Chapter 5

2395 Words
ITO NA BA ang lahat ng gamit mo? Sigurado ka bang wala kang nakalimutan?” Nag-angat ako ng tingin kay ate Wiana habang tsine-check niya ang dalawang maleta ko. Pagkatapos ng kasal ay pinagpaalam agad ako ni Lennox na isasama niya ako sa Alabang dahil mayroon siyang condo unit doon. Ramdam ko pa rin ang pag-aalinlangan nina Tatay kahit pa sila ang nagtulak ng kasal. Wala na silang nagawa dahil sa asawa ko na si Lennox. “Ito na lang ate..siguro ay babalikan ko na lang iyong ib-ba..” pumiyok ako sa huling sinabi, hindi ko na kinaya pang itago ang bigat na nararamdaman. Niligon ako ni ate nakapamaywang. Mabigat siyang bumuntong hininga at saka ako mahigpit na niyakap. Tuluyan akong napaiyak ng maramdaman ko ang comfort sa yakap. Bigla ay naging emosyal kaming dalawa samantalang hindi kami nagkikibuan mula pa kaninang umaga. “A-Ate..” Tinatapik-tapik niya ang aking likuran, “Kilala kita Shannon. Pero ayokong husgahan ka dahil doon. Ipangako mo lang, na gagawin mo ang lahat para tuluyan siyang mahulog sa’yo..” bulong niya. Bahagya akong natigilan ngunit mas hinigpitan pa niya ang yakap sa akin. “Mag-iingat ka do’n ah?” Bumitaw ako at nag-angat ng tingin sa kanya. Pinunasan niya ang mga luha ko at nilinis ang mga mata para burahin ang lungkot sa pag-iyak ko. Tumango ako. Siguro nga’y bata pa ko, dahil tila gusto kong umatras sa pag-alis kong ito. Nagkaroon ako ng pag-aalinlangan nang bumayahe na kami ni Lennox. Kumpara kanina na matalim ang tingin niya sa akin, pagkatapos ng kasal ay bahagya nang humapa ang madilim niyang mukha. Takot na takot sa umpisa dahil nakokonsensya na ako, kaya lang mula nang i-anunsyo niya ang tungkol sa kasal ay bumabawi ang konsensya ako. This is what I want, sobra pa nga sa gusto kong mangyari. Nalipasan na ako ng gutom nang makarating kami sa condo unit niya. Namangha ako sa unang tungtong ko sa building na iyon. Ang cozy at ang mga taong nakikita ko ay puro may kaya. Napahawak lamang ako sa sling bag ko habang sumusunod sa kanya sa loob ng unit niya, siya na rin ang nagkusang dalhin ang mga maleta ko. Hindi niya naman ako kinikibo. Halatadong panglalaki nga ang may-ari ng unit niya. Spacious at itim o puti lamang ang naglalarong kulay mula sa pader at mga gamit. Ang sofa nga niya ay itim na itim ang kulay, walang unan. Ang kanyang lamesita ay gawa sa salamin kaya nakita ko ang ilang nakatabing magazine sa ilalim n’on. Sumunod ako sa kanya ng pinasok niya ang mga maleta ko sa isang kwarto, naging sunod-sunod ang pintig ng puso ko nang manguna ang isip ko na dito na ang magiging kwarto namin. Hindi ako mapalagay bigla. Tumikhim ako nang makapasok. Nilingon niya ako pero pasimple kong pinasadahan ng tingin ang buong silid. Inasahan ko ng minimal lamang ang mga gamit doon tulad ng sa labas pero bakas na bakas naman ang mamahalin ang mga presyo no’n. “This will be your room.” Bigla akong natauhan at inosenteng nilingon siya, “H-Ha?” tama ba ang intindi ko? Ngunit hindi nagbago ang expression niya. Tinitigan niya lamang ako ng malamig. “Ayokong inuulit ang nasabi ko na Shannon, don’t me expect to be your Kuya dahil alam mong hindi na ganoon ang magiging turingan natin.” Nagbaba ako ng tingin at umiwas sa nagsisimula na niyang pagkamuhi. Nag-expect akong magsasama kami sa iisang kwarto dahil asawa ko na siya at dahil ganoon naman talaga ang gawi nang mag-asawa na. Sadyang hindi ko lang inaasahan na ganito. Napatingin na lamang ako sa aking mga kamay ay kinurot-kurot ang aking mga daliri upang mapahupa ang lamig sa titig niya. Hindi na ako nagsalita pa at baka hindi niya lang magustuhan. Napaigtad na lamang ako ng tinadyakan niya ang isang maleta ko kung kaya natumba ito sa sahig. Carpet naman ang sahig pero ang pwersa mula sa paa niya ang bumalot na kalabog. Natatakot na nag-angat ako ng tingin sa kanya. I was taken aback nang makumpirma ko ang nanlilisik niyang mga mata sa akin. Malalaking hakbang ang ginawa palapit sa akin kung kaya wala sa loob ay napaatras ako. Bumagsak ang likod ko sa malamig na pader, hindi ko na rin magawang salubungin pa ang mga mata niya. Natakot ako at inisip na uulitnn niya ang ginawa kaninang umaga. Huminto siya sa harapan ako, ramdam ko ang titig niya sa akin. Tinungkod niya ang magkabilang kamay sa pader at nilihis ang ulo para magtagpo ang mga paningin namin. Ninerbyos ako sa kinikilos niya. Lalo pa at tumatama na sa mukha ko ang mainit niyang hininga. “I’m sorry wife, and I can’t give you the wedding and honeymoon that you were dreamt of..” he huskily whispered. I softly turn my gaze up at him. Huminto na rin yata ang paghinga ko. He evilly smirked. “Because you don’t deserve those lady.” Nanghina ako sa dinugtong niya. Naroon pa rin ang muhi sa akin. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya sa harapan ko at padabog na sinarado ang pinto. Sinundan ko lamang siya ng tingin at tinitigan ang pintong nilabasan niya. KINSE MINUTO lang ang inilagi ko sa kwarto at sa pagtitig sa pintong nilabasan niya bago ko napagpasyahan na lumabas para makapaluto ng hapunan. Sa kabila ng sinabi niya sa akin ay excited pa rin akong ipagluto si Lennox bilang asawa niya. Pagdating kasi sa ganoong trabaho ay aminado akong angat ako doon. Nagmana ako kay Tatay na magaling magluto. Baka sakaling mabawasan ang galit niya kapag natikman na niya ang luto ko. Ngunit pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto ay pagsara naman ng pinto. Umalis siya ng hindi nagpaalam. Tila may nagbara sa lalamunan ko ng iwan niya ako mag-isa sa condo niya. Sa unang gabi na mag-asawa na kami. Nagluto pa rin ako para sa aming dalawa, pero lumamig lamang iyon sa lamesa. Kaya sa huli ay kumain na lang ako mag-isa at niligpit ang hinain. Hanggang sa nakatulog na ako sa sofa niya sa paghihintay na umuwi siya. Naalimpungatan ako ng marinig ang pagsara at bukas ng pinto. Agad akong bumangon nang makita si Lennox..na lasing? Mapupungay ang mga matang tiningnan niya ako. “What? Acting as my wife, young lady!” Bumuntong hininga ako. “Bakit ngayon ka lang--” “Oh stop it! ‘Wag ka ngang umarte ng ganyan, hindi bagay Shannon. Hindi pa ko bagsak sa kalasingan kaya alam ko pa ang ginagawa ko,” Muli na naman nagbara ang lalamunan ko sa tinugon niya. Ayokong magtalo kami at natatakot pa ako sa kaniya. I am his wife, and I should understand him. HIndi ko naman mababago ang nangyari ‘di ba? Kasal na kami. At isa lamang itong adjustment para sa akin at sa kaniya.Tumayo na ako para pumasok sa kwarto ko. Hindi naman daw siya lasing na lasing kaya, kaya pa niya ang sarili. Ngunit napasinghap ako ng marahas niyang hinila ang braso ko at inipit ang mukha sa malalaking mga kamay, mariin niyang inangkin ang labi ko! Halos sumabog ang puso ko sa bilis ng pagtibok nito ngunit tila uhaw na uhaw kung halikan ako ni Lennox. Dumiin pa lalo ang labi niya sa akin ng sinubukan kong itulak siya sa kaniyang dibdib. Hindi na ako makahinga ng maayos at nilulunod niya sa marahas na paghalik. Hindi pa siya nakuntento at sinalya niya ako sa pader at nilamukos ako ng halik. His kiss was covered with bitter taste and mint. Isang daing ang kumawala sa akin ng tumbukin ng mga kamay niya ang dibdib ko nang hindi nilulubayan ang labi ko. Kinabahan ako at naiiyak sa ginagawa niya sa akin. Sa kabila ng nararamdaman kong init ay natatakot pa rin ako sa kaniya. His big frame almost telling me how dangerous he is. Dumiin pa at animo’y nanggigil ang mga kamay sa ibabaw ng dibdib ko, unti-unti na akong nasasaktan. Inangat ko ang ulo ko para makahinga mula sa kanyang mapagparusang labi, nagtagumpay ako pero nalipat ang halik sa leeg ko. I locked my breathe when he purposely bit my skin! “L-Lennox!” awat ko sa kanya. Sinubukan kong itulak siya palayo pero pilit dinidikit at dinidiin ang sarili sa akin. Minasahe niya at dinama ang magkabila kong dibdib, ngunit dama ko na pagsakit nito. “Bakit hindi natin ulitin ang nangyari kagabi? Ngayon mo ipakita sa akin ang ginawi natin--na hindi ko maalala. Hindi ko kasi nakita kung paano ka nag-enjoy sa kama ko, Shannon.” Dumagundong ang dibdib ko tuluyan nang nabalutan ng takot. Nang magawa niyang ipasok ang kamay sa loob ng damit ko’t nahanap ang ibabaw ng dibdib ay saka ako nakaipon ng lakas para itulak siya. Humihingal pa siya ng mapaatras, pero agad akong tumakbo papasok sa kwarto ko at ni-lock ito. I was panting and can’t even catch my breath properly. Tila lalayasan na ako ng puso ko sa pagwawala nito sobrang takot ng naramdaman ko kay Lennox. Ang uri ng bulong niyang ngayon ko lang natamo, ang mga tinging tila lalapain ako! at ang mga halik na masarap pero mapagparusa. Ilang minuto rin akong nakatayo sa likod ng pinto, at nakahinga na ako nang maluwag ng hindi na ko nito tinangka pang pasukin ako. Pero bago matulog ay siya pa rin ang nasa isip ko..ang halik niya. KAHIT UMAGA na ako nakatulog, nagawa ko pa ring gumising ng maaga para pumasok sa school. Ilang araw na lang naman at matatapos na ang school year, final exam at clearance na lang ang gagawin namin bago magbakasyon. Alas-singko ay bumangon ako, inayos ko ang gamit ko at saka nakapaligo. I wore my navy blue uniform and a long sleeve blouse. Nagmamadali ko nang sinuot ang necktie ko para makapaghanda ng almusal. 7:30 ang unang exam ko. Nilapag ko sa upuan ang bag ko at saka binuksan ang fridge kung ano ang laman. Pero ilang bottled water at canned-beer lang ang nakita ko. Maliban sa tatlong ilog na kinuha ko para maluto. Binuksan ko rin ang cabinet para maghanap ng tinapay, pero instant cup noodles lang din ang nakita ko. Ganito lang ba ang kinakain niya rito? Bumuntong hininga ako at nagsimula nang lutuin ang tatlong itlog. In-on ko rin ang water dispenser niya pang-kape. Hindi ako mainom ng kape pero mapapainom ako ngayon para lang mainitan ang sikmura ko at gumana ang utak ko mamaya sa pagsagot sa exam. Bibili na lang siguro ako ng tinapay para may makain habang nasa byahe. Pinunasan ko ang butil ng pawis sa noo ko, pinatay ang kalan at saka hinango ang mga naluto sa plato. Isang mahinang pagsinghap ang lumabas sa bibig ko ng makita ko si Lennox nakatayo sa hamba ng pintuan. Magulo ang buhok at tanging boxer shorts ang suot. Agad akong nagbaba ng tingin para iwasang tumama ang mga mata sa hubad niyang katawan. Narinig ko ang pangisi niya. “Ano’ng ginagawa mo?” Tila masaganang naglalaro ang mga paru-paro sa tiyan ko. Hindi ako nakahakbang para igawa na siya ng kape at yumuko na lamang. “Naghahanda ng a-almusal, kaya lang kasi w-walang laman ‘yung ref.” Hindi ko na alam kung saan siya tumingin, palagay ko ay sa lamensa lang. Ilang segundo siyang hindi nagsalita, tila ba pinapasadahan ang kabuuan ng ginawa ko. “Mamaya bibigyan kita ng pang-grocery.” tipid niyang sagot. Nag-angat ako ng tingin sa kanya, “Mamayang hapon na lang ako mamimili, 5:30 pa kasi ang labas ko sa school.” I froze when he glared at me. “School? Sino’ng nagsabi sa’yo na mag-aaral ka pa? Hindi ka na papasok simula ngayon. That’s why I’m asking you kung ano’ng ginagawa mo.” Napatda ako sa sinabi niya. “F-Final exam na namin ngayon e, sayang naman kung ‘di ko pa tatapusin.” Lumakad siya sa tapat ng lamesa at malapitang sinipat ang nilutong itlog. Para bang wala lang sa kanya na hindi ko tatapusin ang sem ngayong taon. “Not bad. I said, hindi ka na mag-aaral. Hindi mo na kailangan pang mag-aral dahil kaya kitang buhayin. Ano, papasok ka, kakalat-kalat sa labas at lahat ng makakakilala sa’yo ay iisiping Agustin pa rin ang apelyido mo? I don’t care about your studies, you don’t need it now that you have my name. Change your clothes.” “Pero gusto kong mag-aral, Lennox,” He looked at me. Walang emosyon at tila naiinis na naman sa akin. “You’re a married woman and not just a f*****g college student,” Sabi niya na halos hindi kumikibot ang manipis niyang labi. “Have you seen yourself in the mirror, your lips are sore. Gusto mong pumasok na namamaga ang labi mo?” Nag-init ang mukha ko at wala sa loob na hinaplos ang labi ko. Napansin ko ito kanina pero hindi ko na binigyan ng tuon dahil mas iniisip ko ang finals. Ngunit nang siya na ang nakapansin ay saka ako nagdalawang-isip. Pero sapat ba iyon para ihinto ko ang pag-aaral? Hindi ko man first choice ang course ko ngayon ay natutunan ko nang mahalin ang inaaral ko. Gusto kong makatapos para makatulong kina Tatay at ate sa gastusin. Napagtanto kong, iba na nga pala ngayon ang sitwasyon. “Hindi naman ito halata masyado at saka sa susunod na sem ay apelyido mo na ang gagamitin ko. Uuwi na lang ako nang maaga para makapamili--” Hinampas niya ang lamensa. “Hindi ka na mag-aaral! Get f*****g used to it! Dito ka lang sa bahay at hindi ka lalabas ng hindi nagpapaalam sa akin. Naintindihan mo?” nanggigil niyang sabi. Nanikip ang dibdib at uminit ang dulo ng mga mata ko. Hindi ako sanay na inuutusan ng ganito. Ititigil ko ang pag-aaral at aasa sa kaniya. Mahal ko siya pero may pangarap din ako bukod sa kaniya. Muli akong napaigtad nang ulitin niya ang ginawang paghampas sa lamesa. “Naintindihan mo ba Shannon?” ulit niya. Tumango ako. Kahit ayoko, kailangan kong sundin. “Good. Magpalit ka ng damit mo at pumunta sa grocery. Darating ngayon dito ang mga kaibigan ko.” maawtoridad niyang dagdag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD