Prologue
Prologue
"PASOK!” sigaw sa akin ng matandang babae mula sa aking likuran. Tinulak niya ako at muntik pang sumubsob sa sahig kung hindi ko lamang nakuha ang balanse ko.
Unti-unti kong tiningnan ang loob ng maliit na kwartong iyon na nagsisilbing waiting area ng ilan pang mga babaeng kaedaran ko lamang. Humigpit ang hawak ko sa kulay lila na sedang pinasuot sa akin no’ng matanda sa kabilang kwarto. Nanginginig ang mga kamay ko’t nanlalamig ako sa takot. Ang luhang ilang araw ko nang karamay ay hindi maampat.
“Hoy, Shannon! Ano? Tatayo ka lang ba d’yan? Umupo ka na do’n at nakaharang ka sa pintuan! Hala! Maupo do’n at maghintay ng customer n’yo!”
I was taken aback when goosebumps raised into my skin. Tumaas-baba ang dibdib ko’t takot na binalingan ang nagsalita sa likuran ko. Agad ko siyang nilapitan at hinawakan sa kanyang makinis na braso. Napatigil ito sa paninigarilyo at tamad akong tiningnan.
“P-Parang-awa n’yo na po! Ayoko po rito! Ayoko po rito!” ramdam na ramdam ko ang pamamaga sa paligid ng aking mga mata. My tears rolled down on my cheeks as I felt the bullets of sweats on my face. Mas gusto ko pang ilibing ng buhay kaysa ang magpagamit!
“Pwede ba! Ang arte-arte mo! Ang laki na ng binayad sa’yo ni boss kaya pagmamay-ari ka na namin dito! Hindi ka na makakaalis!” sigaw niyang muli at sinundan ng tulak sa’kin. Muli siyang humithit sa kanyang sigarilyo at paitaas na binuga ang usok nito.
Lumakas ang hikbi ko kung kaya may isang lalaking humawak sa kanang braso ko para ilayo sa babaeng namamahala sa amin. “Bitawan n’yo ko! Bitawan n’yo ko! Mga hayop kayo!” sigaw ko at pilit na pumalag sa matangkad na lalaki. I grabbed his arm and bit it! Napahiyaw ang lalaki at pasalya akong binitawan sa pulang carpet na sahig.
I felt the pain on my butt and grunted.
“Tangina pa lang babaeng ‘to e! ‘Pag ako napuno sa’yo, gagalawin ko na ‘to e!”
Namilog ang mga mata ko’t sumabog ang pintig ng puso ko sa sinabi niya. I see no respect and no mercy in their eyes. Alam ko, alam na alam kong tototohanin nila ang sinabi nilang iyon!
“Gago! ‘Wag na ‘wag mong pag-iinitan ‘yang bago, birhen ‘yan kaya tiba-tiba tayo d’yan! Baka gusto mong matodas sa taas.”
Napaawang ang labi ko’t pinabayaan ko na lang na umagos ang masagana kong luha sa’king mga mata. Tila dumilim ang mundo ko’t natabunan ang karimlan.
There is no way to escape! I’m in jailed!
Hindi na ko tumayo pa at pinilit na lamang na idikit ang sarili sa dingding. Inayos ko ang aking maikling shorts na halos makita na kasingit-singitan ko, niyakap ko ang aking mga binti at tinago ang pag-iyak. I heard the door locked.
Walang may gustong tumulong sa akin mula sa kwartong ito. Ang babaeng halos hubad na ay tahimik lamang pinanood ang pagmamakaawa ko kanina. Nakasanayan na ba nila iyon? Nagkanya-kanyang usap ang mga babae at hindi ako pinansin.
KINUHA KO ang pulang tray at tumayo para dalhin na iyon sa kusina. Sabay-sabay kaming pinapakain dito na parang preso, pero ang pagliligpit ay kanya-kanya. I didn’t talk with everybody else. Ngunit tuwing titingnan ko ang ilang babae sa casa, halos panawan ako ng ulirat kapag napagtanto kong hinang-hina ang ilan at pagod na pagod ang mga katawan. They are obviously tired, but they don’t have an authority to say no!
They were used! At hindi ko akalaing dito ako dadalhin ng taong ilang taon kong pinagkatiwalaan!
Naglakad ako sa pasilyo. Bahagya pa akong naguluhan kung ito nga ang tamang daan pa-kusina. The corridors are the same. Upang makabalik na agad sa silid ko’y, tinahak ko ang pasilyong iyon. The plops sound from the faucet encouraged me to walk faster. But then, I was halted when I heard screams and groaning. I know, it was groaning! Huminto ako sa nakabukas na pinto at sumilip doon..only to find the horrible time of my life! Nakita ko ang isang babaeng kasamahan ko sa kwarto na nasa ibabaw no’ng lalaking tumulak sa akin! Namilog ang mga mata ko sa gulat. Tila natuklaw ako ng ahas sa nasaksihan. Ang paggapang ng lamig sa mukha ko’y sinabayan ng paggapang mga kamay no’ng hinayupak sa dibdib ni Sally.
“Ang sarap mo Sally..sige pa bilisan mo!” pumikit pa ito at tinaas ang balakang upang salubungin ang ginagawa sa kaniya ni Sally.
Aminado ako sa prostitusyon na ginaganap sa bahay na ito. Mula nang dinala ako rito’y alam ko na ang paggagamitan nila sa akin kahit hindi pa nila ako sabihan.
Mga mukha silang pera!Iyon at iyon ang naglaro sa isip ko para gawin nila sa akin ito. Alam nila ang pinagdaanan ko, pero nabulag sila sa salaping pinamudmod sa kanila.
NANAHIMIK AKO sa isang sulok habang pinagmamasdan ang mga babaeng ito na nag-aayos. Samu’t-saring mga palamuti sa mukha ang nilalagay nila mapansin raw ng mayayamang customer. Hindi ako nag-aayos dahil hindi pa raw ako sasalang. Mas panatag ako do’n at ilang araw ko nang pinaplano ang pagtakas ko sa casa. Nakakasuka na ang mga tagpuan dito. Iyong lalaking nakita kong katalik ni Sally ay ilang araw na akong tinititigan nang hindi magandan. Siya ang numero uno kong iniiwasan kahit sa kusina at baka pagsamantalahan niya ako.
I kept my fork with me for my protection.
“Shannon!”
Kinilibutan ako nang tawagin ni Dina. Siya babaeng kumukuha ng mga babae sa kwarto namin.
Nanlamig ako’t dumagundong ang dibdib. Nakatingin ito sa kaniyang tablet at muli akong tiningnan.
Hindi..hindi..hindi..
Sumilip mula sa likuran niya ang hinayupak na lalaki at nakangising sinipat ang tablet na hawak ni Dina.
“Magbihis ka. May customer ka na!”
“Sa wakas! Pagkatapos no’n ako naman sa kanya..” he said evilly and paid a glimpse at me.
WALANG IBANG namayani sa madilim na van na iyon kundi ang hikbi ko. Pakiramdam ko’y bibitayin na ako at ito na ang huling araw na masisilayan ko ang mundo. Dahil pagkatapos ng gabing ito..hindi ko na alam kung paano ko pa pakikitunguhan ang iba. Ilang beses akong binatukan ni Dina para patahanin ako.
“Tumahimik ka na nga! Bente-kwatro ka na pero kung umatungal ka para kang bata! Naririndi na ako sa iyak mo ah!” sabi niya sabay duro sa ulo ko.
Ilang beses na ba akong nagmakaawa? Ilang beses na ba akong lumuhod sa harapan nila para lamang pakawalan? Ilang beses kong pinabatid na pagsisilbihan ko na lang sila kaysa ang ipagamit ang sarili? Ngunit hindi nila ako pinaringgan. Bagkus, tiningnan lang nila ako na parang nahihibang! Hindi tao ang tingin nila sa akin! Iyong puri ko lamang ang kailangan nila para pagkaperahan!
At ngayong gabi na ang huling araw na mararamdaman kong buo pa ako. Ang iningatan kong sarili para sa lalaking minahal ko.
Huminto ang van sa tabi ng isa pang sasakyan. Dalawang lalaki ang naghihintay doon at tila kami ang hinihintay. Pinababa ako ni Dina, ang higpit nang hawak niya sa aking braso samantalang ang lambing ng kanyang ngiti sa dalawang lalaking walang emosyon ang mukha.
“Ito na ang babae mga boss..”
Yumuko at iniwas ang mga mata sa mga lalaking iyon. Tangina, gano’n na lang kung ipaalok ako. f**k you all!
Naramdaman ko na lang pagtulak sa akin ni Dina, binuksan nila ang kanilang sasakyan at maingat akong pinapasok sa loob. Ang lamig at bango ng aircon sa kanilang sasakyan ang sumalubong sa akin. Nakaramdam ako ng umpok na kaginhawan kahit na dumadagundong ang dibdib ko. This is just the preamble of my death.
“Pa’no, dito na lamang namin kayo hihintayin? pagkatapos ng amo n’yo kay Shannon mga boss.” it was Dina’s voice.
“Hindi na namin siya ibabalik.”
Nag-angat ako ng tingin sa dalawang lalaking nakaharang sa pintuan ng sasakyan. Nabakas ang gulat sa mga mata ni Dina at ng driver na kasama namin upang ihatid ako.
“Ano’ng hindi ibabalik? Isang gabi lang ang binayad ng amo n’yo ah.”
“Binili na siya ng boss namin. Hindi ba pinaabiso sa’yo?”
Napaawang ang labi ko, maging si Dina ay hindi kaagad nakahuma. Kinuha nito ang kanyang cellphone at may tinawagan. Bago ko pa marinig ang pinag-usapan at sinarado na nila ang pintuan ng sasakyan. Naalarma ako at mas lalong hindi na mapakali.
Binili ako?
Sa labas ng bintana ay nakita ko na lang pagtango-tango ni Dina habang kausap ang nasa kabilang linya. Binigyan niya ng thumb’s up ang mga kumuha sa akin at saka pinasibad ang sasakyan.
I feared for my life. I prayed and swallowed a million times just to lessen my terrified chest. Hindi nila kinakausap hanggang sa marating namin ang madilim na bahay. If it is my last resort, I would beg for my life to whoever this old monster is. Kinukumpleto ko na ang mga salitang sasabihin ko para maawa sila sa’kin.
Binaba nila ako at pinasok sa bahay na tila hindi pinaunlakan ng liwanag. We rode a f*****g lift? Seriously, may elevator sa bahay na ‘to!
The two men beside me are like a robot. They don’t speak. Only exchanging of quick glances without slaying a word. Dammit!
Mabilisan kong pinapasadahan ng tingin ang mga antigong gamit sa pasilyong dinaraan namin. Mukha ngang matandang lalaki ang nakabili sa akin base sa naglulumaang kagamitan sa bahay na iyon. Walang buhay at walang tao. Everything’s in here are old stuff!
“Dito na.”
Hinawakan nila ako sa aking siko at pinahinto. We were all facing a black double doors. May mga nakaukit doong disenyo ngunit ko na binigyang-pansin pa. My heart rate raised as they covered my eyes with a black handkerchief, I grimaced of the sudden actions! “B-Bakit ninyo tinakpan ang mga mata ko?”
Hindi nila ako sinagot. Buong lakas ko silang tinulak ngunit narinig ko na lang ang pagbukas ng pinto. Marahan nila akong hinila papasok sa loob.Bumilis nang bumilis ang t***k ng puso ko at tanging mga tunog ng kani-kanilang sapatos ang naririnig ko.