Chapter 7

2228 Words
BINABA KO ang tasa ng kape sa lamesita sa tapat ni Sir. Jaime Castillano.Hindi ko inaasahan na bibisita siya rito, wala rin namang pinaabot na abiso si Lennox. Umupo ako sa single sofa at parang kalabog ang unti-unting bumubuhay sa buong sistema ko. Mula pa kaninang pinapasok ko siya ay mautal-utal na ako sa pag-aalok pa lang ng gustong niyang inumin. Pa’no pa kung kakausapin niya ako? Halatado ang pagiging istrikto niya, ‘yung pakikipag-usap niya sa cellphone na parang araw-araw na niyang ginagawa. “May kakausapin lang ako..bye.” he resembled that low baritone voice with his son. Napatalon ako at umayos ng upo nang binaba na niya ang cellphone sa lamesita. He’s looking at me with a cold manner. Hindi kaya ugali talaga nilang mag-ama ang ganoong gesture? He heaved out a sigh intimidately. “Ano’ng pangalan mo, hija?” Tumikhim ako at ngumiti, “Shannon po, Shannon Hope Agustin..” nahiya akong bigla idugtong ang apelyido nila! “Ilang taon ka na?” “Nineteen po..” napayuko ako at lalong nahiya sa harap niya. Lumunok ako at uminit ang mukha nang dahil sa nakakababang pakiramdam na lumukob sa akin. “E’di nag-aaral ka pa? Ano’ng kurso mo?” “Yes sir. Computer Science po.” Bumuntong hininga ang matanda at sinandal ang likuran sa sofa. Mas lalong nadepina ang taglay nitong kapangyarihan na ‘di na kailangan pang iguhit sa labi. His own appearance says it all. A multi-millionaire Jaime Castillano sitting infront of me and assessing his daughter-in-law. “Hija, ayoko nang magpaligoy-ligoy pa. Matagal na ba kayong may relasyon ni Lennox? Are you aware that he’s already engaged with someone else?” Napatda ako. Naulingan ko ang disgusto niya sa akin. Pero ang kumuha ng buong atensyon ko ay ang kanyang huling sinabi. Engaged? with someone else? Tiningnan ko siya at inalam kung may katotohanan ang sinabi niya. Hanggang sa unti-unti akong napailing na tila wala na sa sarili. “Honestly, wala talaga akong alam kung may namamagitan ba sa inyo ng anak ko. Hindi rin naman niya nabanggit sa akin na may iba siyang gusto maliban kay Monique. They’re already engaged since last year! And knowing that you’re only nineteen, hindi ko makitaan ang anak ko na magkakagusto sa di-hamak na napakabata sa kaniya.” Naumid na yata ang dila ko at hindi ko maisalita ang mga letrang umiikot sa isipan ko. Gumihit ang hapdi sa dibdib ko, pero naroon pa rin ang katibayang, kasal na ako kay Lennox. Kaya lang, may parte sa akin na nakokonsensya para sa binanggit niyang babae. I was guilty for this thing. Or even for hurting that woman. “You actually ruined my son’s future.” Bumukas ang pinto at humihingal na nabungaran kami ni Lennox. Nakabukas na ilang butones sa kanyang leeg na para bang hindi makahinga sa suot nito. Gusto ko siyang ngitian dahil mas maaga ang uwi niya ngayono dapat ko bang pasalamatan ang ama niya dahil napauwi lang ito. Either way, he only looked at me for about half a second. “Dad! Ano’ng ginagawa n’yo rito?” Umangat ang tingin ng matanda kay Lennox. “Mabuti na narito ka, maupo ka at pag-usapan natin ang gulong ito.” utos nito na may bahid ng galit. Kinabahan ako nang dahil sa deretso nitong sinabi. He closes the door, tumayo malapit sa aking gilid at hinarap ang sariling ama. “Pwede bang sa ibang oras na nating pag-usapan ‘yan? I’m tired, please not now!” “At kailan mo ‘to balak na ipalam sa akin? Kung ‘di ko pinuntahan ang mommy mo ay hindi ko pa malalamang nagpakasal ka na pala sa batang ito. Are you aware for what would be the outcome of your decision?” Napahilamos sa kanyang mukha si Lennox. Sumasakit ang dibdib ko ‘pag ganitong nakikita ko siyang nahihirapan. And his father where even as furious as him. “I’m fully aware dad.” Napatayo ang matanda, “Pero pinakasalan mo ‘to? Nabuntis mo ba?” turo niya sa akin. I bit my lip to suppress my gasp. Ilang ulit ko na ring pinipitpit ang mga daliri ko para lamang maibsan ang sumasabog na kaba at konsensya sa kaibuturan ko. Isang beses akong tiningnan ni Lennox, he really look tired. Bumuntong hininga siya, “Hindi ko pa alam,” “Then why marriage if she’s not bearing your child! You’re so impossible, Lennox! Hindi kita pinag-aral at nilagay sa kinalalagyan mo ngayon para mapunta sa ganyang babae! You’re about to lose our deal with the Zobel!” Kinukulang na ang hangin na nilalanghap namin. My own track was to run and secured my door away from these two. It feels like, it’s so fine to talk about Lennox’s other woman infront of me, his legal wife! Gustong-gusto ko nang magpalipad sa hangin para hindi nila mapansing umalis ako sa gilid nila, I was about to--nang balingan ako ni Lennox. “Go to your room, Shannon. Now.” he murderly said. Agad na akong tumayo at yumuko, hindi ko na rin magawang mag-excuse sa daddy niya dahil galit pa itong nakatingin sa anak niya. Umabot pa sa pandinig ko ang isinatinig ng daddy niya. “What a waste!” Pumasok ako sa kwarto at marahan na sinarado ang pinto not wanting to create any unlikely sound. Nagpakawala ako ng buntong hininga matapos makadama ng kaluwagan sa dibdib ko. Kumpara sa mommy nila, hindi ko akalaing may kasungitan pala ang daddy nila ni Sica. Sa sobrang bait kasi ang pamilya nila sa akin, I took advantage. Napapikit ako at nilingon ang pintuan.. I put myself in this situation! KINABUKASAN AY WALA na akong narinig pang balita mula kay Lennox. Bumalik kami sa dating gawi, aalis siya ng maaga at uuwi ng sobrang late. I did my chores. Pinupunan ko na lang ng panonood ng mga TV series sa laptop niya. Kaya lang, palagi kong naiisip ang nasabi ng daddy niya, tungkol sa pagiging engaged niya sa ibang babae. Hindi nila binanggit sa pamilya ko na ikakasal na siya sa iba. E’di sana dapat dinahilan niya iyon sa tatay ko para hindi kami makasal pero, hindi niya iyon dinahilan! Hindi rin binanggit sa amin ng mommy nila. I was tempted to call ate Wiana, nagbabakasaling alam niya ang tungkol doon. Pero paano kung hindi? Baka madagdagan pa ang disgusto nila sa asawa ko. Kaya sa huli, hindi ko na tinuloy pa. Sinilip ko ang ginawa kong listahan at saka hinanap sa estante ang kailangan. Tulak-tulak ko ang cart sa kaliwang kamay habang nasa kabila naman ang listahan ng mga bibilhin. Every week kung bigyan ako ng pang-grocery ni Lennox. Hindi niya iyon personal na binibigay sa akin, iniiwan niya lang sa dining na may kasamang note. Inaamin ko, may mga oras na gusto ko nang sumuko. Ramdam na ramdam ko ang panlalamig niya at kawalan ng amor sa akin na parang hindi ako nag-eexist sa buhay niya. O kung titiisin, nagmumukha lang akong katulong niya sa bahay. Kung sana ay pinayagan niya akong mag-aral na lang ay okay na sana sa akin. Pero ayaw niya akong umaalis maliban ang pumunta sa grocery. Bitbit ang dalawang plastic bags ng groceries ay tumulak na ako pauwi sa unit niya. Gamit ang duplicate key na bigay niya, binuksan ko ang pinto at saka binuhat ulit ang dalawang mabibigat na plastic. Ngunit, natigilan ako nang makarinig ng mga tawanan sa sala. Nahinto lang ng nakita akong papasok sa loob. Tila huminto ang pag-ikot ng mundo ko nang makita na naman ang daddy ni Lennox, on his corporate suit sitting on our sofa. Sa kabilang upuan ay nakaupo naman ang isang magandang babae, tila modelo sa kanyang kurba. Wearing a blue top blouse matched with a black jeans. Her stilleto defined how beautiful her feet are. Natulala ako’t natigilan nang madatnan kong nakadantay ang kanang kamay ng dalagang iyon sa kandungan ni Lennox! I grimaced. Nakatingin lang sila sa akin. Napaawang ang labi ko at tila nawalan ako ng hangin na hihingahan. I maybe even looked stupid on their sight! Pero sumasagitsit ang hapdi sa dibdib ko. Tiningnan lamang ako ni Lennox. The woman laughed out of nowhere, “Siya ba ‘yung maid mo rito?” Binalik ko ang tingin sa asawa ko. Hindi niya pinuputol ang titig sa akin..at saka tumango. “Oo.” Napalunok na lang ako bago ko pa maramdaman ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. Dagling nag-init ang mukha ko. Hindi ko alam kung pinaghalo ba iyong pagkapahiya, sakit o dismaya. Nagawa ko pang lingunin ang daddy niya pero nakapirming ngiti lang ang guhit sa mukha nito. “Ipasok mo na ‘yan sa kusina.” utos no’ng babae. Tila may bumara sa lalamunan ko, yumuko ako at dinala sa kusina ang mga pinamili kahit pa parang binubugbog ang dibdib ko sa sakit. Pabalang ko binagsak ang mga plastic. Pinigilan ko ang sariling umiyak, hinawakan ko ang aking dibdib at ilang ulit na tinapik para maibsan ang sumusobra ng sakit! Ngunit mula sa kinaroroon ko ay nadinig ko ang pagbalik ng tawanan nila. I bit my lip. Bumuga ako ng hangin upang pakawalan ang hapdi.. I am just a maid. Parang chant na paulit-ulit umuugong sa utak ko ang mga katagang iyon. At siyang naging hudyat para bumalusok ang pinipigilan kong luha. Hindi ko na kayang hindi pakawalan dahil umaapaw sa sakit ang pinaranas nila ngayon sa akin. “Shannon,” Napaigtad ako sa gulat ng may tumawag sa akin mula sa likuran ko. Si Lennox. Mabilis kong pinunasan ang luha ko at saka lumuhod para salansamin ang mga tumakas na laman ng plastic. Nanginginig man ang mga kamay ko’y nagpatay malisya pa rin ako na parang walang kagaguhan na nangyari kanina. Naramdaman ko ang paglapit sa likuran ko, tumayo ako at nilapag sa lamensa ang plastic. Hindi ko siya matingnan dahil natatakot akong makita niya ang paghihirap sa mukha ko. Ayokong kinaaawaan! “D-Dito ba kayo maghahapunan? S-Sandali lang, m-magluluto lang ako.” sabi ko ng hindi siya nililingon. Kahit pa hindi ko rin alam ang tamang gawin at nawala na ako sa huwisyo ko. “Shannon..” tawag niya sa akin sa mas mababang boses. Hindi ko pa rin siyang magawang lingunin, kasabay ng paglalagay ko ng ilang de-lata sa estante niya. I kept myself busy without giving him a prior attention. Pero hindi na ako nakaligtas nang hawakan niya ako sa pulsuhan ko na siyang nagpahinto sa aking ginagawa. Kumalampag ang dibdib ko. Ang mainit niyang palad ang pumuno sa nagliliyab kong pakiramdam. Bumuhos muli ang luha ko. Napayuko ako at impit na humikbi. Nasasaktan ako sa trato nila, pero inisip ko rin na ako ang may gawa nito sa sarili ko! Gumawa ako ng kasinungalingan at pilit na binagay ang sarili sa mundo nila. And that’s my only sin. Unti-unti niya akong inikot paharap sa kanya, hinawi niya ang buhok kong natabunan ng mga hibla ang mukha ko. He made me look at him by putting his finger on my chin. Nakatabingi ang ulo niya at pinagmasdan akong maigi. Nag-iwas ako ng tingin. Dumikit pa siya sa akin at pinunasan ang luha sa aking pisngi. “Stop crying..” he whispered. Kakaibang pintig ang narinig ko sa aking dibdib nang marinig ang boses niyang iyon. Hindi siya lasing. Iyon ang boses niya no’ng mga panahong dumadalaw ako sa bahay nila. Iyong bilang na bilang na lapit niya sa akin tapos ay kakausapin ako sa maikling segundo. Iyon ang mga panahon na hindi pa ako nakakaramdam ng takot sa kaniya. At iyon ang mga panahon na nagustuhan ko siya. Pinunasan niya ang luha ko pero hindi ko na napigilan pa ng may lumandas panibagong bersyon ng luha ko. He groaned when he saw that and he wiped my tears once again. “Stop crying please, sweetie.” kinulong niya ang mukha ko gamit ang dalawang malaki niyang palad at dinugtong noo sa aking noo. Napapikit ako sa sobrang lapit ng kanyang mukha at pagtama ng mainit niyang hininga. Gusto kong sumabog sa saya at lungkot. Pero ang paglalambing niyang ganito ang pumipigil sa akin at sinasarhan ang isipan kong tuluyang pakawalan na siya. Nalilito ako pero.. “M-Mahal kita.” bulong ko. Hindi siya gumalaw o umimik man lang. Nanatili siyang nakapikit at nakadikit sa akin. Pero balewala sa akin iyon dahil batid kong ako lang ang nakakaramdam no’n sa aking dalawa. At makakaya kong tanggapin ang kung anumang kaya niyang ibigay sa akin. Hinding-hindi ako hihingi ng kulang at sobra. Kung ano lang kaya niyang ibigay basta nasa tabi ko siya, Okay lang. Without leaving his palms on my cheeks, he tamely stared at my eyes, “Remember this, magtitiwala ka sa akin, sa’kin ka lang maniniwala Shannon. Naintindihan mo?” malambing niyang tanong sa akin. Malaya kong pinagmasdan ang mga mata niyang malambing ngayon. I am certain but oblivious at the same time. Ngumiti ako at marahan na tumango. I opened my lips to say something but he abruptly claimed my lips. A very soft wanted kiss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD