Mabilis na dumaan ang isang buwan. Nalalapit na naman ang muling pagdaong ng kanilang barko, this time ay sa Greece naman sila mapapadpad. Tatagal sila ng ilang araw dahil may kasamaan daw ang paahon sa ruta na kanilang dadaanan sa susunod na mga araw. Na-excite si Sandra dahil miss na miss na niyang muling matawagan ang kaniyang pamilya sa Pilipinas.
Break time niya noon kaya pabalik na siya sa kanilang cabin room para sana magpahinga. Ewan niya pero sa tuwing break niya ay may kung anong pananabik siyang nadarama tuwing babalik sa kanilang room. Umaasa na siyang palagi na may dadatnan siya roong galing kay Adriano. Kaya naman nagmamadali siyang inilabas ang cabin card niya para mabuksan ang pinto noon.
Subalit laking dismaya ng dalaga nang wala siyang madatnan na kung ano roon. Pasalampak siyang naupo sa kama niya. Ipinasya niyang ilapat ang mga likod at nahiga na roon while sulking for having nothing when she arrived. Masyado na kasi siyang nasanay na palaging may pa-sorpresa sa kaniya si Adriano, kahit pa siguro isang basong tubig iyong nadatnan niya masaya na ang puso niya. Subalit hindi niya maintindihan palagi man siyang binibigyan nito ay hindi naman na muli itong nagtangkang kausapin siya o manligaw ba. Natitiyak niyang bibigyan niya ito ng pag-asa kung sakali bagay na ipinagtataka niya noong una. Marahil ay nakita niya kung gaano kabait ang binata.
Naputol ang pagmumuni-muni ni Sandra ng makarinig siya ng mahihinang katok mula sa pintuan. Tumayo siya at tinungo iyon. Nang buksan niya ang pintuan ay isang malaking bungkos ng mga rosas ang bumungad sa kaniya. Natatabunan noon ang lalaking may hawak niyon. Malakas na kumabog ang dibdib ni Sandra.
"Hi..." ang nakangiting mukha ni Adriano ang sumilip doon.
Saglit na natigilan si Sandra. Hindi niya inaasahang makita ito ngayon sa harap ng cabin room nila.
"H-hello..." nauutal niyang sabi nang makahuma sa biglaang presensiya ng binata. "What are you doing here?"
"Here, take this." Sabay iniabot sa kaniya ang pumpon ng mga bulaklak na kanina ay hawak nito. Kasunod ang isang paper bag na hindi pa niya alam kung ano na naman ang laman.
"No, I mean. Why are you doing this?" tanong niya kay Adriano, sa wakas ay nagawa niya ring ibulalas rito ang matagal na niyang gutsong itanong dito dangan lamang at hindi niya ito nakakaharap dahil palaging nakikisuyo ito sa kaibigan niyang si Edward para mag-abot ng mga ipinabibigay ng binata.
"I want to court you, Sandra. Mi piaci." pag-amin nito sa kaniya. Hindi agad nakahuma ang dalaga sa deklarasyon ng binata sa kaniya. Masyado siyang nabibilisan rito.
"Huh?" iyon lang ang tanging nanulas sa mga labi ni Sandra sa labis na kabiglaanan.
"You don't have to give me your answer immediately. But please, let me court you, Sandra." punong-puno ng emosyon na pagsusumamo nito.
Hindi naman mawarian ni Sandra kung papaano ang kaniyang reaksiyon sa ipinag-tapat sa kaniya ng binata. Nagpalinga-linga siya sa paligid sa hallway at baka may makakita sa kanila. Hindi naman niya magawang ayain sa loob ng kanilang cabin room si Adriano dahil nag-iisa lamang siya roon. Isa pa, ay baka kung ano ang isipin ng mga taong makakakita sa kanila.
Kaya naman napilitan siyang sagutin ng okay ang binata para makaalis na ito.
"Okay, you have my permission. But please, huwag ka masyadong mabilis. Naiilang ako." Nahihiya niyang sabi sa binata na ikinatawa nito nang mahina.
"Sure, sure. Thank you, Mi Amore." sabi pa ni Adriano sa kaniya na lihim niyang ikinakilig pero hindi niya iyon ipinahalata sa binata. Siyempre. "Let's go?"
Napamulagat naman si Sandra, hindi inaasahan ang paghawak nito sa kaniyang kamay. parang may kumiliti sa kaniya sa pagkakadaup ng kanilang mga palad. "Where do you think we're going?!"
"Kakain lang tayo, Mi Amore." Kumindat pa ito sa kaniya. Lihim siyang natawa dahil nag-Tagalog ito pero lutang na lutang pa rin ang Italian accent nito.
Nais niyang kurutin ang kaniyang pisngi. Baka nananaginip lang siya na may Italyanong lalaki na nagka-gusto sa hampas-lupang kagaya niya. Bigla niyang naalala si Cheska, ang bestfriend niya sa Pilipinas. Tatawagan niya ito bukas na bukas di n at iku-kuwento niya ang tungkol kay Adriano.
Sa roof deck siya dinala ng binata. Mayroon doong table na pandalawahan. Inalalayan siya nitong makaupo sa isang upuan na naroon saka ito naupo sa tapat niya. Maya-maya lang ay may isang waiter na lumapit sa kanila para i-serve ang pagkain na natitiyak niyang si Adriano ang nagluto noon. Binuksan nito ang bote ng wine na naroon. Nang akmang ipagsasalin siya nito sa isang baso ay mariing tinutulan niya iyon.
"Water na lang sa akin, please. May duty pa ako mamaya."
"Oh, I see. Sorry. I should be careful next time." hinging paumanhin ng binata. isang tipid na ngiti lang ang nagawa niyang isagot dito.
Ipinaghiwa muna siya nito ng steak sa isang plato saka nito iniabot sa kaniya. Pagkatapos ang plato naman nito ng steak ang hiniwa nito. Nahihiya man siyang kumain sa harap nito ay sinubukan pa rin niyang kumain kahit kaunti. Agad naman nitong napansin ang pagiging tamilmil niya sa pagkain.
"Why aren't you eating your food? I cooked this for you." tawag pansin nito sa kaniya kababakasan ng pag-aalala ang boses nito. "Don't you like it?"
"No, I mean. Naiilang pa kasi ako e. Sorry." kiming sagot niya.
"You don't have to. So please, eat with gusto." Nakangiti pa ito nang sabihin nito iyon sa kaniya. Napangiti na rin si Sandra.
Mayamaya pa ay sabay na silang maganang kumakain ng mga pagkaing inihanda ni Adriano para sa kaniya. Masayang silang nagkuwentuhan habang kumakain kung kaya't naging kampante na siya sa presensya nito. Sweet talker si Adriano kaya naman hindi siya nakaramdam ng pagkabagot nang makasalo niya ito sa pagkain.
Ang first impression niya rito na mahangin ay hindi naman pala. Kundi likas na rito ang pagiging mabait at maalalahanin. Naging palagay na ang loob niya sa binata matapos nilang kumain.
Nagkuwentuhan pa sila habang hinihintay na matapos ang kani-kanilang break time. Noon parang natauhan si Sandra. Sinabi niya rito ang naiisip. Ayaw pa kasi niyang maging tampulan ng tukso pagbaba nila.
"It's okay, I understand." punong-puno naman nang pag-unawang sabi nito sa kaniya.
"Thank you, Adriano. For this." Muwestra niya sa mga kinain nila kanila. "And for being an understanding." Nakangiti na siya nang sabihin iyon sa binata. Hindi pa siya handa na makasabay ito paglalakad pabalik sa kaniyang trabaho sa lower deck. Mabuti na lamang at naiintindihan naman siya ng binata bagay na kaniyang ikinatuwa kaya naman nauna na siyang nagpaalam rito na mauuna na. Alam kasi niyang kailangan na rin ito sa galley dahil malapit na ang mga itong mag-prepare ng mga lulutuing putahe para sa dinner mamaya.
Inalalayan pa siya nitong makatayo at saka inihatid pa siya sa may hagdanan. Nagpasalamat na muli si Sandra saka nagmamadali nang bumaba para bumalik sa kaniyang duty. Nang masigurong hindi na siya natatanaw ng binata ay saka siya napahawak sa kaniyang dibdib na kasalukuyang malakas ang kabog.
"Oh, my heart. I think I'm falling for him this instant."