Chapter 3

1286 Words
Ezekiel's POV Maaga akong pumasok ngayon dahil sisiguraduhin kong aabutan ko sila Genevieve. Hihingi ako ng paumanhin sa aking nagawa kahapon, hindi ko sinasadyang nasampal ko siya. Hindi ako nakatulog, magdamag akong gising dahil sobrang guilty ako. Kaylanman ay hindi ako nanakit ng babae, kahapon lang ay sising-sisi ako. Napahimas ako sa aking panga na may malaking pasa pa din. Sinapak lang naman ako ng aking kapatid matapos nyang makita ang mga nangyari kahapon. Hindi ko na nagawang lumaban pa dahil alam ko namang ako ang may kasalanan. Pati nga ang Dad ko ay nagalit ng malaman nya na nasaktan ko ang anak ng kaniyang best friend na si Genevieve. Yup! Mag best friend ang Dad namin at ang Daddy ni Genevieve. Ang balita namin ni Enzo ay isa sa amin ang ipinagkasundo ng aming mga magulang sa mga magulang ni Genevieve na magiging asawa nito sa oras na tumuntong na ito ng twenty-one years old. Kaya ginagawa ko ang lahat ng pambubully sa kaniya dahil ayokong ako ang magustuhan nya. Pero ng masaktan ko siya kahapon ay hindi ko maintindihan kung bakit parang ako naman ang nasaktan. Hindi naman kasi talaga ako nananakit ng babae, napikon lang talaga ako sa mga sinabi nya kaya ko nagawa 'yon. Napatingin ako sa aking orasang pambisig at napakunot ang aking noo ng makita kong limang minuto na lang at tutunog na ang bell, pero wala pa din si Genevieve at ang kaniyang kaibigan. Hindi kaya nasa classroom na sila? Mabilis akong tumakbo sa second-floor ng building at tinignan ko kung nanduon ang magkaibigan, ngunit wala naman sila duon kaya nagsalubong na ang aking mga kilay at bumalik akong muli sa entrance gate, ngunit wala talaga sila. Hindi naman sila nag-aabsent, kahit nga may sakit si Genevieve ay pumapasok 'yon dahil matigas ang ulo ng babaeng 'yon. "Hinihintay mo na naman ba si Genevieve para saktan mo ha?" Galit na ani ng aking kapatid ng makita n'ya akong nakatayo sa entrance at naghihintay. "Hindi s'ya pumasok Enzo, wala din sila sa loob ng classroom nila." Ewan ko kung bakit nakakaramdam ako ng kalungkutan sa kaalaman na hindi siya pumasok. Pagkasabi ko ay kumunot naman ang noo ng aking kapatid at nagmamadali akong iniwan sa entrance. Tumunog din ang bell pero hindi ako sa loob ng classroom namin tumungo dahil sinundan ko si Enzo na pumunta ng classroom nila Genevieve. Malalakas na tilian ang sumalubong sa amin ng pumasok kami ni Enzo sa loob, pero wala kaming pakialam sa kanila dahil si Genevieve ang hinahanap namin. "Nakita n'yo ba si Genevieve, o kaya si Tamiya?" ani ni Enzo na biglang ikinabusangot ng mga kababaihan sa loob ng room. "Hindi eh, buti nga at mukhang absent, nakakasawa na din kasi pagmumukha nila dito." Sabi ng maarteng babae na madalas na nagpapacute sa aming magkapatid. Sabay kaming lumabas ng aking kapatid at bumalik na kami sa loob ng aming classroom. Naging tahimik si Enzo buhat kaninang umaga hanggang sa mag-uuwian na kami. Isang grupo ng kababaihan ang lumapit sa amin na sa tingin ko ay classmates ni Genevieve. "Hello! Hindi ba at hinahanap n'yo kaninang umaga sila Genevieve?" Malanding sabi nito. Hindi na sana namin sila papansinin ni Enzo ng muli itong magsalita kaya napahinto kami sa paglalakad. "Nagtransfer na kasi Genevieve, at sa America na daw itutuloy ang kaniyang pag-aaral." Nagulat ako. Hindi ko inaasahan 'yon. Mabilis na tumakbo si Enzo pabalik sa loob ng building at dumiretso sa principal's office. Nalaman nga namin na magtransfer na nga si Genevieve at umalis na patungong America, at matatalim na titig ang ibinibigay sa akin ng aking kapatid. Kung nakakamatay nga lang ang sobrang talim ng mga mata nito ay kanina pa ako bumulagta dito sa sahig. Pagkauwi namin ng bahay ay hindi ako kinakausap ng aking kakambal, kahit naman ako ay nagagalit sa sarili ko dahil alam ko naman na kaya umalis si Genevieve ay dahil sa nagawa ko kahapon. Pagpasok ko ng aking silid ay nauulinigan ko si Enzo na tila ba nagbabasag ng gamit sa loob ng kaniyang kwarto kaya mabilis kong tinakbo ang kinaroroonan nya. Laking gulat ko ng tumambad sa akin ang magulo nyang silid at basag-basag na mga gamit. "Labas! Ayoko muna kitang makita at baka kung ano pa ang magawa ko sa iyo, Ezi! Lumabas ka!" Malakas nyang sigaw sa akin kaya naman mabilis akong lumabas ng kaniyang silid at hinanap ang aming ina sa garden. Nang makita ko ito si mommy ay agad ko itong tinawag upang mapigilan niya si Enzo sa pagwawala nito. Gulat na gulat ang aking ina at nagmamadali nitong tinungo ang kinaroroonan ng kakambal ko habang nakasunod ako sa likuran niya. "Enzo, anong nangyayari sa iyo ha? Bakit ka nagkakaganyan? " Napatingin kami ni Mommy sa buong silid ng kapatid ko. Ang daming basag na gamit, sobrang gulo ng kanyang silid. Kitang-kita ang pag-aalala ng aming ina ng pinipigilan si Enzo sa pagbabasag ng mga gamit nito. "Yang tarantadong 'yan. Nang dahil sa kaniya kaya umalis na ng bansa si Genevieve at nagpatransfer na lang sa America. Dahil binubully ng gagong 'yan!" Galit na galit nyang sigaw habang dinuduro ako ng daliri nya. Hindi ako kumibo dahil alam ko namang kasalanan ko. Alam kong ako ang dahilan kung bakit umalis na ng bansa si Genevieve. Aaminin ko naman na naapektuhan ako sa pag-alis nya, siguro ay nagiguilty ako. "Tama na 'yan, wala na tayong magagawa kung 'yon ang naging pasya nya. Hayaan mo at may nakalaang kaparusahan para d'yan sa kapatid mo." Sagot ng aking ina kaya napakunot naman ako ng aking noo. Kaparusahan? Anong kaparusahan ang sinasabi ng aking ina? "What do you mean, Mom?" Tanong ko sa kanya, ngunit lalo lamang kumunot ang aking noo ng tinignan nya ako at nginisihan lamang ako bilang tugon kaya hindi mawala-wala ang pagkakakunot ng aking noo. "Anong parusa ang sinasabi mo, ha Mom?" Tanong kong muli sa kaniya ngunit ngumiti lamang siya sa akin. "Just wait and see, son. You will understand soon enough." Ani naman ng aking ama kaya napalingon kaming lahat sa pintuan. "Dad?!" ani ni Enzo at tinapik lamang siya ng aming ama na tila ba pinapakalma ito. Samantalang pagtingin nya sa akin ay umiiling-iling lamang ito na tila mo disappointed sa akin. Sino nga ba ang magiging proud sa ginawa ko? Pinatulan ko lang naman ang isang babae at kinse anyos lamang ito. Maging ako naman sa aking sarili ay naiinis dahil sa aking nagawa. "Dad, anong parusa ang sinasabi ninyo ni Mommy?" Tanong ko sa aking ama na nilapitan naman ako at pagkatapos ay tinapik din ako sa aking balikat. "Kung ano ang nararapat sa ginawa mo anak." 'Yun lamang at nagkatinginan na kami ng aking kakambal. Nakita ko ang pangamba sa kaniyang mga mata kaya mas lalo akong hindi mapalagay sa sinasabi ng aming mga magulang na kaparusahan ko. Natahimik na ang aking kapatid at nagpatawag na din sila mommy ng kasambahay na maglilinis ng silid ng aking kakambal kaya bumalik na ako sa aking kwarto. Pag upo ko sa aking kama ay agad kong inihiga ang kalahati ng aking katawan, ano ang kaparusahang naghihintay sa akin na tinutukoy ng aking mga magulang? Bakit ganoon na lamang ang takot na nababasa ko sa mga mata ng aking kakambal ng marinig nya ang sinabi ng aking ama? Lintik at nababaliw na yata ako kakaisip tungkol sa kaparusahang tinutukoy ng aking ama. Kailan ito mangyayari? Ano bang kaparusahan ang nararapat sa aking nagawa? Pakiramdam ko ay naghihintay ako ng sintensya, at anumang oras ay bibitayin na ako. Napapikit na lamang ako ng aking mga mata ng biglang lumitaw ang mukha ni Genevieve sa aking balintataw na galit na galit sa akin kaya napadilat akong bigla. "What the fúck!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD