Inalalayan siya ni Adriano na makababa mula sa barko. Unti-unti na siyang nasasanay sa presensiya nito. Subalit naroon pa rin ang takot kay Sandra. Nais niyang mas kilalanin pa ito bago niya ito sagutin. Hindi sapat na may nararamdaman na rin siya para dito.
Nang makaalis na silang lahat sa barko ay lumakad na sila sa isang terminal na naroon sa port. Naghihintay na roon ang shuttle na sasakyan nila na siyang maghahatid sa kanila sa tutuluyang hotel sa Santorini. May naka-reserve na silang hotel roon care of ng kanilang kompanya.
Mamaya na lang siya tatawag sa Pilipinas, ang sabi ni Sandra sa isip niya. Maghuhulog din kasi siya ng pera na ipapadala niya sa kaniyang mga magulang sa Pilipinas. Nang makasakay na sila ng shuttle at tabihan siya ni Adriano ay noon lang naramdaman ni Sandra na day-off na nilang dalaga. Hindi na niya kailangan pang ma-pressure dahil wala silang trabahong iintindihin sa mga oras na iyon. Kailangan niyang makapag-relax. Susulitin niya ang dalawang araw na staycation nila sa Santorini.
Masaya ang lahat habang nasa byahe. Napakaingay masyado ng baklitang si Edward. Animo ito ang clown nilang lahat pag ito ay kasa-kasama. Walang dull moments, ika nga. Bukod sa masayang ka-bonding ng kaniyang mga kasama sa sasakyan ay makapigil-hininga rin ang mga lugar na kanilang nadadaan. Tunay na parang isang paraiso ang Santorini. Hindi maiwasang hindi mapaawang ang bibig ni Sandra sa kaniyang pagkamangha.
Mayamaya ay inabutan siya ng snacks ni Adriano.
"Eat this, para hindi ka mainip sa byahe."
"Thank you." nakangiting sabi niya rito.
Hindi nagtagal ay nakarating sila sa kanilang destinasyon. Namangha ang lahat sa ganda ng kanilang tutuluyang hotel--ang Volcano View Hotel Santorini. Iyon ang pinakamalaking hotel sa buong Santorini na matatagpuan sa probinsya ng Fira. Mayroon iyong 85 bilang ng mga kuwarto at 7 VIP luxury villas.
"Ay, pak! Napakaganda naman dito, parang ayoko ng bumalik sa barko. Ditey na lang ako!" ang namamanghang sabi ni Edward nang lahat sila ay makababa na ng shuttle na sinakyan nila.
The 92-room Volcano View Hotel Santorini stands apart from other four-pearl properties in the area with its contemporary designs and private cliffside terraces facing the coastline and Aegean. Modern rooms feature traditional Santorinian architecture and sea vistas from terraces, and the villas have private pools and kitchenettes. Tiered terrace common areas have three pools, a massage canopy, a poolside bar, and a dining patio for the on-site Greek restaurant. Sa Grand Suite sila manunuluyan kung saan ay may dalawang bedrooms doon. Isa para sa mga babae at isa para sa mga lalaki. Mayroon din iyong bathroom na may hydro-massage tubs kaya natityak niyang makakapagrelax silang lahat ng mga kasama niya.
Hindi nagbibiro si Edward, napakaganda talaga roon. All its rooms come with sea-view terraces. At lalo pang tumindi ang kanilang pagkamangha nang marating nila ang kanilang tutuluyang kuwarto. Sila uling tatlo nina Cindy at Katrina ang magkakasama sa kuwartong tutuluyan nila kasama ng isa pang babaeng ka-trabaho nila.
Nagpaalam muna sina Edward at Adriano kasama ng iba pang lalaking kasamahan na tutuloy na muna sa mga ookupahang kuwarto ng mga ito matapos nilang magcheck-in kanina. Kahit ang mga staff ng nasabing hotel ay pawang mga mababait at friendly.
Magpapahinga daw muna sila ng kaniyang mga kasamahan at mamayang lunch muli magkikita-kita sa restaurant na namataan nila sa ground floor kanina. Minabuti ni Sandra na mahiga muna saglit sa kamang nakalaan sa kanila ni Cindy. Ito ang kaniyang makakatabi roon sa isang queen-sized na kama na ubod ng lambot. Halos lumundo siya ng mailapat ang kaniyang likod doon sa kutson. Para siyang inihehele sa antok kaya hindi niya namalayang nakaidlip na pala siya.
Nagising si Sandra sa mga kaluskos, isa-isa nang nagsisipaghanda ang kaniyang mga kasama. Sinipat niya ang kaniyang relo. Treinta minutos bago ang kanilang usapan na magkikita-kita sa restaurant. Bumangon na siya, bitbit ang kaniyang towel ay naghilamos sa CR na naroon. Napakalawak, ari nang maging kasinglaki iyon ng kaniyang kuwarto sa bahay nila sa Pilipinas.
Nagpalit siya ng isang floral dress. Nag-apply ng kaunting make-up at liptint. Isang havaiannas ang kaniyang sapin sa paa saka isinuot ang isang antipara. Nang masatisfied sa kaniyang hitsura ay sumabay na siya kina Cindy paglabas ng kanilang kuwarto para magulat dahil kanina pa pala sila hinihintay roon nina Adriano.
Nakairap kunwari si Edward sa kaniya. "Napakatagal mong kumilos, bruha. Kanina pa kami inuugat ni Adriano sa paghihintay sa iyo dito." Sabay hampas sa braso niya nang makalapit na sila dito. "Anyway, hindi na masama dahil napakaganda mo yata ngayon, am I right, Adriano?" baling nito sa binata na titig na titig naman sa kaniya.
"Yes, you look stunningly beautiful." anito na ang mga mata ay kay Sandra lamang nakatingin. Ramdam ni Sandra ang pamumula ng kaniyang pisngi. Hindi agad siya makahuma sa papuring kaniyang natanggap mula sa binata.
"T-Thank you..." kiming sagot niya.
"Naku, mamaya na kayo magtitigan diyan. Tayo nang bumaba at kanina pa namimilipit sa gutom ang mga intestines ko!" Sawata ng bakla sa kanila na ikinatawa ng lahat. Sabay-sabay na silang naglakad pababa sa restaurant. Kung may isang bagay na ikarereklamo ni Sandra sa hotel na iyon, iyon ay ang kawalan niyon ng elevator. Kinakailangang sa gumamit ng hagdan para makababa sa ground floor noon kung saan matatagpuan ang kakainan nilang restaurant. Mabuti na lamang at sa second floor sila nai-book ng room. Kung saka-sakali ay susuko malamang ang kaniyang mga binti.
Nang marating nila ang restaurant ay naburang lahat ang kaniyang pagod sa pagpanaog nilang ginawa kanina. Sa ambiance palang noon ay palong-palo na. Nakaka-relax iyon. Even the restaurant faced the sea-view which soothes her soul. Nagiging at-peace siya sa pagmasid pa lang ng kagandahan niyon.
Nang maibigay ang kanilang order sa waiter ay muli na namang nagkaingayan ang magkakaibigan.
"Bakit hindi kayo bumukod ni Adriano, Sandra? Hindi kayo magkaka-me-time niyan kung lagi niyo kabuntot si Edward." Buska ni Cindy.
Pinamulahan na naman ng pisngi si Sandra sa binanggit ng kaibigan.
"Ano ba kayo? Dati niyo na naman akong kasa-kasama kapag ganito. Nakakatampo naman yata, itinataboy niyo na ako?" Kunwari ay nagmamaktol na sabi niya.
"Nakupo, Sandra! Hindi uubra sa akin iyang kaartehan mo! Tama naman si Cindy. Hala, Adriano. Mamaya ay samahan mo si Sandra, tiyak na hahanap iyan ng bangko kung saan ay magpapadala ng kaniyang remittance sa kaniyang pamilya doon sa Pilipinas. Wait, did you understand what I am saying?" baling nito kay Adriano na tahimik lang na nakangiti sa kaniyang tabi. Hindi ito sumama sa mga kasamahan nitong chef kundi sa kanila bumuntot kaya siguro parang nao-OP tuloy. Bigla naman siyang nakaramdam ng awa para dito.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya kay Adriano.
"Yes, of course." Nakangiting sagot nito sa kaniya.
Noon dumating ang mga pagkaing inorder nila. Parang fiesta iyon sa dami. Pang-instagrammble ang set up at plating ng mga pagkain. Natitiyak niyang lahat iyon ay masasarap.