kanya. Muli akong napatingin sa buhok niya, nagpagupit ba siya? Bakit parang mas mahaba yata ang buhok niya kahapon kaysa ngayon? Well... pakialam ko ba sa buhok niya? Lintik, bakit pati buhok niya ay pinapansin ko? "Ayy basta naligo ako! Hindi ko lang talaga matandaan kung nuong isang araw 'yon o nuong nakaraan pa. Pero hindi naman 'yan ang sinadya ko sa'yo, nandito ako dahil sabi ng mom and dad mo ay kakain tayong dalawa sa labas, at kapag hindi mo daw ako sinamahang kumain ay sabihan ko agad sila para makagawa na sila ng kontrata tungkol sa tanging tagapagmana nila na si Enzo." Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi naman ako papayag na si Enzo lang ang maging tagapagmana nila. No way! Mabilis kong kinuha ang susi ng aking sasakyan na nasa drawer ko at nagmamadali na akong lumabas. Hindi ko na pinansin pa si Genevieve, bahala na lang siyang sumunod sa akin sa ibaba pero hinding-hindi ko siya sasabayan sa paglalakad. Hindi pa ako nahihibang para ipahiya ang sarili ko sa mga tao, lalo na dito sa loob ng building na pag-aari ko. Huh! Hindi niya ako maiisahan. Papasok na sana ako sa loob ng elevator ng mapansin ko na hindi ako sinundan ng lintik na babaeng 'yon, kaya inis akong bumalik sa loob ng aking opisina. Pero laking gulat ko ng pagbukas ko ng pintuan ay tumambad sa akin si Genevieve na nakaharap pa mismo sa pinto at inaamoy-amoy ang kaniyang kili-kili, kaya napaatras akong bigla. "What the hell!" Gulat kong ani na tila ba nasusuka na yata ako dahil sa babaeng ito. "Don't worry, walang amoy. So... tama ang hula ko, mga three days ago lang ako naligo, may two days pa bago ako maligo ulit. Every five days kasi ako kung maligo eh, sayang kasi ang tubig at sabon, noh!" Nanlaki ang mga mata ko kaya mas lalo akong napaatras at ayoko ng matabi pa sa kanya. Pakiramdam ko tuloy ay biglang nangati ang buo kong katawan at gusto ko na lamang pumasok ng banyo at magbabad sa tubig. Mabilis naman siyang nakalapit sa akin at kumapit agad sa aking braso kaya pilit ko itong inaalis, pero ayaw niyang bumitaw sa akin. Kulang na lang ay itulak ko siya pero talagang makapit ang babaeng ito na parang linta. "Bitawan mo nga ako, huwag mo akong hahawakan, nakakadiri ka!" Pilit ko pa ring inaalis ang pagkakahawak niya sa akin, pero mas idinikit pa niya ang katawan niya sa katawan ko. Pinagbantaan pa ako na tatawagan ang mga magulang ko kapag muli ko siyang tinulak palayo. Damn it! "Magiging asawa mo na ako Ezi kaya umayos ka. Hmmmn... hindi na ako makapaghintay na malamutak ko 'yang katawan mo, pero dahan-dahan lang sa unang gabi natin ha, no experience kasi ako. You know! NBSB." Wika niya na umiikot-ikot pa ang mga mata na akala mo ba eh maganda siya. "Wala kasing maglakas loob na manligaw sa iyo dahil ang pangit-pangit mo. Pwede ba lumayo-layo ka sa akin!" Ani ko habang inaalis ko pa rin ang kamay niya. "Kunwari ka pa! Nababasa ko naman sa mga mata mo na gusto mo akong angkinin. Sus kunwari ka pa talaga! Huwag kang mag-alala Ezi, susubukan kong maligo sa gabi ng honeymoon natin, pero hindi ako nangangako ha, sayang kasi ang tubig kung lagi akong maliligo." Napapangiwi ako sa mga sinasabi ng babaeng ito. Ito ba talaga ang klase ng babae na pakakasalan ko? Parang ayoko na yatang ituloy ang kasal namin at mas nanaisin ko na lang na mapunta lahat sa kapatid ko ang mamanahin ko kaysa naman makasama ko ang babaeng ito sa loob ng dalawang taon. "Tara na at nagugutom na ako, noh!" Hila niya ako sa braso. Ayoko na sanang sumama sa kanya pero hindi ko naman malubos maisip na mawawala ang lahat ng ito sa akin sa oras na hindi ko pakasalan ang babaeng ito. Ano ba ang nakita ng mga magulang ko sa babaeng ito at pilit nila akong ipinapakasal sa pangit na ito na hindi pa marunong maligo? Wala na rin akong nagawa pa kung hindi ang magpatianod na lang sa kanya, pero tandaan niya, sa oras na maikasal kami ay sisiguraduhin ko sa kanya na pagsisisihan niya na naging Mrs. Reed siya. Habang naglalakad kami sa hallway ng building ko ay masama kong tinititigan ang bawat empleyado na titingin sa amin. Subukan nilang pag-usapan ang nakita nila ngayon dito at sisiguraduhin ko sa kanila na magpapaalam na sila sa mga trabaho nila dito dahil sisisantihin ko talaga sila. Huwag na huwag nila akong pag-uusapan at hindi rin dapat makarating kahit na kanino ang tungkol dito. Mabilis akong sumakay ng aking sasakyan at talagang hindi ko pinagbuksan ng sasakyan si Genevieve. Bahala siyang pagbuksan ang sarili niya dahil kung ako ang aasahan niya ay wala siyang mapapala sa akin. Pinaandar ko ang makina ng aking sasakyan, at ng makita niya na sinimulan kong paandarin ito ay wala na din siyang nagawa kung hindi ang sumakay. Ibang klase din talaga! Inaakala talaga niya na pagbubuksan ko siya ng pintuan para lang makasakay siya. Hell no! "Wala ka man lang ka sweet-sweet sa katawan mo! Akala mo naman kung sinong gwapo, hindi naman ganuon kalakas ang appeal mo." Ramdam ko ang pagkainis niya at inirapan pa talaga ako. Nag spray ako ng lemon scent sa loob ng aking sasakyan at binuksan ko ang bagong bili kong car deodorizer dahil ayokong maamoy ang babaeng ito na hindi marunong maligo. Nakarating kami sa restaurant na gusto niyang kainan, sa pagkakataong ito ay naglakad akong mag isa papasok ng restaurant at bahala siyang sumunod sa akin kung gusto niya. Kung inaakala niya na pagbubuksan ko siya ng pintuan katulad ng dalawang couple na ikakasal ay nagkakamali siya. Kung nagugutom na siya ay sundan na lang niya ako, pero hinding-hindi ko siya isasabay sa aking paglalakad. Pagkaupo ko ay umorder na agad ako ng makakain ko, bahala siya kung ano ang gusto niyang kainin... basta ako. oorder ako ng pagkain na para sa akin. Gutom na rin naman ako, at ayokong mag-aksaya ng oras sa kanya. Nakita ko ang pagpasok niya dito sa loob ng restaurant, at talagang kumekendeng-kendeng pa siya na akala mo ay napakaganda niyang babae. Nakita ko ang mga tingin ng mga tao sa kanya, at naririnig ko rin ang mga bulung-bulungan nila. Para bang gusto ko na lang siyang iwanan dito at magpakamatay na lang ako sa gutom, kaysa naman siya ang makasama ko sa pagkain. "Babe, gusto ko ng pasta ha." Ani niya ng may kalakasan, na tila ba sinadya niya upang marinig siya ng mga tao sa paligid. Napalingon ako, at lahat ng tao dito sa loob ng restaurant ay titig na titig sa akin. Para bang gusto ko na lang bumuka ang lupa at lamunin ako ng buhay. "Hey! Stop calling me babe, hindi kita girlfriend." Sagot ko agad na may kalakasan din kaya napunta naman ang mga mata ng tao sa kasama ko. "Ay oo nga pala, hindi mo nga pala ako girlfriend noh. Kasi ikakasal na tayo sa isang araw at fiancée mo na nga pala ako. Naalala ko tuloy kanina lang sa sasakyan... sabi mo hindi ka na makapaghintay na maikasal sa akin... tapos sabi mo pa nga na..." Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya dahil tinakpan ko na ng kamay ko ang bibig niya. Hindi ko na kaya pa na manatili sa lugar na ito kaya mabilis kong kinuha ang kamay niya at hinila ko siya palabas ng restaurant at isinakay ko agad siya sa aking sasakyan. Hiyang-hiya na ako sa mga ginagawa ng babaeng ito sa akin. Pinasibad ko agad ang sasakyan ko at nag drive thru na lang ako sa isang saang fast food chain at sa sasakyan na lang kami kakain. Hindi ko kayang makasama ang babaeng ito sa isang restaurant katulad kanina. Nakakahiya talaga ang nangyari, hindi ko alam kung bakit ginagawa niya ito sa akin. "Next time na ipahiya mo ako Genevieve ay huhubaran kita sa harapan ng maraming tao, tandaan mo 'yan! Kilalanin mo kung sino ang taong kinakalaban mo. Do research para malaman mo kung gaano ako kawalanghiya pagdating sa mga babae. Huwag mo akong susubukan kung ayaw mong mapahiya sa lahat ng taong kakilala mo." Galit na galit talaga ako. Nakita ko ang paglunok niya ng laway, tama 'yan matakot ka sa akin dahil kaylanman ay hindi ako padadaig sa iyo. "Grabe ka! Ganuon ka ba ka-atat sa akin kaya gusto mo na akong hubaran sa harapan ng maraming tao? Hindi ba nakakahiya naman yata sa kanila kung sa harapan nila tayo mag-a-ano? You know what I mean, hindi ba?" Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang inis. Talagang sinasagad ako ng babaeng ito. "Genevieve!" Sigaw ko sa pangalan niya. Umirap naman siya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD