Genevieve's POV
"Oh my god! Ginawa mo talaga 'yon?" Hindi makapaniwala si Tami sa ikinuwento ko sa kanya na inamoy ko talaga ang kili-kili ko ng marinig ko ang mga yabag ni Ezi na pabalik ng kanyang opisina. Sinadya ko talaga 'yon, gusto kong mandiri siya sa akin upang umatras na sa kasal namin, kaso mahalaga talaga sa kanya ang mamanahin niya.
Mamayang hapon na ang kasal namin ni Ezi. Bumili ako ng isang white dress na hanggang kalahati ng binti ko ang haba niya. Ayoko ng gown na binili sa akin ni mommy na kitang-kita ang kurba ng katawan ko. Kung inaakala nila na maiisahan nila ako ay hindi mangyayari. Kaylanman, kahit kasal na kami ni Ezi ay hindi niya makikita ang tunay na ako. Gagawin ko ang lahat upang ma-divorce kami after two years. Ang importante lang naman ay ang maikasal kami. Sabi nga ni Kuya Caleb sa akin ay makukuha din ni Ezi ang mana nito after two years, ganuon din ang sabi sa akin nila mommy na makukuha ko ang mamanahin ko sa kanila kapag nagtagal kaming mag-asawa sa loob ng dalawang taon. Mabilis lang naman ang dalawang taon, sisiguraduhin ko sa kanya na kapag divorce na kami ay duon ko pa lang ipapakita sa kanya ang tunay na ako. Tignan ko lang kung hindi siya maglaway sa alindog ko. Iyon ang parusa ko sa kanya dahil sa pagiging walanghiya niya sa akin nuong bata pa kami. Hinding-hindi ko talaga makakalimutan ang ginawa niya sa akin.
"Alam mo ba bestie gulat na gulat sa akin si Kuya Matthew ng makita niya ako kahapon. Ano daw ang nangyari sa akin, kakaloka hindi niya ako nakilala." Tawang-twa si Tami habang nagkukuwento siya sa akin.
"Ilang taon ko ba na hindi nakita si Kuya Matthew mo, ha? Five years, right? Kamusta na sila ng girlfriend niya? I'm sure, makikilala ako ng Kuya Mathew mo sa hitsura kong ito dahil hindi naman niya ako nakitang maganda nuon dahil matagal siyang nawala." Hindi ko mapigilan ang matawa. Ngayon pa lang ay naiimagine ko na ang hitsura niya kapag nakita niya na ganito ang pagmumukha ko.
Napahugot ako ng malalim na paghinga. Ngayon na ang araw ng kasal namin ng impaktong Ezi na 'yon. Akala ko talaga ay aatras na ang isang 'yon, pero bakit hindi siya umatras? Nakakainis talaga ang lalaking 'yon.
"Ready ka na ba sa kasal ninyo mamaya?" Napatingin ako sa kaibigan ko. Natahimik ako, hindi agad ako nakasagot dahil sa totoo lang ay hindi pa naman talaga ako handa. Parang gusto kong ako na lang ang umatras, pero ayoko namang masaktan ang aking mga magulang. Ngumisi ako kay Tami. Ang dami ko kayang plano sa oras na maikasal na kaming dalawa.
"Oo naman! Ready na ako sa mga gagawin ko sa Ezi na 'yan. Tignan ko lang kung hindi niya ilatag sa harapan ko ang divorce paper namin." Wika ko sabay ngisi ko sa kaibigan ko. Natawa siya habang hindi niya inaalis ang tingin sa mukha ko. Hindi ko tuloy alam kung nakatitig siya sa aking dahil humahanga sa katalinuhan ko, o nakatitig siya sa akin dahil gusto niya akong inisin.
"Hay naku beshie! Tara mag-ayos na tayo dahil kukulutin ko pa 'yang buhok mo." Sabi niya na mabilis kong kinontra. Hindi ako magpapaganda ngayon dahil sisiguraduhin ko na hindi niya makikita ang maganda kong mukha. Tumayo ako at kinuha ko ang make up kit ko at inilabas ko lahat ng aking gamit pampapangit.
Tinignan ko kung ano ba ang magandang shades ng lipstick na binili ko, at nakita ko ang isang pulang-pulang lipstick kaya napangiti ako. Inilabas ko din ang mahabang fake eye lashes na binili ko na may mga kulay pa ang dulo nito. Inilabas ko din ang kulot na wig at nilagyan ko ng maraming hair spray upang tumigas ito at ginulo ko ng bahagya. Kinuha ko ang gown na binili ko at nilagyan ko ng padding ang gawing tiyan para magmukhang malaki ang puson ko at balakang.
Nagsimula na akong mag-ayos, sinigurado kong pantay ang aking mga kilay upang hindi nila mahalata at medyo kinapalan ko pa ito ngayon. Nilagyan ko din ito ng nabili kong prosthetic eyebrows na makapal para magmukhang totoo dahil sa buhok nito.
Nilagyan ko ng blue ang shade ng talukap ng mata ko at ng kulay gold na kumikinang-kinang pa. Nagpahid na din ako ng makapal na makeup at pulang-pulang lipstick, at ng matapos ako at nakuntento sa nakikita ko sa salamin ay napangiti ako ng malaki.
"Ang ganda mo talaga beshie!" Tumitili pa si Tami. Napatingin ako sa kanya kaya napabunghalit ako ng malakas na tawa dahil sa hitsura niya.
"Ang ganda nating dalawa!" Bulalas ko at nagmamadali na kaming magbihis.
"Jusko beshie! Hindi ko alam kung ano ang iisipin sa atin ng mga tao mamaya. Iisipin siguro nila kung mangkukulam ba tayo o aswang." Bigla akong natawa dahil sa tinuran ng aking kaibigan.
Hindi ko maidilat ng maayos ang mga mata ko dahil sa nilagay kong mahabang fake eye lashes. Mabigat ito dahil sa sobrang haba nito at may mga design na may kulay pa sa dulo. Mukha na talaga akong ewan sa mga pinag-gagawa ko sa aking sarili.
"Para kang kalalabas lang ng kaharian ng mga lamang lupa beshie!" Tawang-twa ako sa sinabi ng kaibigan ko. Sa inis ko ay pinalo ko ito sa kanyang braso. Pagkatapos ay humarap ako sa salamin at pinagmasdan ko ang sarili ko. Nagkatinginan kaming dalawa ni Tami, pagkatapos ay bigla kaming natawa ng malakas. Hindi ko alam kung ano ang hitsura namin, pero bahala na, ito naman talaga ang plano ko para mapaatras si Ezi, kaso itinuloy pa rin ang kasal namin kaya paninindigan ko na lang ang pagiging pangit ko.
Habang masaya kaming nagtatawanan ay mahihinang katok naman ang narinig namin sa pinto. Lumapit agad si Tami sa pintuan at binuksan ito. Gulat na gulat ang mga magulang ko ng tumambad sa kanila ang pagmumukha namin ng kaibigan ko. Inaasahan yata nila na magpapaganda ako ngayon dahil araw ng kasal ko. Hindi mangyayari 'yon.
"Oh my god naman anak! Kasal mo ito ngayon hindi ka naman aattend ng Halloween party." Wika ng aking ina, habang ang aking ama ay hindi na rin napigilan pa ang pagtawa. Sumunod namang pumasok ang dalawang kuya ko at maging sila ay walang tigil sa pagtawa habang pinagmamasdan ako.
Lumapit si Kuya Caleb at pinisil ang tiyan at tagiliran ko dahil sa napansing umbok mula dito. Tumatawa naman ako at tinignan ko pa ang tiyan ko kasi baka mayupi at mapansin na hindi pantay ang tiyan ko.
"Hataw ah! May bilbil ka pa ngayon! Ano ba 'yang nasa pilikmata mo ha? Fireworks?" Nginusuan ko lang si Kuya Caleb. Si Kuya Kayden naman ay parang maiihi na sa malakas na pagtawa nito.
"Sigurado ba kayong kasalan ang pupuntahan natin ha? Parang sa Halloween party ang punta natin nito eh. Hindi kaya matakot ang judge na magkakasal sa inyo?" Pakli naman ni Kuya Kayden, kaya lalo ng bumunghalit ng tawa si Daddy at si Kuya Caleb. Si Mommy naman ay parang naubusan na yata ng dugo. Hindi pa rin ito makapaniwala sa nakikita niyang hitsura ko.
Wala na rin silang nagawa pa dahil hindi nila ako mapag-aayos ng maganda kaya bumaba na din kami at nagtungo sa library ng aking ama. Sinigurado talaga ni Ezi na walang ibang makakakita na ikakasal siya sa akin. Saan ka naman nakakita ng ikinakasal na nakakulong kayo sa loob ng library? Mautak din ang mokong na 'yon. Sayang lang, kung duon kami sa garden ikakasal, bukas ng umaga ay trending na kami sa social media. Kaso mautak talaga ang isang ito, hindi nagpapatalo sa akin.
Ang sabi ng aking mga magulang ay nasa loob na raw ang pamilyang Reed at kami na lamang ang hinihintay. Hindi na rin ako makapaghintay na makita kung ano ang magiging reaksyon nilang lahat kapag nakita nila ako.
Pagkabukas ng pintuan ng library ay nakangiti akong pumasok kasama ang pamilya ko. Nakita ko ang pagkagulat ng judge at kulang na lang ay kumaripas ito ng takbo. Naglakad ako sa harapan nila at tumabi ako kay Ezi na may malaking ngiti, habang si Ezi naman ay nalaglag yata ang panga habang pinagmamasdan ako.
"Dad, kailangan ba talagang matuloy ang kasal?" Tanong ni Ezi, parang maiiyak na nga ito. Naglabas naman ang dad niya ng isang envelope at pen kaya mabilis na sumagot ang mapapangasawa ko sa kanyang ama.
"Okay, fine! Tuloy ang kasal." Sabi niya at tumayo na siya sa harapan ng judge. Nakatayo siya sa tabi ko, pero lumayo ito. Bigla kong hinablot ang braso niya at isiniksik ko ang sarili ko sa kanya. Inihilig ko pa ang ulo ko sa malapad niyang braso. Nararamdaman ko na parang diring-diri siya sa akin. Dapat lang!
"Hijo, sigurado ka na ba? Baka naman nauntog ang ulo mo kung saan eh pwede naman kitang dalhin muna sa doktor para magpatingin ka muna. Huwag magpadalos-dalos ng desisyon. Napakabata mo pa para sirain mo ang iyong buhay." Tinaasan ko ng mataba kong kilay ang judge dahil sa sinabi niya kay Ezi. Dukutin ko kaya ang mga mata niya?
"Excuse me! Maganda ako, noh! Maraming lalaki ang humahabol sa akin dahil sa taglay kong kagandahan. Kilala ba ninyo ang sikat na basketball player na si Thompson? Nagkakandarapa sa akin ang lalaking 'yon, FYI!" Pinagdidiinan ko pa sa kanila ang sinabi ko sabay nguso ko.
"True!" Sagot naman ng aking kaibigan kaya napalingon ako sa kanya at nginitian ko siya ng malaki. Napapailing na lamang sa akin si Ezi habang sila kuya ay tawa lamang ng tawa. Napatingin naman ako kay Enzo na tahimik lamang at namumula ang kanyang mga mata. Napakunot ang noo ko dahil tila ba may dinaramdam si Enzo.
Nagsimula na ang kasal at sinimulan na kaming tanungin ng judge. Nakikinig lang naman ako, sana lang ay kumaripas ng takbo palabas ng library ang lalaking ito para hindi na matuloy ang kasal.
"Ezekiel Xander Reed, do you take this woman as your wife, to share a life together in holy matrimony, to love, honor, and comfort her, to stand by her in sickness and in health, and to forsake all others, for as long as you both shall live? Pero kung hindi ka pa sigurado ay mauunawaan ko hijo. Pwede ka pang umatras sa kasalang ito." Wika ni Judge na ikinatawa ng malakas ng mga kapatid kong may toyo sa utak. Nakakainis na talaga ang judge na ito. Maging si Tami ay tumatawa na rin ng malakas kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Isa pa itong si Judge, nakakainis! Ano ba akala niya sa akin, impaktita? May nalalaman pa siyang baka hindi sigurado si Ezi. Hmp! Kahit naman ano pa ang sabihin niya, matutuloy pa rin naman ang kasal.
Natapos naman ang kasal namin at nakapag I do na kami sa isa't isa. Suot ko na rin ang singsing na binili, of course ng kaniyang mga magulang ang bumili nito at hindi ang lalaking impakto na ito na asawa ko na ngayon. I'm sure naman na hindi niya ako gagastusan ng kahit na piso, noh!
"Mabuhay ang bagong kasal!" Malakas na ani ng aking kaibigan at pumapalakpak pa talaga. Itinulis ko ang nguso ko kay Ezi na ikinagulat niya kaya napaatras siyang bigla. Ako naman ay lumalapit pa rin sa kanya na nakatulis ang aking nguso. Dapat may kiss dahil bagong kasal kaming dalawa. Tignan ko lang kung maatim niya na halikan ako.
"Oo nga pala, nakalimutan ko pa. You may kiss the bride." Ani ng judge. Ngumisi ako ng malaki at muli kong itinulis ang aking nguso. Narinig namin ang cheering ng lahat kaya mas lalo ko pang itinulis ang aking nguso kay Ezi.
"I can't! Hindi ko kaya!" Wika niya sabay takbo palabas ng library kaya sumibangot ako ng tuluyan na siyang makalabas. Ang lahat... maging ang aking mga magulang, maliban lang kay Enzo ay malakas na nagtatawanan dahil sa ginawang pagtakas ni Ezi.
Natapos na din ang kasal namin ngayon at nakapag empake na din ako ng mga gamit ko Sabi kasi nila na ngayong asawa ko na si Ezi, dapat ay sa kanya na ako titira. Tignan ko lang kung hindi mapadali ang divorce naming dalawa. gagawin ko ang lahat para ilatag niya sa harapan ko ang divorce paper.