Chapter 6

2295 Words
HINIPAN-HIPAN ko muna ang sabaw ng kare-kare bago tinikman. Dalawang beses ko na ‘yun tinitikman at dahil parang wala akong tiwala sa unang tikim ay inulit kong muli. Habang sinasalat ko ang lasa ay napapaisip pa ako kung may kulang pa sa lasa. Nang ma-satisfy ay binaba ko ang sandok sa tasa at hininaan pa ang apoy mula sa kalan. Sinilip ko ang sinaing sa rice cooker, luto na rin at inin na kaya pinatay ko na sa saksakan. Tumungo naman ako sa kawali at hinango ang piniritong shanghai rolls. Ayoko namang masunog ‘to kaya naman hinango ko na rin at nilagay sa hinanda kong tissue paper sa isang plato. Ang sabi kasi ni Lennox ay hapunan na darating ang mga kaibigan niya. Siguro sila ‘yung naabutan ko sa sabay nila no’ng pasko. Kaya base sa pagkakaalala ko ay puro mga malalaking tao ang mga ‘yun, kaya naman maraming servings ang ginawa ko. Nakakapagod, lalo na’t ako lang mag-isa ang gumawa lahat. Hindi na rin ako nakapasok dahil ayaw ni Lennox. Naiwan ko ang cellphone ko sa kwarto, baka may text ako galing kay Sica. Mag-aalas siete ng tumunog ang doorbell ng unit. Katatapos ko lang maghain sa lamesa, napatingin ako sa bukana ng kusina nang lumabas mula roon si Lennox. On his simple T-shirt and faded jeans, kalalabas lang nito mula sa study room niya, may tinapos na trabaho. Tumalon yata ang puso ko nang lapitan niya ako at hinawakan sa siko ko. Then I remember, the last time he held me. Tiningnan niya ako nang walang emosyon, “Go to your room. Lock yourself in at ‘wag kang lalabas hangga’t hindi pa nakakaalis ang mga bisita ko, understand?” Napaawang ang labi ko at nanlulumong pinag-aralan ang mga mata niya. Kinapos na ako ng hangin habang hinihila niya ako papasok sa kwarto ko. Ang bilis ng pintig ng puso ko na parang papatayin ako sa pagwawala nito dahil sa pagkakahawak niya sa siko ko. Suot ko pa ang apron niya. Pagkapasok ay pabalang niya akong binitiwan, hindi na siya pumasok at nagpaiwan sa labas ng pinto. Napalunok na lang ako at nag-angat ng tingin sa kaniya. “Si-Sino’ng maghahain sa inyo?” He never acknowlegement my work, “Mamaya tatawagin na lang kita ‘pag magliligpit na. ‘Wag kang lalabas.” he firmly said, and he closes the door. Ilang segundo akong naiwan sa kinatatayuan bago ko maramdaman ang tumutusok-tusok sa dibdib ko. Nag-init ang mukha ko at bumalong ang tubig sa dulo ng mga mata ko. Napasinghap na lamang ako. I tried to suppress my tears, I did. Dahan-dahan kong kinalas ang tali ang apron at umupo sa gilid ng kama. I summoned myself in my room and peers myself up with the ache. Napalingon na lang ako sa pintuan ng marinig ang ilang baritonong tawa. He’s with his elite friends. Naisip ko tuloy, hindi ba niya ako ipapakilala sa kanila? Syempre, hindi! Una sa lahat, tiyak magugulat ang mga kaibigan niya ‘pag nalaman nilang nag-asawa na siya. Mas bata pa sa kanya at...walang pera. Hindi naman kasi kami kasingyaman niya o kasing ganda ng trabaho niya. Kaya ako na rin ang sumagot sa sariling tanong. Hindi ako kaipagmamalaki. Kumulob ang sakit sa dibdib ko kaya bumuntong hininga ako bago binagsak ang katawan sa kama. Wala sa sariling dinama ko ang tyan ko, gutom na rin ako. TATLONG ORAS pa ang hinintay ko sa kwarto. Paminsan-minsan ay dinidikit ko ang tainga ko sa pinto at pinapakinggan ang mga tawanan nina Lennox. Naroon nga ‘yung mga kaibigan niyang nakita ko sa bahay nila. I heard the names, Dale, Quinn and William. Minsan nakaka-intimidate ‘pag nariringgan ko silang nag-uusap sa matigas na Ingles. Their voices have its own baritone, kaya parang maiilang ka kahit pakikinggan mo pa lang sila. The Bachelors. Pasado alas-dies na..kanina pa kumukulo ang tyan ko sa gutom. Hindi kasi ako pinupuntahan ni Lennox para dalhan ng pagkain. O baka nakalimutan na niyang may tao rito? Umupo ako sa sahig at inabot ang bag kong pamasok sa school, hinalughog ko ang bawat bulsa ng bag kung may natira pa ako do’ng tinapay o kahit kendi man lang. Sa bulsa sa loob ay may nakita akong champi, napangiti ako at nagalak pa habang binubuksan ang balot no’n. Kahit paPa’no maiibsan ang gutom ko nito, matamis e. Hindi ko maiwasang mapapikit nang sumabog ang tamis n’on sa bibig ko. Tiniklop ko ang mga binti ko at niyakap habang nginunguya ang chocolate candy. Mula sa ibabaw ng night stand, inabot ko ang cellphone ko. New text from Sica.. Sica: Bakit hindi ka nag-exam kanina? Hinahanap ka nina Ma’am. Kaninang hapon pa nagsimulang magtext si Sica. Tinawagan niya rin ako pero hindi ko na nasagot dahil nagluluto pa ako. Hindi kasi ako magtandaugaga sa paghahanda kanina. Unang beses kong maghahanda para sa mga kaibigan ng asawa ko kaya binuhos ko ang atensyon ko. Ayoko syempreng mapahiya si Lennox..’yun pala hindi niya ako ipapakita sa kanila. I tried to text her back, kaya lang ubos na pala ang load ko. At baka bukas na ako makasagot sa kaniya dahil gabing-gabi na rin para magpa-load pa ako. Nalulungkot ako dahil hindi ako nakakuha ng final exam. Incomplete na ko niyan at tiyak na hahatakin ang grades ko, Pa’no ko masasabi kina tatay na ayaw akong papaaralin pa ni Lennox? Ilang beses pa naman akong pinapaabisuhan na ipapasok daw ako ni Tita Anabelle sa kapatid nitong nagtatrabaho sa telecommunication at tamang-tama raw ang kurso ko roon. Humiga na lang ulit ako sa kama at pinikit ang mga mata. Parang ang laki-laki ng poproblemahin ko. TAPIK SA’KING binti ang nagpamulat sa akin. Agad kumalat sa pang-amoy ko ang simoy ng beer at natural na amoy ng katawan ni Lennox. I was particular with unique scent of his body. Kilalang-kilala ko ‘yon kahit pa siguro nakapikit ako. Unti-unti kong narinig ang pagtawag niya sa akin. I smiled, pero agad ding napawi ng mabanaag ko ang inis sa tono nito. “Maglinis ka na sa labas!” inis niyang utos. Bumangon ako agad, bago pa man din sumagot sa kaniya ay tinalikuran na niya ako na para bang nakita na niya akong gising kaya lumayas na. Tiningnan ko ang oras, alas-dos ng madaling araw. Ganitong oras na sila natapos? Lumabas ako at sinilip ang sala, nagkalat doon ang pinag-inuman nila ng lata ng beer at balat ng potato chips na pulutan yata nila. Bago ako kumilos ay narinig ko ang padabog na pagsara niya sa pinto ng kwarto niya. Sinimulan kong linisin ang kalat nila, nilagay ko sa itim na plastic ang mga lata ng beer at balat ng chips. Malalakas yata uminom ang grupo nila at maging sa ilalim ng upuan ay may lata din. Nilapag ko sa gilid ang plastic at winalis ang ilang maliliit na putol ng kinain nila. Mula sa sofa, ay may nakaipit do’n na mga papel, nalukot na at parang naupuan na rin. Hindi ko na nabasa kung ano iyon at tinapon ko na lang dahil mukhang hindi importante. Nang matapos ay dinala ko ang basura sa kusina, tinabi ko ang walis at dustpan. Sa lamensa ay naabutan ko pa ang pinaggamitan nila na mga pinggan. Maging ang mga natirang ulam ay nandoon pa. Kumalam ulit ang tiyan ko nang masilayan ang kare-kare na tira nila. Natira na ‘yun dahil wala ng laman ‘yung kaldero. Mukhang wala talagang balak na pakainin ako ni Lennox. Pinagsama-sama ko ang mga ginamit nilang plato, kumuha ako ng isang malinis at umupo sa harap ng hapag. Sumandok ako ng natirang kanin, pero heto na naman ang mga tumutusok-tusok sa dibdib ko habang nilalagyan ng kanin at ulam ang pinggan ko. Tanging tunog ng kutsara ang nanunuot na tunog sa buong kusina. Wala na ring laman ‘yung pinaglagyan ko ng shanghai rolls, naubos din. Nagsimula akong kumain pero nanlalabo naman ang paningin ko. And I spent that dawn eating my dinner. “ULITIN MO nga ‘yang sinabi mo? Hihinto ka sa pag-aaral?” Nilayo ko sa tainga ko ang cellphone dahil sa pagtaas ng boses ni ate Wiana. Nawala yata ang antok ko habang nasa tapat ng mga damit ni Lennox para labhan. Ang sabi kasi niya ay labhan ko kung wala rin lang akong gagawin. “Ano ba ‘yan ang sakit sa tainga ng boses mo ate,” “Loka-loka ka na ba? Bakit ka titigil sa pag-aaral? ‘Wag mo sabihin dahil nag-asawa ka na kaya hindi mo na kailangan magtapos? Kakalbuhin talaga kita Shannon Hope!” dismaya niya. Bumuntong hininga ako. “Mayaman naman ang asawa ko kaya hindi ko na kailangan magtapos. Hindi ko na rin naman ‘yon magagamit dahil hindi na ako magtatrabaho ate, sa bahay na lang ako.” depensa ko. “Ay gaga..ano’ng klaseng katwiran ‘yan ah? Alam mo hindi bagay sa’yo ang pangalan mo. Hindi porque nag-asawa ka na ay hindi ka na magtatapos ng pag-aaral! Okay, sabihin na nating mayaman nga ‘yang pinagmamalaki mong asawa, e bakit? pera mo ba ‘yan? Ikaw ba ang naghirap niyan? at kahit na ba ipamudmod niya sayo ang pera niya, mas maganda pa ring may natatago kang diploma sa kolehiyo! Iba pa rin ang pakiramdam kung may degree kang hawak! Tanga ka!” Napangiwi ako. “E, hindi rin naman makakapasok sa school dahil busy ako rito.” “Tanga!” “Tapos, aayusin ko pa ang I.D ko para palitan ang apelyido ko.” “Tanga!” “Ayaw ko kasing lumabas na dalaga pa,” “Tanga!” “Kaya naman niya akong buhayin kahit ‘di na ako magtrabaho.” “Gago niya kamu!” “Ate ‘wag mo namang murahin ang asawa ko.” “E’di gago ka na rin tanga! Ikaw, okay lang sa’yo na murahin kita pero pagdating kay Lennox abogado ang asta mo. Hindi ako na-inform, nakakabobo pala ang pag-aasawa.” Sandali akong hindi nakapagsalita. Hindi kasi maganda sa pakiramdam ang hindi paggusto ng ate ko sa asawa ko. Kahit na ba hindi ko masabing, gusto kong magpatuloy sa pag-aaral at gumaraduate. Ayokong sumama ang tingin nila kay Lennox lalo pa at bagong kasal lang kami. “Kailan mo sasabihin kina tatay? Alam mo namang masama ang loob no’n dahil sa ‘nangyari’ sa inyo tapos dadagdagan mo pa. Nakahanda na ang dingding na paglalagyan ng litrato mong nakatoga ka, pati ang magiging litrato mo ‘pag kinasal ka na sa simbahan.” Natigilan ako at bumagsak ang mga balikat. Ito na nga ba ang iniiwasan kong marinig, ang pagsama ng loob ni tatay. Alam ko iyong mga sinasabi ni ate. Ang dingding sa hagdanan nakasabit ang litrato niyang pina-frame ni tatay at nakalaan na nga doon ang paglalagyan ng sa akin. Napayuko ako habang hawak ang isang damit ni Lennox. Nalulungkot ako dahil maaantala yata ang pagpunan ng pwestong iyon at baka hindi na rin kami ikasal sa simbahan ni Lennox. Tumikhim si ate ng hindi na ako nakasagot. “Next week pala uuwi na rito ‘iyong anak na lalaki ni Tita Anabelle galing Marinduque. Dito na rin yata pinapatira ni tatay.” Hindi ako agad nakasagot. The Prodigal son. Iyon palaging tawag do’n ni Tita Anabelle ‘pag nakukwento niya pero ang sabi rin ay nakatira iyon sa mga magulang ng una niyang asawa. Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na rin mula sa linya si ate. Hinarap ko ang labahin ko. Pagkatapos ko namang maglaba ay nagluto ako sa pananghalin, mag-isa lang ako kakain kay hindi iyon masyadong matrabaho. SA LOOB ng apat na araw na gano’n na ang routine ko. Hindi na nga lang ulit pumunta ang mga kaibigan niya pero hindi umuuwi sa oras ng hapunan si Lennox. Palagi alas-dies pasado ang uwi niya, hindi naman siya nagpapaabiso dahil hindi niya ako pinapansin. Kusa ko na lang na nilalabhan ang mga damit at pinaplantsa na rin. Nagpabili pa ako sa kaniya no’n dahil dati pinapalaundry niya lang ang mga damit niya. Kung hindi siguro dahil sa wi-fi niya, wala akong magagawa sa maghapon. Kapag walang ginagawa, uupo na lang ako sa sofa at magbubukas ng social media, kaso bugbog na iyon sa mga messages mula sa mga kaklase ko kaya nagsasara rin ako kaagad. Pati si ate nakiki-pm pa! Nagda-download din ako ng mga laro mula sa play store, kaya lang dahil walang hilig ay mabilis akong magsawa. May nakita akong free download site ng mga american series kaso ang liit kapag sa phone ko papanoorin, kaya kinuha ko ang laptop ni Lennox at doon ko dinownload ang mga tv series na gusto kong panoorin. Inabot ako hanggang dilim sa pagdadownload ng isang season ng series na nagustuhan ko, kaya habang naghihintay ay nagluto na ako ng hapunan sa’ming mag-asawa. Kahit walang kasiguruduhan kung uuwi ba ‘yun o kakainin ko pang-agahan ang dapat na hapunan ni Lennox para hindi masayang. Pagbalik ko sa harap ng laptop ay malapit nang matapos ang panghuling episode, pero nagulat ako nang tumunog ang doorbell. Sanadali pa kong hindi nakakilos bago lapitan ang pinto, hindi naman nagsabi si Lennox na may darating siyang bisita. Binuksan ko ang pinto at dinatnan ang isang matandang lalaking nakasuot ng corporate suit. Paputi na ang buhok nito pero bakas pa rin sa mukha niya ang taglay na tikas at maawtoridad na presensya. “Sino po kayo?” magalang na tanong ko pero hindi niya pinansin. “Ikaw ba ang pinakasalan ng anak ko?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD