Pagkalabas niya ng Banco d’Italia na matatagpuan sa pusod ng St. Mark’s Square ay agad siyang hinila ni Edward papunta sa isang coffee shop na nadaanan nila. Pagpasok nila sa nasabing coffee shop ay namangha siya sa ganda ng ambiance noon. Umorder sila ng tig-isang cappuccino at tig-isang slice ng cake.
Habang hinintay nila ang kanilang order ay may dumating na isang ginang. Hinuha niya ay kasing-edad ito ng kaniyang ina. Dangan nga lang at posturang postura ang hitsura nito pero mukhang mabait. Napagawi ang paningin nito sa kanila ni Edward.
Kinausap nito ang kahera ng coffee shop na parang may binibilin roon. Kapagkuwan ay palabas na ulit ito ng shop nang tumigil ito malapit sa table na kinaroonan nila.
“I pressume, you’re both a Filipino?” ang bati sa kanila ng ginang. Nagkatinginan sila ni Edward. Ito na ang sumagot para sa kanilang dalawa.
“Yes, Madame. We are both Filipino. Are you also?” magalang na sagot ng kaniyang kaibigan.
Nasisiyahan namang tumango ang butihing ginang sa tinuran ng kaniyang kaibigan. “Yes, I am. Please enjoy here in our coffee shop.” Minuwestra pa nito ang mga kamay sa kanila.
Napasinghap naman si Sandra nang malamang pagmamay-ari pala nito ang coffee shop na iyon at isa pala itong Pilipino. Hindi na nila namalayan na nakipagkuwentuhan pa sa kanila ang ginang sa tuwa nang malamang magkababayan pala sila.
Noon dumating ang inorder nila ni Edward. Nanunuot sa ilong niya ang aroma ng kape. At lalo pa siyang namangha nang matikman na niya iyon.
“Hmmm… This tastes good!” tumatangu-tango pa niyang sabi kay Edward at sa ginang na nakaupo na rin sa silya sa table nila. Hindi siya exaggerated nang sabihin iyon dahil talaga namang napakasarap ng kapeng iyon, pati ang cake nila napaka-soft at tamang-tama lang ang tamis. Panay ang kuha niya, she can’t resist its delicious taste.
Mukhang satisfied naman ang ginang na siya palang may-ari ng coffee shop na iyon. Ayon pa dito, sa asawa daw nitong Italyano ang coffee shop na iyon. Gaya niya ay na-love at first taste din daw ang ginang nang una nitong matikman ang kapeng mismong ang asawa nito ang nagtimpla. Nakangiti itong binalingan siya.
“So, what brings you two here? Dito ba kayo nagtatrabaho sa Italy?”
“No, no, Madame. I’m afraid that we are not.” Ang umiiling-iling pang sagot ni Edward. “Actually, we just dropped by here in Italy. Bukas po ang sampa namin pabalik sa barko. Doon po kami nagta-trabaho.” Dagdag pang sabi Edward.
Dahil sa sinabing iyon ng kaibigan ay ang ginang naman ang napasinghap. “My, oh my… Really? So you are both a seafarer eh? My son also works in a cruiseship. He’s a 2nd cook there.” May pagmamalaki sa boses ng ginang nang ibahagi iyon sa kanila.
“Wow, that’s nice Madame! I hope we can work with him in the future po.” Ang sabi ni Edward. Tahimik at pangiti-ngiti lang namang nakikinig si Sandra sa dalawa. Nang balingan siya ng ginang ay kiming nginitian niya ito.
“You’re beautiful, hija. What’s your name?” tanong nito sa kaniya na ikinasamid niya.
“Sandra… My name is Sandra Velasco.” Nauutal pa niyang sagot dito. Matamis namang ngumiti ang ginang.
“It’s nice to meet you here, Sandra. I hope magkakilala kayo ng anak kong si Adriano.” Hindi siya nakaimik sa sinabi nito. Patuloy lang siyang nakinig sa naging huntahan pa nito at ng baklang si Edward. Maya-maya ay nagpaalam na ito sa kanila at may pupuntahan pa raw ang ginang.
“Enjoy your brief stay here in Venice. Vivi alla giornata!
Arrivederci!” paalam pa ng ginang sa kanila habang kumakaway ito bago lumabas ng coffee shop nito.
“She’s a nice and very warmth person. Bigla ko tuloy na-miss ang mama ko.” Biglang sabi ni Edward sa kaniya nang makaalis na ang ginang.
“Yeah… ganito pala pakiramdam kapag nakaka-encounter tayo ng mabait na kababayan natin ano?”
“Yeah.” Ang tanging naisagot ni Edward.
Napatingin siya sa suot na wristwatch. 5PM na pala.
“Hindi ba natin hahanapin kung nasaan sina Cindy?” mayamaya ay tanong niya rito na agad namang nagpabalik sa kalog na si Edward.
“Ayy, oo nga! Tara na, bruha! Tiyak na nasa bar lang ang mga hitad diyan sa gedli!” ang pakengkoy pang sagot nito. Nauna na itong tumayo sa kaniya. Makalipas ang ilang sandali ay tinatahak na nila ang palabas sa coffee shop na iyon. Malapit na sila sa may pintuan nang biglang may nakabangga siyang isang lalaki.
“Spiacente,” nagmamadaling hinging paumanhin nito sa kaniya. Saglit lang naman ito tinapunan ng tingin ni Sandra saka tinanguan. Tinuloy na lang nila ang paglabas ni Edward sa coffee shop na iyon. Higit na maganda sa Piazza San Marco o mas kilala bilang St. Mark’s Square kapag ganitong pagabi na dahil nailalawan na ito ng iba’t ibang kulay. Inilibot niya ang kaniyang mga mata sa buong paligid. “Wow!” ang tanging nasambit ni Sandra. “Hoy, itikom mo iyang bibig mo at baka mapasukan ng langaw!” biro sa kaniya ni Edward. “Heh! Marunong lang po talaga akong mag-appreciate ng kagandahan ng paligid. Edward, this is so magnificent in my eyes!” sabi pa ni Sandra, larawan ng pagkamangha ang kaniyang hitsura. “Let’s go!” yakag pa sa kaniya ni Edward. Masaya na nilang tinahak ang daan patungo sa kalye ng Piazzara San Marco. Tanaw na tanaw nila ang St. Mark’s Basilica. Bago nila hanapin kung saan naroroon ang iba pa nilang mga kaibigan ay niyaya pa niya ang bakla na magpicture sila na ang background ay yaong pamosong St. Mark’s Basilica. Nais niya iyong i-upload sa kaniyang FaceApp bilang isang souvenir. Matapos ang ilang pag-pose at makunan ng larawan ni Edward ay tinuloy na nila ang paghahanap kina Cindy. Sinubukang tawagan ni Edward ang numero nito subalit hindi niyon sinasagot. Nagpatuloy silang dalawa sa paglalakad. Hanggang sa mapadpad sila sa The Irish Pub Venezia, sabay na silang pumasok doon. Maya-maya ay natanaw na nila ang kanilang mga kasamahan. KInawayan sila ni Cindy at niyaya na maupo na roon sa table ng mga ito. Halata sa mga hitsura nito na mga nakainom na ang mga ito. Madalas ganito ang kaniyang mga kasama kada dadaong ang kanilang barko. Di pa man sila nakakaupong dalawa ni Edward ay inabutan na agad sila ng kopita ng wine. Tinanggap niya iyon ngunit hindi niya agad iyon ininom. Iginala niya ang kaniyang paningin sa loob ng bar. Lahat ay nagkakasiyahan na roon, nang lingunin niya ang baklitang si Edward ay may kinakalantari na ito agad na isang lalaki. Napakabilis talaga ng gaga! Napapailing na sabi niya sa sarili habang nakangiti. Iyon lang at kaniya nang nilagok ang wine sa hawak niyang kopita. Ramdam niya ang hagod ng alak sa lalamunan niya. Nang bigla siyang yayain nina Cindy para sumayaw sa dance floor. Hindi na siya nagpakipot pa, dahil na rin sa epekto siguro ng wine na nainom niya ay nawala ang hiya niya sa katawan. Hindi na namalayan ni Sandra kung gaano katagal na silang umiindak doon sa dance floor kasama nina Cindy. Hindi na niya marinig ang sinasabi ng mga ito sa sobrang lakas ng tugtog na nagmumula sa stage ng bar. Nang makaramdam ng pagod ay tumungo siya sa bar saka muling humingi ng isa pang baso ng wine. “Hey! Bruh, baka gumapang ka mamaya pagbalik natin ng Silversea.” Untag sa kaniya ni Edward, kasama nito ang boylet nito ngayong gabi habang nakaabrisyete pa ang mga braso nito sa lalaki. “Oh, no! Nakakadalawang baso pa lang ako, no? Don’t worry about me. Enjoy!” taboy niya sa kaibigan. Hanggang sa lumalim na ang gabi, hindi alam ni Sandra kung paano siya nakabalik sa barko nila. Nagising na lang siya kinabukasan na sobrang sakit ng ulo niya. Dahan-dahan siyang bumangon dahil mahimbing pang natutulog sina Cindy sa kabilang kama na naroon. Agad siyang tumungo sa CR na naroon, saka naghilamos. Paglabas niya ng CR ay tinungo niya ang kanilang mini ref doon saka kumuha ng isang bottled water doon. Nilagok niya ang laman niyon. Nakatulong iyon para maginhawahan ang kaniyang pakiramdam. Sinipat niya ang suot na relo, nakita niyang alas kuwatro na ng madaling araw. Kailangan niyang piliting makatulog pa. May tatlong oras pa siya bago abalahing muli ang sarili. Tiyak na busy silang lahat mamaya dahil sa preparasyon para sa gaganaping crew party na gaganapin mamayang gabi doon sa barko. Nilagay niya sa trash bin ang plastic bottle nang maubos niya ang lamang tubig niyon. Saka siya bumalik sa pagkakahiga sa kaniyang kama.