Nagmamadali si Adriano pagpasok sa kanilang coffee shop nang mabangga siya sa isang babaeng palabas naman sa pintuan. Dahil sa kaniyang pagmamadali ay hindi niya agad iyon napansin. Agad naman siyang humingi ng paumanhin sa babae na saglit lang siyang tinapunan nito nang tingin at tumango saka nagpatuloy na muli sa paglabas kasabay ng kasama nitong lalaki.
Tumuloy na siya pagpunta sa counter at agad na tinanong ang kahera ng kanilang coffee shop na si Trixie.
“Where’s mom? I can’t reach her phone.”
“She just left a while ago, Sir. She’s in a hurry. She told me she’s meeting with her amiga’s.” sagot naman sa kaniya ni Trixie.
Natampal ni Adriano ang kaniyang noo. “Oh no, did she really forgot that today is my boarding in the ship?” Kausap niya sa kaniyang sarili.
Kinuha niya ang kaniyang cellphone na nasa bulsa ng kaniya pantalon. Muli niyang sinubukang tawagan ang numero ng kaniyang ina. Napausal siya ng pasasalamat ng mag-ring iyon. Makalipas ang ilang sandali ay narinig na niya ang boses ng kaniyang ina sa kabilang linya.
“Hello, hijo.” Bungad ng kaniyang ina.
“Mom, where are you? I’m going to board the ship later. Did you really forgot?” Sunod-sunod na tanong ni Adriano sa ina.
“Oh my! I’m so sorry son, I forgot about it.” Hinging paumanhin ng kaniyang ina. “Forgive this old lady, hijo. Where are you now? I’m going home right away.”
Nagpaalam na ito sa kaniya sa kabilang linya. Nilingon niya sa Trixie at nagpaalam na ritong aalis na. Agad siyang sumakay ng kaniyang kotse at minaniobra na pauwi sa bahay nila. Maya-maya pa ay tinatahak na niya ang kahabaan ng St. Marks Square pauwi sa bahay nila na matatagpuan sa Palermo, Sicily ilang minuto ang layo sa St. Peter's Basilica.
Hindi niya inaasahan na mas mapapaaga ang pag-board niya sa barko kaya naman gusto niyang bago siya muling umalis ay makasalo niya sa hapunan ang kaniyang mga magulang at mga kapatid. Bibilang muli ng isa o dalawang taon bago niya makita ang mga ito. Ganoon katagal siya kung mawala tuwing sasampa siya ng barko. Isa siyang chef sa barko, kaya naman hindi basta-basta na napagbibigyan na makapagbakasyon.
Na-assign siya sa bagong barko kung kaya’t matatagalan pa ang muling pag-uwi niya. Kanina ay tinawagan na siya ng opisina ng agency niya para ipaalam na nakadaong na sa Venice Port ang barko na magiging panibagong tahanan niya sa mga susunod na buwan. Bukas ang kaniyang pagsampa roon.
Sinipat niya ang kaniyang suot na orasan, nang makita niyang alas singko na nang hapon ay naisipan niyang tawagan ang kaniyang bunsong kapatid na si Celine. Dadaanan na niya ito sa school nito since along the way lang din naman ang lokasyon ng school sa daan pauwi sa kanila. Graduating na ito sa kurso nitong Fashion Design sa isang pamosong unibersidad sa Italy. Sa kanilang tatlong magkakapatid ay bukod-tanging siya lamang ang sumunod sa yapak ng pamilya Barreca na panay Culinary Arts ang mga natapos. Katunayan ay mayroong sariling Culinary School ang kanilang pamilya, na ang great grandfather niya sa father side ang siyang founder. Doon siya nakapagtapos ng kursong Culinary Arts.
Narinig niya ang pag-ring ng cell phone Celine. Matapos ang dalawang ring ay agad naman nitong sinagot iyon.
“Hey, Fratello. Dove sei?” kapagkuwan ay sagot nito, tinatanong kung nasaan siya.
“Sto venendo a prenderti.” Sagot niya na ang ibig niyang sabihin ay papunta na siya para sunduin niya ito.
“Va bene.” saka nito ibinaba ang tawag.
Nagpatuloy siya sa pagmamaneho. Makalipas ang ilang minuto ay nasa tapat na siya ng Milan Fashion Campus Fashion Institute, ang school ng kaniyang kapatid. Namataan niya itong naghihintay sa kaniya sa waiting area malapit sa gate ng school nito.
“Salta dentro.” Agad na pagpapasakay ni Adriano sa kapatid. Nang masigurong komportable na ito sa pagkakaupo nito katabi niya sa front seat ay saka niya pinaandar na muli ang kaniyang sasakyan. Mayamaya pa ay tinatahak na nila ang daan pauwi sa kanilang mansiyon.
Marurunong naman silang mag-Tagalog at Ingles na magkakapatid dahil hindi pumayag ang kanilang ina na hindi matutunan ang wikang Tagalog subalit kapag nasa Italy siya ay mas madalas na sa Italyano sila mag-usap. Malapit ang loob niya sa dalawa niyang kapatid kahit pa nag-iisang lalaki lang siya at siya pang panganay sa mga ito. Ang sumunod sa kaniya na si Venice, na isang flight attendant ay kasalukuyan ring nasa bakasyon nito kaya nasa bahay rin nila ito ngayon. Napagkasunduan nila na kapag bakasyon niya sa trabaho sa barko ay sasabay ito ng pagbabakasyon para sa ganoon ay nakukumpleto ang kanilang pamilya kahit pa pare-pareho silang abala sa kani-kanilang trabaho.
Ang kaniyang ama, bagaman malakas pa ay siya pa ring namamahala sa kanilang mga negosyo. Isa na roon ang kanilang coffee shop. Ganoon din ang kanilang Culinary School na kung saan ito na ngayon ang director doon. Ito ang kasalukuyang namamahala roon. Hindi niya gusto na doon magtrabaho, mas nais niyang sa barko kung saan isa siya sa mga chef. Mas nakakapag-explore siya sa pagluluto ng mga dishes doon kaysa sa culinary school nila. Nabo-bore siya kaya naman nang magkaroon siya ng pagkakataon na magtrabaho noon sa barko ay nagpaalam agad siya sa mga magulang na sa una ay kontra sa kagustuhan niya subalit kalaunan ay napapayag rin niya.
May ilan taon na rin siya sa barko nagta-trabaho. Subalit ngayon pa lang siya madedestino sa iba. Kaya naman pagsampa niya roon ay panibago muling pakikisama. Excited siya na kinakabahan. Excited dahil magagamit na naman niyang muli ang kaniyang skills sa pagluluto ng iba’t ibang putahe. Kabado dahil ngayon lang niya makakasalamuha ang mga taong makakasama niya roon sa barko. Subalit confident naman siya sa kaniyang sarili dahil na rin siguro sa tagal na niyang nakakahalubilo ang iba’t ibang lahi sa klase ng kaniyang trabaho. Siya yata si Adriano Barreca, ang hari ng kusina.
Narating nila ang kanilang mansion. Nagpatiuna na siyang bumaba ng kotse para mapagbuksan niya ng pinto ang kaniyang kapatid. Sabay na silang pumasok sa kabahayan. Agad naman silang sinalubong ng kanilang ina na halatang kararating lang din nito.
"Your father will arrive soon." sabi nito sa kanila nang makalapit na ito. "Son, is there anything that you need? Did you pack your luggage already?" kapagkuwan ay bumaling ito sa kaniya.
"Yes, mom. I already did. Everything's okay. Wala ng kulang, so don't worry. All I want is just to have dinner with you guys before I board the ship later." sagot ni Adraino sa ina.
"Good." Saka sila inakay na nito papasok sa kabahayan, habang hinihintay nila ang pagdating ng kanilang padre de familia.