Chapter 15: Day-off

1091 Words
Dumating ang araw ng pagdaong nila sa Mykonos Port sa Greece. Iyon ang first time ni Sandra na makakatapak sa lupain ng Gresya. Mula sa Mykonos Port ay tutunguhin nila ang Santorini ilang oras ang layo doon sa Port. As usual ay excited na naman siya dahil natitiyak niya ang naggagandahang lugar roon na dati-rati ay sa f*******: o pictures lang niya mga nakikita. Isa pa sa nakadagdag excitement niya makakasama niya sa pamamasyal roon si Adriano. Patuloy pa rin sa panliligaw ang binata sa kaniya. Wala pa ring palya ang mga ka-sweetan nito sa kaniya. Subalit hindi pa ganoon kahanda ang puso ng dalaga kaya nananatili sila sa ganoong estado nilang dalawa. Masaya naman sila parehas at gaya naman ng sinabi sa kaniya ng binata ay hindi siya nito ipe-pressure na isa sa mga ipinagpapasalamat niya. Sinipat niya ang oras sa kaniyang suot na relo, 6 AM ayon dito. Iinut-inot pa siyang bumangon saka tinungo ang CR. Dali-dali siyang naghilamos at naligo habang hindi pa nagigising sina Cindy. Agad siyang nagpalit ng damit saka inayos ang mga gamit na kaniyang bibitbitin para sa kanilang pagdaong mamaya. Tatagal sila ng dalawang araw sa Santorini. Patapos na siyang mag-ayos ng mga gamit nang magising ang kaniyang mga ka-roommate. "Good morning, Sandra. Ang aga mo naman masyado." Bati sa kaniya ni Cindy. "Good morning," ani Katrina. "Hi guys, nauna na akong maligo. Ngayon pa lang kasi ako nag-ayos ng mga dadalhin kong gamit para mamaya." sagot niya sa dalawa habang isi-zipper ang kaniyang backpack. "If i know, excited ka lang masyado para sa date mo later. Uyyyy..." Tudyo sa kaniya ni Cindy. Nakitawa naman si Katrina na animo ay nauunawaan nito ang pinag-uusapan nilang dalawa ni Cindy. "Ooopsz! Hindi 'no?" salag niya sa panunukso ng mga ito sa kaniya. "Ang mabuti pa ay maligo na rin kayong dalawa para sabay-sabay na tayong mag-breakfast. Nami-miss ko na rin kayong makasabay sa pagkain e." Sabi ni Sandra palibhasa ay madalas na conflict ang schedule ng pag-duty nilang tatlo kaya bihira niya makasabay ang mga itong magsikain. "Katrina, go take a bath first. I will wait for you guys." Baling niya sa Vietnamese na ka-room mate niya. "Okay." Nakangiti namang sagot nito. Hinablot na nito ang towel na nakasampay malapit dito saka tinungo ang banyo. Naiwan silang dalawa ni Cindy. Bumangon na ito at hinarap ang pag-aayos ng mga dadalhing gamit nito mamaya habang patuloy sila sa pagkukuwentuhan. Nang makatapos ng makaligo at makapag-ayos ang dalawang kasamahan ni Sandra ay sabay-sabay na silang lumabas ng silid. Nasalubong nila si Edward sa lobby kasabay ng mga ka-roommate nito. "Hayun, maige naman at nagsilabas na rin kayo, girls. Wala akong makasabay at puro papa itong mga ito. Kung 'di pa kayo lumabas it's either ako ang ma-r**e ng mga ito o ako na ang mang-r**e! Hahaha" biro ng bakla sa kanila na siya namang ikinatawa nilang lahat ng mga nakarinig ng joke nito. "Lukaret ka talagang bakla ka! Kaya ayaw kitang makasama mamaya sa gala e, tiyak magkakalat ka na naman!" Pagbibiro ni Sandra. "Hmmmp! Ang sabihin mo, may date ka na kaya ayaw mo akong makasama. Ganyan ka na, Sandra! Mayabang ka!" Kunwari ay nanggigil na pinandilatan siya ng baklita. Natatawang hinampas ito ni Sandra sa braso. Nakikitawa na rin ang iba pang kasabayan nila sa umagang pang-aasaran nila ng bakla. Sabay-sabay na silang sumakay sa elevator na maghahatid sa kanila sa deck na kinaroroonan ng mess. Natigil ang pag-aasaran ng magkakaibigan nang bumukas ang pinto ng elevator. Magkakasunod na silang lumabas roon at tinungo ang mess. Isa-isa na silang pumila pagkuha ng kanilang breakfast sa may counter. Dumampot ng isang apple si Sandra sa fruit section saka sumandok ng fried rice. Naglagay siya ng spam at fried egg sa kaniyang plato. Dumampot din siya ng fortified milk na nasa tetra pack. Nauna na sina Cindy sa kaniya kaya sinundan niya ang mga ito sa table na napili ng mga ito. Magkasunod silang dumulog ni Edward sa upuang sa katapat sa table nina Cindy. Mayamaya pa ay masaya nang nagsisikain ng agahan ang mga ito na pawang mga excited para sa nalalapit nilang pamamasyal mamaya. Natitiyak niyang may uuwi na naman ng barko na wasted sa isang gabi. Nasa kalagitnaan sila ng pagkain nang bigla silang lapitan ni Chef Adriano. Gwapung-gwapo ito sa suot nitong maong pants at polo shirt nito. Nakasukbit sa balikat nito ang backpack nito. Ngayon lang ito nakita ni Sandra sa ganoong get up palibhasa ay palaging chef's coat at apron nito ang suot nito tuwing nasa galley ito at busy sa pagluluto. May kulang dalawang buwan na rin pala itong naroroon kaya ito ang unang beses na nakita niyang naka-casual wear lang ang binata dahil ngayon na lang ulit sila makakadaong sa barko. "Hi, guys. Can I join you?" bati nito kina Sandra at mga kasama niya. Napakatamis ng ngiti nito tipong nakalabas ang mapuputi nitong ngipin. Makalaglag-panty ika nga. Nahihinuha niyang kahit matrona at teenager ay mahuhulog sa charisma ng kolokoy na ito. "Sure, sure! Umusog ka nga diyan, Sandra! Bigyan mo ng mauupuan itong si Papa Adraino ko!" si Edward ang sumagot at tinapik pa siya para sa tabi nila paupuin si Adriano. Tumango lang si Sandra kay Adriano saka umsuog para paupuin ito. "Grazie!" nakangiting sabi ni Adriano sa kaniya na ang ibig sabihin ay 'Thank you.' Kapagkuwan ay umupo na ito sa tabi niya. "Aren't you going to eat?" Napansin ni Cindy na walang dalang plato ng pagkain si Adriano. "No, I'm done with my breakfast earlier. We are the ones who prepared them." Sagot ni Adriano sabay nguso nito sa mga pagkain nilang nasa table. "I see." sagot naman ni Cindy. "Hoy, gaga! Ano at tamilmil ka na sa pagkain mo diyan?" ani Edward kay Sandra na sandaling natigilan sa ginagawa niyang pagkain. Paano kasi ay bigla siyang nailang sa pagkakalapit nilang iyon ni Edward. Itinuloy na lang niya ang kaniyang pagkain at tahimik na sinaway ang sarili. Kailangan na niya sigurong masanay dahil mamaya ay makakasama din nila ang binata. Iyon ang first time nila na makakapamasyal na walang trabahong iisipin sa buong maghapon. Nais niyang enjoyin ang pagkakataon. Nang makatapos na silang kumain ay nagpatuloy sila sa paghuhuntahan habang hinihintay nila ang pag-anunsiyo ng kanilang kapitan kung kailan sila dadaong sa Mykonos Port. Alas-nuwebe na iyon ng umaga ayon sa suot niyang relo. Mga ilang minuto pa ang kanilang ipinaghintay at inianunsiyo na ng kapitan nila ang pagdaong nila. Isa-isa na silang tumayo at nilisan ang Mess saka pumila na para sa pagbaba ng barko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD