Chapter 6 -Ikinakahiya-

2050 Words
Genevieve's POV KARARATING lang namin ng Pilipinas. Lahat ng taong madaanan namin ay nakatingin sa amin ni Tami. Nginingitian pa namin sila at pinapakita ko sa kanila na wala akong pakialam sa kanila. Mga bulong-bulongan at mga tinging akala mo ay ikinaganda nila ang nakikita namin sa karamihan ng taong nakakasalubong namin. "Ako nahihiya sa mga pinag-gagagawa ninyo." Ani ni Kuya Kayden. Hindi siya makatingin sa mga tao dahil napapagitnaan lang naman namin siya ng kaibigan kong si Tami, at nakapalupot pa talaga kami sa magkabila niyang braso. Nararamdaman ko na ikinahihiya kami ngayon ni Kuya Kayden pero okay lang sa akin, basta ako ay hindi na magbabago ang isip ko at paninindigan ko ang pagiging nerd ko sa mata ng lahat. Gusto ko rin makita ang reaksyon ng kung sino man ang lalaking 'yon na ipapakasal sa akin. Napatingin ako kay Kuya Kayden habang naglalakad ito na nakayuko ang ulo. Ayaw talaga niyang tumingin sa mga taong nakakasalubong namin dahil ikinahihiya niya na kasama niya kami ngayon. Akala naman niya ay bibitawan namin siya, hindi namin 'yon gagawin. Kunwari ka-date namin ang Kuya Kayden ko at nerd lover sya. Hindi nagtagal ay nakita na namin si Kuya Caleb na nakatayo sa pintuan ng kanyang sasakyan at hinihintay niya ang pagdating namin. Kung tutuusin ay halos nasa harapan na nga niya kami pero sa malayo pa rin ang tingin niya at hinahanap niya kami. Hindi naman niya nakikita ang mukha ni Kuya Kayden dahil nakayuko ito. Sila mommy naman ay may dinaanan sa duty-free kaya hindi namin nakasabay lumabas. O baka naman dahilan lang nila ni daddy na kunwaring may bibilhin sa duty-free upang hindi nila kami makasabay sa paglalakad. Pati ang dalawang 'yon ay ikinahihiya na makasabay kami ni Tami. Huminto kami sa harapan ni Kuya Caleb, bahagya siyang napatingin sa amin pero hindi kami pinansin kaya kinalabit ko siya na ikinagulat pa niya. Tinitigan niya akong mabuti, nakangisi ako sa kanya kaya kunot na kunot ang kanyang noo na pilit niya akong kinikilala. "Kuya Caleb, I miss you!" wika ko at nilakihan ko pa talaga ang pagkakangiti ko na kita ang lahat ng ngipin ko. Nanlaki naman ang mga mata niya ng makilala niya ang boses ko. Akala ko ay tatakbo na ito palayo sa amin ng humakbang ito ng isang hakbang paatras. Hindi siya makapaniwala na nasa harapan na niya kami. "What the hell!" Bulalas niya at pinakatitigan niya akong mabuti at tinignan din si Tamiya. "Take me out of here, Kuya Caleb, please." Ani ni Kuya Kayden na nakayuko pa rin at hindi tumitingin sa mga tao na ikinatawa ng malakas ni Kuya Caleb. Muling tumingin sa aming dalawa ni Tami ang panganay kong kapatid. Pagkatapos ay malakas na namang tumawa. Gusto kong mainis sa kanya, pero okay lang dahil ito naman ang gusto ko, kaya lang ay nakakapikon talaga ang pagtawa ng impakto kong kuya. "Ang pangit ninyo! Ang mga kilay ninyo parang mga busog na linta!" Malakas na ani ni Kuya Caleb habang sapo ang kaniyang tiyan at malakas na tumatawa. Mabilis namang inalis ni Kuya Kayden ang mga kamay namin ni Tami at nagmamadali siyang pumasok sa aming sasakyan at iniwanan kaming nakatayo lang sa harapan ni Kuya Caleb. Hinanap ni Kuya sila mommy at sinabi ko na naiwan saglit sa duty-free, pero sinabi ni kuya na walang bibilhin sila mommy at sinadya lang daw siguro na mauna kami dahil ikinahihiya kaming dalawa ni Tami. "Anong nangyari sa inyong dalawa, ha? A year ago, para kayong diyosa ng kagandahan, bakit ngayon para kayong galing ng ilalim ng lupa at naging reyna ng kadiliman?" Pang-aasar ni Kuya Caleb. Nag pose pa ako sa harapan niya at pinakita ko sa kanya na hindi ako affected sa pang-iinsulto niya sa amin. No matter how hard he tries to rattle me, I’m entirely unfazed. Hmp! Wala nga akong pakialam sa mga matang nakatingin sa amin ni Tami, so why would I waste my energy on his words? He can say whatever he likes... it doesn’t affect me at all. Bahala siyang mang-asar, basta hindi ako affected! Sinabi ko sa kanya na alam kong ipapakasal ako ni mommy sa anak ng isa sa mga kaibigan niya, at kung talagang gusto akong ng lalaking 'yon ay kailangan niyang tanggapin ang hitsura kong ito. Kapag ayaw niya, hindi ko 'yon kawalan kaya bahala sila kung ano ang magiging reaksyon ng lalaking 'yon kapag nakita na niya ako. "Kilala mo ba kuya kung sino ang lalaking ipinagkasundo sa akin nila mommy?" Tanong ko at nakita ko sa kanya ang mabilis na pag-iwas at hindi ako sinagot. I knew he wouldn't tell me who I was supposed to marry pero nagbakasakali lang naman ako na baka sabihin niya sa akin kung sino, pero wala eh, talagang tikom ang mga bibig nila! Padabog akong pumasok sa loob ng sasakyan at tinabihan ko si Kuya Kayden sa loob. Hindi ko siya pinansin dahil naiinis ako, pakiramdam ko lahat sila ay pinagkakaisahan ako kaya sisiguraduhin ko na kung sino man ang lalaking 'yon ay hinding-hindi niya magugustuhan ang makikita niya sa akin. Dumating na din sila mommy at hinanap ko ang mga pinamili nila, pero ang sabi ni daddy ay wala silang nahanap na pwedeng bilhin kaya tinaasan ko lang sila ng makapal at mataba kong kilay. Kaloka sila! "Tara na Caleb, diretso uwi na tayo at sa bahay na lang tayo kakain, oorder na lang kami ng ama ninyo pagkauwi natin." wika ni mommy pero pinigilan ko si kuya at nginisihan ko silang lahat. "Nagugutom na po ako at gusto ko ng kumain ngayon. Ako ang pipili ng restaurant na kakainan natin, kung hindi kayo papayag ay babalik na lang ako ng America at maghanap kayo ng ipapakasal ninyo sa anak ng kaibigan ninyo." Wika ko na ikinalaki ng mga mata ni mommy at daddy. Akala yata nila ay nagbibiro ako. Hinawakan ko ang bukasan ng pintuan ng sasakyan para makita nila na seryoso ako. Akala siguro nila, hindi ko alam na ikinahihiya nila ang hitsura naming ito ni Tami. "Fine, my God!" Sabi ng aking ina. Napangiti ako ng malaki at kumindat pa ako kay Kuya Kayden na asiwang-asiwa sa tuwing makikita ang mukha ko. "Gusto ko Italian restaurant, may malapit dito, ang LaCuesta. Duon tayo, balita ko masasarap talaga ang pagkain duon." Sabi ko at nanlalalaki talaga ang mga mata ni mommy habang nakatitig sa akin. Nginisihan naman ako ni Kuya Caleb at kinindatan ako. Si Kuya Kayden naman ay akmang bababa na ng sasakyan pero mabilis kong ipinalupot sa braso niya ang mga kamay ko. "Mauuna na akong umuwi, busog pa ako kaya magta-taxi na lang ako." Umiling ako sa kanya at nginisihan ko siya ng malaki. Akala yata niya ay matatakasan niya ako. Ito ang gusto nila, ang pagkaisahan ako na ipapakasal sa lalaking hindi ko kilala kaya tanggapin nila kung ano ang nais ko. Kinindatan ko si Kuya Caleb kaya naman mabilis niyang pinaandar ang sasakyan at wala ng nagawa pa ang mga kasama namin kung hindi ang sumunod sa kung ano ang gusto ko. Susundin ko naman ang gusto nila na magpakasal sa isang hindi ko mahal, pero gawin din nila ang gusto ko. "Ibalik na ninyo ako sa America!" Malakas na sigaw ni Kuya Kayden kaya malakas na tawanan ang maririnig sa aming lahat maliban lang syempre kay mommy. Dapat ay maiiwan si Kuya Kayden sa America pero isa sa kasunduang ibinigay ko ay kailangan niyang sumama sa amin pabalik ng Pilipinas. Syempre kailangan ako ang masunod dito dahil ang kaligayahan ko naman ang kapalit ng lahat ng ito. Pasalamat nga sila dahil pumapayag ako sa arranged marriage na ginawa nila ng kung sino mang anak ng kaibigan nila. Kaya dapat lang na masunod ako ngayon dahil ang kapalit naman nito ay ang matali ako sa lalaking hindi ko mahal. Pagkarating namin ng restaurant ay ayaw bumaba ni Kuya Kayden kahit anong hila namin sa kanya. Kinuha ko ang telepono ko at tinawagan ko ang piloto ni daddy, I am sure nasa airport pa 'yon. "Hello! Paki ayos ang papers ko dahil babalik na kami ni Tami ng America. Ayoko na dito at gusto ko ng umuwi, ngayon din." Wika ko na ikinagulat ni mommy at daddy. Napatingin sila sa kapatid ko na walang pakialam, kaya tinakot siya ni daddy ng bonggang-bongga. "Kapag hindi ka bumaba diyan Kayden ay ipapakasal kita kay Candy." Pagbabanta ni daddy na ikinatawa ko ng malakas. Kung pangit na ako sa tingin niya, paano pa kaya si Candy na anak ng ninong ko? Mabait si Candy at nakasundo naman namin ni Tami, malusog lang talaga siya, pero maganda naman at in-love siya kay Kuya Kayden. Maganda kapag tulog ng nakadapa. "Tara na! Kanina pa nga ako nagugutom. Ikaw naman sis ang bagal mo naman. Halika na at kumapit ka sa braso ko, ikaw din Tami." Ani ni Kuya Kayden sabay kuha ng kamay namin ni Tami at ipinalupot ang mga ito sa kanyang magkabilang braso. Si Kuya Caleb ay walang ginawa kung hindi ang tumawa ng malakas, para kaming nasa clown circus at siya ang audience. Huminto ako sa aking paglalakad at bumitaw ako kay Kuya Kayden. Lumapit ako kay Kuya Caleb na mabilis kong naipalupot ang dalawang kamay ko sa braso niya, isinandig ko pa ang ulo ko sa braso niya. Proud naman siyang naglakad na kasabay ako, ang layo talaga niya kay Kuya Kayden. Balewala naman kasi kay Kuya Caleb at hinalikan pa nga ako sa pisngi. Taas noo pa nga siyang naglalakad kaya napangiti ako at kumendeng-kendeng pa ako sa aking paglalakad. Naririnig namin ang mga sinasabi ng mga tao sa paligid namin at sa mga nadadaanan namin, pero I simply flipped my hair at them. Ngayon pa lang ay nakikinita ko na kung paano magugulat ang lalaking 'yon sa oras na maipakilala na nila ito sa akin. Sigurado ako na mabilis na aatras ang lalaking 'yon sa kasal na gusto ng mga magulang namin, buti na lang talaga at hindi ako mahilig sa social media kaya wala silang makikita na kahit na anong larawan ko maliban lang talaga nuong bata pa kami ni Tami. Hindi rin ako nagpapakuha ng picture sa mga tabloids at magazine, puro sila Kuya Caleb at Kayden lang, pati sila mommy. Hindi ko kasi hilig na malagay ang picture ko sa kahit saan dahil mas gusto kong pribado ang buhay ko. Ganuon din naman si Tami kaya sigurado akong walang idea ang lalaking 'yon sa kung ano ba talaga ang hitsura ko. Sinabi din ni mommy na hindi rin sila nagpapadala ng kahit na anong larawan ko sa kaibigan niya dahil hindi naman daw kasi nila ineexpect na magpapanggap akong nerd. Buti na lang talaga! Habang kumakain kami ay may isang table na may tatlong babae ang nakaupo, at naririnig namin ang pang-iinsulto nila sa amin ni Tamiya. Tumayo si Kuya Caleb at inalalayan din akong tumayo at iniharap ako sa table ng tatlong babae na nang-iinsulto sa hitsura namin ng kaibigan ko. "Do you know what the difference is between the three of you and her?" ani ni kuya sabay turo sa akin. Tumaas naman ang kilay ng isang babaeng maganda naman, medyo lang dahil sa kapal ng make-up nya. "Maganda kami at s'ya mukhang bakla na may malulusog na linta sa mukha." Sagot niya na ikinatawa ng malakas ni kuya kaya makikita sa mukha ng tatlong babae ang pagkainis at naiinsulto sila sa tawa ni kuya. "Wrong, dahil kahit pinapapangit niya ang mukha niya, mas maganda pa rin siyang tignan sa hitsurang 'yan kaysa sa inyo." Sagot ni kuya sabay tawa ng malakas. Napatayo ang mga babae at tinitigan ng masama ang kapatid ko. Ako naman ay inaasar ko pa sila habang itinataas-baba ko ang makakapal kong kilay na mukha naman talagang mga busog na linta. Walang nagawa ang tatlong babae kung hindi ang umalis na lamang kaya napa-high five kaming dalawa ni kuya sa ginawa niya. The best talaga si Kuya Caleb ko! Ang layo niya kay Kuya Kayden na ikinakahiya ang pagiging pangit namin ngayon. "Kuya Caleb, I love you so much! You're truly the best brother I could ever ask for. As for Kuya Kayden... Hmp! You’re so annoying, but I guess that’s your specialty." Natawa na lamang si Kuya Kayden at hinalikan na rin niya ako sa pisngi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD