Chapter 21: Aftermath

1092 Words
Kinabukasan pagkagising ni Sandra ay kuta-kutakot na pambubully ang kaniyang natanggap sa mga kaibigan lalong lalo na sa baklitang si Edward. Tinitigan siya ng bakla mula ulo hanggang paa. Puno ng malisya ang mukha nito. "Ano nga iyong dialogue mo, Cindy? Ayaw mo pang makipagsapalaran at uunahin mo kamo ang trabaho. Dahil hndi ka pa handang magka-love life." Kunwa ay binalingan pa nito ang kanilang kaibigan kahit pa nasisiguro niyang siya ang pinariringgan nito. . "Bakit, Ateng? Tinupad ko naman ah, 'di ba?" Pagsakay naman dito ni Cindy, sadya yatang pinagkakaisahan siya ng mga ito. "Ilang buwan din naman ako nagpakipot, 'di ba?" Ngising-ngisi pa ang mga ito sa pagpapalitan ng dialogue ng mga ito. "Kasi, huwag kang magsasalita ng tapos. 'Ayan, tuloy, kinapos. Kapos na kapos dahil mukhang ibinigay mo na agad ang 'Bataan'." "Mga luka-luka!" kunwari ay pagmamaktol niya pero natatawa na rin siya sa pang-aalskang ginagawa ng mga ito sa kaniya. Kilalang-kilala na talaga siya ng mga ito kaya kahit hindi siya umamin ay nahalata na agad ng mga ito sa hitsura niya. Pinandilatan lang siya ng bakla. "Ikaw ang luka-luka! Halika nga rito at nang makutusan kita, mga bente!" panenermon naman nitong bigla na animo ay biglang nagseryoso ang tono ng boses nito. Gaya ng sabi nito ay umupo siya malapit dito. Nahihiya din siya sa mga ito dahil hindi niya nagawang panindigan ang mga sinabi niya. Ganoon yata kapag bulag sa pag-ibig lalo na kung isang Chef Adriano ang pinag-uusapan. "Akala ko ba?" "Akala ko rin eh, 'di ko ma-resist." Pag-amin niya. "Akala mo..." Inirapan lang siya ni Edward. "Kaya naman pala nalingat lang kami kagabi ay pumayag ka nang maisama ka niya sa langit." "Hindi na-carry ng powers ko na magpakipot eh," katwiiran niya. "Saka ikaw naman ang nagpayo sa akin na bigyan ko siya ng chance, 'di ba?" "Aba, gagang 'to ah! Makukutusan ko nang talaga ang isang ito Cindy. Pigilan mo ako!" Kunwari ay galit-galitan ito na ikinatawa naman nang husto ni Cindy gayon din ni Katrina na nakikinig lang sa usapan nila. "Sinabi ko nga 'yon. Pero inday, hindi ko naman sinabing bigyan mo agad ng chance na maka-score agad sa 'yo si Chef Adriano ano? Hindi ka man lang nagpakipot nang husto ah." "Sorry na, baks. In love na akong talaga eh," pag-amin niya. "Iba ang 'lust' sa love ha, Inday. Sure ka na bang talaga?" Nahihiya siyang tumango sa mga ito hinihingi ang pang-unawa ng mga ito. Naiintindihan naman niya kung bakit ganoon ang reaksiyon ng mga ito. Kilala kasi siya ng mga ito na matibay ang prinsipyo noon na huwag makipagrelasyon kundangan pagdating kay Adriano ay agad agad siyang bumigay. "Hay, ano pa nga bang magagawa ko? nandiyan na iyan," sabi nito kapagkuwan. "Ano bang plano niyo ni Chef?" Natahimik si Sandra. Wala pa silang napapag-usapan tungkol doon. Si Cindy ang bumasag sa katahimikan niya. "Ano bang klaseng tanong iyan bakla? Hayaan mo na ang private life ng dalawa! Ngayon pa nga lang nakuhang lumandi ni Sandra, oh. Isa pa, ikaw din naman ang palaging nagbubuyo diyan sa ating kaibigan at kamo ay baka tumandang dalaga. Hindi ba dapat tayo ay mag-celebrate dahil finally, Sandra is normal na!" Humalakhak pa si Cindy dahilan para siya mapangiti. "'Kita mo, Ateng. Hindi mapuknat ang ngiti ni Sandra, oh. Inlababo nga! Parang mapupunit na sa sobrang pag-smile oh." Patuloy na pagtudyo nito sa kaniya bagay na lalo nilang ikinatawa. "Pero, seryoso ako, Sandra. Since malapit nang matapos ang kontrata mo, 'di ba? Anong plano mo ngayon? Alam ba ni Chef Adraino ang tungkol sa bagay na iyon?" At muli ay natahimik si Sandra. Ang totoo ay nawaglit na iyon sa isip niya siguro ay dahil palagi siyang masaya. At si Adriano ang dahilan noon. Hindi pa niya napag-iisipan ang tungkol doon. At ngayon na nabanggit na ni Edward ay naguguluhan pa siya. Hindi niya pa iyon nababanggit kay Adriano. Siguro kapag nag-usap na silang muli. Naisip niya kung nasaan na ito ngayon. Mula nang magpaalam ito kagabi pagkatapos ng mainit nilang pagniniig ay hindi pa muli sila nagkikita nito. Paano ay ang mga sermon nina Edward ang sumalubong na almusal niya kanina. "Hindi ko pa alam, hindi pa namin iyon napag-uusapan." Sa wakas ay nanulas sa kaniyang mga labi. Mukhang inaasahan na rin naman nina Edward na iyon ang kaniyang sasabihin. Nagkibit-balikt lamang ang ang mga ito. "We'll cross the bridge when we get there." Ang dagdag na sabi pa ni Sandra. Ang mga sumunod na oras ay nagyaya na ang mga itong bumaba na sila upang sabay-sabay silang mag-almusal. Ipinagpasalamat iyon ni Sandra dahil kanina pa siya kating-kati na muling makita si Adraino. Gusto niya itong makausap regarding sa nangyari sa kanila kagabi. Bigla siyang pinamulahan ng mukha nang maalala ang maiinit na tagpo na kanilang pinagsaluhan ng binata. At parang tukso pa dahil pagkababa nila ng hagdan ay sinalubong sila ng kanilang mga kasamahan isa na doon si Adriano. Nakangiti siya nitong sinalubong. "Hi, how's your sleep?" nakakaloko pa ang ngisi nito nang tanungin siya nito. "H-hi... Better." Tipid niyang sagot dito. "Ehem, Lovebirds nandito po kami, hello." Pamamagitan ni Edward sa kanila na ahalatang nang-aasar. "Ano ka ba, baks. Hayaan mo na sila at parang taon silang hindi nagkita sa paraan ng tinginan nila samantalang kagabi lang nag-chukchakan!" segunda naman ni Cindy dahilan para magtawanan silang mga naroon. "Magsi-tigil nga kayo, mga pasmado iyang bibig niyo e." Kunwari ay pagmamaktol niya sa mga ito na lalo lang ikinatawa ng mga ito. "Pikon! Edi ikaw na ang inlove na nadiligan. Sana all!" ani Edward. Hindi na lang iyon pinansin ni Sandra para matigil na ang mga ito. Hindi rin naman kasi niya maitatanggi iyon sa mga ito dahil umamin na siya sa mga ito kanina. Nagpa-akay na siya kay Adriano papunta sa table nila para doon mag-almusal. Hindi na niya pinigilan na maging extra sweet and thoughtful ang kaniyang boyfriend. Ito na ang kumuha ng kaniyang pagkain. Inignora na lang niya ang mga kilay na nagtaasan sa sweetness nilang dalawa ni Adriano. Kulang na lang ay subuan nito. Iyon ang huling araw nila sa hotel kaya nais niyang sulitin. Bukas ay back to work na naman sila ni Adriano, hindi sila maaaring maglandian sa barko. Lihim siyang napangiti sa sariling kalokohan ng isip. Eenjoyin niya muna ang araw na ito na makasama ang lalaking pinakamamahal niya. Susuklian niya ang pag-aasikasong ginagawa nito sa kaniya. Nang makatapos silang mag-almusal ay nagyaya itong mamasyal sila. Bubukod sila kina Edward para makapagsolo daw sila. At hindi naman siya tumanggi. Willing pa siyang sumama dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD