Maximillian's POV
"A-ANONG SABI MO?!"
Mabilis kong hinila si Cristel paupo rito sa aking kama matapos kong sabihin sa kanya ang plano ko.
"Pwede ba? Wag kang sumigaw, okay?" Buong diin kong wika sa kanya atsaka tinignan ang pinto ng aking kwarto. Kahit na nagtataka ay napatingin na rin si Cristel doon hanggang sa...
"Maximillian." Rinig naming wika ng isang lalake mula sa likod ng aking pinto matapos niyang kumatok ng tatlong beses.
"What's going on there?" Pinanlakihan ko ng mata si Cristel bago may ibinulong sa kanya.
"I told you to lower down your voice." Inirapan ko ito atsaka muling hinarap ang pinto.
"W-Wala! Nagulat lang si Cristel. Wag kang mag-alala, Trek, ayos lang ako."
"Okay." Tipid nitong sagot bago tuluyan ng umalis dahil hindi ko na nararamdaman ang presensiya niya sa labas ng aking pinto.
Biglang hinila ng pabiro ni Cristel ang mahaba kong buhok dahilan upang mapangiwi ako atsaka mabilis siyang hinarap.
"You're seriously out of your mind, Maxi, papatusan mo ang bago mong bodyguard?" Ang pangit naman ng term ni Cristel!
"I like him, okay? Sa dinami-raming lalakeng nakilala ko, si Trek lang ang nagustohan ko ng ganito." There you have it, I confessed everything to Cristel.
Wala akong ibang pinagsabihan nito dahil takot akong husgahan nila ako, but then Cristel is my best friend. Alam kong maiintindihan niya ako, o baka akala ko lang 'to.
"Hindi kita maintindihan." I rolled my eyes when she said that. "Maxi naman, 21 years! My ghad, 21 years and age gap ninyo, nababaliw ka na ba? Papatulan mo talaga siya? Eh parang tiyuhin mo lang 'yon." Dagdag pa niya habang nakatingin sa aking ng deretso.
Tumayo ako atsaka nagtungo sa nag-iisa kong study table dito atsaka kinuha ang isang litrato ni Trek. It was a film where I captured using my polaroid.
Siya ang nasa litrato habang nakatingin sa ibang direksyon at halatang walang kaalam-alam na may camerang nakatutok na sa kanya.
Napangiti ako ron habang nakatitig sa gwapo niyang mukha. I took this photo 5 years ago, 14 years old pa lang ako non.
"Baliw ka na nga." Rinig kong wika ni Cristel sa gilid na ikinainis ko.
"Ano ba, kaibigan ba kita o hindi? You should at least support me." Pabalang kong sabi sa kanya. "Besides, age is just an age, I don't give a damn about it." Sabi ko pa atsaka hinila ang isang upuan rito sa aking tabi para don umupo.
"Kaibigan mo nga ako, at natural lang para sa'kin na mag-alala sa'yo. You think what you want won't complicate your life in the future? Sa tingin mo ba ganon lang kadali ang lahat ng gusto mo?" Seryoso niyang wika sa akin dahilan upang mas mapatingin ako sa kanya ng deretso.
"Maxi, Trek is more than twice your age. Oh sige, sabihin na lang natin okay nga yang ganyang klaseng set-up para sa'yo, pero pano naman sa side niya? Naisip mo man lang ba ang tungkol don? What if, what he wants contradicts your perspective? Oh edi, iyak ka."
I pressed my lips firmly when Cristel's words shot through my body like a knife. Naisip ko na rin ang tungkol diyan pero hindi ko inaasahan na 'yan din ang masasabi ni Cristel ngayon.
Trek is a fully matured, adult man. Magkaiba kami ng henerasyon na pinanggalingan at mas lalong magkaiba ang takbo ng utak naming dalawa.
What I want might probably be the opposite for him.
Kaya malaki ang tiyansa na hindi kami magkakasundo sa halos lahat ng bagay.
Napahinga ako ng malalim bago sinagot si Cristel.
"To be honest, that scares the hell out of me, Cristel." Tumango-tango ito nang sabihin ko 'yon.
"But then I realized, maybe it could be worth it."
"Exactly, that's what I'm-- WHAT?!" Gulat itong napaderetso ng tayo habang nakatingin sa akin. Na tila ba hindi niya inaasahan ang kasunod kong sinabi sa kanya.
"I'll give it a try. Mas mabuti nang may nagawa ako kesa sa wala, hindi kakayanin ng konsensya ko kung wala man lang akong gagawin. Walang pagsisising nauuna, Cristel, palagi 'yang nasa huli. So, I'll better shoot my shot rather than doing nothing."
Seryoso kong sambit sa kanya. I saw how she sighed in defeat before nodding her head as a sign of giving her support to whatever I am about to do.
Napangiti ako dahil don at hindi maiwasang mapatingin sa litratong hawak-hawak ko.
"I will seduce Trek Garcia-- I will seduce my bodyguard." Buong determinado kong sabi habang nakatitig sa mukha ni Trek na nasa litrato. "Sisiguradohin kong mapapaamo ko siya." Dagdag ko pa bago ngumisi.
FUNNY TO THINK, but Cristel and I made a journal on how to seduce Trek. Oo, gumawa talaga kami. Nakalista ang lahat ng pwede kong gawin para maakit ko siya.
Sa oras na makita kong unti-unti na siyang naaakit sa akin, ang kasunod ko naman gawin ay kung paano ko siya mapa-ibig.
Yun lang, ang dali lang hindi ba? Madali lang sa'kin 'to dahil maganda ako.
"Boys prefer girls on a ponytail. Siguradohin mo lang na mapapansin talaga ni Trek ang leeg mo." Panimula ni Cristel habang nasa loob kami ng eskwelahan.
Kakatapos lang ng huli naming subject kaya heto at uuwi na kami. Nasa parking lot ngayon si Trek at naghihintay sa akin.
"Hagurin mo, haplosin mo ang leeg mo pero make sure na nakikita niya ha?" Sunod-sunod akong tumango sa kanya na parang timang atsaka sinimulan ng taliin ang aking buhok.
"Itaas mo pa-- yan, ganyan." I then secured my hair into a high ponytail before taking my bag with me.
"Oh balitaan mo 'ko ha? Pag hindi effective, ikaw na ang bahalang gumawa sa susunog mong hakbang."
"Sige! Makakaasa ka." Ngumiti ako kay Cristel atsaka ito niyakap ng mahigpit bago umalis.
Nakangisi akong naglalakad papuntang parking lot, nang makita ko ang sasakyan niya ay mas binilisan ko ang aking kilos at kulang na lang ay takbuhin ito.
"Trek, andito na ak--" Hindi ko natapos ang gusto kong sabihin nang makita kong walang laman ang sasakyan niya.
Nasan na 'yon?
Ipinasok ko na sa loob ng kanayng sasakyan ang bag ko bago sinara ang pinto ng kotse. Hindi naman nakalock kaya baka saglit lang itong may pinuntaha--
Bigla akong naestatwa sa aking kinatatayuan nang makita ko si Trek sa may di kalayuan. He's helping a random university girl picked up the papers on the ground.
Kaagad kong naikuyom ko ang aking kamao atsaka nagmarcha papalapit sa kanilang direksyon.
"Salamat po." Nakangiting wika nong babae habang titig na titig sa mukha ni Trek. Naningkit ang aking mga mata nang makitang si Trek lang ang pumupulot habang siya ay nakatunganga lang.
Wow girl, hiyang-hiya naman ako. Kung tumulong ka kayang bruha ka?
"Here," wika ni Trek atsaka inabot sa babae ang mga papel.
"Salamat ulit," aniya habang malagkit na nakatingin kay Trek. Halatang mas matandan ito sa akin, graduating student ata, habang ako naman ay freshman pa lang.
Tumalikod na ang babae habang ako naman ay umaapoy na rito sa aking kinatatayuan habang nakatingin sa malapad na likod ni Trek.
"Salamat po... salamat ulit..." Wika ko habang inuulit ang mga salitang binitawan nong babae.
Nilingon na ako ni Trek atsaka ako tinignan ng deretso sa mata.
"You're finally here."
"Hindi ba obvious?" Wika ko atsaka inis na tumalikod bago nilapitan ang sasakyan niya.
"Tara na! Gusto ko ng umuwi!" Mabilis akong pumasok sa passenger's seat atsaka kinabit ang seatbelt.
"What's with you today?" Kalmadong wika nito nang makapasok na rin siya.
"Wala. Magdrive ka na at ihatid mo na ako sa bahay."
"Are you sure?"
"Oo nga!"
"Why are you raising your voice at me?"
"Kasi naiinis ako sa'yo." Biglang tumahimik ang buong kapaligiran matapos kong sabihin 'yon.
"Masyado kang mabait sa iba at ayoko ng ganon." Seryoso kong wika atsaka ito tuluyang nilingon habang salubong ang aking dalawang kilay.
Bigla akong natigilan nang mapagtanto ko ang huli kong sinabi.
N-Nasabi ko ba 'yon ng malakas?
Nang makita kong mangunot ang kanyang noo ay mabilis ko ring binawi ang aking salita.
"Coz, t-they could take advantage." Sabi ko bago mabilis na nag-iwas ng tingin. Biglang pinagpawisan ang aking dalawang mata nang hanggang ngayon ay nararamdaman ko parin ang mga titig niya sa akin.
Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko dahil bakit parang natitiklop na ako ngayon? Nauutal pa ako sa harapan niya.
The plan is to seduce him, hindi dapat ako naiinis at nagseselos!
"I like your hair." Bigla akong natigilan at kasabay nong ay ang pagbilog ng aking mga mata bago mabilis siyang nilingon.
"T-Talaga?" Sabi ko sabay hawak sa aking buhok.
"Yeah, but you shouldn't keep it always like that." I frowned.
"Bakit naman?" Tinabingi ko ng bahagya ang aking ulo sabay hawi sa aking buhok para makita niya ang aking leeg.
Ganyan nga, titigan mo pa ang leeg ko Trek.
"I don't know," kaagad akong ngumisi atsaka mabilis siyang nilapitan.
Ni hindi man lang ito natinag nang ilapit ko ang mukha ko sa kanya kahit na ilang pulgada na lang ang layo nito.
Does he even realize how dangerous this position is? I could definitely kiss him again, and probably make out with him this time.
"Nabobother ka ba dahil ayaw mong may ibang makakakita sa'kin na ganito?" Taas kilay kong bulong. I emphasize my neck even more right in front of him.
I dare you kiss it right now, Trek. I dare you--
"Nakakaumay kapag inaaraw-araw." He suddenly said with a straight face.
Nanigas ako bigla.
A-Ano raw? N-Nakakaumay?!
Kaagad niya akong itinulak atsaka pinasandal sa upuan bago kinuha ang seatbelt sa aking tabi atsaka siya na mismo ang nagkabit.
Hindi ako makagalaw dahil hindi ko inaasahan ang lumabas sa kanyang bibig ngayon lang. Nakakapanghina.
Wala talaga s'yang kaalam-alam kung gaano kalaki ang epekto ng salita niya sa akin! Bwiset ang lalakeng 'to. He just snatch my confidence!
Biglang may kumatok sa bintana ng kotse kaya mabilis akong lumingon doon. Nakita ko ang isa kong kaklase na si Christian.
I lowered down the windows and talked to him.
"Hi, Maxi, papauwi ka na?" Tumango ako sa kanya bilang pagtugon atsaka ko napansin ang kanyang mga matang panandaliang napatingin sa gawi ni Trek.
"Sino s'ya?" Kaswal nitong tanong.
"Bodyguard ko."
"I see, gusto mo bang sumama sa'kin? May mga ticket ako sa amusement park, sayang din kasi kung hindi magagamit."
"Talaga?!" Nakangiti kong saad habang nakahawak na sa pinto ng sasakyan ni Trek.
"Trek! Pwede ba?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya.
"Okay." Hindi man lang tumutol. Tignan natin kung hanggang saan 'yang angas mo.
"Thanks." Mabilis kong tinanggal ang seatbelt atsaka binuksan ang pinto ng kanyang kotse. I was about to close the door when he suddenly talked again.
"And where do you think you're going?"
"Sasama kay Christian, mag-aamusment park tayo hindi ba?"
"Yeah, I know, but why are you leaving my car?"
"Sa kanya ako sasakay."
"What?" Mabilis kong sinara ang pinto ng kotse atsaka nakangiti kumaway.
"Sundan mo na lang ang sasakyan niya! Kulay pula!" Sigaw ko atsaka mabilis na naglakad papalayo sa kanyang direksyon at patungo sa sasakyan ni Christian.
Good thing Christian's car parked a few vacant lots away from Trek's car, kaya heto at nakikita niya kaming tumatawa-tawa bago ako pinagbuksan ni Christian ng pinto.
Kung hindi ka titiklop sa pang-aakit ko, baka naman sa pagpapaselos kita makukuha.
It's not that bad to change the course of my plan from time to time.
Don't worry Trek, aakitin parin naman kita hanggang sa bibigay ka sa'kin.