-Continuation-
Genevieve's POV
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kumakabog ng mabilis ang puso ko. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako at huwag ko na lang iangat ang mukha ko para hindi nila makita ang mukha ko.
"Genevieve anak, magmano ka sa tita mo, best friend namin sila ng daddy mo. I'm sure naaalala mo ang magkapatid na kambal, hindi ba?" Hindi ako makasagot sa sinabi ng aking ina. Hindi rin ako nag-aangat ng aking ulo, hindi ko alam kung paano ko haharapin ang kambal, at lalong hindi ako makapaniwala na si Ezi ang nakatakdang ipakasal sa akin. Hindi ko maintindihan kung biro ba ito ng tadhana sa akin, dahil kung totoo ang lahat ng ito ay hindi ko yata magugustuhan ang kapalarang naghihintay para sa akin.
Humugot ako ng malalim na paghinga ng marinig kong muli ang sinabi ng aking ina. Gusto ko na tuloy maiyak na sa mga kalokohan ko, pero nagawa ko namang magsalita.
"Hi po, Tita!" Nakayuko pa rin ako at ayokong mag-angat ng aking mukha dahil alam ko na nakaupo na silang lahat sa table. Ano ba naman kasi itong pinag-gagagawa ko? Pinilit kong baguhin nuon ang sarili ko. Pati ang pag-e-exercise ay ginawa ko almost every day para lang ma-achieve ko ang katawan ko ngayon. Lahat ng ito ay ginawa ko para kapag bumalik ako dito sa Pilipinas ay maipakita ko kay Ezi na hindi na ako ang nerd na batang babae na sinaktan niya nuon. Pero heto at talagang sa nerd look ko pa rin kami magkakaharap. Nakakaloka, hindi ko inaasahan ito.
"May sakit ka ba hija?" Tanong ng ina nila Ezi at Enzo, pero umiling lamang ako ng aking ulo at hindi pa rin ako nag-aangat ng mukha. Narinig ko ang boses ni Enzo na kinakamusta ako, pero ayoko talagang mag-angat ng aking mukha dahil si Enzo ang ang nakatapat sa silya ko. Si Enzo ang dati kong crush, at sa sulok ng isipan ko ay gusto ko ring makita kung ano ang pinagbago sa katawan nila. Payat pa rin ba sila? gwapo pa rin ba sila? Hindi ko alam eh. Natatakot akong mag-angat ng ulo dahil natatakot akong makita ang magiging reaksyon nila. Pero nandito na ito, kailangan ko ng panindigan ang pagiging nerd ko, at gusto ko ring mag-back out si Ezi sa kasalang ito. Sa kanilang kambal... si Ezi ang kinasusuklaman ko, at hindi ako makapaniwala na sa kanya pa talaga ako ikakasal. Oh my gosh, joke ba ito?
Huminga ako ng malalim at dahan-dahan akong nagtaas ng aking mukha. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ng mga magulang nila Enzo, pero hindi ako sa kanila naka-focus. Para akong nahihipnotismo sa dalawang nilalang sa harapan ko, akala mo ay nililok ang napakagwapong mukha nila ng isang pinaka magaling na iskultor sa buong mundo. Ang mga katawan nilang hindi mo pagsasawaang titigan... at ang kanilang napakagwapong mukha na akala mo ay mga Greek God na bumaba ng lupa. Nakakapag-laway silang dalawa lalong-lalo na ang pagiging badboy looking ni Ezi. Oh my gosh, bakit ganito ang hitsura ko ngayon?
Hinawakan ni Kuya Caleb ang aking baba at itinikom ang aking bibig. Natutulala pa rin ako, pero para akong nagising sa malalim na pagmumuni-muni ng binulungan ako ni Tamiya.
"Beshie, ang laway mo. Nakakahiya ka talaga!" Napatingin akong bigla sa mga kapatid ko na may malaking pagkakangisi. Napahawak pa ako sa gilid ng labi ko upang tignan kung naglaway nga ba ako. Jusko, bakit ba kasi sa dami ng lalaki, kay Enzo pa ako itinakdang ipakasal.
Titig na titig naman sa akin ang kambal. Isang matamis na ngiti naman ang ibinigay sa akin ni Enzo. Hindi naman ako makapag-salita. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako sa hitsura ko o panindigan ko na lang ito. Nandito na naman eh, hindi ko na ito mababago pa.
"Kamusta ka na? Hindi ka pa rin nagbabago, ikaw pa rin ang pinaka magandang babae na nakilala ko." Napangiti ako sa sinabi ni Enzo, kaya pakiramdam ko ay namumula ang aking mukha.
"This is a joke, right?" Ani ni Ezi na seryosong nakatitig sa akin. Hindi ko mabasa ang kaniyang mga mata. Parang kay lamig ng pagkakatitig niya sa akin, walang emosyon at walang pagpapahalaga. Ewan ko ba, pero nakaramdam ako ng inis. Bakit ang lamig ng mga mata niya habang nakatitig sa akin? Hindi ba siya nagagandahan sa akin? Oo nga pala, nerdy ako ngayon.
"Nope! Siya ang babaeng pakakasalan mo. Matagal n'yo na namang alam na magkapatid na isa sa inyo ang ipapakasal namin kay Genevieve, hindi ba? Ikaw Ezi ang nakatakdang ikasal sa anak ng kaibigan namin na si Genevieve kaya tayo nandirito ngayon." Sagot ni tito, ang ama ni Ezi.
Napatitig ng masama sa akin si Ezi kaya tinaasan ko siya ng mataba kong kilay at tinarayan ko talaga siya ng bongga. Akala yata niya ay padadaig ako sa masama niyang tingin sa akin.
"Gusto mong tampalin kita ng makapal kong kilay, ha? Huwag mo akong titignan ng ganyan dahil maganda ako! Dukutin ko pa 'yang mga mata mo, eh!" Inis ako sa kanya at ipinagdiinan ko pa talaga ang sinabi ko sa kanya na maganda ako.
Pinagalitan naman ako ni mommy at daddy dahil sa inasal ko, habang si Kuya Kayden naman ay walang tigil sa pagtawa na akala mo ba ay may kumikiliti sa talampakan niya.
"For your information, ikaw lang naman ang nagagandahan sa sarili mo. Walang maganda sa iyo Genevieve, pati ugali mo, pangit!" Tumaas na naman ang isang mataba kong kilay. Napipikon na ako sa lalaking ito.
"EZEKIEL!" Malakas na sigaw ng kanyang ama na ikinapitlag ko kaya medyo natahimik ako. Hindi naman pinansin ni Ezi ang sigaw ng kanyang ama. Nakatitig lamang ito sa akin, masama ang kanyang tingin na akala mo ba ay may ginawa akong masama sa kanya. Kung tutuusin nga ay siya ang may malaking kasalanan sa akin nuon dahil sa pananakit niya. Hinihintay ko na lang na sabihin niya sa mga magulang niya na umaatras na siya sa kasunduan. Gusto ko ng matapos na ang kasunduang ito kung sakaling aatras siya, para naman makabalik na agad kami ng America upang maipagpatuloy ko na ulit ang buhay ko duon.
"Fine! Pag-usapan na lang ninyo kung kailan kami ikakasal. Kailangan ko ng umalis dahil may naghihintay pa sa akin." Wika niya, ibang-iba na talaga ang impaktong ito. Tumayo ito at nagpaalam naman siya ng maayos sa aking mga magulang at mga kapatid. Napatingin siya sa akin at ngumisi ng pagak at napapailing na lang siya ng kanyang ulo.
"This is ridiculous!" Bulong niya at nilayasan na talaga kami. Ako naman ay napanganga ng marinig ko ang sagot niya. Totoo ba ang sinabi niya na matutuloy ang kasal kahit na ganito na ang ginawa kong pagpapanggap? Nababaliw na ba talaga ang Ezi na 'to?
Napatingin ako sa aking kaibigan na titig na titig naman kay Enzo, kaya sa inis ko ay siniko ko siya sa tagiliran niya. Napangisi naman siya sa akin sabay peace sign niya sa akin.
"Seryoso po ba na itutuloy ang kasal?" Tanong ko. Hindi ako makapaniwala. Tila bumagsak ang aking mundo ng marinig ko ang sagot ni Ezi bago ito umalis. Pero hindi pa ako tapos dahil hindi ako titigil hangga't hindi siya nagba-back out sa kasalang ito. Gagawin ko ang lahat para umatras siya para hindi matuloy ang kasal namin. Kung okay lang sa kanya na matuloy ang kasal, pwes sa akin ay hindi! Bwisit talaga ang lalaking 'yon, hanggang ngayon ay nagagawa niya akong galitin.
Napatingin naman ako kay Enzo ng muli itong magsalita at kamustahin ulit ako. Napangiti ako. Ewan ko ba, heto na naman ako at ngumingiti sa kakambal ni Ezi. Nagtataksil na ba ako ng lagay na ito? Hay naku! Bahala si Ezi sa buhay niya.
"Okay naman, eto nerd pa din." Sagot ko sa kanya. Mahina lamang siyang tumawa bago muling nagsalita.
"Maganda ka pa rin katulad ng dati. Wala namang nagbago sa'yo. Ikaw pa rin naman ang babaeng nagpapangiti sa akin nuon." Sagot niya, kaya naman napangiti akong muli. Bakit naman kasi hindi na lang si Enzo ang ipapakasal nila sa akin, bakit kasi kailangang si Ezi pa eh kinamumuhian ko ang lalaking 'yon.
"Uhm hija, hindi mo ba sinubukang ipaayos ang... uhmmm, you know... 'yung ano... uhmmm..." Hindi malaman ng mommy nila Enzo kung ano ang kanyang sasabihin. Parang nag-iingat ito na hindi ako masaktan. Pero okay lang, kahit ipagsigawan pa niya na pangit ako.
"Alin po tita, itong kilay ko? Maganda naman po ang kilay ko eh, kung hindi naman po matatanggap ni Ezi ang hitsura ko eh babalik na lang po ako ng America." Sagot ko at iyon naman talaga ang dahilan kung bakit ako nagpapanggap na nerd ngayon.
"Naku hija, bagay nga sayo 'yan! Nakita mo naman ang reaksyon ng anak ko. Umoo agad, hindi ba? Mukha ngang nagmamadali na maikasal agad kayo, hindi ba balae?" Sagot ng mommy nila Enzo na sinegundahan naman agad ng ama nila. Gusto ng tumirik ng mga mata ko sa sobrang pagka-inis ko sa lalaking 'yon.
Pagkatapos ng masaya NILANG kwentuhan ay natapos na rin ang dinner. Sila lang talaga ang masaya at hindi ako. Naging magiliw naman sa akin si Enzo, at katulad pa rin ng dati ay napakabait pa rin niya. Hindi katulad ng kakambal niyang si Ezi na parang laging may sungay.
Magkamukhang-magkamukha sila ni Ezi, pero ang pagiging badboy looking ni Ezi ang nagpapalakas ng appeal niya kumpara sa maamong mukha ni Enzo. Malakas ang appeal ni Ezi, hindi katulad ng bata pa kami na makita ko lang ang pagmumukha niya ay nabubuwisit na ako. Ngayon ay iba na, malakas ang dating ng badboy looks nito.
Masyadong cold ang pakikitungo sa akin ni Ezi, at gagawin ko naman ang lahat upang tuluyan na siyang umatras sa nalalapit na kasal namin. Akala ba niya na siya lang ang may ayaw ng kasalang ito? Ako din naman ay ayaw ko ng kasalang ito, kaya dapat talaga ay umatras na lang siya kanina.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang ugali niya, para pa rin siyang babaeng laging may regla sa sobrang kasungitan niya. Nakakainis, bakit mas lalo yata akong naiinis sa kanya?
"Sige Amiga, pag-uusapan natin ang petsa ng kasal nila bukas sa mansion ninyo. Pupunta kami bukas ng hapunan upang mapagplanuhan na natin ang nalalapit nilang kasal." Wika ng ina nila Enzo. Heto na nga ang kinatatakutan ko, ang kasalang magaganap... dahil ang ikakasal sa akin ay ang lalaking bata pa lamang kami ay kinamumuhian ko na. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na sinampal niya ako. Iyon ang dahilan kung bakit nakapag desisyon akong lisanin ang Pilipinas nuon at sa America na manirahan.
Pagkatapos nilang magpaalam sa isa't isa ay nauna na din silang umalis. Kami naman ay nanatili pa sandali sa restaurant dahil may ibinilin pa si Kuya Caleb sa mga empleyado namin. Si Kuya Caleb kasi ang namamahala ng restaurant na ito at madalang siya magtungo ng America. May mahalaga daw kasi siyang ginagawa dito sa Pilipinas. Ewan ko ba sa kuya kong ito at lagi na lang busy. Kung saan-saan ito nagpupunta, minsan ay nasa Japan, kung minsan naman ay nasa Europe.
Pagkatapos makipag-usap ay naglakad na rin kami palabas ng restaurant, at naririnig ko ang mga bulung-bulungan ng ibang customers na nilalait ang hitsura naming dalawa ni Tami. Huminto ako sa aming paglalakad at nilapitan ko ang isang table na may limang customers na puro babae. Inis na inis ako sa mga malditang ito na nilalait kami.
"Kung ayaw ninyong kaladkarin ko kayo palabas ng restaurant namin, manahimik kayo... o gusto ninyong manghiram ng mukha sa aso?" Natahimik sila. Napangisi naman ako at si Tami. Sabay pa namin silang inirapan ng kaibigan ko at nagpakendeng kendeng pa kami sa aming paglalakad palabas ng restaurant. Tumatawa naman ng malakas ang dalawa kong kuya habang sila mommy at daddy ay napapailing na lang ng ulo. Hindi nila ako makontra, siguro takot sila na umatras ako sa kasal.
"Ang tapang talaga ng kapatid ko... pero congrats ha at ikakasal ka na." Pang-aasar ni Kuya Kayden sa akin. Nginusuan ko siya at inirapan ko. Nagmamadali na akong sumakay sa sasakyan namin habang kasunod ko lamang ang kaibigan ko.
Hindi ako titigil, sisiguraduhin ko na bago tumuntong ang araw ng kasal namin ay nakaatras na si Ezi. Ayaw ko sa kanya, kaya mas mabuti pa na huwag matuloy ang kasal. Pero ano nga ba ang pwede kong gawin para hindi matuloy ang kasal naming dalawa? Nakakainis talaga!