"HAPPY 19TH birthday, Shannon!”
Napaigtad ako sa gulat nang pagbukas ng pinto ng kwarto ko’y bumungad sina ate Wiana, Tatay at si Tita Anabelle. Napahilot ako sa aking batok habang tinitingnan ang cake na hawak ni ate, naalala ko tuloy last year ‘yung debut ko walang ganito pero ngayong ika-19th na birthday ko may ganap na siyang ganito? “Bakit may ganiyan?”
Ngumuso si ate samantalang nagtawanan lamang sina tatay.
“Ano ka ba? Ikaw na nga ‘tong sinurprise, nagtatanong ka pa! Hipan mo ‘tong kandila, dali!” pagmamadali niya sa akin.
“Happy birthday, Shann.”
Nag-angat ako ng tingin kay Tita Anabelle matapos niyang iabot sa’kin ang regalo niya. I smiled at her, “Thank you po, Tita.”
Her smile is so warm. Mabait siya at understanding pa. Kaya naman nang ibalita sa amin ni Tatay na magkasintahan na sila ay wala silang narinig na pagtutol sa amin ni ate, lalo na sa akin. Para sa akin kasi ay mas mahalaga sa akin na makitang masaya ang Tatay ko at ni minsan ay hindi nagpakita ng di-magandang ugali sa amin si Tita. Pero kahit ilang taon na rin sila ay ramdam ko kung minsan ang alangin ni ate Wiana. She didn’t tell me and I didn’t ask either.
Nasa hapag na kami ng umagang iyon at pinagsalo-saluhan ang inihanda nilang agahan. Napansin ko ang madalas na paghawak kamay nina Tatay at Tita Anabelle, bihira kasi sila magpakita ng affection sa harapan namin ni ate.
Tumikhim si Tatay, naagaw niya ang atensyon namin ni ate kaya nagkatingin kami.
“Wianna, Shannon, may importante kaming sasabihin sa inyo ng Tita Anabelle ninyo..” nilingon niya si Tita at muling binalingan kami. “Magpapakasal na kami.”
Nagulat ako. Si ate naman ay nabitawan ang hawak na kubyertos. Kumalansing ang plato kaya bahagyang nalusaw ang magiliw na ngiti ni Tita.
Naramdaman ko ang tensyon dahil sa katahimikan matapos ang balita na iyon nina Tatay, kung kaya kahit gulat man ay ako na ang unang bumagsak sa tensyon na iyon. “C-Congratulations po?” alangan din ang lumabas sa bibig ko.
Hilaw na napangiti si Tita sa akin, nakita ko ang kaba sa mukha niya nang tingnan naman si ate.
“Wianna? Sana’y pumayag ka rin..” nakita ko ang pakiusap sa mukha ni Tatay. Pero mas nanaig ang pagnanais niyang makasama ang babaeng sinunod niyang mahalin matapos mamatay ni Nanay.
Yumuko si ate at hindi ngumiting binati na lamang ang dalawa.
NILAGAY KO sa magkabilang bulsa ng jeans ko ang aking mga kamay pagkatapos ayusin ang earphone sa tainga ko. Siguro’y magdadalawang oras na akong nakatayo sa labas ng bahay namin at binibilang ang mga dumadaan ng wala sa sarili habang naghihintay. Ang sabi ni Sica ay ganitong oras ang uwi nila mula airport pero isang oras at kalahati na silang late. Hindi ko naman mai-text dahil ayokong tuksuhin niya naman akong atat.
Well..excited ako. Ngayon na kasi ang uwi ni Kuya Lennox galing America. Isang taon din kaya ang inilagi niya doon dahil kinuha siya ng ama niya para i-train. At dahil isang taon ko siyang hindi nakita ay halos walang pagsidlan ang saya ko dahil sa wakas ay papauwi na siya. Bukod sa birthday ko na ngayong araw at may maganda pa akong regalong matatanggap.
Nagpalakad-lakad ako at may paminsang-minsang nakatanaw sa kalsadang panggagalingan nila. Sobrang excited na akong makita ulit siya! Hanggang ngayon, walang pumalit kay Kuya Lennox sa puso ko. Feeling ko nga, pag-ibig na ‘to e. He occupied my heart without him noticing my true feelings towards him. Kahit may gwapong pumoporma sa akin sa school ay siya pa rin ang tinitibok nito. Ang cheesy pero totoo!
Napangiti ako ninamnam ang kilig at paglikot ng tyan ko. Grabe, nahihibang na yata ako sa kanya!
Kumalampag ang dibdib ko nang matanaw ang paparating na itim na sasakyan. Sila na ‘yon!
Bumalik akong muli sa pwesto ko kanina sa tapat ng gate namin, tinanggal ko na rin maging ang earphone sa tainga ko. Sinundan ko ng tingin ang sasakyan nila hanggang sa huminto sa tapat ng bahay nina Sica. Bumukas ang pinto sa likuran at naunang bumaba ang kaibigan, napangiti ako, tatawagin ko na sana si Sica pero tila sa katawanan ito mula sa loob ng sasakyan kaya hindi ako napansin man lang.
Bumukas ang passenger seat, gano’n nalang ang talbog ng puso ko’t palo nito nang sa wakas ay masilayan ng mga mata ko si Kuya Lennox! At parang..mas lalo pa ‘tong gumwapo. Ang tindig niya ay mas nadepina sa postura at pananamit. Ganito na ba talaga ang nabago buhat ng mamalagi sa ibang bansa?
He looked more mature than before. Maybe because he’s on his 30’s?
Binuksan ni Sica ang gate nila para na rin maipasok ang sasakyan. Mula sa pintong nilabasan ni Sica ay bumaba doon ang isang matangkad na babae-no, magandang babae! Sinalubong iyon ni Kuya Lennox na may nakangising mukha. Muntik na akong mapalunok nang masilayan ang ginawa niyang iyon. Para bang pati iyon bago sa kanya.
But I was stunned.
Tila hiniwa-hiwa ang puso ko nang halikan ng magandang babaeng iyon sa labi si Kuya Lennox! Pinaikot pa niya ang braso sa maliit na baywang nu’ng babae. Nagtawanan at nagbulungan habang pumapasok sa loob ng bahay. At hanggang sa makapasok ay natulala na lang ako.
My chest hurt. Bago pa makapasok nang tuluyan si Sica ay nahagip niya ako. She waved at me but when she found my line of vision..unti-unting bumaba ang kamay niya at natunaw ang ngiti. Bumagsak ang balikat niya, at malungkot akong tiningnan.
No’ng gabi ding iyon at tinext at tinawagan ako si Sica pero hindi ko muna sinagot. Nagkulong ako sa kwarto at pinagbunyi ang piging sa dibdib ko. Hindi ko rin maiwasang umiyak kahit pa sabihing para saan ang mga luhang iyan?, kahit bugbugin ako ng pait sa dibdib ay manhid ko iyong binalewala.
Bakit ba? Hindi ba akong pwedeng masaktan?
At ilang beses na ba akong nasaktan ng ganito? Ilang taon na rin naman. Pero pakiramdam ko mas malala ngayon..hindi ko ma-explain ang sakit. Gumuguhit at sumasagisit sa bawat ugat. Siguro dahil matagal-tagal ko rin siyang hindi nakita.
Pero kahit na! Those simple pains were just temporary! At ngayon, ramdam ko ang pagbabago. Na para bang wala nang chance. Na ang mataas at mailap na si Kuya Lennox ay sadyang hanggang sa pangarap ko na lang.
ILANG ARAW din akong naging tulala mula ng araw na iyon. I didn’t cut my communication with Sica, pero hindi na niya kinukwento ang Kuya niya na para bang hindi na kailangan. Ang saklap lang, naghintay kasi ako. Hinintay kong maging legal sa edad para magtapat na. Pero sa ganito lang pala ang kahahantungan.
He can’t wait for you forever ‘cause he’s older! Himutok ng utak ko.
Napaigtad ako nang bigla akong sikuhin ni ate Wiana. “Tulala ka na naman? Hayaan mo na ‘yun..” Pang-aasar niya sa akin. Kasulukuyan kaming inaayusan dahil ngayong araw na ang kasal nina Tatay at Tita Anabelle. Simple lang naman ang kasal pero sinunod pa rin ang tradisyon.
Nilingon ko si ate na kasalukuyang kinukulot ang buhok. Ako naman ay nilalagyan ng foundation. “Ewan ko sa’yo.” sagot ko. Hindi ko kinukwento sa kaniya ang buhay pag-ibig ko pero nabalitaan na niya ang tungkol sa inuwing girlfriend ni Kuya Lennox.
Tinawanan niya ako. “Sus! Kung mag-emote akala mo kayo. Magtigil ka na at tumingin ka na lang sa iba, ang dami pang lalaki d’yan pero nagpapatanga ka sa isa. Ano’ng kaengutan ‘yan? Paki-explain.”
Binigyan ko siya ng matalim na irap, “Wala kang alam ate. Hindi mo alam ang nararamdaman ko.”
Natawa naman ang baklang nag-aayos sa amin.
Isang sipa ang ginawad niya sa akin habang nakapirmes ang ulo. “Ang arte mo kamo! May pa-kuya-kuya ka pang nalalaman pero gusto mong maging boyfriend? Teka, alam ba niyang tumutulo ang laway mo sa kaniya? Mapagpanggap ka rin e, ‘no?”
“No comment.”
“Ha! Umayos ka, Shannon, halatang-halata ka! Ilang araw ka nang emotera, feeling iniwanang girlfriend. At saka mas maganda ang pinalit sa’yo!” sinundan pa niya iyon ng nakakalokong tawa.
Naimbyerna ako. “Maghihiwalay din ‘yon. Walang forever!”
“Ay ganern?” singit nu’ng nagmemake-up sa akin.
“Bitter-bitteran. Baka kayo ang walang forever.”
Muling tumawa ang mga baklang nag-aayos. Naiinis pa ako, harap-harapan akong inaasar ni ate kahit na pa may ibang tao tapos personal feelings ko pa ang pinag-uusapan. May puntong nahihiya ako kaya ayoko na sanang patulan siya. Kaya lang binabangon niya kasi ang inis at selos sa dibdib ko. Imbes na aluin niya ako, ginagatungan pa niya. Parang hindi ako kapatid kung ituring at akala mo perfect siya.
“Pikutin mo na lang para sa’yo mapunta.”
Sabay kaming natigilan ni ate at natahimik sa sinabi ng baklang iyon. Nang tingan ko si ate mula sa salamin ay napaawang ang labi niya pero kalaunan ay inirapan lang din ako.
“Pikot? 12 years kaya ang agwat niyang dalawa at ang uri ni Lennox magpapapikot sa bata? e, engot nga ‘tong kapatid ko!” Humalukipkip pa siya at tiningnan na lang ulit ang buhok niya.
“Hindi na ako bata! Pwede na akong magpakasal.”
“Bakit, basehan ba ang legality para mag-asawa? Hindi porque pwede na, may karapatan ng mag-asawa. Hanggang ngayon isip-bata ka pa tapos magpapakasal ka na? Magtrabaho ka muna para maranasan mo ang hirap ng buhay. Tingnan ko lang kung hindi ka maghirap.”
“Mga hija, relax lang kayo. Alam n’yo kasi wala sa tamang edad ang pag-ibig pero kung mapait ang naranasan mo, matamis naman sa iba. Mas bitter ka pa yata sa kapatid mo e? Broken hearted ‘te!” biro nu’ng nagmemakeup sa akin.
Umismid na lang si ate at nanahimik. Kahit paPa’no ay nakahanap ako ng kakampi sa katauhan ng ibang tao. Intindihin na lang si ate Wiana dahil galing sa breakup ‘yan.
Hanggang sa reception ng kasal nina Tatay ay hindi pa rin nawawala sa isip ko ‘yung suhestyon nu’ng makeup artist.
Pipikutin ko si Kuya Lennox?
Paano ba ‘yon ginagawa?
Kaya pagkatapos ng kasal ay hindi na ako nagpaiwan pa sa hotel na tutuluyan nina Tatay. Pinili namin ni ate na umuwi na lamang sa bahay, nagkulong ako sa kwarto at nagbukas ng data para i-search ang ginagawa ng pikot. Ngunit tila mas gusto ko na lang na umurong sa mga nababasa ko. May nahanap kasi akong blog tungkol sa pamimikot ng lalaking walang pagtingin sa babae.
Uminit ang mukha ko habang binabasa ang blog na iyon. Napapalunok ako tuwing naiisip na ginagawa ko iyon kay Kuya Lennox. Kaso, wala naman akong karanasan man lang doon kaya baka mahirapan akong i-execute ang plano ko.
But when I think of him..lumalakas ang loob ko.
Kaya ko ba? I swallowed. Mahal ko siya e. Kakayanin ko ‘di ba?
HINDI KO MATINGNAN nang maayos si Sica habang nagmemeryenda kami sa terrace nila. Tumatakbo kasi sa utak ko ang planong binuo ko. Buong gabi ko iyong pinag-isipan na halos hindi na ko dalawin ng antok dahil sa kakaisip. Pati sa maaaring mangyari. Basta, alam kong kakampi ko sina Tatay dito.
“Alam mo ba Shann, bigla akong naninibago kay hari ng kahambugan. Para kasing bigla ‘yung nagbago. Hindi na ako inaasar sa school, mukhang maagang nagbagong-buhay ang loko.” ngumiti siya at saka kumagat sa pizza niya.
Tumikhim ako. Wala si Tita ngayon, “E kasi may boyfriend ka na kaya umiwas na sa’yo. Nasa’n nga pala ang Kuya mo?”
Ngumuso siya. “Nasa bar ‘yun. Nagpatayo kasi silang magbabarkada ng bar sa Taguig kaya busy iyon sa pag-aasikaso.”
Tumango-tango ako. “Ano’ng oras ‘yun uuwi?”
Tiningnan niya ako. “Mag-uumaga na rin. Magdamagan kasi ang bukas ng bar nila. Gusto ko nga pumunta do’n kaya lang ayaw akong payagan nina mama, kainis nga e!’
Sumandal ako sa barandilya at tiningnan ang hawak kong pizza. Pati pagkain ay hindi ko magawa ng maayos. Kinakain pa ako ang kaba at takot. Napapaurong na rin ako kapag naiisip ang kaibigan, maaapektuhan kaya ang pagkakaibigan namin kung sakaling maging asawa ako ng Kuya niya?
Pero siya rin naman ay ako ang mas gusto niya hindi niya lang nauungkat ngayon.
Inayos ko ang kumot ni Sica at saka pumwesto na ng higa. Parang tinadhana ng pagkakataon dahil hindi makakauwi si Tita kaya pinakiusapan akong samahan daw muna si Sica, agad naman akong nagpaalam kina Tatay at ngising-aso naman ang pinakita sa’kin ni ate.
“Patayin ko ang ilaw, Shann ah?” untag niya sakin.
“O-Okay lang,” ewan pero ang uneasy ko na ngayon. Kumunot ang noo niya, napalunok at tinago na lang ang sarili sa ilalim ng kumot niya.
Naramdaman ko na lang ang paglundoy ng kama.
Hindi ko na alam kung gaano katagal na akong gising samantalang ang katabi ko ay banayad na ang tulog. Hindi naman ako namamahay dahil hindi ito ang unang beses na nakitulog kina Sica. Siguro’y ginugulo lang ako ng sariling multo.
Kaya para makatulog na’y bumangon na muna ako para uminom ng gatas sa baba. Sinugurado ko namang hindi ko naistrobo sa pagbangon ang katabi bago tuluyang lumabas ng kwarto niya.
Niyakap ko ang sarili ng balutan ako ng lamig sa pasilyo. Patay ang mga ilaw at tanging ang liwanag mula sa poste ng ilaw sa labas ang tumatama sa bintana. Tinungo ko ang puno ng hagdanan ngunit napahinto nang makita ang isang malaking bulto na tila pasuray-suray ang lakad.
Kinabahan ako’t naisip na baka napasukan kami ng magnanakaw!
Patakbo na sana ako pabalik sa kwarto nang tumama sa liwanag ang mukha ng lalaking lasing. “Kuya Lennox?’’
Sumalampak siya sa dingding at dumausdos pahiga sa sahig. Napatakip ako ng aking bibig at kamuntikan pa akong mapatili dahil sa pagbagsak niya. Sa sobrang kalasingan ay ni hindi na kayang dalhin ang sarili sa silid niya kaya mabilis ko siyang dinaluhan at tinapik sa mukha. “Kuya Lennox? Tumayo ka d’yan! Doon ka sa kwarto mo matulog.’’
Ilang beses ko siyang tinapik sa pisngi at nahirapan talaga akong mapadilat siya. At nang makita ako gamit ang mapupungay niyang mga mata ay tila pilit pa ako nitong kinilala.
“S-Shannon? Si Shannon ka ba? Si Shannon Hope Agustin ka ba? Ikaw ba ‘yon, ha?”
Halos idikit ko na ang tainga ko sa bibig niya para lang marinig ng maayos ang sinasabi niya pero naintindihan ko nu’ng sinabi niya ng buo ang pangalan ko. Para bang may kung ano’ng init akong naramdaman sa puso ko.
Alam pala niya ang buong pangalan ko. “Ako nga po. Sa loob na kayo matulog..” tinapik kong muli ang pisngi niya ng pumikit ulit ito.
Ngunit tuluyan na itong pumikit kaya napabuntong-hininga na lamang ako.