NAKAPANGALUMBABA kong tinutusok ang tokneneng na nasa harapan ko. Apat iyon kanina pero halos abutin ng siyam-siyam ang pagnguya ko sa isa at halos umalpas na ang durog nitong pula sa karton nitong lalagyan.
I am bored. Hinihintay ko lang kasi si Sica na lumabas ng school dahil may pinuntahan lang sa faculty, ang sabi’y hintayin ko na lang siya para sabay na kaming uuwi. Inabot ko ang phone ko mula sa ibabaw ng mesa at sinubukang ibuhos do’n ang boredom ko.Mukhang mapapadalas ito dahil bakasyon na. Might as well, I should enjoy this, kasi sa mga susunod na bakasyon ay bubunuin ko na sa OJT.
Sumandal ako sa aking kinauupan, I tilted my head and lifelessly scanned my social media accounts. Scroll lang ako ng scroll at ni walang pinatutunguhan ang pagtingin-tingin sa screen. Wala ako sa mood para sagutin ang mga comment sa posts ko. I’m just..too bored!
Makalipas lamang ng ilang minuto ay padaskol na umupo sa harapan ko si Jessica. Kumunot ang noo ko at sinuri ang humahaba niyang nguso. Binaba ko ang hawak na cellphone.
Pumangalumbaba siya at malalim na bumuntong hininga. “Dapat talaga mag-shift na ako ng course e! O kaya lumipat ako sa ibang school!”
“Bakit naman?”
Tinaas niya ang dalawang kamay at animo’y may nilalamutak sa hangin.
‘‘yung lalaking ‘yun talaga! Tuwing nakikita ko talaga ang pagmumukha, kumukulo-dugo ko pati bunbunan ko! kairita!’’ sabi niya nang nanggigil.
Bahagya akong ngumiti at pumangalumbaba habang pinagmamasdan siya. “Sino bang tinutukoy mo?” tanong ko. Wala kasi akong maisip na maaari niyang pagsabihan ng ganiyan.
Namilog ang maliit niyang mata sa akin na parang kagulat-gulat ang tinanong ko. “Sino pa, e’di ‘yung hari ng kayabangan! Hari ng kahambugan at Hari ng kalaswaan! Paglaruan niya lang ako, isusumbong ko siya kay Kuya Quinn!”
“Si King?”
Mabilis siyang tumango sa’kin. Napanguso ako at napa-isip tungkol sa lalaking tinutukoy niya. Business Administration naman ang course nu’n, pero MIS ang ang major kaya may ilang computer subjects na nakakasama namin ang lalaking ‘yun. Nagtaka ako, mukha naman kasing normal na estudyante lang iyong lalaking ‘yun sa akin at tuwing nakikita ko’y tahimik lang naman pero matalino. Paborito nga iyon ng ilang prof namin dahil palaging may tanong sa bawat discussion namin.
“Kung mahal pa niya ang buhay niya, magtago-tago na siya dahil talagang ipapahunting ko siya sa mga kaibigan ni Kuya. ‘Wag niya lang talaga akong punuin!”
Napangisi ako sa narinig. Kilala ko si Sica, hindi ito madalas magalit o kainisan ang isang tao maliban na lang kung mag-iiwan sa kanya ng marka. Though, sumagi rin sa isip ko na baka may punto siya at ‘di ko lang talaga nakikita ang kiniisan niya sa kaklase namin.
Bumuntong hininga siya at inayos ang sarili na tila iniwan na ang sama ng loob sa lamesang iyon. Ilang saglit ay bumalik na ang natural niyang sigla. “Tara na! Uwi na tayo. Tapusin na natin sa bahay ‘yung research.” aya niya.
Nilagay ko na sa bag ko ang cellphone at sinekyur ang gamit. Inabot naman niya ang kinakain kong tokneneng at tinikman. “Gusto mo pa ba? Ibibili na lang kita, durog-durog na ‘yan..” ang panget lang kasing tingnan na ang halos kawawang itlog ng pugo.
Umiling naman ito at malaking subo ang ginawa sa itlog. Puno ang bibig kaya uminom muna sa plastic cup kong may laman ng gulaman.
“Masama ba ang loob mo sa itlog at chinop-chop mo?” biro niya.
Ngumiwi ako. Pakiramdam ko, ibang sama ng loob ang tinutukoy niya. “Kainin mo na nang makauwi na tayo.” sagot ko na lang.
Tulad ng nakagawian naming dalawa ay sa libis kami dumaan pauwi. Lalakarin lang namin ang palengkeng may matarik na kalsada tapos ay isang sakay na lang kami pauwi sa bahay. Iyon suguro ang madalas na napagkakasunduan naming magkaibigan, parehong matipid na tao kahit na may ibang alternative na daan ng hindi nakakapagod ay mas pinipili namin ang maglabas ng effort. Hindi rin naman namin nasasayang oras dahil marami kaming napagkukwentuhan habang naglalakad.
Kasama na do’n ang Kuya niya. Pero syempre bonus na lang iyon dahil magkaibigan na kami, magkapit-bahay pa.
NAGBIHIS LANG AKO at pumunta na rin sa bahay nina Sica. Ang usapan namin ay sabay na namin tatapusin ang research sa bahay nila tutal naman daw ay wala siyang kasama. Nakapagpaalam na rin ako kay Tatay na sa kanila ako maghahapunan. Agad din naman siyang pumayag dahil nasa bahay ulit si Tita Anabelle.
Sa sala kami nag-stay. Medyo kinikilig pa ako dahil laptop ni Kuya Lennox ang gamit namin. Feeling ko, nahahawakan ko na rin siya dahil pag-aari niya.Ako ang nasa harap ng laptop niya at kaharap naman ni Sica ang mga libro namin. Alas-sais y medya na nu’n pero wala pa rin ang mama at ang Kuya niya.
“Kumain na kaya tayo? Gutom na ako,” bigla niyang tanong sa akin.
Nilingon ko siya at tapos sa bintana. Malamig ang simoy ng hangin at malakas ang ihip dahil halos pumasaere na ang kurtina nila. Nanood kami ng balita at may datos na uulan ng malakas. May kasama na ring kulog at kidlat ang lamig ng hangin.
Nagugutom na rin ako pero..may gusto kasi akong hintayin. Kahit na hindi ko alam kung dumarating ba iyon ng ganitong oras. Madalas ay late na iyun umuuwi. Mabigat yata ang trabaho nu’n e. “Baka pauwi na rin sina Tita..” sagot ko na lang.
Inabot ni Sica ang cellphone niya at may binisita. “Naipit daw sa traffic si mama e, asa kang uuwi si Kuya nang ganitong oras.” inikutan ako ng eyeballs niya na tila inaalam ang reaksyon ko.
Uminit naman ako ang magkabila kong pisngi.
Sinagot niya iyon ng hagikgik at sinandal ang ulo sa aking balikat. “Mas gusto ko nga kung ikaw na lang mapangasawa ni Kuya e. Kita mo naman ‘yung mga babaeng pinapatulan no’n puro ‘di namin type o makasundo ni mama. Ang aarte!”
Mas lalong bumulusok ang init sa mukha ko na parang konting kibo na lang ay maghahasik na ng apoy. Of all women, ako kaagad ang naisip niya? Ni hindi ko pa naiisip ang pag-aasawa tapos, tyetyempuhan niya ako ng ganiyan!
Aasa ako.
Tumikhim ako at bahagyang napaigtad ng bumuhos ang malakas na ulan. Umayos ng upo si Sica, sabay pa naming nilingon ang bintana nila.
“Naabutan na ng ulan si mama. Nasa Alabang pa naman si Kuya niyan.” sabi niya nang nag-aalala. Tiningnan niya uli ang cellphone.
Iniwan muna namin ang ginagawa at naghain na muna ng hapunan. Pero nu’ng lumakas pa ang ulan ay hindi namin nagawang makain. Nanatili lamang kami sa sala at nanood ng balita. Baka kasi ma-stranded ang mama niya at hindi matantya ang buhos ng ulan. Tinext ko na rin sina ate at Tatay na sasamahan ko muna si Sica hanggang sa makauwi lamang ang isa sa mama at si Kuya Lennox.
“Sa’ng banda na po kayo?”
Nakatingala ako kay Sica habang kausap ang mama sa cellphone. Mahina raw ang signal at garalgal pa ang linya.
Paminsan-minsan na rin akong tumitingin sa cellphone ko at panay din ang text ni ate Wiana. Nangungulit lang naman.
“Sige ‘ma, sunduin ko po kayo d’yan.”
Binaba ni Sica ang cellphone niya at agad umakyat sa taas, pagbalik ay dala na ang maliit niyang sling bag at payong. Kinuha rin niya mula sa kusina ang isa pang payong. Naalarma ako, susunduin niya ang mama nila at syempre uuwi na rin ako.Inayos ko ang mga gamit namin pero bago ko pa mapatay ang laptop ay pinigilan niya ako.
Kumunot ang noo ko. “Uuwi na muna ako. Ipagpaliban na lang natin ang pagtapos nito tutal, binalita na ring walang pasok bukas..” sabi ko. Isang oras pa lamang umuulan ay bumaha na kaagad ang ilang kalsada at marami ang na-stranded na commuter. College levels classes tomorrow are suspended. Pero pinakausapan muna ako ni Sica na manatili para pabantayan ang bahay nila. Pumayag na lang ako.
Binalikan ko ang ginagawa namin sa laptop pero patingin-tingin pa rin ako sa bintana at ‘di maiwasang mag-alala sa mag-ina. Bigla ko tuloy naisip ang tungkol sa Papa nila. Mula nang mapalapit ako sa pamilya Castillano ay ‘di ko pa nakikita-kahit minsan ang ama nina Kuya Lennox at Sica. Hindi ko rin matanong dahil pinagsabihan ako ni tatay na ‘Wag nang mag-usisa pa.
Halos trenta minutos ang lumipas na tanging ang lagaspas ng malakas na ulan ang kasama ko ay tumunog ang gate nina Sica. Saglit akong nagtaka, ang bilis lang pala. Kaya siguro hindi na niya ako pinaalis pa.Hindi na ako nakakilos at bumukas ang pinto. Niluwa no’n ang basang si Kuya Lennox!
Agad rumagasa ang pintig ng puso ko nang makita ang malaki niyang bulto. Nagtama ang mga mata namin at walang-hiya kong aaminin pumintig sa di-pagkaraniwan ang puso ko. Para bang nilamon ako ng sitwasyon na kahit nangangalit ang kalangitan ay nagawa ko pang i-appreciate ang ganap niya sa sistema ko.
Bagay na sa kaniya ko lang nararamdaman sa mura kong edad. Nakalimutan ko na nga nu’ng bigyan niya ako ng pera pamasko!
Kumunot ang noo niya. Akala ko ba ay nasa alabang pa siya?
Ayaw mo ba? kontra ng utak ko.
Sinarado niya ang pinto at binaba ang itim na bag sa sofa. Hindi ko na mapirmis ang nagwawala kong dibdib. Nakigulo pa ang mga kulisap sa tyan ko! Isang beses akong napalunok habang tulalang nakatunghay sa kanya. Nginitian niya ako!
“Si Sica?”
Hindi ko na maintindihan ang sarili nang marinig ko ang mababa niyang boses. Kulang na lamang ay tumindig ang balahibo ko. Tumikhim ako at binuka ang labi para sagutin siya pero hindi na niya hinintay ang sagot ko’t pumunta sa kusina. Napahiya ako, konti. Nang bumalik ay tumindig ang balahibo ko sa batok at braso nang nakabukas ang ilang butones ng dark blue niyang longsleeves! Sumilip tuloy ang harap na bahagi ng malapad niyang dibdib. May hawak siyang basong may tubig, umiinom pero nahuli ko ang mga matang nakatingin sa akin.
Kaya naman ipinagpatuloy ko na lang ang naudlot kong sagot kanina. “Sinundo si tita, na-stranded daw po.”
Binitiwan niyang baso at tinungkod ang isang kamay sa ibabaw ng single sofa. Lumalim ang kunot ng noo niya. “Hindi niya ako tinawagan,”
“Ang akala po kasi ni Sica ay nasa alabang daw po kayo.”
Natameme ako nang gumalaw ang panga niya at saka kinuha ang cellphone sa kanyang bulsa. Tumingin na ko sa ibang dereksyon nang kausapin nito ang kapatid sa linya.
“Call me kung malapit na kayo, you should’ve called me first, Jessica!”
Napalunok ako ng hindi sinasadya nang madama ang galit sa boses ni Kuya Lennox. He’s pissed! Naintindihan ko naman dahil siya ang panganay at lalaki sa pamilya.
Nanatili na lamang akong tahimik at tinutok ang mga mata sa screen ng laptop..niya!
Hindi ko pa pala natanong kay Sica kung okay lang gamitin namin ang gamit ng Kuya niya. Mukha pa namang nakakatakot ‘to kapag nagagalit.
Pagkababa niya ng tawag ay pumunta ulit sa kusina si Kuya Lennox. Doon lamang ako nakakilos ng maayos nang mawala ang nakakakaba niyang awra. Para bang katulad sa napapanood ko sa pelikula kung saan terror ang binatang boss, ‘yung bang marinig mo lang boses ay mangangatog ka na sa kaba.
I find it hard to breathe when’s around.
Bumalik sa sala si Kuya Lennox at deretsong tumabi sa akin. Tila naninigas ang mga daliri ko sa pagta-type nang malanghap ko ang amoy niya. Fresh from the shower at bagong palit na rin ng damit pambahay. Nilakasan niya ang volume ng TV at may nilapag na baso ng tsokolate sa gilid ko.
Napatingin ako do’n pero ‘di ko pinahalata.
“Hindi ka pa kumakain?” bigla niyang tanong.
Nilingon ko siya mula sa aking gilid, “Hinihintay pa po kasi namin si Tita.”
Sinandal niya ng likuran sa sofa at matamang nakatitig sa TV na para bang may kasalanan ‘yung balita sa kanya. “Drink it up.”
Tumaas ang mga kilay ko at tila naglakbay pa nang marinig iyon. Halos pabulong pero nag-uutos. Hindi naman siya nakatingin sa akin ngunit seryoso ang mukhang nakatutok lamang sa TV.Nagdalawang-isip pa ako kung aabutin ko ba iyong baso o magbibingi-bingihan na lang. Nahihiya pa rin ako e.
“Drink it up, Shannon.”
Ngayon ay mas lumalim pa ang boses niyang papagalit na. Nilingon ko siya at naabutang nakatitig na sa akin. Napaawang ang labi ko sa kagustuhang magsalita pero wala namang lumabas.
“You haven’t eaten your dinner. Drink it up. Now.” utos niya ulit.
Dala ng gulat ay tumango na lang ako at inabot ang mainit na tsokolate. Hindi ko alam na may ganitong kapasidad si Kuya Lennox, gwapo siya pero parang nakakatakot kapag nagagalit.
Ilang saglit lamang ay naramdaman ko ang bahagyang pag-usod sa akin ni Kuya Lennox. Tila tumalbog ang puso ko sa kung saan dumagundong ang pintig nito. Lalo na nang magdikit ang mga balahibo namin, I lost my frame and my heart lost its normal beat. Muntik ko nang mabitawan ang baso at tumakbo na lamang palayo. Para ba akong gigilitan sa pagwawala ng dibdib ko!
“‘Wag kang magpapalipas ng gutom at kumain ka sa tamang oras, Shannon. And..don’t wear sandos revealing your young skin,” he whispered.
Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pigil niyang mura bago tumayo at pumunta sa kusina.