Chapter 13 -Unang gabing magkasama-

1524 Words
Genevieve's POV Ito ang unang gabi namin bilang mag-asawa ni Ezi. Nasa salas siya at umiinom mag-isa habang ako naman ay nandirito sa aking silid. Magkaiba ang silid naming dalawa at mas gusto ko ang ganito kaysa naman sa iisang silid kami matutulog. Ayoko namang magising ako na ang isang kilay ko ay nasa ilalim na ng ilong ko na parang bigote noh! Mas makakakilos ako ng maayos kapag mag-isa lang ako sa aking silid. Hindi pa ako naliligo buhat kanina kaya ganito pa rin ang hitsura ko. Tumingin ako sa malaking salamin at inayos ko ang kilay ko dahil hindi na ito pantay. Nagsuot ako ng pantulog at pupuntahan ko si Ezi at kunwaring aakitin ko siya. Tignan ko lang kung hindi siya matakot sa gagawin ko. Napapangiti ako sa naiisip ko at nakasisiguro ako na mas mapapadali ang pag file niya ng divorce namin. Binuksan ko ang pintuan ng aking silid at sumilip muna ako. Naririnig ko ang sound ng tv kaya sigurado akong nasa salas pa siya. Dahan-dahan akong naglakad na animo magnanakaw at tinungo ko ang living room at nakita ko siyang nakaupo sa sofa sa harapan ng tv, at tama nga ako ng hinala na umiinom siya. Isang malaking ngisi ang sumilay sa aking labi at napahagikgik pa ako. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako napapansin. Tumayo ako ng tuwid at kumendeng-kendeng ako sa aking paglalakad, at ng nasa likuran na niya ako ay hinagod ko ang dibdib niya na ikinagulat niya at napatayo siyang bigla. "What the hell Genevieve? Ano ba ang pinag-gagagawa mo ha?" galit niyang ani habang ako naman ay pinapupungay ko ang aking mga mata. "Honeymoon natin hindi ba? Ano pa ang hinihintay mo?" malandi kong ani na itinutulis ko pa ang aking nguso habang dahan-dahan akong lumalapit sa kanya. Muli siyang umatras ng ilang hakbang at dinuro pa talaga ako. Nakakaloka siya ha! "Huwag kang lalapit Genevieve dahil kahit kailan ay hinding-hindi kita papatulan. Kahit lasing ako ay hindi ka maganda sa paningin ko." wika niya na ikinataas ng kilay ko. Aba at grabe na talaga 'tong mang insulto sa akin ah! "Pangit man ako sa iyong paningin, laman tiyan pa rin ako." ani ko at muli kong itinulis ang aking nguso. Bigla siyang napatitig sa akin at sa kabuuan ko saka ko pa lamang napagtanto na hindi ko pala suot ang padding na ginagamit kong pang-bilbil. "Well, maganda naman pala ang katawan mo, at least may maganda sa iyo. Tama ka, pwede na 'yang lamang tiyan. Padadapain na lang kita para hindi ko makita ang pagmumukha mo." ani niya na ikinagulat ko kaya ako naman ang napa-atras at alam kong nakita niya ang pagkabahala ko. Nabaligtad bigla ang sitwasyon namin ng siya naman ang dahan-dahang lumalapit sa akin at ako na ngayon ang napapa-atras. Isang ngising pilit ang sumilay sa labi ko habang umaatras ako at kinakapa ko ang likuran ko upang makasiguro ako na hindi matatalisod. "Tama ka, honeymoon natin ngayon kaya pagsawaan natin ang gabing ito." wika niya sabay hubad ng kaniyang pang-itaas kaya sa takot ko ay kumaripas ako ng takbo at nagkulong ako sa aking silid. Naririnig ko pa ang halakhak ng impaktong Ezi na 'yon at sinigurado ko na nakakandadong mabuti ang pintuan ko at hindi pa ako nakuntento at nilagyan ko pa ito ng silya na ikinatang ko sa pinaka seradura upang hindi siya makapasok sa silid ko. Mukhang naisahan ako ng impaktong 'yon. Pumasok ako ng banyo at naligo na ako. Halos isang oras din akong nagbabad sa loob ng banyo dahil hindi ako makapaniwala na naisahan ako ng impaktong Ezi na 'yon. Paglabas ko ng banyo ay nagbihis agad ako at nahiga sa aking kama. Nakakaramdam na ako ng pagod at wala na akong panahon na tuyuin pa ang buhok ko. Ipinikit ko ang aking mga mata at hindi nagtagal ay tuluyan na rin akong nakatulog. _ MAAGA akong nagising at dahil nagugutom ako ay dumiretso na ako sa kusina at naghanap ako ng maluluto. Hindi ko na nagawa pang magsuklay at wala akong pakialam kahit magmukha akong bruha. Nakakita ako ng itlog, bacon at ham. Isinalang ko ang kawali sa kalan at nagsimula na akong magluto. Pagkapatay ko ng kalan ay may isang boses sa likuran ko ang gumulat sa akin at duon ko lamang naalala na nasa condo na nga pala ako ni Ezi at wala akong kahit na ano sa aking mukha. Bigla akong napayuko at hindi ko na malaman ang gagawin ko. "Ang sabi ko, ano ang niluto mo?" Hindi ko siya pinansin at hindi rin ako humaharap sa kanya. Nag-iisip ako ng gagawin ko at ng wala na akong maisip ay itinaas ko ang shirt ko sa gawing leeg ko at itinaas ko hanggang noo ko. Buti na lang at mahaba ang suot kong pang itaas na pantulog na may katernong pajama. "What the heck you are doing Genevieve?" ani ni Ezi at nararamdaman ko ang pagkainis niya. Naaaninag ko siya pero hindi maliwanag pero mas okay na ito kaysa makita niya ang mukha ko. "Genevieve!" sigaw niya kaya mabilis akong nakapag-isip ng palusot ko. "Ano kasi... uhmmm.. may kulangot ako, sumabit sa mukha ko. Gusto mo bang makita? Ikaw na din ang magtanggal kasi masyadong malagkit." wika ko sa kanya na gusto kong mapabunghalit ng tawa. Maging ako sa sarili ko ay nandidiri sa mga pinagsasasabi ko. "W-w-whaaaat?" wika niya habang umaatras. "Sabi ko pakitanggal ng kulangot ko, teka at aalisin ko ang takip ng mukha ko para..." hindi pa man ako tapos magsalita ay kumaripas na siya ng takbo pabalik sa loob ng kanyang silid kaya humahagalpak ako ng tawa at mabilis din akong bumalik ng aking silid. Pagkasara ko ng pinto ay hindi ko na napigilan pa ang tumawa ng tumawa dahil sa mga pinagsasasabi ko kay Ezi. Hindi ako makapaniwala na nasabi ko ang mga 'yon sa kanya. Para tuloy akong baliw mag-isa na walang tigil sa kakatawa. Sayang nga lamang at hindi ko masyadong maaninag kanina ang mukha niya dahil nakatakip ng damit ang mukha ko. Kinuha ko ang mga gamit ko at make up at nagsimula na akong magpapangit. Hindi na dapat pang maulit ang nangyari kanina dahil hindi niya dapat makita ang mukha ko. Ang gusto kong mangyari ay mag divorce agad kami para makabalik na ako ng America at malayo na sa kanya. Malayo na sa lalaking kinasusuklaman ko. Pagkatapos kong papangitin ang aking mukha ay tinawagan ko naman agad si Tami at kinuwento ko sa kanya ang kalokohang ginawa ko. Tawang-tawa siya at hindi makapaniwala sa mga sinabi ko kay Ezi. "Grabe ka beshie! Kulangot talaga? My gosh nakakadiri ka!" wika niya sabay tawa ng malakas. "Natataranta na kasi ako, lalo na ng makita ko siyang papalapit sa akin kaya kung ano-ano na lang ang sinabi ko, buti nga 'yun ang sinabi ko dahil kumaripas siya ng takbo at nagkulong ng kanyang silid." ani ko sa kanya. "Kahit naman ako eh kakaripas ng takbo noh! Ipatanggal mo ba naman sa kanya ang kulangot mo. Nakakahiya ka talaga!" wika pa nya pero tawang-tawa naman siya. "Wala nga kasi, sinabi ko lang 'yon para hindi niya makita ang tunay kong mukha. Nakalimutan ko kasi na nandito na nga pala ako sa condo niya. Hinding-hindi na talaga ito mauulit, hindi niya dapat makita ang mukha ko." wika ko. Hindi naman nagtagal ang pag-uusap namin dahil nakakaramdam na ako ng gutom. Pagkatapos namin mag-usap ay lumabas na ako ng aking silid na confident sa hitsura ko. Nasa counter pa ang lahat ng niluto ko at malamig na kaya ininit ko na lang lahat sa microwave at kinatok ko si Ezi sa kanyang silid. "Kakain na." tawag ko sa kanya pero walang sumasagot. Napansin ko na nakabukas ng bahagya ang kanyang silid kaya sinilip ko kung nasa loob siya pero walang tao, maging sa banyo ay walang tao at mukhang nilayasan ako ng impaktong 'yon ng walang pasabi. Nagbalik ako sa kusina at kumain na lang akong mag-isa at habang kumakain ako ay panay ang tawa ko dahil naaalala ko lang naman ang mga pinagsasasabi ko kay Ezi kanina. Pagkatapos kong kumain ay naglinis na ako ng kusina at ng silid ko. Pagkatapos ay tinawagan kong muli si Tami upang ayaing lumabas. Ayokong magpakabulok dito sa loob ng condo. "Okay beshie, susunduin kita diyan." wika niya at pagkatapos naming mag-usap ay nagbihis na din ako. Nagdala ako ng maliit na bag at ilang damit na pantulog ko dahil sa condo ni Tami ako matutulog. Niregaluhan kasi siya ng kuya niya ng condo unit kaya duon na siya ngayon nanunuluyan. Hindi nagtagal ay dumating na din si Tami at katulad ko ay mukha na naman kaming nga impaktita sa ayos namin. Si Ezi ay mukha namang hindi na babalik kaya paglabas namin ay inilock ko na lang ang pintuan ng condo niya. "Sa condo mo ako beshie matutulog ha, sa susunod na araw na lang ako uuwi kay Ezi. Hindi ko talaga kayang makasama ang lalaking 'yon sa iisang bubong." wika ko sa kanya at natuwa naman siya. Nag-iwan na lang ako ng mensahe sa isang sticky note at idinikit ko sa pintuan ng refrigerator.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD