Chapter 1

2815 Words
Christmas eve ANAK NG putakte ka, Shannon!” Napatalon sa gulat nang marinig ang galit na boses ni ate Wiana. Sa sobrang gulat ko pa’y lumagpas tuloy ang pagkakalagay ko ng lip gloss at napunta sa baba ko ang brush nito. “Paktay na!” bulong ko at mabilis na binalik sa pouch niya ang gamit. Mabibigat ang mga paang nilapitan niya ako at galit na hinablot ang pouch mula sa akin. Napanguso ako. Buti na lang nakapaglagay pa ako! “Ang kulit-kulit mo! Sinabi ko nang ‘wag mong gagalawin ang make-up ko ‘di ba? Isusumbong na talaga kita kay Tatay!” Napakamot ako sa ulo ko at sinundan ng tingin ang pouch niyang binalik sa drawer. “Parang konti lang ate..ang damot mo!” “Ako? Madamot? Ang sabihin mo kumekerengkeng ka lang! Mag-aral ka muna bago lumandi! Labas!” pagtataboy niya. Tumayo ako’t mas lalo pang humaba ang nguso ko. “Nag-aaral ako ‘no! Pasko naman na, maramot ka pa rin! Chaka mo!” inis ko rito at agad na tumakbo palabas ng kwarto. Nakita ko kaagad ang pagbalatay ng asar sa mukha kaya kumaripas ako ng takbo. “Mas chaka ka! B’wisit!” sigaw niya. Natatawa akong pumasok sa kwarto ko at agad na ni-lock ito. E, ano naman kung kumekerengkeng ako? Atleast, hindi sa kung sinu-sino lang! Untag ko sa sarili. Lumapit ako sa harap ng tokador, sinipat ko ang sarili sa salamin. Suot ko ang jumper-shorts na pinabili ko kay Tatay at flat shoes na regalo naman ni Tita Anabelle, ang mabait naming byudang kapitbahay. Ang ginamit kong panloob ay ang baby pink kong off-shouldered blouse. Kaya naman saktong-sakto ang pink lipgloss ng madamot kong Ate. Isang pasadang suklay sa kulot kong buhok at saka kinuha sa tokador ang ginawa kong sulat. Hinimas-himas ko pa ang meteor garden kong stationery at inamoy ang nangingintab nitong sobreng kulay pink din. Pumatak at naging sunod-sunod ang patibok ng puso ko. To: Kuya Lennox Kinikilig akong napangiti, pang-ilang sulat ko na ba ‘to sa kaniya? Lahat ng okasyon ginagawan ko siya ng love letter pero syempre mas espesyal kapag Valentine. Iyon nga lang, hindi ako nagpapakilala. Hindi ko nilalagay sa sulat ang pangalan ko. Hindi ko pa kaya! Nilalagay ko lang sa kwarto niya ang sulat ko, hindi rin naman niya ako pinaghihinalaan e. Nilagay ko sa harap na bulsa ng jumper ang sobre at huling beses na sinilip ang sarili sa salamin. “Merry Christmas, Shann.” Nakangiting nilingon ko si Tita Anabelle sa aming dining area, nagdala pa siya ng roasted chicken na luto niya, pati ang paborito ni Tatay na ube halaya. Hindi na rin ako nagulat na siya na rin ang tumulong kay Tatay sa paghanda ng noche buena namin. She’s a family friend, so far. Batid ko naman ang espesyal nilang pagkakaibigan ni Tatay. Walang masama dahil matagal na ring wala si Nanay. Lumapit ako sa kaniya at hinalikan sa pisngi, “Merry Christmas, Tita! Wow! Ang daming luto ah..” mangha kong sabi. She softly laughed, “Sana magustuhan ninyo. Halika na rito at malapit nang mag-alas dose, ang ate mo?” Napalingon ako sa kusina nang lumabas mula doon si Tatay na nakasuot pa ng pink na apron at may dalang mga plato’t kutsara. “Shannon, maupo ka na! Si Wiana?” tanong niya at bising-busy sa pag-aayos ng lamesa. “Pababa na ‘yon ‘tay, pwede po ba akong pumunta muna kina Jessica?” Nag-angat ng tingin sa akin si Tatay at pumameywang. Napakamot ako sa batok ko’t alam kong hindi ako papayagan. “Anak, mamaya na at ilang minuto na lang ay pasko na. Ipagbukas mo na ‘yan,” Sumimangot ako, “Pero ‘tay baka kasi bukas..” hindi ko na natuloy ang sasabihin dahil nahihiya akong aminin na ang Kuya ni Jessica ang hinahabol ko. Baka kasi hindi no’n mabasa ang sulat ko bukas dahil aalis na naman iyon at hindi ko na alam kung kailan ang balik.Kaya hindi ko dapat sayangin ang pagkakataong ito. Malamyos na tumawa si Tita Anabelle at hinawakan sa braso ang Tatay ko, she even winked at me. “Jorge, pagbigyan mo na ang anak mo. Sandali lang nama e..’di ba, Shann?” Mabilis akong tumango at ngumiti. Hulog ka ng langit sa’kin Tita! “Opo! Opo! Hindi po ako magtatagal do’n, promise!” lambing ko pa. Tiningnan siya ni Tatay at saka bumuntong hininga, I won! “Bilisan mo lang.” mariin niyang tugon. Muntik pa akong mapatalon sa saya dahil sa pagpayag ni Tatay. Kaya naman agad akong tumalikod at lumabas ng bahay. Sa labas ay dinig na dinig ang tugtog ng videoke at kantahan ng mga kapitbahay namin. Kanya-kanyang celebration ng Christmas eve, may ilan pang nag-iihaw sa labas ng kanilang bahay at ilang mga lamensang nakalatag para sa mga nag-iinuman.Tinawid ko ang bahay nina Jessica, katapat lamang iyon ng sa amin. Bukas ang pinto kaya pumasok na ako sa loob. Maingay din sa sala nila dahil may mga bisita. Ang sabi sa akin ni Sica ay dadarating daw iyong mga barkada ng Kuya niya. “Magandang gabi po..” Magalang bungad ko nang makita ang ilang mga kalalakihang hindi ko kilala. Hinanap ng mga mata ko ang kaibigan. “Hello! Pasok ka!” sabi sa akin nu’ng lalaking matangkad nang mapansin ako. Nanibago bigla ako sa bahay nina Sica. Ang tatlong lalaking nakikita ko ngayon, parang mga artista! Halos matulala ako sa mga itsura nila at nakatingin pa sa akin. Ito kaya iyong mga kaibigan ni Kuya Lennox? “Quinn bata pa ‘yan!” Napatingin ako sa lalaking nakaupo sa sofa at umiinom ng in-canned beer na hawak. Ang gwapo rin! “Magsitigil nga kayo! Ang lalaswa ng isip ninyo!” sagot no’ng lalaking nagpapasok sa akin. Sa sobrang hiya ko ay hindi ko malaman kung uupo ba ako o uuwi na lang ulit. Nakakahiya kasing umupo sa tabi nila dahil ang lalaking tao! Ang babango pa! Parang si Kuya Lennox lang. “Maupo ka lang, kaibigan ka ba ni Jessica?” Tumango at napatingin sa hagdanan, “Opo. Nasaan po siya?” Nakita ko ang pagbulong nu’ng lalaking kulay brown ang buhok do’n sa lalaking umiinom ng beer, sabay nila akong tiningnan at saka ngumisi. “Nasa kwarto niya pa, akyatin mo na lang.” Tumango ako ulit, “Sige po, salamat.” magalang kong sabi. Mahihinang tawa ang naririnig ko habang paakyat ng hagdanan. Parang nagkukulitan lang? Pero grabe ang mga pigura talaga, pang-artista! Minsan ko pa silang nilingon bago puntahan sa kwarto niya si Jessica. I do have an access in their home dahil kilala na ako ng Mama nila at saka, magkaklase kami sa school. Ito nga madalas kong gawin kapag walang pasok, ang tumambay sa bahay nila. Syempre, para masilayan ko ang kagwapuhan ni Kuya Lennox! Naglakad ako sa kanilang pasilyo, pangalawa sa dulo ang kwarto ni Jessica. Bawat hakbang ay parang tatalon na sa excitement ang puso ko! Ang balak ko kasi ay pasukin ang kwarto ng Kuya niya para mailagay ang sulat ko. Teka, bakit hindi ko pa gawin ngayon? Napahinto ako sa paglalakad at nilingon-lingon ang paligid, siniguro kong walang ibang tao para malinis ang pagpasok ko. Wala pa naman si Kuya Lennox ‘di ba? Baka nasa labas pa ‘yon dahil nandito pa ang mga kaibigan niya. Magaan na hakbang ang ginawa ko para marating ang unang pinto sa pasilyo. It’s his room! Kulang na lang ay bumaliktad na ang laman-loob ko para lang maiayos ang naghuhumerantado kong puso. Napalunok ako at marahan na hinawakan ang seradora ng pinto. Halos mag-palpitate ang puso ko at himatayin na lamang sa nerbyos. Ganu’n naman palagi ang nararamdaman tuwing nakakapasok sa kwarto niya, kapag nalalanghap ako ang natural niyang amoy. Parang kemikal na nakaaapekto sa buong sistema ko. Gano’n ang epekto niya sa akin. Pinihit ko ang seradora at dahan-dahan na binuksan ang pinto. Sumabog agad sa ilong ko ang pamilyar na amoy ng kwarto niya, kailan kaya ako makakatulog dito? Lihim akong humagikgik. Hinakbang ko papasok ang isang paa ko at sinungaw ang loob--ano’ng.. “f**k!” Nandito pala si Kuya Lennox! Ngunit natigilan ako’t nanlamig. “f**k!” sambit niya na tila gustong-gusto ang ginagawa sa kanya nu’ng babae na nasa harapan niya. Napaawang ang labi ko at tahimik na pinagmasdan ang ang dalawa sa sofa. Nakasandal do’n si Kuya Lennox at nakahilig ang ulo sa backrest ng inuupuan habang nakasabunot sa babaeng--susmaryosep nakahubad! Nakababa ang pantalon ni Kuya Lennox habang ang babae ay may ginagawa sa kaniyang harapan. Tumindig ang balahibo ko sa batok at tila sumirit ang hapdi sa aking dibdib. Natamo ko ang kakaiba nilang daing na tanging sila lamang ang nakakaintindi. Tumalikod ako’t lumayo sa kwarto na iyon. Nagimbal lamang ako’t nandiri sa ginagawa ng dalawa.Napahawak ako sa aking dibdib at kinalma ang pagwawala ng puso ko. Napatakip ako sa magkabila kong tainga nang umatungaw ang salitan nila ng mga ungol at mura sa isa’t-isa. “Shannon?” Unti-unti kong inangat ang kilalang boses ng kaibigan. Mula sa kaniyang pintuan ay nakatanaw siya sa akin at kuryosong mga mata ang naabutan. “Ano’ng ginagawa mo d’yan? Dito tayo! Nandito rin sina Raymelle at Edelyn!” sigaw niya. Nalito ako kung dapat ko bang ituro sa kaniya ang kahalayan na nasaksihan ko o panatilihing lihim sa akin. Iba ang kalabog ng dibdib ko ngayon. May halong hapdi. Bawat hampas ay kumakalabit ang ugat at sumasagitsit ang kirot nito. “Uy, Shannon!” untag niyang muli. Inipon ko ang hangin sa aking dibdib at maliliit na hakbang ang nagawa ko para makalapit sa kaniya. Is this my first heartbreak? Halos hindi na nila makausap nang makapasok sa loob ng kwarto ni Jessica. They kept taking pictures with or without me but I barely smiled at the lens. I am too preoccupied of what I had witnessed awhile ago. My heart is too sensitive, wild guess. “Ang gwapo ni Dale ‘no? Ang hot!” Nag-angat ako ng tingin kay Reymelle na ngayon ay nakahiga na sa king sized-bed ni Jessica. Mayamaya lang din ay uuwi na kami sa kanya-kanya naming bahay bago mag alas-dose. Napatingin ako sa wall clock, it’s nearly ten minutes before Christmas. “Pero mas bet ko si William, ang hinhin at ang tangkad pa. Ang lalim pang makatingin!” tugon ni Edelyn na pumorma pang kinikilig. Nanghina ako. Habang pinag-uusapan nila ang mga crush nila, dinudurog naman ni Kuya Lennox ang puso ko. Nakita ko siyang may kasamang ibang babae. Mas sexy, mas matanda, mas maganda at mas..malaki ang boobs! Ano naman kasi ang panama no’n sa mga bubwit ko? Mas lalo akong nanibugho sa sarili dahil sa kawalan ng pag-asa. I’m only 16 year old and he’s 28, successful at his field. Ano nga ba talagang taglay kong maipagmamalaki sa sarili? Iniisip ko pa lang iyong mga nauna kong sulat sa kanya, malamang tinapon niya na ‘yon sa basurahan. Pambatang-pambata kasi! Napatadyak ako sa sobrang inis at kabiguan. I got Jessica’s attention, kung kaya nag-iwas ako ng tingin. “Shann okay lang ba?” panunuri niya. Nag-angat ako ng tingin sa kanya nang tabihan niya ako sa kanyang maliit na sofa, tinagilid niya ang mukha sa akin at tila ineeksamin ang mukha ko. “O-Okay lang ako.” Mahina kong tugon. Hindi naman lingid sa kaibigan ko ang turing ko sa Kuya niya. At wala rin naman akong maitatago dito. “Nakita mo si Betty ‘no?” Kumunot ang noo ko. “Betty?” “Betty, the maharot at malantod na girlfriend ni Kuya Nox!” Napaawang ang labi. She has a name and everything! Tila may tumarak sa dibdib ko nang ipakilala niya itong girlfriend. Tumikhim ako. “K-Kailan pa siya nagka-girlfriend?” I tried to sound like it was just nothing, but I failed. I stuttered. “Kailan lang! Don’t worry ilang weeks lang naman tumatagal ang mga girlfriends ni Kuya. Baka after Christmas, break na rin ‘yun. Kaya, cheer up! Si Kuya lang ‘yan!” Iyon na nga e, si Kuya Lennox ‘yon. Hindi ko na siya sinagot pa at nanatili ulit na tahimik. Punong-puno ako ng sigla kanina pero napukaw nang makakita ng delubyong eksena. Gusto kong tumakbo sa malayo at ibuhos ang naipong hinanakit sa dibdib. Gusto kong magsisigaw at umiyak ng umiyak para mawala ang sakit. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, ‘yung tipong nagdidilim ang paningin ko’t nagwawala ang puso ko. Kung minsan, ang hirap pang iexplain. Dalawang katok sa pinto ang nagpalingon sa amin sa pintuan. Naputol ang tawanan ng mga kaibigan ko at pinagbuksan iyon ni Jessica. Pumorma na kong uuwi na lamang pagkatapos. “Baba na raw sabi ni Mama,” Namilog ang mga mata ko at bumalik ang pamilyar na dagundong sa dibdib ko nang pukawin ng baritono niyang boses. Tila inukit ng sibat ang puso ko nang marinig ang matigas niyang boses. At ang nipis-nipis ko dahil wala pa siyang ginagawa, balik-loob naman ako ulit! Niluwagan ni Jessica ang pinto kaya nakita namin ng buo si Kuya Lennox. Buti naman suot na niya ang pantalon niya. Pinasadahan niya kami ng tingin. He ended up his stare at me, kumibot ang manipis kong puso dahil sa magaganda niyang mga mata. “Merry Christmas, Kuya Lennox!” sabay na bati nina Reymelle at Edelyn na tila matatae sa sobrang kilig. He flashed a grin and smiled. “Merry Christmas din. Teka--” pumasok ito sa loob at may dinukot sa kaniyang likuran. Naghagikgikan ang dalawa nang makitang kumukuha ng pera sa kanyang wallet si Kuya Lennox, nilapitan nito ang dalawa kong kaibigan at inabutan ng tig-isang limangdaan. “Hindi ako nakapamili kaya ito na lang ang aguinaldo ko sa inyo,” nakangiti niyang dagdag. “Thank you, Kuya! Ang galante!” tudyo ni Edelyn. Naglakad papalapit sa akin si Kuya Lennox at muling humugot ng limangdaan sa wallet niya.Tiningnan ko siya at walang emosyong pinagmasdan siya. “Merry Christmas, Shannon,” mababang boses na sabi niya habang inaabot ang sinasabi niyang aguinaldo. Ano ako, batang paslit? Ninong ko ba siya? Bata na naman ang tingin niya sa akin kahit na jumper-shorts at off shouldered blouse ang suot ko? Matagal kong tinitigan ang perang inaabot niya sa akin. Deretso rin siyang nakatungo sa akin na parang walang pakielam kung mangawit man ang braso niyang nakalutang sa ere. Natahimik ang mga kaibigan ko at tila nakaamoy ng pangamba. Nanatili lang ang kuryosong mga mata ni Jessica sa amin ng Kuya niya. Nanimbang ako. Kukunin ko ba o takbuhin ko na lamang ang hiyang nararamdaman ko? I’m hopeless.Hopelessly in love with this human. And unfortunately, I’m too young to be noticed. Ang unfair! Buti pa ang mga cougar na babae nakakabingwit ng mas batang lalaki, samantalang ako--bata at fresh pa hindi naman niya pinapansin! Narindi ang utak ko sa mga hinaing ko kaya inabot ko na lang limangdaang binigay niya. Bumaba ang tensyon sa loob ng kwarto at bumagsak ang malalim na buntong hininga ni Kuya Lennox. “S-Salamat Kuya..” Ngumisi siya at ginulo ang buhok na buong araw kong inayos! “Tara na! Tawag na tayo ni Mama.” deklara niya at saka binalik sa bulsa ng pantalon niya ang wallet. “Mauna na po ako Kuya, Sica..hinihintay na ako nina Tatay.” paalam ko. Lahat sila’y tiningnan pa ako kaya halos malukot ang hawak kong malutong na limangdaang piso. “Shannon--” Hindi ko na pinansin pa ang tawag sa akin ni Jessica, nakatitig na rin sa akin ang Kuya niya kaya mabilis na akong lumabas ng kwartong iyon. Halos takbuhin ko ang pasilyo nila para marating ang puno ng hagdanan. Hiningal ako sa pagmamadali. Wala na akong naabutang tao sa sala nila, nasa kusina na ang ingay at tawanan ng mga malalaking boses na lalaking iyon. Halos talunin ko na ang hagdanan nila pero sinaksaksak naman sa sakit ang dibdib ko. Christmas heartbreak is real. Nang tuluyang makababa ay tumigil ako malapit sa dambuhalang Christmas tree na namumutiktik sa silver and gold balls. Nakasabit doon ang kanya-kanyang pulang medyas na may naka-imprint na pangalan ng magkapatid. The Christmas song danced with the lights and randomly changed its color. Nilabas ko ang ginawa kong sulat at lumapit sa Christmas tree. Tumingkayad ako at pinasok sa loob ng medyas na nakapangalan kay Kuya Lennox. Sinugurado kong nasa loob ito at hindi malalaglag. I sighed, my eyes were blurry with my silent tears.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD