Chapter 9: Itineraries

1025 Words
Kasabay na niyang papunta sa storage room si Edward para kumuha ng mga supply na ihahatid nila sa kitchen. Tig-isa sila nito ng hila-hilang trolley, kumuha siya ng ilang bote ng wines, ilang packs ng pasta, milk carton, cereals, mga herbs, tig-isang sako ng bigas at kung anu-ano pang pagkain saka isa-isang inilagay sa trolley nila. Nang bubuhatin na nila ang isang sako ng bigas para ilagay sa trolley ay halos lumuwa ang mga dila nila pareho. "Jusko, Sandra! Mamamatay na yata ako! Heavy-gat naman nitong rice na ito." Kunwari ay pag-iinarte ng bakla. "Masisisra ang mga braso ko dito, mistula akong kargador!" Palantik pa nitong sabi sa kaniya na tinawanan lang niya. Hindi naman ito gumagawa lang ng kuwento, isang kaban na bigas ba naman ang kailangan nilang ilipat sa kani-kaniyang trolley na dala. Kahit siya, sobrang nahirapan sa pagbuhat niyon. Ganoon talaga ang buhay nila roon na nakasanayan na rin niya paglaon, para silang mga kalabaw kung magtrabaho sa barkong iyon sapagkat hindi sila namumulot ng dolyares. Kailangan nilang paghirapan ang bawat sentimong binabayad sa kanila roon. Malaki ang sahod nila, oo, pero ganoon din kabibigat kalimitan ang mga trabaho nila mapa-lalaki man o babae kagaya niya. Nang matapos sila ay magkasunod na hinila ang trolley papunta sa deck na kinaroroonan ng kitchen. Ihahatid nila iyon doon. Sumakay sila sa elevator namaghahatid sa deck kung saan nila ihahatid ang kanilang mga dala. Pagbukas ng pintuan ng elevator ay muli nilang hinila ang mga trolley ilang saglit pa ay nasa tapat na sila ng adjacent door ng kitchen. Matapos salansanin ang mga supply ay napatingin si Sandra sa suot na relo. Patapos na ang kaniyang shift ngayon umaga. Mamaya ulit bandang alas-tres ng hapon hanggang gabi. Nagpaalam muna siya kay Edward na pupunta muna siya ng cabin room para magbawi ng ilang oras na tulog. Mamaya na siya kakain mula paggising niya. Habang naglalakad ay nakasalubong na niya sa lobby sina Cindy. "Are you done with your shift?" tanong nito sa kaniya. "Yes, i will catch some sleep. See you later, girls." Tumango at ngumiti lang ang mga ito bilang tugon sa kaniya at muli siyang naglakad hanggang sa makarating siya sa tapat ng pintuan ng kanilang cabin room. Gamit ang kaniyang cabin card ay nabuksan niya iyon saka pumasok sa loob. Hindi na siya nag-abalang magbihis pa saka agad sumalampak ng higa sa kamang nakalaan para sa kaniya. Kailangang makabawi siya ng tulog para may energy siya para mamayang gabi. Natitiyak niyang mapapalaban na naman sila dahil magiging abala nang husto ang lahat para sa party na gaganapin doon mamayang gabi. Dala marahil ng puyat at matinding pagod ay mabilis na nakatulog ang dalagang si Sandra. Bago matapos ang kaning break time ay tumunog ang kaniyang alarm. Pupungas-pungas na bumangon sa pagkakahiga ang dalaga. Bantulot siyang pumasok sa banyo at muling naghilamos. Inayos niyang muli ang pagkakapuyod ng kaniyang buhok. Nagre-touch ng kaunting make up dahil nahulas na iyon sa paghihilamos niya kanina. Nang masigurong okay na ang kaniyang hitsura ay muli na siyang lumabas ng cabin room. Dumiretso siya sa crew mess. Hinanap ng kaniyang mga mata ang kaibigang si Edward. Hindi niya nakita ang baklita marahil ay nasa cabin room nito iyon at kasalukuyan pang nagpapahinga. Balak niya munang kumain ng late lunch niya bago muling bumalik sa trabaho. Lumapit siya sa buffet saka kumuha ng pagkain. Sumandok siya ng kanin at vegetable salad. Kumuha siya ng baked salmon, tuna pasta at chicken cordon bleu. Nang satisfied na siya sa dami ng mga pagkain na nakuha ay humanap siya ng mauupuan. Kumuha rin siya ng tig-isang basong tubig at lemonade juice para sa kaniyang drinks. Nang makaupo ay saka mabilis na kinain niya ang mga iyon. Isa sa mga gusto niya sa naging buhay niya doon sa barko ay ang kaluwagan sa pagkain, halo lahat doon ay mayroon sila. Isa pa, mga sosyalin ang kanilang mga kinakain roon na kalimitan ay sa mga five star hotels lang mayroon. Pati facilities ay superb para sa kaniya. Kaya para na rin niyang naranasan ang buhay ng nasa five star hotel mula noong magsimula siyang magtrabaho roon. Nang matapos siya sa pagkain ay tumayo na siya. Kinuha lang niya ang trolley niya saka tumulong na rin sa mess sa pagliligpit ng mga pinagkainan ng mga visitors, crew at mga buffet attendant na kagaya niya. Isa-isa niyang sinasalansan ang mga utensils na ginamit ng mga kumain. Ihahatid niya ang mga iyon sa dirty kitchen at ang nakatoka roon ang bahalang maghugas ng mga iyon. Hila-hila niya ang trolley na tinungo ang dirty kitchen doon. Matapos ihatid ang mga hugasing plato at iba pa sa dirty kitchen ay kumuha ng trash bags si Sandra. Naka-schedule siyang palitan ng trash bags ang mga trash bins. Isa-isa niyang tsinek ang mga trash bins na kailangan niyang lagyan o palitan ng trash bags. Ganoon ang cycle ng araw niya sa barko subalit kakaiba ngayong araw dahil nga sa gaganapin roong party mamaya. Nang malapit na siyang matapos ay saka niya natanawan ang paparating na si Edward. "Oh, Sandra, kumain ka na ba?" tanong nito nang makalapit sa kaniya. "Oo, katatapos ko lang. Kumain ka na muna, mukhang kagigising mo lang oh." "Oo, ang ganda kasi ng panaginip ko. Napanaginipan ko yung guwapong chef kanina." kilig na kilig pang sabi nito. "Haynaku! Gising ka na bang talaga? Parang nananaginip ka pa rin hanggang nagyon eh?" Natatawa niyang sabi sa kaibigan. "Hindi 'no? Totoong napanaginipan ko siya. Sana maki-party siya mamaya sa atin." malanding dagdag pa nito saka siya tinalikuran para tunguhin ang mess crew para kumain doon. Sinundan niya lang ng tingin ang likod nito saka muling itinuloy ang kanina ay kaniyang ginagawa bago siya lapitan ni Edward. Tinapos niya ang pagpapalit ng mga trash bags. Nilagay naman niya isa-isa sa trolley ang mga nakolekta niyang basura. Ibababa niya iyon sa tambakan nila sa babang deck. Kapag schedule ng kanilang pagdaong ay may nakatokang magtapon niyon sa dump site ng lugar na dadaungan ng barkong sinasakyan nila. Matapos maghatid ng mga basura ay muling umakyat si Sandra. Tutulong naman siya sa kitchen. Nag-CR muna siya at nagsanitize ng kaniyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD