Chapter 10: Join Day

1016 Words
It was Adriano's join day in the Silver Whisper cruisehip. Kagabi matapos ang kanilang family dinner ay inihatid siya ng kaniyang mga magulang sa Venice Port to board that ship. At hayun nga, first day niya ngayon. Kasalukuyan siyang ino-orient ng senior chief doon na nagpakilalang si Chef David. His new home was great, as what he imagined earlier. Those equipments, ingredients, pang-high class talaga. Hindi iyon ang unang beses na makakakita at makakagamit siya niyon subalit hindi pa rin niya maiwasang ma-amazed sa mga isa-isang ipanakita nito sa kaniya. Mula sa mga high-class marine electric stove, electric roaster, universal cooking machine, marine electrical rice cooker, tilting electric soup pot, steam pots at iba pang yari sa stainless. Bukod sa magaganda ay halatang alaga sa linis ang mga iyon. How he missed to touch and use those. Natigil sila sa pag-iiko nang biglang may isang babaeng tumawag kay Chef David at nanghihingi ng hang-over soup. “Good morning, Chef David. Do you have anything for hang over?” narinig niyang sabi ng babae. “Hello good morning, Sandra, hija. Oh yes, I prepared some this morning because I know all of you from last night might need it.” Nakangiting sagot naman ni Chef David dito. Saglit na tinungo ni Chef David ang kalan kung saan may nakasalang na pot. Nahinuha si Adriano na hang over soup ang laman niyon at hindi nga siya nagkamali. Hindi sinasadyang napasulyap si Adiano sa babae. Napakunot-noo si Adriano nang matitigan niya ang mukha ng babae. The woman seems familiar. Hindi niya lang maalala kung saan niya nakita ang mukhang iyon. “Here, drink this.” ani Chef David sa babaeng narinig niyang 'Sandra' ang pangalan. “Thank you, Chef David.” “You’re welcome, hija.” Hinintay niyang ipakilala siya dito ni Chef David subalit agad namang tumalikod na ang babae nang maiabot na dito ang soup at nagpasalamat ito. Nagkibit-balikat na lamang ang binata at saka muling binalingan si Chef David nang muli nitong ipagpatuloy ang pag-oorient sa kaniya doon sa mess crew. Isa-isa nitong ipinakilala ang mga staffs na naroon. Mainit naman siyang tinanggap roon ng mga bago niyang makakasama sa mga susunod na buwan. Gaya ng inaasahan ni Adriano ay kuntodo siyang naging abala matapos ang kaniyang orientation kanina. Kasi pala ay may gaganapin roong crew party mamayang gabi. Kaya lahat sila nang nasa galley ay abala sa pagpe-prepara ng iba't ibang putahe. As expected, Italian dishes ang natoka sa kaniya. Kailangan niyang makapaghanda ng humigit kumulang na 1000 plates mamaya. Sinimulan na niya ang paghahanda ng mga gagamitin niya para sa Spaghettoni al Tonno dishes na balak niyang lutuin. Una niyang inihanda ang mga ingredients para sa sauce. Mamaya na niya isasalang ang pasta noon nang sa gayon ay mapanatili ang pagiging firm noon bago ihain sa mga tao mamayang dinner. Iinitin na lang niya ang sauce noon dahil kailangan pa niyang tumulong sa iba pang kailangan nilang lutuin para sa gabing iyon. Maya-maya pa ay abala na si Adriano sa pagluluto. Hindi niya alintana na unang araw lang niya sa barko na iyon, pakiramdam niya ay matagal na siyang belong roon. Mabilis niya ring nakasundo ang mga staff na naroon sa galley. Alas-kuwatro na ng matapos siya sa kaniyang pagluluto. Katulong ng dalwang staff ay inihanda na nila ang plating para sa kaniyang pasta dishes. Ang mga buffet attendant na ang bahalang maghatid noon sa mess crew kung saan nagda-dine in ang mga tao sa barko. Metikuloso si Adriano sa kaniyang trabaho kaya kahit may katulong siya sa plating niyon ay siniguro niyang pulido ang pagkakalagay ng pasta niya sa plato. Ultimo ang disenyo ay dapat na pare-pareho. Bandang alas sais nang sila ay matapos. Ganoon din sa ibang course meal ay nakahanda na rin. Maya-maya lang ay isa isa na iyong inilalagay sa trolley ng mga buffet attendant na naka-assign para magserve niyon sa mga visitors at crew sa naturang barko. Tumulong naman si Adriano sa pagpe-prepare ng sinful chocolate obsession bilang desserts. Siya ang naglalagay ng scoops of ice cream sa side ng fudge sa platito niyon. Mabilis ang kilos ni Adriano, hindi alintana ang gutom at pagod. Halatang nag-eenjoy ang binata sa kaniyang ginagawa. Mabilis silang nakatapos sa pagpe-prepare ng mga desserts. Naka-ready na iyon para pick-upin ng mga buffet attendants para i-serve mamaya pagkatapos magsikain ng mga tao roon sa mess crew. Maari na silang kumain tutal ay natapos na ang mga pagkain na kailangan nilang ihanda subalit pinili ni Adriano na imisin ang kaniyang mga ginamit sa pagluluto kanina. Ayaw niya kasing makalat sa kaniyang puwesto ganoon ka-metikuloso ang binata. Nang ayain siya ng kaniyang mga kasamahan para kumain ay hindi na siya tumanggi pa at sinabayan na rin niya ang mga ito. "Adriano, please join us. Let's eat!" Yaya sa kaniya ni Chief David saka kumaway sa kaniya na lumapit na siya sa kanila. Agad namang lumapit na roon si Adriano at nakisalo na sa masayang pagkain nila. Mabilis ang pagkain na ginawa nina Adriano. Nasa ganoon silang tagpo ng mamataan niya ang babae kanina na humingi ng hang over soup kay Chief David. Hindi na napigilan pa ng binata na lapitan ang babae para doon ay pormal na ipakilala ang sarili. Hila-hila ng babae ang trolley nito na may lamang mga utensils galing sa crew mess. Sinundan ito ng binata na agad namang napansin ng dalaga. Magpapakilala sa sana ang binata ng lampasan siya ni Sandra. Hindi naman iyon naging dahilan para panghinaan ng loob ang binata. Pinagpatuloy niya ang pagsunod sa babae. Sinabayan pa niya ang mga hakbang nito para makapantay sa paglalakad nito. “Ciao!” nakangiting sabi ni Adriano. “What’s your name?” he said in his very thick Italian accent. At muli ay hindi siya pinansin ng babae. Mukhang may angking kasupladahan ito na mas lalong nagpatindi ng kuryosidad na kilalanin ito ng binata. Sinipat niya ang nakasulat sa name tag nito at binasa iyon. “Sandra, ah! Italian name which means , ‘you are beautiful’.” nakangiti pang sabi ni Adriano na lumitaw ang mapuputi at pantay-pantay na ngipin nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD