Chapter 2

2392 Words
Genevieve's POV "Taba, umalis ka nga diyan!" Sigaw ni Ezekiel sa akin habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada pauwi sa amin. Napatingin na lamang ako sa kanya habang nakangisi lamang s'ya sa akin na animo ay may binabalak na hindi maganda. Napayuko na lamang ako ng aking ulo at nilalagpasan ang dalawang magkapatid. "Ezi, tumahimik ka nga! Hindi ka naman inaano ng tao tapos ginaganyan mo?" Lihim naman akong napangiti ng marinig ko na ipinagtatanggol ako ni Enzo. Patuloy lamang ako sa paglalakad habang nakayuko at hindi pinansin ang pangbubully sa akin ni Ezekiel. Hindi ko naman kailangang patulan si Ezi, hinahayaan ko lang siya na baka isang araw ay magsawa din ito. Sanay na kasi ako na lagi nya akong iniinsulto sa loob ng school. Hindi naman kasi niya ako sinasaktan, puro pang-lalait lang ang ginagawa sa akin nito kaya parang musika na nga ang mga ito sa aking pandinig. "Buti bestie kinakaya mo pa rin ang pangbubully sa'yo ng Ezikiel na 'yan? Kung ako siguro ang laging binubully ng sira-ulong 'yan eh matagal na akong huminto sa pag-aaral ko." Sabi ng aking best friend na si Tamiya. Hindi ko na lamang pinansin ang kaniyang sinabi at nagtuloy lamang kami sa loob ng aming classroom at naupo kaming magkatabi. Umugong ang malakas na bulung-bulungan ng biglang dumaan sa tapat ng aming room ang kambal na Reed na anak ng may-ari ng eskwelahang pinapasukan namin. Hindi ko sila pinansin at binuklat ko lang ang libro na nasa harapan ko. "Ang gwapo talaga ng kambal, grabe! Sana mapansin naman nila ako." Maarteng wika ng pinaka magandang classmates namin na si Dianne. Natatawa na lamang kami ng aking kaibigan sa tuwing naririnig namin ang mga pagnanasa ng aming mga kaklase sa magkapatid na Reed. Graduating na sa darating na isang buwan ang magkapatid ng high school habang ako naman ay nasa second year high school pa lamang. Crush ko si Enzo, pero napaka seryoso nyang tao. Lagi lang tahimik ang isang 'yon at bibihira kung ngumiti kaya nakakailang. Idagdag mo pa ang masamang ugali ng kaniyang kakambal na sa tuwing nakikita ako ay hindi pinapalagpas ang araw na hindi ako sinasabihan ng hindi magaganda. Minsan nakakapikon pero mahaba naman ang pasensya ko kaya sige lang, magsawa siya. Natapos ang maghapon namin sa school. Papauwi na lamang kami ni Tamiya, at habang inaantay ko ang driver namin ay bigla na lamang sumulpot sa harapan namin si Ezekiel. "Taba, umalis ka nga sa harapan ko! Nagmamantika ang pakiramdam ko kapag nakikita kita." Here we go again, nambubully na naman ang Ezi na ito kaya umatras ako at hinayaan ko siyang makaraan. "Kung makalait ka akala mo napaka gwapo mo, tseh!" Inis na sabi ni Tamiya na ikinagulat ko. Agad ko siyang hinila palayo sa kanila at nagmamadali kaming lumakad habang hindi pa rin tumitigil sa pagsasalita ang aking kaibigan. Kahit na ano pang saway ang gawin ko sa kanya ay talagang lumalaban ito. "Bestie tama na, hinahabol na nya tayo." Nag-aalala kong ani habang nakanguso lang si Tamiya na hindi alintana kung ano ang maaaaring mangyari sa amin sa kamay ng Ezekiel na 'yan. Napalingon ako sa aking likuran at nakita ko ang nanggagalaiting anyo ni Ezekiel na humahabol nga sa amin. "Tigil!" Malakas nyang sigaw sa amin kaya napalingon kami kay Ezikiel. Pakiramdam ko yata ay malulumpo na ako sa sobrang pangangatog ng aking tuhod. Nakikita ko kasi ang matinding galit niya. Bakit ba kasi galit ito sa akin? "Sino nagbigay ng karapatan sa iyo para insultuhin mo ako, ha?" Malakas na sigaw ni Ezekiel sa aking kaibigan, kaya walang humpay ang pagkabog ng aking dibdib sa pagtibok habang titig na titig ako sa mukha ng lalaking kaharap namin. Tinaasan lamang siya ng kilay ng aking kaibigan kaya mas lalo itong nagalit. Itinulak niya si Tamiya kaya bumagsak ito sa semento. Napasigaw ako at napatingin sa aking kaibigan. Umiiyak na si Tamiya habang ang mga estudyante naman ay napapalibutan na kami na tila ba nasisiyahan pa sa kanilang mga nakikita. Napatingin ako kay Ezekiel na nakangising nakatingin lamang sa amin ni Tamiya, kaya pagkatapos kong tulungan ang aking kaibigan na makatayo ay galit na galit akong humarap kay Ezikiel. "Ang kapal ng mukha mo para saktan ang kaibigan ko! Babae lang ang kaya mo kasi duwag ka, para kang isang tuta na nagtatago sa likod ng isang leon. Ganoon ka lang Ezekiel sa paningin ko dahil babae lang ang kaya mo!" Malakas kong sigaw sa kanya, at biglang isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi na ikinatigagal ko. Halos tumabingi ang mukha ko, at nahulog pa ang aking salamin sa mata kaya unti-unti akong lumuhod upang damputin ito at muling isinuot kahit nagkalamat na ito. Halos manlabo ang aking salamin sa mga luhang dumadaloy mula sa aking mga mata at napatingin ako kay Ezekiel. Kitang-kita sa kanyang mga mata ang pagkabigla at tila ba pagsisisi sa kanyang nagawa. Hinawakan ako ng aking kaibigan at naglakad na kami papalayo sa kanila habang ang mga estudyante naman ay hindi makakibo sa kanilang mga nasaksihan. "Ge-Genevieve." Tawag sa akin ni Ezekiel na hindi ko naman pinansin. Oo na, pangit na kami, mataba na kami ng aking kaibigan, pero hindi sapat iyon para tratuhin niya kami ng ganoon. "Genevieve!" Tawag nyang muli sa aking pangalan, ngunit binale-wala ko na lamang ito at sumakay na kami sa sasakyan ng aking ama ng pumarada ito sa harapan namin. Pagkasakay namin ay nagyakap kami ng aking kaibigan dahil sa nakakahiyang nangyari sa amin sa school. Kung nuon ay pagka-inis lamang ang nararamdaman ko para kay Ezekiel, ngayon ay namumuhi na ako sa kanya. "Senyorita Genevieve, ano po ang nangyari sa inyo at putok ang labi n'yo?" Nag-aalalang ani sa akin ng aming driver kaya nagsinungaling na lamang ako at sinabi kong nadapa ako. Siguro oras na para tanggapin ko ang gusto ng Mommy at Daddy ko na mag transfer na lamang ako sa America. Nanduon kasi sila at tanging mga kuya ko lamang ang kasama ko sa bahay. Pero maging si Kuya Kayden ay gusto na ring bumalik ng America dahil nanduon ang kaniyang girlfriend. Pagkahatid namin kay Tamiya ay dumiretso na rin kami ng uwi sa amin. Pagkarating pa lang ng bahay ay umakyat na ako sa aking silid at nagkulong. Umiyak ako ng umiyak dahil sa nangyari sa akin kanina sa school. Ayoko ng pumasok, ayoko ng makita pa ang Ezekiel na 'yon kaya tatawagan ko na si mommy upang ihanda na ang ticket ko papuntang US. Tuwang-tuwa si Mommy at si Daddy ng malaman nila na pumapayag na ako sa kagustuhan nila. Maging si kuya na nasa opisina ay tinawagan ako dahil sa sobrang tuwa ng malaman nya na pumapayag na ako, kaya naman mabilis silang nakabili ng ticket namin at bukas na agad ng tanghali ang flight namin ni kuya. Maiiwan dito sa Pilipinas ang panganay naming kapatid na si Kuya Caleb dahil sa mga negosyong nandirito sa Pilipinas na pamamahalaan niya, habang si Kuya Kayden naman ang kasama kong pabalik ng US. Maaga akong nagising at tinawagan ko agad ang aking best friend na si Tamiya. Hindi nya pa kasi alam na paalis na kami mamaya kaya pinapunta ko siya dito sa bahay para magkaroon kami ng time magpaalam sa isa't-isa. "Grabe ka naman bestie. Bakit ka naman nanggugulat ng ganiyan, dahil ba ito sa nangyari kahapon? Kasalanan ko to eh, dapat talaga tumahimik na lang ako para hindi ka nasaktan ng hayop na lalaking 'yon!" Naiiyak ang best friend ko dahil magkakahiwalay na kami. Kahit naman ako ay naiiyak na rin dahil magkakalayo na kami at hindi ko alam kung kaylan ako babalik dito sa Pilipinas. "Bibig mo bestie, baka marinig tayo ni kuya magulpi nya pa ng wala sa oras ang lalaking 'yon. Baka hindi pa kami makaalis nyan sige ka!" Napabuntong-hininga na lamang siya dahil sa tinuran ko. Hindi ko talaga alam kung kaylan kami makakabalik dito sa Pilipinas dahil mas gusto ng aking ina ang paninirahan nito sa America dahil nanduon halos ang lahat ng aming mga negosyo. Sumama na rin sa paghatid sa akin si Tamiya at ang kuya nyang gwapo na si Mathew. Crush ko din si Kuya Mathew katulad kung gaano ko ka crush si Enzo. Ay naku! Napaka-salawahan talaga ng puso ko! "Lagi tayong mag-uusap sa video chat ha, huwag kang makakalimot sa akin. Mamimiss kita bestie." Umiiyak na ani ni Tamiya at mahigpit kaming nagyakap na tila ba ayaw na naming maghiwalay. Iyak lang kami ng iyak dahil hindi kami sanay na magkalayo kami. Maliit pa lang kami ay kaming dalawa na ang magkaibigang matalik. "Genevieve, unang gawin mo duon ang magpapayat ha. Ang taba-taba mo na lalo, tama na ang kakakain mo ng ice cream at cake." Pang-aasar naman sa akin ni Kuya Mathew na iningusan ko lang ng aking nguso. Natawa naman si Kuya Kayden, akala naman nila ay nakakatawa ang sinabi ni Kuya Mathew. Magkaibigan si Kuya Kayden at si Kuya Mathew kaya ako ang lagi nilang napagtitripan. Nagulat ako ng bigla na lamang akong hinila ni Kuya Mathew at pagkatapos ay mahigpit akong niyakap at binulungan sa aking tainga. "Mag-iingat ka, mamimiss ka namin ni Tamiya." Bulong nya sa akin kaya para akong tanga na hindi na nakakilos pa ng biglang pinaghiwalay kami ng aking kapatid. Kakainis talaga si Kuya Kayden, panira ng moment! Yakap na nga ako, tinanggal pa. Kakainis! "Gago ka pare, walang yakapan ng kapatid." Ani ni kuya sabay hampas ng bag sa braso ng kaniyang kaibigan. Natawa naman si Kuya Mathew at kinindatan pa ako kaya napapabungisngis ako. Matagal na paalaman pa ang ginawa ng dalawa naming kuya ni Tamiya habang kami naman ay pumasok saglit sa duty free at bumili kami pareho ng tig-isang silver na bracelet at pinagpalit namin ito. Ito ang tanda ng aming friendships na kaylanman ay hindi kayang tibagin ng kahit na sino. Tinawag na ang mga passenger ng eroplanong sasakyan namin kaya nagpaalam na din kami sa kanila at naghiwa-hiwalay na din kami habang walang patid sa pag-iyak si Tamiya. Ayaw niya talaga akong bitawan pero kailangan na naming umalis ni Kuya Kayden. Lumipas pa ang maraming mga oras hanggang sa tuluyan na kaming nakarating ng California. Paglapag namin sa LAX Los Angeles International Airport ay masaya kaming sinalubong ng aming mga magulang at mahigpit na yakap ang natanggap namin mula sa kanila. "Finally! Anong nakain mo at pumayag ka na ring manirahan dito, ha anak? Kami ay natutuwa dahil magkakasama-sama na tayo dito." Makikita sa mukha ng aking ina at ama ang labis na kasiyahan habang yakap nila ako. "Namimiss ko na po kasi kayo." Sagot ko kaya masaya na kaming tumungo sa parking lot at lumulan sa aming sasakyan. Napabuntong hininga ako ng magsimula ng umusad ang aming sasakyan sabay tanaw ko na lamang sa bintana. Ngayon pa lang ay parang may kulang na agad. Hindi ako sanay na hindi ko nakakasama ang aking matalik na kaibigan. Nakakalungkot pala at sana ay kayanin ko. "Okay ka lang ba anak?" Ani ng aking ina kaya napatingin naman ako sa kaniya. Isang matamis na ngiti naman ang ibinigay ko sa kanya upang hindi niya maisip na hindi ako masaya. "Namimiss ko lang po agad si Tami, alam n'yo naman pong bata pa lamang kami ay sabay na kaming lumaking magkaibigan at ngayon lang po kami nagkahiwalay. Nakakapanibago lang po." Alam ko naman na nauunawaan nila ako. Saka totoo naman ang sinabi ko. Ngayon pa lang ay ang lungkot-lungkot ko na. "Masasanay ka din anak, magugustuhan mo dito sa California. Marami kang magiging kaibigan sa new school mo. Fifteen years old ka pa lang naman anak kaya I'm sure na marami ka ding makikilala na mga bagong kaibigan dito." Ani nya sa akin na ikinibit-balikat ko na lamang. Mukhang matatagalan yata kami dito sa America, or baka hindi na talaga kami babalik pa ng Pilipinas. Mamimiss ko ang best friend ko at sana ay dalaw-dalawin niya ako dito. Napapunas ako ng aking mga mata ng maramdaman kong may pumatak na mga luha mula dito, kaya muli akong tumingin sa bintana upang maibsan ang kalungkutan na aking nararamdaman. Nakarating kami sa malaking bahay namin dito, huling punta ko yata dito ay nuong walong taong gulang pa lamang ako. Malaki na ang pinagbago nito at mas lalo itong lumaki. Pagbaba ko ng sasakyan ay magiliw kaming sinalubong ng mga pinay naming kasambahay. "Welcome back Senyorita Genevieve!" Ani nila kahit hindi ko naman sila nakikilala o kaya natatandaan. Sobrang bata pa ako nuong huling bisita ko dito. Labing limang taon na ako ngayon kaya mga seven years ding hindi ako nakapunta dito. "Ang ganda naman ng nag-iisang prinsesa ng mga Madden." Boses ng aking lola kaya nagmamadali akong tumakbo upang yakapin ko ang paborito kong lola. "Lola!" Sigaw ko ng may galak sa aking tinig at niyakap ko agad ito. Umiyak pa ako kasi kay tagal ko siyang hindi nakita. Sobra ko talaga siyang na-miss. "Dalagita na ang apo ko at ang ganda-ganda kahit medyo malusog." Mapang-asar na ani ni lola sa akin kaya nginusuan ko naman agad siya. Tawa tuloy ng tawa si Mommy at si Daddy. "I'm not chubby Lola," ani ko habang nanunulis ang aking nguso kaya malalakas na tawanan ang namayani sa amin. "Tamang-tama nandito ang pinsan mo, patuturuan kita kung paano ang tamang diet, para ka kasing napabayaan sa kusina apo." Ani muli sa akin ni lola kaya wala naman silang tigil sa pagtawa. Hindi naman ako na-o-offend, kasi ganito naman kami talaga ng pamilya ko sa mga biruan namin kaya sanay na sanay na ako. Si Kuya Caleb din kasi dati ay naging tampulan ng tukso dahil dati siyang mataba, pero dahil sa pursigido syang maging fit ay naging sobrang macho naman siya ngayon with six packs. Sabi nga ni Tami sa akin, yummylicious daw ang kuya ko. In-love nga yata 'yun sa Kuya Caleb ko kaya lang hindi sya pinapansin ni Kuya Caleb. Kasi nga ay masyado pa daw kaming bata at may mga gatas pa sa labi, samantalang si kuya Caleb ko ay twenty-four years old na. Pagkapasok namin sa loob ng malaking bahay ay dumiretso na agad kami ng kusina. Nagulat pa ako sa nakita ko sa sobrang dami ng pagkaing nakahain sa mahabang lamesa. "Jusko! Paano ako papayat nito kapag ganyan naman ang salubong ninyo sa akin?" Umugong ang malakas na tawanan sa buong paligid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD