May isang linggo na mula nang makabalik sila sa kanilang trabaho sa barko matapos ang kanilang two-day staycation sa Santorini. Isang linggo na rin mula nang pormal na maging magkasintahan sina Sandra at Adriano. Just like the ordinary couples, naging masaya ang pagiging magkasintahan nilang dalawa sa loob ng isang linggo. Animo mga honeymooners daw sabi ng kanilang mga kasamahan sa trabaho. Kung noon ay sweet na talaga sa kaniya si Adriano, dumoble pa ito ngayon. Sa mga araw na lumipas masasabing si Sandra na ang pinakamasayang babae sa mundo.
Walang puwang para sa insecurities ang kaniyang pakiramdam. Secured na secured siya sa pagmamahal na ibinubuhos sa kaniya ng kaniyang nobyo. Kahit gaano ka-busy nilang pareho sa kani-kanilang trabaho ay nakapaglalaan pa rin sila ng oras para sa isa't-isa.
Hindi man maulit ang maiinit nilang tagpo na kanilang pinagsaluhan sa Santorini dahil nga sa kaabalahan nila parehas sa trabaho. Sinisiguro naman ni Adriano na maiparating sa kaniya ang pagmamahal nito. Patuloy pa rin ito sa pagsupply sa kaniya araw-araw ng kung anu-anong pagkain. Hindi pumapalya ang panonorpresa nito sa kaniya.
Aware si Sandra na kinaiinggitan na siya ng ibang babaeng kasamahan nila doon sa barko. Masyado na raw mahaba kaniyang buhok at dapat na iyong putulan. Tinatawanan niya lamang iyon.
"Hindi ka lang inlove ghorl, baliw ka na rin yata. Tumatawa ka ng mag-isa. Malala na lagay mo." Buska sa kaniya ni Edward, nasa galley sila parehas nang araw na iyon. Naglalagay siya ng mga pagkain na ilalagay sa pantry nang bigla siya mapatigil dahil naisip niya ang kaniyang boyfriend. Hindi niya namalayan na nakita pala ni Edward ang kaniyang pagngiti kaya naman kuta-kutakot na pang-aalaska na naman ang kaniyang inabot dito ngayon.
"Heh! ako na naman ang nakita mo." Saway niya sa kaibigan.
"Ano ka ba, nagsasabi lang ako ng totoo. Parang mapupunit ang labi mo sa pagkakangisi mo diyan e! May nakakatawa ba sa pagkain?" Duro nito sa hawak niyang tray. Siyempre inaasar lang siya nito.
Nginitian niya lang ito. Hindi na niya pinansin dahil sigurado siyang hindi siya titigilan ng mga ito.
Napailing na lang sa kaniya si Edward. "Malala na talaga 'to." Narinig pa niyang sabi nito habang tinalikuran na siya. Sinipat niya ang suot na relo. Isang oras pa bago ang kaniyang break time. May usapan sila ng kaniyang nobyo na magkikita sila sa roof deck at doon sabay magla-lunch pagkatapos ng kaniyang trabaho sa mess. Dali-dali siyang kumilos para matapos na ang kaniyang ginagawa doon.
Naging abala si Sandra sa mga sumunod na sandali. Lalo na nang magsimulang magdagsaan ang pagdating ng mga taong kumakain sa mess crew. Kinse mintuos bago ang kaniyang break time. Hinubad na niya ang suot na apron. Nagpaalam na siya sa kaniyang kasama na sasaglit lang muna siya sa banyo. Ang totoo ay para lamang masipat niya kung maayos pa ang kaniyang hitsura. Baka kasi tumatagktak na ang kaniyang pawis o lusaw na ang suot niyang make up gayong malamig naman doon at naka-aircon sila sa loob ng mess crew.
Saglit siyang naghilamos ng mukha. Mabuti na lamang at sadyang makinis ang kaniyang kutis kaya kahit hindi na siya mag-apply ng make up ay maganda na iyon. Inulit niya ang pagkakapuyod ng kaniyang buhok. Nag-apply lang siya ng kaunting liptint saka sinigurong maganda ang kaniyang postura. Tatlong minutos bago ang oras na kanilang usapan ni Adriano ay nagpasya an siyang lumabas para umakyat sa roof deck.
Wala pa roon ang kaniyang nobyo. Nauna siyang dumating doon kaya pinasya niyang tumayo muna sa railings at masdan ang mga alon roon. Nagulat pa siya nang biglang may matitipunong brasong pumulupot sa may baywang niya. Si Adriano. Ginawaran siya nito ng mumunting halik sa kaniyang batok dahilan para magtayuan ang mga balahibo niya.
"I missed you..." paanas na bulong ni Adriano mula sa batok niya.
Pumihit na siya paharap dito. "Me, too."
"Did you wait long?" nag-aalalang tanong ni Adriano sa kaniya.
"Nope, kadarating ko lang din." Nakangiting sambit niya.
"Let's go eat the foods I have brought while its warm." Yaya nito sa kaniya nagpatiuna na itong maglakad papunta sa table na nakalaan para sa kanila. Hawak kamay nilang tinungo iyon. Nakita niya ang dalawang aluminum food server na may lamang pagkain.
Matapos siyang ipaghila nito nang upuan ay umupo na rin ito sa bangkong katapat ng kaniya. Masaya nilang pinagsaluhan ang dinala nitong pagkain. Halos araw-araw ay ganoon sila palagi mag-bonding. Hindi pa nila magawang magsolo, marahil kapag nai-schedule na muli ang pagdaong ng kanilang barko gaya noong nasa Santorini sila. Mukhang okay lang naman iyon kay Adriano. Kontento silang parehas basta palagi silang nagkikita at nagkakasama kahit sa limitadong oras lang sa kanilang trabaho.
Nasa kalagitnaan na sila ng kanilang pagkain nang subukan niyang banggitin rito ang tungkol sa nalalapit na tapos ng kaniyang kontrata doon sa barko. Nais niya munang umuwi sa kanila sa Pilipinas bago siya mag-renew ulit.
Mukha namang hindi na ito nagulat nang sabihin niya kay Adriano ang tungkol doon.
"Hmmm... okay." Iyon lang ang sabi nito saka itinuloy ang masayang pagnguya nito ng pagkain na nasa bibig pa nito.
Medyo nadismaya si Sandra sa nakuha niyang sagot mula kay Adriano. Hindi na niya masyadong pinansin iyon marahil ay pareho silang pagod nito sa trabaho. Malamang ay iniisip ng binata na anytime naman ay maaari siyang bumalik doon sa barko matapos ang kaniyang pagbabakasyon sa Pilipinas.
Saglit pa silang nag-stay doon kahit nang matapos na silang kumain. Tuluyan nang nawaglit sa isipan ni Sandra ang pagtatampo sa kaniyang nobyo nang masaya na muli silang nagkukuwentuhan ni Adriano. Sinabi nitong magkita daw sila mamaya sa dinner, susunduin daw siya nito mamaya sa cabin room nila pagkatapos ng kanilang duty parehas.
Makalipas pa ang ilang sandali ay sabay na silang tumayo at saka sabay na bumaba mula roon sa roof deck. Bago sila makarating sa baba ay ginawaran pa siya nito ng isang mabilis na halik sa mga labi.
"Don't you miss 'it'?" paanas na tanong nito, alam niya kung ano ang tinutukoy nito. Isang pinong kurot sa tagiliran ang iginawad niya rito habang pinanlalakiha niya ito ng mga mata. Pilyo lang tumawa ito sa kaniya.
"Humanda ka mamaya." Iyon lang ang sinabi nito pero hindi niya masyado iyon inisip dahil imposible makapagsolo sila rito sa barko bawal kasi sa room nila gayon din sa room ng mga kasama nitong chef kaya hindi niya iyon pinansin. Kontento na siya sa mga nakaw na halik na iginagawad nito sa kaniya gaya kanina. Matapos siya nitong ihatid sa mess crew ay tumuloy na ito sa galley.
Ang mga sumunod na sandali ay naging abala nang muli si Sandra sa kaniyang trabaho at gayundin si Adriano.