Chapter 14 -Nagseselos daw-

1443 Words
Ezekiel's POV Nandito ako ngayon sa penthouse ni Dark. Ayoko munang manatili sa condo ko dahil nandidiri ako sa babaeng 'yon. Ayoko muna siyang makasama dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya. "Seryoso ka pare? Talagang habang nagluluto ang asawa mo eh nangungulangot siya? Yuuuck! Kadiri naman ng napangasawa mo! Kapag ganiyan ang asawa ko lalayasan ko talaga 'yan, biruin mo naman, ang pangit-pangit na niya, napaka salaula pa pala." ani ni Dark. Apat ang kaibigan ko, si Dark, Randle, Carlos at si Dale. Lahat sila ay hindi makapaniwala na pinakasalan ko ang babaeng 'yon. "Pinakasalan ko lang naman siya dahil sa mana ko. Hindi naman ako makakapayag na mapupunta lahat lay Enzo ang mga pinaghirapan ko. Dalawang taon lang naman at maaari ko na siyang hiwalayan. Grabe nasusuka pa rin ako sa tuwing maiisip ko ang nangyari kaninang umaga. Kaylanman ay hindi ko kakainin ang mga pagkaing lulutuin niya. Nakakadiri siya!" wika ko habang napapailing ako at pakiramdam ko ay kinikilabutan pa ako dahil sa mga nangyari kanina. "Alam mo ba na kagabi ay inaakit niya ako habang lasing ako? May napansin pa ako sa kanya na ipinagtataka ko. Dati kasi hindi ko napapansin dahil sa mga damit na isinusuot niya, pero nuong kasal namin napansin ko na malaki ang bilbil nya dahil medyo hapit ang suot niyang damit pangkasal kaya alam ko na malaki ang balakang at bilbil nya. Kagabi, nakasuot siya ng manipis na pantulog at kitang-kita ko ang magandang hubog ng kaniyang katawan at sobrang kinis ng kanyang balat. Kung nakatalikod siya at hindi mo titignan ang mukha niya ay iisipin mo na napaka ganda niyang babae." wika ko na ikinatawa ni Dark. "Lagi mo na lang siyang patalikurin o kaya naman ay takluban mo ng paper bag ang mukha niya sa tuwing kasama mo siya." tumatawang ani ni Dark. Maging ako ay natawa sa kanyang tinuran. "Hindi mo nakukuha ang ibig kong sabihin sayo bro. Nagtataka ako kung bakit nuong kasal namin ay ang laki ng bilbil niya pero kagabi ay napakaganda ng kaniyang katawan, parang pang modelo. Ano nangyari sa bilbil niya?" ani ko. Kagabi ko pa kasi iniisip kung bakit parang nagbagong bigla ang tingin ko sa katawan niya. "Baka naman namalikmata ka lang. Hindi ba sabi mo ay lasing ka kagabi? Maaaring dala ng kalasingan mo eh tingin mo sa asawa mong pangit ay isang seksing babae. Baka 'yun ang pinapantasya mo sa kanya kaya 'yon ang nakita mo kagabi." wika niya na ikinatahimik ko. May punto nga siya sa sinabi niya, maaaring ganuon nga ang nangyari sa akin kagabi. "Buti hindi ka ginapang ng asawa mo kagabi? Grabe bro, sa ating lahat na magkakaibigan, ikaw ang kilalang chick magnet at lahat ng babaeng nakaka-date mo ay mga mukhang dyosa. Kapag nalaman ng lahat na 'yan ang asawa mo, maghukay ka na sa bakuran ng mansion ninyo upang itago ang sarili mo sa kahihiyan." pang-aasar sa akin ni Dark. Tahimik kamang ako, hindi ako sumagot sa sinabi niya dahil ngayon pa lang ay pinag-iisipan ko na agad na mag-prepara ng divorce paper na pipirmahan ko agad para pagdating ng tamang oras ay ilalatag ko na lang ang dokumento sa harapan ni Genevieve upang mapirmahan niya agad. Atat na talaga akong hiwalayan ang pangit kong asawa. Napatingin ako sa aking orasang pambisig, mag-aalas diyes na ng umaga ay hindi pa dumarating sila Dale. Tinawagan namin sila upang kumain sa labas, mukhang tanghalian na kami makakakain. Okay lang din naman dahil gusto ko pang maalis sa aking isipan ang nangyari kanina sa kusina ko. Alas onse y media na ng dumating sila Dale at gutom na gutom na talaga ako kaya umalis din agad kami at nagpunta kami sa isang mall upang duon na lang kami kumain. Habang naglalakad kami sa mall ay napansin namin ang mga taong may pinag-uusapan at nagbubulung-bulungan at sumisilip pa sa isang restaurant kaya napatingin naman kaming magkakaibigan sa isang European restaurant at ganoon na lang ang gulat ko ng makita namin si Genevieve na kasama ang kaniyang kaibigan at isang lalaki na naka-akbay sa asawa ko. "Akalain mo nga naman, kahit pala pangit ay nanlalalaki din." ani ni Dark. Kinilala kong mabuti ang lalaki hanggang sa naalala ko kung sino ang lalaking ito, siya lang naman ang kapatid ni Tami na balitang may gusto nuon kay Genevieve. Aba at ang gagong 'yon kung maka-akbay sa asawa ko akala mo dalaga pa ang inaakbayan niya. Naririnig namin ang mga bulung-bulungan sa paligid, ang mga pang-iinsultong ginagawa nila sa aking asawa pero hindi ko na pinansin pa dahil nakatitig lamang ako sa dalawang magkaakbay na akala mo ay sarili nila ang mundo. "Bakit salubong 'yang kilay mo? Jesus! Don't tell me na nagseselos ka? It's written all over your face, man." ani ni Dark na ikinalingon ko sa kanya. Ako magseselos? Of course not! "Baliw! Nagtataka lang ako kung bakit sila magkasama." wika ko at tumalikod na ako pero muli kong nilingon ang kinaroroonan nila. Narinig ko pa ang mahina nilang pagtawa pero ayokong patulan ang pang-iinis nila dahil kaylanman ay hindi ko magugustuhan ang pangit kong asawa. Nakarating kami sa isang restaurant at umorder agad kami ng makakain. Ako naman ay kinuha ko ang aking telepono, hinanap ko ang numero ni Genevieve na ibinigay niya sa akin kahapon after ng kasal namin. Wala akong balak kuhanin pero kinuha niya ang telepono ko at siya na mismo ang naglagay ng numero niya sa aking phone at pagkatapos ay nagpa-misscall siya sa kanyang telepono upang ma save niya ang aking numero. Mautak na babae. "Nasaan ka? Bakit wala ka dito sa condo?" mensahe ko sa kanya at hindi ko alam kung bakit ko ito ginawa. "Nasa mall, kumakain ng lunch. Pakialam mo ba ha?" sagot niya na ikina-iling ng aking ulo. "Sino ba kasama mo?" reply ko sa kanya. Gusto kong malaman kung ano isasagot niya. "Si Tami, kaming dalawa lang. Huwag ka ngang istorbo at kumakain kami. Hindi na ako magre-reply kaya huwag ka ng sumagot pa." sagot niya at natawa ako ng pagak na ikinagulat naman ng mga kaibigan ko at napatingin sila sa akin. Mabilis kong naitago ang aking telepono sa bulsa ko habang nakatingin pa rin ako sa menu. Nagdahilan na lamang ako na wala sa menu ang pagkaing gusto ko kaya naniwala naman sila. Hindi ako makapaniwala na nagsisinungaling sa akin ang babaeng 'yon. Ano kaya niya si Mathew? Siguro magkasintahan sila at hinihintay lang din niya na ma-divorce kami. Ibang klase din si Mathew, walang taste pagdating sa babae. "Bakit ba napaka-tahimik mo ha? May iniisip ka ba?" ani ni Carlos. Idinahilan ko na lamang ang importanteng meeting ko bukas para hindi na nila ako kulitin pa. Dumating naman ang pagkain namin at kahit nagugutom ako ay hindi naman ako nakakain ng marami, marahil ay nalipasan na ako ng gutom. Pagkatapos naming kumain ay nagsimula kaming maglakad sa mall at tinatalunton namin ang exit ng mall ng makasalubong naman namin sila Genevieve ng hindi sinasadya habang nakaakbay pa rin sa kanya ang sira ulong Mathew na ito. Napahinto ako sa paglalakad at nakatitig lamang ako sa kanila. Isang ngisi at ngiti ang ibinigay sa akin ni Genevieve bago ito nagsalita. "Akala ko nasa condo ka? Sabi mo sa message mo nasa condo ka base sa sinabi mo." wika niya na ikinatingin sa akin ng mga kaibigan ko. Hindi ko sila pinansin at nakatitig lamang ako kay Genevieve. "Umuwi ka na dahil kailangan mong linisin ang condo natin, hindi gawain ng isang may asawa ang magpa-akbay sa ibang lalaki." wika ko na ikinagulat ko at napatingin pa ako sa mga kaibigan ko na may panunuksong ngisi sa akin. "O M G! Nagseselos ang asawa ko." ani niya at akmang lalapit sa akin na nakatulis ang nguso ng bigla akong parang natauhan at napaatras ako ng ilang hakbang. Napahinto siya sa paglalakad at ngumiti sa akin at muling itinulis ang kaniyang nguso kaya napaatras akong muli lalo na at marami ng tao ang nakatingin sa amin kaya bigla na lamang akong nagmadaling umalis at halos takbuhin ko na ang exit ng mall makaalis lang sa lugar na ito. "Bilisan ninyo!" sigaw ko sa mga kaibigan ko na walang ginawa kung hindi ang tumawa ng tumawa. Hindi ako makapaniwala na iniisip niya na nagseselos ako. Hell no! Kahit makipaglampungan siya sa kahit na sinong lalake ay wala naman akong pakialam. Nakakatawa siya kung iniisip niya na nagseselos ako sa lalaking kasama niya. Kaylanman ay hindi mangyayari 'yon. Dinadala niya ang apelyido namin kaya kailangan niyang ingatan ito at huwag niyang sirain ng dahil lamang sa panglalalaki niya. Unbelievable! Sa hitsura niyang 'yon ay nagawa pa talaga niyang mang-lalake?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD