Chapter 4-

1513 Words
"Six years have flown by so quickly." Genevieve's POV Ang bilis lumipas ng panahon at anim na taon na akong naninirahan dito sa America kasama ang pamilya namin maliban na lamang kay Kuya Caleb na minsan lang kung dumalaw dito. Twenty-one years old na ako ngayon at malaki na rin ang improvement ko. Slim na ako at hindi na rin ako gumagamit ng makapal na salamin sa mata, nagpa Lasik surgery kasi ako kaya malinaw na ang aking mga paningin. Sa tuwing naaalala ko ang aking nakaraan ay natatawa na lamang ako, mula sa pagiging nerdy ay napakalaki ng aking ipinagbago. Wala ng bakas ng isang pagiging nerd ang hitsura ko ngayon. Nasa opisina ako ngayon at isa ako sa nagha-handle ngayon ng aming mga business dito sa America katulong ang aking Kuya Kayden at si Daddy. Ang dami ng nabago sa akin, ang pananamit ko, ang hitsura ko at ang pananalita ko. Basta ibang-iba na talaga ako kaysa dati. "Kuya, I need those files today. I have been asking you about them, but you still haven’t given them to me." Naiinis ako sa aking Kuya Kayden habang walang tigil ang aking mga daliri sa pagtitipa sa aking laptop. Kasi naman kailangan ko talaga ang mga iyon pero hanggang ngayon ay wala pa akong natatanggap. "Do you recall what I told you the last time we spoke? I specifically mentioned that the files aren’t completed yet and that I’m still in the process of working on them. My God Genevieve, masyado kang nagmamadali. Why are you being so incredibly impatient about this? It’s important to exercise a bit of patience and allow me the time I need to finish the task properly, pwede ba 'yon? Siguro naman ay kaya mo pang maghintay, hindi ba? Rushing me won’t help. What’s important is that the work is done right, not just quickly. I need the space to ensure everything is completed to the highest standard." Sagot n'ya kaya napadabog na ako. Ang bagal-bagal nya talagang kumilos samantalang isang linggo ko ng hinihingi sa kaniya ang mga files na 'yon. Puro naman kasi girlfriend ang inaatupag sa halip na 'yung pinapagawa ko. Biglang bumukas ang pintuan ng aking opisina at iniluwa nito si Tamiya. "Bestie, my god what took you so long?!" ani ko sa aking best friend. Yup, nandito na rin siya sa America at mag-iisang taon na siya dito. Magkasosyo kasi ang mga magulang namin sa negosyo kaya naisipan nyang dito na lang din siya manirahan sa California para magkasama naman kami. Katulad ko ay napakalaki na rin ng kaniyang ipinagbago kaya wala ng nambubully pa sa amin. "Sorry bestie, I was on the phone, alam mo naman maraming manliligaw." Maarte nyang ani kaya napapailing na lamang ako sa kaibigan kong ito. May lakad kasi kami ngayon dahil may dadaluhan kaming meeting. Hindi kami pwedeng ma late kaya agad kong kinuha ang aking bag at susi ng sasakyan na nakapatong sa table ko at mabilis na akong tumayo. "Kuya, finish those files please." ani ko sa kanya at hindi ko na hinintay pa ang kaniyang tugon at mabilis na kaming lumabas ni Tami ng aking opisina. "Have you heard anything about the twin brothers since you left the Philippines?" Tanong ni Tami sa akin ngunit hindi ko siya pinansin at patuloy lamang ako sa pagmamaneho. "Where do you want to eat lunch after the meeting?" Pag-iiba ko ng usapan. Ayoko na kasing pag-usapan pa ang tungkol sa dalawang 'yon dahil matagal ko na silang kinalimutan. Lalong-lalo na ang Ezikiel na 'yon. Ang laki kaya ng kasalanan sa akin ng lalaking 'yon. Hindi ko makakalimutan kung ano ang ginawa niya sa akin. Akala yata niya ay basta ko na lang 'yon kalilimutan. "Red Lobsters." Napangiti naman ako sa napili niyang restaurant. Alam na alam talaga niya kung ano ang paborito ko. "Alright then!" ani ko at tumungo na kami sa lugar kung saan gaganapin ang meeting namin para mamaya, after ng meeting namin ay didiretso na kami sa Reb Lobsters restaurant. Halos kulang tatlong oras din inabot ang meeting namin, pagkatapos ay tumuloy na kami ni Tami sa sa restaurant na napili nya. Buti na lang at hindi masyadong maraming tao kaya maraming available na table. "Oh my god! Tignan mo bestie ang gwapo ng lalaking nakaupo sa sulok, ako yata ang hinihintay n'ya." Pagbibiro ni Tami habang kinikilig pa kaya sinaway ko na siya. Baka kasi mapansin pa kami ng lalaking gwapo at kung ano pa ang isipin ng lalaking 'yon. Pagkaupo namin sa lamesang pinagdalhan sa amin ng waitress ay agad din kaming umorder. Para kaming mga gutom na gutom na hindi napakain ng isang linggo sa dami ng pagkaing inorder namin. We ordered the Ultimate Feast, which included a variety of seafood, like garlic-grilled shrimp, hand-battered fish and chips, and baked crab and lobster salad. Halos lahat ng mata ay sa amin na yata nakatingin, ngunit wala kaming pakialam basta kami ay ieenjoy lang namin ang lahat ng pagkain na nasa harapan namin. Pakialam ba nila, sa kanila ba kami humingi ng pambayad? Habang masaya naming nilalantakan ang pagkain na nasa ibabaw ng aming table ay isang baritonong boses ang pumukaw sa masarap naming pagkain. "Hello!" Ani n'ya kaya napataas kami ni Tami ng ulo, at laking gulat namin ng mapagsino ang taong bumati sa amin. Ito lang naman yung kinakikiligan ni Tami na lalaki na kanina lamang ay nakaupo sa sulok ng restaurant na ito. Pero ngayon, heto at nasa harapan na namin ito at mukhang gusto pang makipag kilala sa amin. Pwede naman, ang gwapo kaya niya. "Oh my God, hellooooo!" Malandi namang ani ni Tami kaya napa facepalm na lamang ako sa kalokohan ng babaeng ito. Alam ko namang makalokohan lang ang kaibigan kong ito, kaso baka seryosohin ng lalaking gwapo at isipin na madaling bumigay ang kaibigan ko. Hindi totoo 'yon, mahilig lang talaga sa kalokohan si Tami. "My name is Calix Adam Davis." Pagpapakilala nya kaya nginitian lang namin s'ya at pagkatapos ay nagpakilala din kami sa kanya. Mabait naman sya at napag-alaman namin na may dugo din pala siyang pinoy kaya ganoon na lang ang lakas ng loob n'ya na lapitan kami, dahil alam nyang katulad nya ay may dugo din kaming pinoy. Nakakatawag lang ng pansin namin ay ang mga lalaking tila nakabantay sa kanya na mga nakasuot ng itim na coat at ang tattoo niyang scorpion sa kanyang kanang palapulsuhan sa tabi ng kanyang pangalan na Calix. Naging masaya naman ang lunch namin lalo na at nagkaroon kami ng bagong kakilala na hindi sinipot ng kaniyang girlfriend sa araw pa mismo ng kanilang 2nd year anniversary, kaya kaysa daw magmukmok siya ay makikisabay na lang siyang kumain sa amin. Nakakatawa dahil kinulang pa 'yung pagkain namin at umorder pa s'ya ng idinagdag nya, kaya lahat na ng mga mata sa loob ng restaurant ay sa amin na talaga nakatingin. Namamangha siguro sila kung bakit ganito kami karami kumain. Nagkapalitan na rin kaming tatlo ng mga numero at masaya naman kaming naghiwa-hiwalay sa parking lot. Gusto lang naman daw niyang makipag-kaibigan sa amin. So, why not coconut! "My god bestie ang gwapo-gwapo nya talaga! Kaya lang may girlfriend na." Natawa naman ako sa kaibigan ko. Ito talagang si Tami, basta gwapo iniisip na talaga na pwede niyang maging nobyo. Nakakaloka! "Akala ko ba si Kuya Caleb lang ang gwapo dyan sa mga mata mo ha? Bakit ngayon eh kinikilig ka diyan sa Calix na 'yan ha? Huwag mong kalilimutan may girlfriend na 'yung tao. Hindi lang naman siya sinipot kaya nilapitan tayo kanina." Sabi ko sa kanya. Nginusuan naman niya ako kaya natawa na ako. "Yang kuya mo suplado, akala mo laging nakakalunok ng Datu Puti!" Nanunulis ang nguso nyang ani na tinawanan ko naman. Nakabalik kami ng opisina na wala kaming ginawa kung hindi ang tumawa ng tumawa dahil sa mga kalokohan ng aking kaibigan. Kulang na lang ay sumakit ang tiyan namin, panay kasi ang pagpapatawa niya. Parang hindi siya nauubusan ng mga jokes. "Pero bestie, ang lagkit ng tingin sa'yo ng Calix na 'yon kanina ha. Mukhang balak na nya yatang palitan ang girlfriend nya." Natawa naman ako sa tinuran niya. Kung ano-ano na lang ang naiisip ng kaibigan kong ito kahit hindi naman totoo, basta mang-aasar lang siya kapag nasa mood ito. Hindi na ako kumibo pa, iniisip ko kasi ang gustong mangyari ng mga magulang ko na umuwi na lang muna kami ng Pilipinas dahil may mga kailangan daw kaming kausapin na hindi ko naman alam kung sino. Kinakabahan nga ako dahil parang may itinatago sila sa akin. Kung ano man ang sasadyain namin sa Pilipinas, isa lang ang plano ko. Sisiguraduhin ko na sa pagbabalik ko ng Pilipinas ay ang Nerd na Genevieve ang makakaharap ng mga taong umapi sa akin nuon. Gusto kong makita kung paano nila ako pakikiharapan, lalong-lalo na ang Ezikiel na 'yon. Ang laki talaga ng kasalanan niya sa akin at hanggang ngayon ay hindi ko pa ito nakakalimutan. "Ano ba ang iniisip mo?" Napatingin ako sa kaibigan ko. Ngumiti ako sa kanya at umiling.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD