Chapter 13: Gifts

1019 Words
Simula noong gabing hiningi ni Adriano ang kaniyang numero na hindi naman niya ibinigay ay hindi na muli itong nagtangkang kulitin pa si Sandra. Subalit patuloy pa rin ito sa pagbibigay sa kaniya ng mga pagkain gaya ng araw na iyon, isang paper bag ang naabutan niyang nasa ibabaw ng kama niya. May note siyang nakita roon. Don't skip your meal. -Adriano. As if naman, eh sagana sila sa pagkain doon sa barko. Sinilip niya kung anong laman ng paper bag at nakita niyang may dalawang plastic container doon at isang softdrinks in can. Nang buklatin niya kung anong pagkain ang nakalagay roon sa plastic container ay isang beef dish iyon, sa isa ay kaunting rice na may butterscotch na kasama para siguro panghimagas. Kompletos rekados ika nga. Napangiti siya. Kaya kahit pa kumain naman na siya kanina sa mess ay sinubukan niyang kainin ang pagkaing natitiyak niyang si Adriano ang nagpadala niyon sa kaniya. Nakakailang subo pa lang siya nang tumunog ang kaniyang cellphone. Ang baklang si Edward iyon. Minsan ay natitiyempuhan nilang may signal kahit nasa gitna sila ng karagatan. Na bibihira namang mangyari. Naisip tuloy niyang tumawag sa Pilipinas mamaya pagkatapos niyang kumain. Sinimulan na niyang basahin ang chat sa kaniya ng kaibigan. Hoy, kainin mo daw iyang beef braciole na niluto pa ng papa mo para lang sa 'yo! Patikim ako ha. Tumaas ang kilay niya. Lukaret talaga ang kaibigan niya, kailan ko pa naging 'papa' si Adriano? Nagsimula siyang tumipa ng ire-reply niya sa kaniyang kaibigan. Yup, kinakain ko na. Mauubos ko na nga e! Lukaret, hindi ko papa iyon 'no? Baka 'papa mo'. Pagbibiro niya sa kaibigan sa chat. Hindi niya inaasahan ang sumunod na reply nito sa kaniya. Binigay ko ang number mo sa kaniya. Napatayo tuloy sa kaniyang kinauupuan si Sandra. Ang talipandas! Joke lang. Hehehehe Sandali siyang kumalma, Humanda ka sa aking bakla ka! sabi niya sa kaniyang isip. Muli ay narinig niyang tumunog ang kaniyang cell phone. May sinend na photo si Edward. Muntik na niyang mabitawan iyon nang ang guwapong mukha ni Adriano ang bumungad sa kaniya. Puwede mong i-wallpaper. Promise, 'di ko aagawin. Minabuti niyang huwag nang replyan pa ito. Tinapos na lang niya ang kaniyang pagkain. Itutuloy na niya ang pagpapahinga niya at mamaya ay kailangan na muli niyang bumalik sa kaniyang pag-duty. Naalala niyang tatawagan nga pala niya ang kaniyang pamilya sa Pilipinas. Minsan lang kasi sila makaranas na malakas ang signal habang nasa barko. Tiyak niyang gising na ang tatawagan niya roon. Mag-aala-una na sa relo niya kaya lampas ala-sais na ngayon doon sa Pilipinas. Naka-apat na ring pa bago iyon sinagot ng kaniyang kapatid na si Juvy. "Hello, Juvy? Kamusta na kayo diyan?" bungad niyang tanong sa kaniyang kapatid nang sagutin nito ang kaniyang overseas call. "Hello? Ate?" "Hello, anak? Kamusta ka na?" narinig niya ang boses ng kaniyang ina marahil ay iniabot na rito ng kaniyang kapatid ang telepono. "Okay lang po ako, Inay. Maigi at may signal ho dito sa kinaroroonan namin ngayon kaya sinubukan ko po kayong kamustahin diyan." "Maayos naman kami dito, anak. Kakaalis lang ng iyong ama at pumasada na. Si Lorenz kanina pa rin nakapasok sa eskuwelahan. Mamaya pa naman 9 AM ang alis nitong si Juvy, mabuti at napatawag ka." Nagpatuloy ang kanilang kamustahan at kuwentuhan na mag-iina hanggang sa napatingin siya sa kaniyang relo, bente minutos bago matapos ang kaniyang break time. "Ayy, oo nga pala anak. Kinakumusta ka ng iyong kaibigang si Cheska noong maksabay ko siya sa Palengke noong nakaraan. Tawagan mo iyon anak, pag may oras ka na ulit." "Opo, Inay. Sige na po, tatawag na lang po ulit ako sa inyo sa katapusan ha. Malapit naman na po iyon." "Sige anak, palagi kang mag-iingat diyan. Kaawan ka ng Diyos. Ba-bye, anak." sabi ni Aling Martha. "Kayo din po, Inay. Pakisabi na lang po sa Tatay na tuwag po ako. Juvy, mag-aaral kang mabuti ha. Magtapos na muna ng pag-aaral." Iyon lang at pinutol na niya ang tawag. Bumangon na siya sa kaniyang pagkakahiga. Naghanda na si Sandra sa pagbalik sa sa pagduty. Sinipat niya saglit ang kaniyang hitsura sa salamin doon. Saka lumabas na ng silid. Mayamaya pa ay lulan na siya ng elevator na maghahatid sa deck ng mess. Inayos niya ang kaniyang name tag na tumabingi. Pumasok na siya roon, dumiretso siya sa pantry. Inisa-isa niyang tsinek ang mga food tray na naroon. Kinuha niya ang mga wala ng laman at inilagay iyon sa trolley. Dadalhin niya iyon sa galley para palitan ng mga may laman mamaya sa oras naman ng dinner. Tumulong na din siya sa paghahakot ng mga naiwan pang mga kubyertos ng mga kumain kanina na nasa table pa ang ilan. Isa-isa rin niyang nilagay ang mga iyon sa kaniyang tulak-tulak na trolley. Matapos punasan ang table ay ini-spray-an niya iyon ng disinfectant. Tsinek din niya ang mga trash bins, pinalitan na niya ng mga bagong trash bags iyong mga puno na. Pagkatapos ay naglampo siya ng sahig sa mess crew. Makalipas ang ilang oras ay nakaramdam na siya ng pagod. Umupo siya sa upuang malapit sa kaniyang puwesto. Nang biglang lumitaw sa harapan niya si Edward. "Pagod? Here, take this. Pabaon na naman ng jowa, este ng manliligaw mo." Sabay abot nito sa kaniya ng isang bottled cold drinks. "Napaka-sweet aba, sagutin mo na." Tudyo pa nito. "Tigilan mo ako, pagod ako." Kunwari ay aambahan niya ng bote ng drinks na hawak niya. "Anyway, salamat." "Bakit ka sakin nagpapasalamat, aber? Sinabi ko namang galing iyan kay Papa Adriano. Doon ka dapat magpasalamat sa pobre. Mananaba ka na niyan, gaga. Panay pagkain binibigay sa 'yo e." Natatawa pang hirit nito. Pinukol niya lang ito ng matalim na tingin saka ito tatawa-tawang tinalikuran na siya. "Diyan ka nga, napaka-KJ mo talaga! Kaya hindi ka magka-jowa." Gaya ng dati ay hinayaan na lang niya ito dahil paulit-ulit na lang ito ng sinasabi sa kaniya kapag pagbo-boyfriend na niya ang usapan. She just rolled her eye-balls, pagod si Sandra kung kaya't hindi na siya nakipagtalo pa sa bakla. Tumayo na siya at sabay na silang bumalik sa mess crew.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD