Chapter 24: Los Angeles, California

1067 Words
Pasado alas-nuwebe ng umaga nang dumaong ang barkong Silver Whisper sa Port of Los Angeles. Mula sa Port ay tutuloy sila sa Hilton Hotel ilang kilometro ang layo sa Port. They were going to stay there for one night and two days. Bukas ng gabi siya lilipad mula sa LA patungo sa Manila. Ihahatid siya ni Adriano sa LAX airport. Gaya ng inaasahan ay kumuha sila ng bukod na room ni Adriano para masulit ang nalalabi nilang oras na magkasama. Mula nang maging opisyal na silang magkasintahan ay madalas na nilang gawin 'iyon' sa tuwing naka-off sila sa kanilang trabaho. Ilang araw na lang at pansamantala ay magiging LDR na silang dalawa. Mamayang gabi ay gaganapin nila ang kaniyang padespida. Nag-boluntaryo ang kaniyang kaibigan na si Edward na mag-asikaso para doon kaya naman dumiretso na silang dalawa ni Adriano sa kanilang magiging kuwarto. Nais muna nilang magpahinga sandali bago mag-ikot sa palibot ng hotel. "Guys, see you later." Paalam niya sa mga ito. "O siya, gow na bruha! Alam ko namang sabik ka kay jowa. Hala, sulitin niyo na ang inyong time together!" taboy ni Edward sa kanila ni Adriano. Mahaba pa naman ang oras. Mamaya na sila lalabas ng room para mag-lunch. Pagkalapag ng kanilang mga dalang gamit ay sabay na pasalampak na nahiga sa malambot na kamang naroon. Humarap sa kaniya si Adriano saka itinukod ang isang siko sa kama habang nakahalumbaba roon paharap sa kaniya. "Kung ako lang ang masusunod, nais ko na lang na ikulong ka maghapon dito sa kuwarto." Pilyong sabi nito sa kaniya habang taas baba ang kilay nito. Natawa siya dahil slang ang salita nito ng pagtatagalog. "Loko! You can't do that." "Are you sure?!" pang-aasar pa nito sa kaniya. "Ikaw din." Kunwari ay may pagtatampo sa boses nito. "Naku! Chef Adriano, tigilan mo ako. Mamaya ka nang gabi humirit--" huli na ng bawiin niya ang kaniyang sinabi. Tumawa naman ito ng nakakaloko. "Promise 'yan ha!" Saka siya siniil ng isang halik. Mainit niya iyong tinugon hanggang sa maramdaman niyang lumalalim na iyon. Ito na ang nagkusang putulin ang halik na iyon natitiyak niyang kung hindi sila titigil ay kung saan na naman sila dadalhin ng pagkasabik nila sa isa't isa. Bumuntung-hininga ito saka mahigpit siyang niyakap. Ramdam niya ang matinding pagpipigil nito sa sarili. Isa iyon sa minahal niya dito. Although patay na patay ito sa kaniyang alindog, pinararamdam din nitong hindi lang siya parausan nito sa tuwing mabibigyan sila ng pagkakataong mapagsolo gaya ngayon. Hayyy... Mamimiss niya talaga ang lalaking ito. Kung puwede lang na huwag na lang siyang umalis para lagi silang masaya. Subalit kailangan niya ring gawin iyon, baka magtampo na sa kaniya ang mga magulang niya sakaling patagalin pa niya ang paglilihim niya sa mga ito. Hindi rin niya alam kung ano ang plano ni Adriano para sa kaniya. May kung anong pumipigil sa kaniya na usisain ito. Pero matindi ang kaniya pagtitiwala sa pagmamahal sa kaniya ng binata. Iyon ang kaniyang pinanghahawakan kaya naman panatag din siya para sa nalalapit nilang paghihiwalay. Isa pa, sabi nga ni Edward ay babantayan nila ito habang hindi pa siya muling nakakabalik. Maya-maya ay nagyaya ng lumabas ng kanilang kuwarto si Adriano. Nagugutom na raw ito. Dumaan muna sila sa kabilang silid kung saan inookupa ng kanilang mga ka-trabaho. Nang walang sumasagot doon ay minarapat na nilang dumiretso sa dining room ng restaurant na matatagpuan sa hotel. Nadatnan na nila roon sina Edward kasama sina Cindy at iba pa nilang kasama. "Ang bilis n'yo naman yata?" Gagad sa kaniya ni Edward. "Gaga!" sagot ni Sandra na na-gets agad ang nais iparating sa kanila ng bakla. Umaandar na naman ang pagiging greenminded ng kaniyang kaibigan. "Aba, kung ako sa'yo, ikinulong ko na ang kaguwapuhan ni Adriano ano? Walang ganyan sa 'Pinas, 'day!" "Oo nga, Sandra. Ikaw din mamimiss mo tiyak si Chef." segunda naman ni Cindy. "Mamayang gabi ko susulitin." kumindat pa siya sa mga ito na ikinatili naman ng mga ito. Sabay-sabay pa silang nagtawanan sa kalokohan ng isip nila. Naghanap na sila ng mauupuan ni Adriano. Pinili nilang bumukod sa mga kasamahan nila ilang table ang layo sa mga ito. Niyaya siya ni Adriano na mamasyal mamaya pagkatapos daw nilang kumain. Agad naman niyang sinang-ayunan ang sinabi nito dahil iyon din naman ang gusto niya ang masulit ang nalalabing oras na magkakasama sila nito. Ilang araw na lang at magiging LDR muna sila sa loob ng ilang buwan. "Sulitin mo na ang pag-stay mo dito sa LA, mag-ikot tayo mamaya. At baka matagalan na ulit ang balik natin dito. They were so many wonderful attractions here, I bet you will love them all." sabi ni Adriano sa kaniya habang hinihintay nila ang pagdating ng mga inorder nilang pagkain. Tumangu-tango lang si Sandra bilang pagsang-ayon sa kaniyang nobyo. "I guess, this is not your first time here in LA?" usisa niya. "Yup, I think this is my third. But this time is the most special for me 'coz I'm with you." "Bolero." sabi na lang niya para maitago ang kilig na naramdaman sa sinabi nito. Nginitian lang siya nito ng matamis. Noon biglang dumating ang waiter na may dala ng kanilang pagkain. Saglit na naputol ang pag-uusap ng magkasintahan. Isa-isang nilapag ng waiter ang kanilang mga pagkain sa lamesa. Saglit itong umalis saka bumalik agad bitbit ang isang bote ng wine kasama ang ice bucket. Ipinagsalin sila nito sa kopitang naroon saka yumukod sa kanila at umalis na. Nagsimula nang kumain sina Adriano at Sandra kasabay ng masayang pagkukuwentuhan. Isa iyon sa mga tagpo na natitiyak ni Sandra na mamimiss niya kapag nasa Pilipinas na siya. Mamimiss niyang kasa-kasama ang kaniyang nobyo. Sa ilang buwan ng kanilang relasyon ay napatunayan nito sa kaniya kung gaano siya nito kamahal. Napaka-maasikaso nito at maalalahanin, ilang sa mga traits nito na nagustuhan niya rito. Saglit pa silang nag-stay sa restaurant para pababain ang kanilang mga kinain. Nauna nang umalis ang grupo nina Edward kanina at nagpaalam na ang mga itong mamamasyal din muna. Mamaya pa namang gabi gaganapin ang padespidida sa kaniya. Mahaba pa ang oras. Nang magyaya nang umalis si Adriano ay sabay na silang naupo at tinahak ang daan palabas ng restaurant na iyon sa hotel na kanilang tinutuluyan. Saktong paglabas nila ay may dumaang taxi na agad naman nilang pinara. Ipinagbukas siya ng pintuan ni Adriano at pinasakay saka ito umikot para makasakay sa kabilang banda ng sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD