Chapter 15 -Ipinagluto ng agahan-

2001 Words
Genevieve's POV Pagkatapos kong maligo ay nag-ayos agad ako ng aking mukha, hindi upang magpaganda na normal na ginagawa ng lahat ng babae dahil kabaligtaran ang ginagawa ko. Pagkatapos kong magpapangit ay nakaamoy ako ng masarap na agahan. Isang buwang mahigit na akong nakatira dito sa condo ni Ezi, pero never ko pa siyang nakita na nagluto ng kahit na ano. First time ito na nangyari. Marunong pala siyang magluto, wala kasi akong alam na kahit na ano tungkol sa kanya. Paglabas ko ng aking silid ay nasa kusina pa rin si Ezi. Napalingon siya sa akin ng makarinig siya ng ilang ingay na nagawa ko. "Damn it!" Malakas niyang ani na tila natakot pa yata sa akin ng makita ako. Muntik pa nga niyang mabitawan ang platong hawak niya na may lamang pagkain na niluto niya. Nakakainis naman ang sira ulong ito. Nakakainsulto siya ah! Pero okay lang, dapat nga lagi siyang matakot sa akin para naman makipaghiwalay na ang lalaking ito. "Ay grabe s'ya sa akin! Gwapo ka?" Naiinis ako, sabay irap ko sa kanya at tinulisan ko pa siya ng nguso ko. "Huwag ka kasing sulpot ng sulpot sa kung saan para hindi kita napagkakamalang aswang. Nakikita mo ba ang hitsura mo? Bakit ba habang tumatagal palala ng palala ang hitsura mo?" Natawa siya sa sinabi niya. Tinaasan ko lang siya ng isang mataba kong kilay. Ewan pero parang ang cute ng tawa niyang 'yon. Actually ngayon ko lang yata siya narinig na tumawa ng totoo, 'yung walang kasamang kaplastikan. Bakit kaya? Baka may bagong kasintahan ang asawa kong ito kaya iyon ang nagpapasaya sa kanya ngayon. Good luck sa kanila! "Umupo ka na diyan at kakain na tayo. Nag-luto ako ng agahan natin." Sabi niya na ikinataas muli ng kilay ko. Hindi ako kumikilos sa kinatatayuan ko. Hindi lang talaga ako makapaniwala na inaaya niya akong kumain ngayon. To think na never naman niya akong inalok kumain, lalong-lalo never pa siyang nagluto para sa aming dalawa. "Tatayo ka na lang ba diyan, ha Genevieve? Umupo ka na sinabi dito para makakain na tayo." Muli niyang sabi. Ano ba talaga ang nakain ng taong ito at sa kauna-unahang pagkakataon ay nagluto ng makakain namin? Umirap ako sa kanya, tinalikuran ko siya at saka ako sumagot. "Ayoko nga! Baka mamaya nilagyan mo 'yan ng lason para ma-byudo ka agad. Pwede mo naman akong hiwalayan sa maayos na paraan. Ganuon na lang ang gawin mo." Sagot ko na ikinatawa niya ng malakas. Mas lalo tuloy akong naiinis sa kanya dahil ang cute nya talaga kapag tumatawa. Bakit ba ganito ang nakikita ko sa kanya kapag tumatawa siya? Ginagayuma na yata ako ng lalaking ito. "Mas lalo kang pumapangit kapag nag-iinarte ka diyan. Mauupo ka ba dito o uubusin ko lahat ng niluto ko?" Wika niya. Napatingin ako sa mga pagkaing nakahain sa lamesa at nagulat ako dahil lahat ng niluto niya ay paborito kong agahan. Nagkataon lang siguro ito, pero ang galing naman dahil maging ang paborito kong cappuccino na may heart shape ay nakahain na din. Dahil sa mga pagkaing nakahain ay napangiti ako, ngiting totoo at walang halong pagpapanggap. Napatitig sa akin si Ezi na ikinataas ng kilay ko. Sampalin ko kaya ang lalaking ito ng mataba kong kilay? "Y-You look nice with that smile." Mas lalong tumaas ang kilay ko at dalawa na ang nakataas ngayon. Pagkatapos ay malakas akong tumawa. "Kanina lang tingin mo sa akin mukhang aswang, ngayon naman I look nice? Naku Ezi! Namamatanda ka na! Kung ako sa'yo, pupunta ako ng probinsya at magtanong-tanong ka duon kung saan mayroong nagtatawas. Subukan mo at baka namamatanda ka na." Sabi ko at tumawa akong muli ng malakas. Pero aaminin ko na medyo kinilig ako dun ah! Kasi kahit pangit ang panlabas kong anyo ay pinuri nya pa rin ako kahit papaano. Baka nga kaya namamatanda ang isang ito? Naupo ako sa tapat ng table at nilagyan nya agad ako ng plato sa tapat ko, pinagsandok niya ako ng pagkain kaya panay lang ang tingin ko sa kanya dahil hindi ako sanay ng ganito. Sanay ako na para kaming si Tom and Jerry, ganuon kasi umiikot ang buhay namin bilang mag-asawa. Sa loob ng isang buwan, walang naging magandang alaala sa aming dalawa. Puro lamang kami bangayan. "Nakahitit ka ba ng katol, ha Ezi? Baka naman ang tinira mo 'yung mighty bond ng janitor ng condo building na ito." Sabi ko sa kanya. Tinaasan naman niya ako ng dalawang kilay dahil hindi niya nauunawaan ang sinabi ko. Natawa lang ako ng mahina at pagtingin ko sa plato ko ay namimilog ang mga mata ko. Lahat talaga ng pagkaing niluto niya ay paborito ko at hindi ko alam kung nagkataon lang ba ito. Pero imposible namang pag-aksayahan niya ng oras na magtanong kung kani-kanino ng tungkol sa mga paborito kong pagkain. Nagsimula kaming kumain, tahimik lang kaming dalawa at isa man ay walang nagnanais na basagin ang katahimikan na namamagitan sa aming dalawa. Ilang katok sa pintuan ang nagpalingon sa akin kaya mabilis akong tumayo at tinignan ko kung sino ang bisita namin. Napangiti ako ng makita kong si Tami ang dumating kaya naman nagmamadali kong binuksan ang pintuan at napatingin ako sa hawak niyang tupperware. "Padala ni Kuya Mathew, carbonara na maraming crunchy bacon bits. Pang breakfast mo daw." Mabilis namang kinuha ni Ezi ang tupperware na hawak ng kaibigan ko kaya nagulat kami. Binuksan niya ang tupperware at tinignan ang laman nito. Ngumisi lang ito at muling ibinalik ang takip at saka iniabot pabalik kay Tami. "Pakisabi sa kuya mo na katatapos lang naming kumain ng agahan dahil nagluto ako. Tigilan niya ang pagpapadala ng pagkain dito dahil hindi na siya nakakatuwa. May asawa na kamo ang ipinagluluto niya." Galit ito, nagkatinginan naman kami ni Tami. "As if naman may pakialam ka! Pwede ba Ezi na pinaglihi sa Iced cold water, hindi ito para sa iyo, para sa bff ko ito na ubod ng ganda." Sagot ng kaibigan ko na ikinatawa ng malakas ni Ezi. Nainsulto ako sa pagtawa niya kaya sa inis ko ay sinipa ko siya sa tuhod. Sira ulo din ito. Maganda ako at hindi lang niya 'yon alam, at hinding-hindi niya 'yon malalaman. Parang balewala lang naman sa kanya ang ginawa kong pagsipa sa kanya. Tumatawa pa rin siya habang napapaupo sa sofa na hawak pa ang kaniyang tiyan. Nakakainsulto na talaga ang lalaking ito. Hindi naman ako dapat mainsulto dahil alam ko naman ang totoo, pero ewan ko ba kung bakit ganito ang nararamdaman ko. "Oh my God! Nakakatawa talaga! Saang banda ba ha, Tami? Saan ba ang ubod ng ganda?" Pang-iinsulto niya kaya tinitigan ko siya ng matalim. Bakit ba ako naaapektuhan ngayon ng pang-iinsulto niya samantalang nuon naman ay bale-wala lang sa akin ang lahat. "FYI! One day ay lulunukin mo lahat ang bawat pang-iinsulto mo sa aming magkaibigan, at kapag dumating ang araw na 'yon... huh! Who you ka na! Tandaan mo 'yang mga pinagsasasabi mo ha Ezi, dahil lahat ng 'yan pagsisisihan mo." Ramdam ko ang pagkapikon ni Tami. Katulad niya ay nakaramdam din ako ng pagkapikon. Tawa pa rin ng tawa si Ezi at ang nakakainis pa ay talagang sinagot niya ang sinabi ng kaibigan ko. Ang sabi niya ay kaylanman daw ay hinding-hindi siya magsisisi dahil kahit daw ang pinakamagaling na iskultor ay susukuan kaming dalawa. Bwisit talagang lalaki ito, nuknukan ng yabang! Nakakasakit na siya ng damdamin, pero okay lang, siya naman ang mapapahiya sa huli. Kapag divorce na kami, saka ko ipapakita sa kanya ang tunay kong mukha. "FYI! Maganda kaming magkaibigan, sa loob at sa labas na katauhan. Bulag ka lang, noh!" Ani ko upang mapagtakpan ko ang pagkapikon ko. Inirapan ko pa siya at tinalikuran, pero bakit ako nasasaktan? Napapailing na lamang siya ng ulo at hindi na siya sumagot pa. Inaya naman ako ni Tami ng maglakwatsa na lang daw kami kaysa naman ang manatili sa condo ng walang kwenta kong asawa. "Halika na bestie, manlalake na lang tayong dalawa sa mall, marami ng naghihintay sa ating dalawa!" Katatapos ko lang magpalit ng damit. Dinaanan ko lamang si Ezi na nakaupo sa sofa at nanunuod ng tv. Maging ang pagkaing niluto niya ay hindi ko na inubos dahil napipikon talaga ako sa kanya. Kapal ng mukha niya para sabihing wala na kaming pag-asang gumanda pa. Baka kapag nakita niya ang tunay kong anyo ay magmakaawa siya sa akin. Huh! Chura nya lang! Paglabas namin ng condo niya ay nakasalubong naman namin ang mga kaibigan niya, napahinto sila sa paglalakad at ngumiti sa amin ng may kaplastikan. "Next year pa naman ang Halloween, hindi ba? Bakit napaaga yata ngayon?" Napatingin kami kay Dave dahil sa sinabi nito. Sa inis ko ay bigla akong kumapit sa braso niya. Agad ko siyang hinalikan sa pisngi na ikinagulat niya, sabay ngisi ko ng malaki. Halos maitulak niya ako, lalo pa at may mga dumaraan magagandang babae na nakatingin sa amin, at tila ba bigla na lang nandiri kay Dave. Huh, nakaganti rin kami ni Tamiya. Napapala ng mga lalaking mayayabang na akala mo naman ay ikinagwapo nila ang panglalait ng kapwa. "How dare you!" Galit niyang ani sa akin. "I love you too, baby Dave. Hintayin mo ako pag-uwi ko mamaya at sisiguraduhin ko sa iyo na mapapagod ka sa kagandahan ko. Muaaaah!" Sagot ko, at nakita ko pa na tila ba siya kinikilabutan dahil sa mga sinabi ko. Ang mga babae naman na dumaan sa harapan namin ay inisnab sila at sinabihan silang cheap at nakakadiri. Enough na sa akin 'yon na paghihiganti sa pang-iinsulto niya sa amin ng kaibigan ko. Dahil sa nakikita naming galit sa mga kaibigan ni Ezi ay nagmamadali na kaming tumakbo palayo, pero shemay dahil nahablot ako ni Dave sa braso kaya napigilan niya ako. Nagwawala ako, baka kung ano ang gawin niya sa akin at matanggal pa ang wig kong suot. "Baka akala mo ay matatakasan mo akong babae ka! Halika rito para makita mo ang hinahanap mo sa akin." Galit na galit ito sa akin. Nakakaramdam naman ako ng takot. Magsasalita sana ako ng marinig namin ang boses ni Ezi. "Bitawan mo ang asawa ko, Dave! Subukan mong saktan ang asawa ko at magkakalabuan tayo dito." Nagulat ako sa tinuran ni Ezi. Totoo ba ang narinig namin ni Tami? Pagkabitaw sa akin ni Dave ay mabilis na kaming tumakbo ni Tami palabas ng building at hindi na namin hinintay pa kung ano man ang sasabihin ni Ezi. Tumakbo na lamang kami dahil kahit papaano ay natakot ako sa ugali ni Dave. Mukhang sa kanilang lahat, si Dave ang may katarantaduhang taglay sa katawan. Bahala na silang mag-away duon, basta kami ni Tami ay malayo na sa kanila. Nakarating kami sa sasakyan ni Tami, at pagkapasok namin ay napabunghalit kami ng tawa ng makita namin ang hitsura ng isa't isa. "Shemay bestie, 'yung kilay mo hindi na pantay!" Sabay naming ani kaya naman sabay kaming napatingin sa salamin. Nang makita nga namin ang mga hitsura namin ay muli kaming tumawa ng malakas. Katatakbo namin ay bumaba ang isang fake eyebrows namin at buti na lang talaga ay walang nakapansin. Inilabas ko agad sa bag ko ang mga makeup ko at inayos ko ang mukha ko... dinagdagan ko ang makapal kong makeup. Anti irritation naman ang mga make up na binili namin kaya kahit lagi naming gamit ay hindi mag da-dry ang kutis namin kaya hindi namin pinoproblema ni Tami ang ganuong bagay. Pero hindi mawala sa isip ko ang sinabi kanina ni Ezi kay Dave. "Sa condo mo ulit ako matutulog ng tatlong araw para naman fresh ang face ko ng three days ha." Natuwa naman ang aking kaibigan. Kapag gusto kong mawala ang makeup sa mukha ko ay kay Tami ako natutulog ng ilang araw. Wala naman akong problema sa kuya niya kung sakali man na makita niya ang mukha ko dahil alam na niya na nagpapanggap lang kami ni Tami na nerd. "Tamang-tama may mga bagong alak ako sa condo ko. Mag-inuman tayong dalawa."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD