Alas otso pa lamang ng gabi ay ramdam na ni Sandra ang matinding pagod ng kaniyang katawan. Hindi na niya mabilang kung makailang beses na siyang nagpabalik-balik sa pag-iikot roon sa mess crew para sa pag-eestima ng mga tao na nakikisaya sa ginaganap na crew party ng mga oras na iyon.
Papunta siya sa kitchen noon para ihatid ang mga utensils na ginamit ng mga kumain sa mess. Hila-hila niya ang trolley nang mapansin niyang may isang lalaking sunod nang sunod sa kaniya. Nilingon niya ito. Napakunot-noo siya dahil hindi niya mamukhaan ito, malamang ay sa ito sa mga bagong dumating sa barko nila kagabi mula sa Italy. Akmang tatarayan niya sana ito nang magsalita ito.
“Ciao!” sabi ng lalaking Chef, nahinuha niyang may Italian blood ito base sa hitsura nito. “What’s your name?” in his very thick Italian accent.
Dahil likas na kay Sandra ang may pagkasuplada, itinuro lamang niya ang name plate na nakakabit sa banda dibdib kaniyang uniporme. Ayaw niyang makipag-closed doon sa lalaki, hindi niya pa ito ganoon kakilala dahil bagong assign lang yata ito doon.
“Sandra, ah! Italian name which means , ‘you are beautiful’.” Sabi pa ng estrangherong lalaki.
Lalampasan na sana ulit ito ni Sandra nang ilahad naman nito ang mga kamay sa kaniya. "I'm Adriano. Nice to meet you, Sandra." Nagdalawang isip pa muna ang dalaga kung tatanggapin niya ang pakikipagkamay nito sa kaniya dahil marami pa siyang gagawin. Agad siyang nakipagkamay dito para matapos na ang pangungulit ng lalaking ito sa kaniya subalit hindi naman agad nito binitiwan ang kamay niya sa gulat ng dalaga.
"Come, join us. I'm sure, you haven't eaten your dinner." Itinuro nito ang kinaroroonan nina Chef David na kasalukuyang kumakain kasama ng ibang staff doon sa galley. Nang sulyapan niya ang mga ito ay mga kumakaway na rin doon sa gawi nila para yayain siyang makisalo doon sa kanila.
"Fine." Padabog siyang sumunod sa lalaking nagpakilala sa kaniya bilang 'Adriano'.
"Sandra, hija, have a seat. Just dig in." sabi sa kaniya ni Chef David. Agad namang dumulog roon ang dalaga hindi na siya nagpakipot pa dahil nakakaramdam na rin siya ng gutom nang mga oras na iyon at marami pa silang dapat hakutin.
"Thank you, Chef." nakangiting sabi ni Sandra sa kanilang head chef roon.
"Here, take this." Sabad naman ni Adriano na inaabutan siya ng platong may pagkain. Tinanguan lang ito ni Sandra kahit pa naiilang s'ya sa guesture nito.
"Did you know each other already?" usisa ng isang staff sa kanilang dalawa ni Adriano.
"No."
"Yes."
Magkapanabayang sagot ng dalawa na ikinatawa naman ng mga kasalo nila sa pagkain.
"I don't know him." sabi ni Sandra na hindi tinitingnan ang binatang si Adriano. Ewan niya subalit naiilang siya sa presensiya nito.
"But I already introduced myself to you earlier, eh." sabi pa nito na hindi maitago ang puntong Italiano sa pagsasalita.
"Well, hija. Si Adriano nga pala ang bagong chef natin dito sa barko." narinig niyang pagpapakilala ni Chef David kay Adriano sa kaniya. "And Adriano, this is Sandra Velasco. Our beautiful buffet attendant here."
"Nice to meet you, Sandra." ulit pa ni Adriano, this time hindi na inabot ni Sandra ang pakikipagkamay nito.
Nakantiyawan tuloy ang binata ng ibang kasamahan nila na naroon. "Man, you're too fast! Nahihiya tuloy sa 'yo si Sandra." Muli ay nagtawanan ang mga ito subalit agad din namang mga nagsitahimik nang pukulin niya ng matatalim na tingin ang mga ito. Notorious siya sa pagiging suplada doon sa barko. Hindi iilang beses na may nagtangkang ligawan siya roon subalit wala ni isa man sa mga ito ang inentertain niya. Bukod sa wala siyang natitipuhan sa mga ito ay wala siyang oras para doon.
"Bro, ingat ka lang. Suplada masyado ang babaeng iyan. Wala pa kahit sino sa amin ang nakasungkit sa pihikang puso ni Sandra." sabi ni Jake, isa ring chef roon. Filipino rin ito gaya niya. Nang mapakunot-noo si Sandra nang mapansing nag-tagalog si Jake nang sabihin iyon kay Adriano.
"Do you know how to speak Tagalog? I thought, you're an Italian." Huli na nang marealized ni Sandra ang kaniyang tanong. Napamulagat naman ang ibang naroon dahil nag-abala pa siyang alamin ang bagay na iyon na bago para sa kanila. Mas sanay kasi sila na walang pakialam ang dalaga dahil nga sobrang suplada nito.
"Ahm, yes. I'm a half Filipino, half Italian. So I do understand and speak Filipino sometimes." pagpapaliwanag naman ni Adriano.
Tango lang ang naging tugon ni Sandra. Hindi na siya nag-abala muling ibuka ang kaniyang bibig dahil baka kung ano na namang maisipan niyang sabihin ay mabigyan pa iyon ng ibang pakahulugan ng mga kasama niya. Ipinagpatuloy niya ang kaniyang pagkain. Nang bigla siyang masamid, agad naman siyang inabutan ng tubig ni Adriano. Napilitan iyong tanggapin ng dalaga.
"Thank you." nahihiyang sabi ni Sandra.
"Drink this."
Na siya namang ginawa ni Sandra. Halos maubos niya ang lamang tubig ng basong ibinigay ni Adriano sa kaniya. Nang dahil sa pagkakasamid ay nawalan na tuloy sya ng ganang kumain kung kaya't nagpaalam na siya sa mga naroon. Sinipat niya ang kaniyang relo at mag-aalas nuwebe na sabi roon. Masyado na siyang natagalan tiyak na hinahanap na siya ng mga kapuwa niya buffet attendant. Dali-dali niyang pinuntahan ang naiwan niyang trolley kanina. Akmang tatanggalin niya ang mga utensils doon para ilagay sa sink nang muntik na niyang mabitawan ang mga iyon dahil nahawakan siya ni Adriano na akmang tutulungan siya.
"Sorry, did i scare you?" nag-aalalang tanong nito sa kaniya.
"N-no. Why are you here?!" mataray niyang tanong dito nang makabawi na siya sa pagkagulat.
"I just want to help you." sagot naman nito sa kaniya.
"You don't have to. Go back there. Just leave me alone!" medyo napataas na ang boses ni Sandra nang sabihin iyon. Akala niya ay iiwan na siya ng binata roon subalit para namang walang narinig ito at itinuloy lang ang ginagawang pagtulong sa kaniya. Hinayaan na lang ito ni Sandra. Nang matapos sila pagsasalansan ay dire-diretsong hinila na palabas ni Sandra ang kaniyang trolley papunta sa mess crew. Hindi na niya nagawa pang magpasalamat kay Adriano at walang lingon-lingong lumabas na ng galley. Hindi maintindihan ng dalaga kung bakit parang nakuryente siya kaniya nang aksidenteng mahawakan nito ang kaniyang kamay kaya ganoon na lang ang pagkakapitlga niya at muntik pang mabitawan ang kaniyang hawak. Hanggang sa makaalis na siya roon ay ramdam pa rin niya ang lakas ng pintig ng kaniyang puso na lalo pang bumilis nang biglang lumitaw sa harap niya ang baklang si Edward.
"Hoy!" tawag-pansin nito sa kaniya. "Ano at ganiyan ang histura mo? Para kang hinahabol ng multo ah!" Nakangiti naman iyon nang sabihin iyon subalit mababakas ang pag-aalala sa kaniya.
"N-nothing." sagot niya.
"Are you sure? Saan ka ba galing, kanina pa kita hinahanap ah." usisa pa ni Edward sa kaniya.
"Sa galley. Oh, tara na. Marami pa tayong iimisin doon." nguso niya sa may mess crew kung saan naiawan ang mga kubyertos na ginamit ng mga taong kumain roon. Hindi naman na nagreklamo pa si Edward at nagpatianod na sa kaniya papunta sa mga table kung saan naagkalat ang mga imisin nila. Isa-isa nilang sinalansan ang mga iyon at saka inilagay sa may trolley para ihatid muli roon sa galley. Bahala na ang mga dishwasher na naka-assign doon mamaya.