Genevieve's POV
Ngayon ang araw na ipapakilala sa akin nila mommy ang mapapangasawa ko daw. Sa isang restaurant na pag-aari namin kami magkikita ng pamilya ng kung sino mang herodes ang pakakasalan ko. Mamaya pa namang dinner time 'yon kaya marami pa akong oras para maglakwatsa.
"Beshie, bilisan mo naman diyan! Pati ba naman sa pagpapapangit ang bagal-bagal mo? Nakakaloka ka ha!" Ani ko sa kaibigan ko habang mas pinapapakapal pa niya ang kaniyang kilay. Nakakatuwa lang na naglagay pa talaga siya ng isang nunal sa tungki ng ilong niya. Ang cute lang niyang tignan.
Tawang-tawa ako ng makita ko siya na tila naduduling dahil sa nunal na inilagay niya sa pinaka tuktok ng kaniyang ilong. Sa inis niya ay tinanggal niya din ito at inilipat naman niya sa may ilalim ng kaniyang mata pero naiirita din siya kaya muli niya itong inalis.
"Ayoko na nga ng nunal! Nakakainis! Nakakaduling pala kapag hindi ka sanay na may nunal sa mukha." Wika niya kaya panay ang tawa ko sa kanya.
Nang matapos na siyang magpapangit ay nag-paalam na kami at nagpunta na kami ng mall. Habang naglalakad kami sa mall ay may napansin kaming dalawang lalaking makisig na naglalakad sa may unahan namin. Hindi namin nakikita ang mukha nila pero mula sa likuran ay shemay naman, makalaglag panty naman talaga ang pangangatawan nila. Ang pananamit nila, nakakapang-laway at talagang super-duper macho ang datingan nila.
"Halika, unahan natin sila sa paglalakad, gusto kong makita ang mukha nila kaya babanggain ko din sila para naman mas exciting, hindi ba?" Bulong ko sa kaibigan ko na kinikilig din habang halos maglaway kami sa katawan ng dalawang lalaki na nasa unahan namin. Idagdag pa ang mga kababaihang nakakasalubong namin na namimilog ang mga mata habang pinapagpapantasyahan nila ang dalawang lalaki na nasa unahan namin. Ngayon pa lang ay nakakasiguro kami na magagandang lalaki nga sila base na rin sa reaksyon ng mga babaeng naglalakad.
Bumitaw ako sa pagkakahawak ko sa aking kaibigan at mas binilisan ko ang lakad ko. Nang makatabi ko na sila ay bigla kong sinagi ang lalaki na ikinatigil nila sa paglalakad, lalo pa at bumagsak ako sa sahig. Nakakainis, hindi naman ito ang plano ko, ang tigas naman kasi ng katawan nila.
"What in the world are you doing? Stupid woman!" Ani ng isang boses ng lalaki. Kumunot ang noo ko. Nakakainis naman ang isang ito, ang pangit ng ugali. Pag-angat ko ng aking mukha upang tignan kung gwapo ba sila ay napangiti ako, habang sila namang dalawa ay sinibangutan ako na tila ba nandidiri sa akin.
"Oh geez! Get lost!" wika ng dalawang lalaki at iniwanan na nila ako. Hindi man lang nila ako tinulungan makatayo. Sa inis ko ay kinuha ko ang sapatos ko at ibinato ko ito sa kanila.
"Mga bastos! Hindi ba ninyo ako itatayo?" Galit kong sigaw sa kanila, pero pinagtawanan lamang nila ako at tuluyan na nila akong iniwanan. Napatingin naman ako sa kaibigan ko na walang tigil sa pagtawa, kaya sa inis ko ay tinanggal ko ang isa kong sapatos at ibinato ko naman sa kanya.
"Ang kakapal naman kasi ng mga mukha nila, talagang ang magkaibigan pa na sila Dave at Randle ang binalak na pagpantasyahan. Geez nakakahiya sila! Ang papangit pa naman nila." wika ng isang babae na nakatayo sa harapan ko na may kasamang mga kaibigan niya. Natigilan ako dahil hindi ko makakalimutan ang pagmumukha niya. Siya lang naman si Briselda bruhilda na lagi kaming nilalait na classmates ni Ezi. Ang babaeng parang higad na laging pumupulupot sa kambal. Hmp! Hindi pa rin nagbabago, mukha pa rin siyang bruhilda.
"Tara na beshie, hayaan mo na ang mga 'yan." Ani ni Tami at iniabot niya sa akin ang aking sapatos. Itinayo naman agad ako ng aking kaibigan, at sasagutin ko na lamang sana ang bruhilda na ito ng bigla akong pinigilan ni Tami.
"Huwag ngayon, baka masira plano mo kapag nagpakilala ka sa mga 'yan." Napahugot ako ng malalim na paghinga. Tama nga naman siya, baka dahil sa mga impaktang ito ay masira pa ang plano ko.
"Tara na nga at hinihintay na ako ni Ezi, may date kaming dalawa." Ani niya na ikinataas ng mataba kong kilay. Nagkatinginan kaming magkaibigan, hindi ako makapaniwala na sila palang dalawa ang nagkatuluyan. Akalain mo nga naman at nagbunga ang pagiging sawa niya nuong high school pa lang kami. Ano kaya ang ginawa ng babaeng 'yon at pinatulan siya ni Ezi? Hindi naman siya kagandahan. Kapag nagsasalita parang palipit ang dila na akala mo ay may nginunguya na chewing gum, pero kung makapamintas ng kapwa, wags! Nakakaloka, kapag naglalakad parang bibe na pilit ikinekembot ang puwit. Nakakaloka!
Napakunot ang noo ko dahil sa naiisip ko. Ano ba ang pakialam ko sa Ezi na 'yon? Kinasusuklaman ko kaya ang lalaking 'yon dahil sa ginawa niya nuon sa akin. Pero ano na nga kaya ang hitsura nila ngayon? Nuon kasi ay payatot silang dalawa ni Enzo, pero kahit payat sila ay sobrang gwapo naman nila.
"Ano na kaya ang hitsura nila Ezi at Enzo noh?" Tanong ng aking kaibigan ng nagsimula na kaming maglakad. Iyon din ang tanong ng isipan ko, magkaibigan nga talaga kaming dalawa.
"Siguro payatot pa rin." Napabungisngis tuloy kaming dalawa sa isinagot ko. Naaalala ko ang tawag sa kanila ni Tamiya nuon, butiking nangingisay. Lalong-lalo na kay Ezi na ang tawag niya ay nililitsong butiki sa impyerno. Kasi nga ay masama naman talaga ang ugali ni Ezi.
Nakarating kami sa department store at naghanap ako ng isang damit na magmumukha akong binalot na suman. Pagkakita ko ng isang dress na hanggang binti ang haba na long-sleeve, at may butones na hanggang leeg ay mabilis ko agad itong binili.
"Oh my God! Please don’t tell me that’s what you’re actually planning to wear to the restaurant tonight! You can’t seriously be thinking of showing up in that outfit, have you lost your sense of style?" Gulat na sabi sa akin ng aking kaibigan. Isang malapad na ngisi ang sumilay sa aking makipot na labi habang tumatango ako. Tignan ko lang kung hindi tumakbo papalabas ng restaurant ang lalaking 'yon! Tignan ko lang din kung hindi umurong agad ang mga kaibigan nila mommy sa oras na makita na nila ako.
"Okay lang 'yan. Para lalong umatras ang lalaking 'yon sa kasal namin." Natawa naman siya at tinignan ang dress na binili ko.
Pagkabayad namin sa lahat ng mga pinamili namin ay nagmamadali na kaming umuwi. Sa totoo lang ay hindi ko na nga ito sinukat pa, basta kinuha ko na lang ito at binayaran ko agad. Kasi nga ang nakikita ko ay ang pagiging manang ko kapag suot ko na ito.
Nakauwi agad kami. Sinalubong ako ni mommy at sinabi na maghanda na daw kami dahil mag-aalas sais na ng gabi, at six o clock lang ang usapan na magkikita kami ng mga kaibigan niya.
Napangiti ako at nagmamadali akong umakyat ng aking silid. Sinigurado ko na mas magmumukha akong katawa-tawa sa oras na makita ako ng lalaking 'yon. Ang gusto ko ay mabilis siyang tatakbo palabas ng restaurant at siya na mismo ang aatras sa aming kasal. Gusto ko 'yung matatakot silang lahat at sasabihin nila sa mom and dad ko na, 'I'm sorry amiga, pero hindi ko kayang makita ang anak ko na ikakasal sa anak mo.' Sa isiping 'yon ay napabungisngis akong bigla.
"Mukhang masaya ang kapatid ko ah! Woah! Bakit ganyan ang suot mo?" Napatingin ako kay Kuya Caleb. Gulat na gulat siya ng makita niya ang bagong dress na binili ko na halos umabot na sa sakong ko. Hindi ko naman ineexpect na ganito pala ito kahaba, akala ko ay hanggang binti lang ito pero halos umabot na ito sa aking sakong.
"Ang ganda ko noh? Bagay ba sa akin, ha kuya?" Natatawa sa akin si kuya habang umiikot-ikot pa ako. Hindi siya makapaniwala sa hitsura ko pero ito talaga ang plano ko, ang paatrasin ko sa kasal ang lalaking 'yon kung sino man siya.
"You are so damn crazy my dear little sister." Ani ni kuya. Nginisihan ko lang siya at kinindatan. Kinuha naman niya ang kamay ko at inalalayan na niya ako pababa ng hagdanan. Nag-aalala kasi siya na baka daw mahulog pa ako sa hagdan at mabalian pa ako ng buto sa haba ng suot ko. Pagkarating namin ng living room ay halos malaglag ang mga panga ng aming mga magulang ng makita nila ako, lalong-lalo na si Kuya Kayden na natulala na yata.
Pagkaraan ng ilang minuto ng pagkakatulala nila ay isang malakas na pagbunghalit na tawa ang naririnig namin kay Kuya Kayden. Napaupo pa ito sa sofa na sapo-sapo ang kaniyang tiyan dahil ayaw niyang tumigil sa pagtawa.
"Oh my God! Nababaliw ka na talaga little sister." Malakas na sabi niya, pero inirapan ko lamang siya. Napatingin ako kay mommy na kita sa mukha ang pamumutla niya na akala mo ba ay naubusan na ng dugo sa kaniyang katawan. Ang ama ko naman ay pilit na pinipigilan ang matawa dahil sa hitsura ko.
"My gosh, beshie! Ang ganda-ganda mo!" Bulalas naman ng aking kaibigan na si Tami. Kaunting bangs lang ang ilagay ko at magmumukha na kaming kambal na nerd. Natawa tuloy ako kasi ang hitsura namin ay pang horror film.
Wala naman silang nagawa na kung hindi ang umalis kami at makipagkita sa mga taong ngayon ko pa lang yata makikilala. Maaga pa kaya sigurado ako na kami ang mauuna sa restaurant. Hindi ko nga maintindihan sa mommy ko kung bakit nagmamadali siyang masyado, akala yata niya ay tatakas ako.
Pagkarating namin ng restaurant, ang lahat ng mata ay sa amin na nakatingin. Si mommy ay nakayuko maging si Kuya Kayden na tila ba ikinakahiya kaming dalawa ni Tami. Si Kuya Caleb naman ay proud na proud na naglalakad kasabay ko at isinukbit pa niya ang mga braso namin ni Tamiya sa magkabila niyang braso.
"Beshie dito tayo maupo para pagdating nila ay hindi nila agad makita ang mga hitsura natin. Sisiguraduhin ko na magigimbal ang mundo nila sa oras na makita nila ang hitsura ko pag-upo nila sa mahabang table na ito." Wika ko habang halos mapunit na ang labi ko sa malaking pagkakangiti ko. Excited na talaga ako sa magiging hitsura nila.
Hindi naman nagtagal ay nakita ko na ang pagkaway ni mommy sa gawing likuran ko, kaya nakakasiguro na kami ni Tami na dumating na nga ang hinihintay namin. Humugot ako ng malalim na buntong hininga at nakatitig lamang ako kay mommy na masayang nakangiti sa mga taong nasa likuran namin.
"Amiga! Oh my God ang ganda-ganda mo!" ani ng isang boses ng babae. Napangiti ako at akma akong tatayo para humarap sa kanila ng marinig ko ang dalawang boses na nagpagimbal sa akin.
"Hi po tita, how are you?" Ani ng boses ni Enzo. Namumutla na yata ako sa mga oras na ito habang nakatitig ako kay Tamiya.
"Good evening tita!" Matikas na ani naman ni Ezi, kaya dahan-dahan akong bumabalik sa pagkakaupo ko at hindi ko na nagawa pa na humarap sa kanila. Maging si Tami ay hindi na rin nakapagsalita pa. Napatingin naman ako kay Kuya Kayden na may malaking ngisi sa kanyang labi. Alam ko na alam ng dalawa kong kuya na sila ang mga taong haharapin namin ngayon. O M G! Iyon lang ang masasabi ko.
"Mukhang nandito na rin ang anak mong dalaga, sigurado akong matutuwa si Ezi na makilala ang babaeng magiging asawa niya." Ani ng ama ng kambal. Parang mundo ko ang nagimbal sa mga naririnig ko. Napayuko ako ng aking ulo at tila ba ayoko na silang harapin pa.
"Panindigan na natin ang pagiging nerd, beautiful nerd naman." Bulong ni Tami. Ang puso ko ay parang sasabog sa malakas na pagtibok nito at hindi ko na nauunawaan pa ang mga nangyayari sa aking paligid.
"Sit down para maipakilala ko na sa inyo ang aking anak na si Genevieve. Ang napaka ganda kong anak." Turan ni mommy na hindi inaalis ang pagkakatingin sa akin. Napayuko ako, narinig ko na ang mga yabag nila kaya mas lalo kong iniyuko ang aking ulo. Bahala na si Batman!
Bakit ba kasi hindi nila sinabi sa akin kung sino ang lalaking nakatadhanang ipakasal sa akin? Jusko naman! Bakit sa dami ng lalake dito sa mundo ay itong si Ezi pa talaga ang ipapakasal nila sa akin? Kung sino pa talaga ang kinamumuhian ko, iyon pa talaga ang ipapakasal nila sa akin? Gosh!
-To be continued-