Chapter 4

2547 Words
"Aray!” napangiwi ako nang tumama ang ulo ko sa headboard ng kama ni Kuya Lennox. Sa sobrang bigat niya ay halos matangay din ako ng hilahin ko siya at binhat sa higaan niya. Kulang na lang ay itali ko ang paa niya para hilahin papasok sa kwarto niya kaya lang baka magkapasa pa at maalala. Umungol ito nang tila naramdaman ang sakit ng kanyang likuran. Tumama kasi sa hamba ng pintuan ang likod niya ng hindi ko sinasadya. Magso-sorry na lang ako bukas. Amoy alak siya at lango. Para bang nilaklak niya ang isang case ng beer at nagpakalunod. Mabuti at nakauwi pa ito ng mag-isa? Inayos ko ang kumot niya at akmang babalutan na sana ang katawan niya ng mapatigil ako. Tiningnan ko ang mamula-mula niyang mukha, ang labi niya ay nangingislap pa dala ng natural nitong kulay. Ang buhok ay magulo na parang gigil na sinabunot. Ngunit kahit ganoon pa ang itsura niya..mas nakadagdag pa iyon sa angking niyang kagwapuhan. My heart suddenly lifted up while I was freely staring at his handsome face. Umupo ako sa gilid ng kama at malayang tinitigan ang mapayapa niyang mukha. Minsan ko lang siyang natitigan ng ganito katagal, tulog nga lang. I smiled. Bumaba ang mga mata ko sa dibdib niyang sumisilip dahil nakabukas na ang dalawang butones ng polo niya. I swallowed. Naalala ko ang planong binuo ko para makuha si Kuya Lennox. Natatakot din ako pero tila nagpaparamdam ang pagkakataon. Kaya ko ba talaga? But if I am sure about having him, there’s no doubt to think about! Dahil walang iba akong gusto kundi si Kuya Lennox lang. At matagal ko nang pinapangarap na matanggal na ang pagtawag ko sa kaniyang kuya. Umayos ako ng upo at tiningnan ang kabuuan ng kwarto niya. Ayokong sukuan! Pero natatakot pa rin ako. Tumayo ako binuksan ang aircon, pagkatapos ay lumapit sa nightstand para para buksan din ang lampshade. I turned off the lights and I started walking again..palapit sa kama. Pumikit ako at binigyan ng hangin ang katawan. My fist clenched before I opened my eyes again. Sigurado na ko. Balot ng lakas ng loob ay lumapit ako sa kanya at nanginginig ang mga kamay na binuksan isa-isa ang butones ng kaniyang suot na damit. Alerto rin ako at napapahinto tuwing napapagalaw ito pero hindi dinidilat ang mga mata. Siguro dahil unti-unti nang lumalamig at nadadantayan ang balat. It took me forever to finally unclothed him. Mabigat si Kuya Lennox at hirap na hirap akong itagilid siya. Halos magkabuhol-buhol ang pintig ng puso ko nang dumako ako sa itim niyang pantalon. Napapikit ulit ako at walang palya ang panginginig ng mga kamay ko nang simulan kong hubarin ang sinturon niya. Hindi ko pa magawang tingnan ang ginagawa dahil sa kaba, kung kaya nakapikit ako at halos isang mata na lang ang ginamit para kalasin din ang butones at zipper ng pantalon.At ‘di ko na halos makilala ang sarili nang magawa kong hubarin ang suot niya. Hingal ako at tila tumakbo ng ilang kilometro nang matapos ko ang ginawa. Pinatungan ko kaagad siya ng kumot upang takpan ang hubad niyang katawan. Nang mapansin kong mahimbing pa rin ang tulog niya ay saka ko na inumpisahang hubarin ang sariling saplot. Leaving with nothing. Niyakap ko ang sarili at dahan-dahan na lumapit sa gilid ng kama. Pumasok ako sa loob ng kumot at siniksik ang sarili ko sa mainit na katawan ni Kuya Lennox. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at kinakabahang tiningnan siya. Bahagyang nakabukas ang kanyang mga labi at naamoy ko pa ang alak sa hininga niya. Isang bagay ang natuklasan ko matapos kong magawa ito, kaya kong gawin ang lahat para sa kaniya. Hinatak ko ang kumot at tinakip sa mga hubad naming katawan. Kahibangan man ay nakaramdam pa rin ako ng kulisap sa tiyan ko dahil katabi ko siya. I was completely nervous but accomplished at the same time. Wala akong ibang iniisip, kahit pa ang isipin ang magiging reaksyon pag gising. Napangiti ako at inunan ang kanyang balikat, I even extended my right arm to feel his body. Niyakap ko siya at pinikit ang mga mata upang magpaalon sa antok. There’s only me and him before I closed my eyes. MALALAKAS NA KALABOG ang gumambala sa mahimbing kong tulog. Muntik ko nang sigawan si ate Wiana kung ‘di lang maamoy ang pamilyar na langhap ng kumot na yumayakap sa buong katawan ko na para bang ito lang ang tanging suot ko. Munting galaw ang nagawa ko, hinatak ko pa ang kumot dahil sa malakas na aircon. Mula nang makatulog ako ay tila kay himbing-himbing ng tulog ko dahil ‘di ako naalimpungatan man lang. Para bang ito ang pinakamaganda kong tulog sa buong buhay ko. “Ma!” Napadilat ako at napatda nang narinig ang mga pamilyar na boses. Agad naglaho ang panaginip at hinila ng reyalidad. Lumipad ang mga matang kong agad nahanap ang tamang liwanag at namilog ang mga matang nadatnan ko doon ang mama ni Sica..at si Sica! Parehong naiwang nakabukas ang mga labi at gulat na pinagmamasdan ako at si..Kuya Lennox! “M-Ma, I will explain! Wala po akong maalala..” paliwanag niya. Ako naman ay hindi agad alam kung ano’ng gagawin. Dapat ay napaghandaan ko na ‘to pero kapag pala nasa ganito ka nang sitwasyon, hindi ko na bigla maisakatuparan ang mga nauna kong pinalano. Tuyot ang aking lalamunan ngunit nilalamig ang mukha ko’t hubad na katawan. Nang tingnan ko si Kuya Lennox, nasa tabi ko pa rin siya at hawak ang kumot sa kaniyang pang-ibaba na parang matatanggal ito ano mang oras. Nilingon niya ako..at halos gusto kong tumakbo’t lisanin ang kwarto niyang iyon ng bigyan niya ako ng mabagsik na tingin. Ramdam ko ang paghingi niya ng paliwanag dahil pareho kaming walang saplot na nabungaran niya ngayong umaga! “Ano’ng ibig sabihin nito, Lennox? Magpaliwanag ka!” nagagalit na sigaw ng mama niya. Ako naman ay kinilabutan din. Bumangon ako at mahigpit na hinawakan ang kumot para takpan ang sarili sa harap ng kaibigan at ni Tita. I felt so embarassed. Ang magulo kong buhok ay halos takpan na ang buong mukha ko. “Ma, listen to me, wala po talagang akong maalala sa nangyari kagabi Lasing na lasing ako sa party sa Peyton then I went home--I really can’t remember! Please, this is not what you think! Kailanman ay ‘di ko ito magagawa kay Shannon.” tila patalim ang kanyang sinabi. “You went home drunk last night! And you--you saw Shannon--” nanghina ito ng sabihin ang pangalan ko. “No! I didn’t! B-But I can’t remember what happened..” sabi nito na nanghihina na. Napalunok ako. Walang mukhang maiharap. Nakokonsensya ako pero tila kay higpit ng kapit ng aking binalak, na ngayon ay ‘di ko mapaniwalaan na kasalukuyan nagaganap. Napahilot sa kanyang sentido si Kuya Lennox. Habang tila nakakamatay ang mga tingin sa amin ni Tita. “Magbihis kayong dalawa at mag-uusap tayo sa baba!” tinalikuran nila kami at napaigtad ako ng malakas niyang sinara ang pinto. “s**t!” sigaw ni Kuya Lennox. Ginapangan ako ng takot, labis na takot sa bigla niyang pagsigaw. Hinagis nito ang kumot sa akin at inabot ang kaniyang boxer shorts. Pailalim niyang sinulyapan ang kama bago tuluyang sinuot ang mga damit niya. He was half-naked nang galit niya akong nilingon. “Magbihis ka.” Kinilabutan na naman ako. Galit ang boses niyang iyon. Tumango at binalot ang kumot sa aking katawan. Hinagilap ko ang aking mga damit sa sahig at isa-isang pinulot. Ngunit agad din akong napahinto ng sa isang iglap ay hinaklit niya aking braso at may kalakasan akong tinulak nito sa pader! Labis na takot ang pumuno sa akin at madilim na mga mata ang ginawad niya sa akin. Matatalim at tila konting oras lamang at kakantiin ako ng walang laban. He pressed me on the wall, I winced in pain when I felt how he grip my wrist too tightly. Ang isang kamay naman niya ay ginamit sa likod ng ulo ko para mapatingala sa kanya. “Tell me what exactly happened last night, Shannon? You f*****g tell me!” nanggigil niyang sambit. Sa sobrang takot ko’y umiling ako. Takot na baka pagbuhatan niya ako ng kanyang mga kamay. Sa tangkad niyang iyon ay alam kong lilipad lamang ako na parang papel sa kawalan. Mas lalo siyang nangalit at diniinan pa ako sa pader. “Don’t tell me na may nangyari nga sa atin? I was maybe drunk but I’m not an idiot! Tell me!” Lumandas ang luha ko. Dala ng matinding takot at panginginig. And he softened his grip, ngunit nilagay niya ang isang kamay sa aking baba at tinaas ang mukha ko. “I didn’t know that you are that desperate. You want a kiss from me? I’d gladly giving it to you. We can sneak around and make out without my mom knowing it. But..you just ruined my life!” Impit akong napatili nang suntukin niya ang pader sa aking likuran. Napatakip ako sa aking bibig. “You’ll pay for this mess.” he whispered before he let me go and left. Nanginginig ang aking ang kamay at nanlalamig. I forced myself to dress and be readied for what would happen, but I was the one to blame. Sabi nga niya, it’s a mess. Which somehow I believe. Dala ng takot ay nagmadali ako sa pagbibihis at sumunod sa baba. I was trembling. I almost felt that I left my heart in his room. Ngunit wala na ‘tong atrasan pa, nagawa ko na ang gusto ko. Ang makuha siya. Handa kong harapin ang mga parusang ipapataw nila sa ulo ko..basta ibigay lang nila sa akin si Kuya Lennox. PINIPIGA ANG PUSO KO sa bawat dantay ng malutong na sampal ni Tatay kay Kuya Lennox. Hindi siya kumikibo o sinasalag man lang ang mga sampal na iyon at buong laya niyang tinatanggap ang parusang ako, ang may gawa. “T-Tay tama na po!” nahihilam ako sa aking luha pero ni hindi ko sila magawang lapitan dahil hawak-hawak ako ni ate Wiana mula sa aking braso. “Hayop ka, Lennox! Bakit nagawa mo ‘to sa anak ko? Lubos akong nagtitiwala sa pamilya ninyo tapos ganito ang gagawin mo! disinuebe lang si Shannon! Tangina kang lalaki ka! Bakit ‘di ka na lang humanap ng ibang babaeng kasing-edad mo punyeta ka!” sigaw ni Tatay, hinawakan niya sa kwelyo si Kuya Lennox at inunduyan ng isang malakas na suntok! Nagsigawan sina Tita Anabelle at dinaluhan ang asawa, ang mama naman nina Sica ay umiiyak na nilapitan ang anak. Nadurog ang puso ko nang sumalya sa sahig si Kuya Lennox bagaman at halos nawalan din ng balanse ang Tatay ko. Gusto kong lapitan at pigilan din si Tatay pero gusto ko ring lapitan at yakapin si Kuya Lennox. “Huminahon ka, Jorge, ‘di dapat natin idaan ‘to sa sakitan. May nangyari na sa mga bata,” ani Tita Anabelle at saka hinatak ang Tatay. Ngunit kahit ako’y natakot nang makita ang madilim na anyo ng sarili kong ama. “Iyon na nga ang kinagagalit ko, Anabelle! Ginalaw niya ang bunso ko! At hindi ako papayag na maagrabyado ang anak ko rito! Putanginang lalaki ‘yan!” he glared at me. Nanindig ang balahibo ko sa tingin na ‘yon ni Tatay. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at ninamnam ang consequence sa ginawa ko. “T-Tay..tama na po..” pagmamakaawa ko. Pinunasan ko ang aking luha at tinapangan ang mukha. He’s wounded, my heart bled, these men are wounded. Kaya kahit mas lalong lumubog ako sa kahihiyan ay sasabihin ko na ang totoong nangyari. “T-Tay..” “Pakakasalan ko ho ang anak n’yo. Pakakasalan ko si Shannon.” isang mababa ngunit matapang na boses ang nanguna sa akin. Lahat sila’y sinulyapan ang dineklara ni Kuya Lennox, maging ako ay naninigas din sa’king kinatatayuan. Lumuwag ang pagkakahawak sa akin ni ate Wiana. Suminghap si Sica mula sa aking gilid at namimilog ang mga matang tinunghayan ang kapatid. “Ano’ng sabi mo?” naninindak na sa tugon ni Tatay. Nakatayo na si Kuya Lennox at hawak sa balikat ng kanyang Ina. Isang punas ang ginawa niya sa pumutok niyang labi at buong tapang na tiningnan ang Tatay ko, isang sulyap ang ginawad niya sa akin at halos mapalunok ako sa simpleng intesidad no’n. “Nangyari na ang hindi dapat na nangyari, pero hindi ko po tatakbuhan ang responsibilidad ko. Kung papayag kayo, pakakasalan ko po ang anak n’yong Shannon.” “Kuya!” sigaw na tila pagpipigil ni Sica. Ngunit hindi siya nito nilingon, bagkus ay nakipagtitigan pa sa Tatay ko. Ilang segundong nagtaas-baba ang dibdib ng Tatay na tila sinusukat ang pakikipaglabanan ng titig kay Kuya Lennox. Nabahala ako sa maaaring tensyon na maganap pero nandito pa rin sa puso ko ang napukaw niya. Hinihingi niya ang permiso ni Tatay para pakasalan ako? “Lennox, naiintindihan namin ang prinsipyo mo pero nababahala ako sa gusto mong mangyari dahil napakabata pa ni Shannon namin.” salo ni Tita Anabelle. Natahimik ang mama ni Kuya Lennox. “Hindi, Anabelle. Dapat lang na panagutan niya ang ako. Paano kung may nabuo? Lalabas na magiging dalagang-ina ang anak ko? Hindi ako papayag na hindi niya saluhin ang responsibilidad na ginawa nilang dalawa! Sa tanda mong ‘yan, nagawa mo pang pumatol sa isang dalagita? Ginamit mo ang pagiging makapangyarihan mo para makuha ang anak ko.” “Jorge! ‘Wag mo namang pagsalitaan ng ganiyan ang anak ko. Alalahanin n’yo, nagpaubaya rin ang anak mo.” galit sa sumbat ng kanilang ina. Napayuko ko nang maramdaman ang pinunto ni Tita Carmen. Kung alam lang nila. “Mas matanda pa rin ang anak mo, Carmen. Kahit saan mong siliping anggulo, di-hamak na naisahan ang anak ko, O baka pinilit mo lang si Shannon?” “Tay!” sigaw ko. Lalong namula ang mukha ni Tita Carmen sa galit. Si Tita Anabelle naman ay halos hilahin na ang Tatay paalis ng bahay na ‘yon. Ngunit nang tingnan ko si Kuya Lennox..dumagundong ang dibdib ko nang maabutang sa akin siya nakatitig. Walang emosyon at malamig na titig. Halos panawan ako ang hangin dala ng kaba at takot sa mga titig na iyon, tila ba binubuntong sa mga nagyeyelong titig na iyon ang galit. Kahit nakakabahala ay ni hindi ko nagawang iwasan ang mga mata ko sa kaniya. Nanatili ako sa aking kinatatayuan athinintay ang paglambot ng titig niyang iyon--na hindi dumating. Bagama’t nagkagulo kami ng umagang iyon, ay napagkasunduan nina Tatay na ikasal kami sa munisipyo. Umapela pa sina Tita Anabelle na gawin sa simbahan ang kasal pero ayaw na itong patagalin pa nina Tatay. Nabigla pa rin ako ng pumayag si Kuya Lennox na ikasal kami sa araw ding iyon. Naging mabilis ang mga pangyayari. Walang sinayang na oras ang mga magulang namin at pinakasal kami. Bago sumapit ang hapon ay dala ko na ang apelyidong Castillano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD