Maximillian's POV
"I thought you're going to decline me again." Rinig kong wika ni Christian sa aking tabi habang naghahanap na ito ng bakanteng parking lot.
"But good thing you didn't." Dagdag nito habang nakangiti atsaka ako panandaliang tinignan.
Christian is one of the guys who wanted to pursue me and so far, he's the most consistent. First semestral pa lang ay nagtapat na siya sa akin at ngayong second sem na, mas lalo siyang naging consistent tungkol don.
Siya yung tipo ng lalakeng kapag gusto, gagawan at gagawan niya ng paraan. He's a man with no excuses.
Kung hindi ko pa nakilala si Trek, sa kanya ko gustong ipagkatiwala ang puso ko.
"Maxi, ayos lang ba talaga sa bodyguard mo na sumama sa atin?" Tanong niya atsaka pasimpleng nilingon ang isang sasakyan na pumarada sa isang bakanteng lot na ilang hakbang lang ang layo mula sa amin.
"I can talk to him and give him assurance that I could send you home on time." Dagdag pa niya bago pinatay ang makina ng kanyang kotse.
"No, he's fine. This is his job. Kung pauuwiin ko siya ngayon, malilintikan s'ya ni Dad."
Lie. Obviously, it's a lie.
This is part of my plan, Christian, to use you and this opportunity in order to make him at least feel jealous. Yun ay kung magseselos nga ba talaga ang lalakeng 'to.
Alam kong mali ang gumamit ng tao lalong-lalo na sa isang katulad ni Christian but I'm desperate enough to do anything I can.
I only have more than 2 months left, and I can't waste any opportunity.
"Okay, tara na?" Ningitian ko ito atsaka tumango bago mabilis na lumabas ng sasakyan.
Ramdam ko kaagad ang presensiya ni Trek na papalapit sa aming direksyon kaaya mabilis kong inangkla ang aking kamay sa braso ni Christian atsaka nagtungo kaagad sa entrance ng amusement park.
I am trying so hard to act happy and excited with Christian's presence. Gusto kong makita talaga ni Trek na natutuwa ako kay Christian, s'yempre hindi pwedeng mawala ang ilang paghaplos at hawak sa braso niya.
Palihim akong napangisi nang mapansin kong nakatayo lang si Trek sa aming likuran habang nakapamulsa at nakatingin sa gawi namin.
That's it, Trek, you think I can't flirt when I'm sober, huh? Well guess what, lasing man o hindi, kayang-kaya kong lumandi.
"Christian, gusto ko yung malaking teddy bear na kulay brown." Sabi ko matapos naming bumili ng cotton candy at ilang drinks.
Ilang laro na rin ang natry namin at kulang nalang ay magrides kami. Kani-kanina lang ay kumain na rin kami dahil may iilang stalls na nakahilera sa gilid ng amusement.
This is a good date. Kung kaming dalawa pa ni Trek ang gumagawa nito, triple pa siguro ang tuwa ko.
"Okay, I'll get it for you." Kinindatan niya ako bago mabilis na hinalikan ang aking pisngi na ikinatigil ko ng bahagya.
I wasn't expecting that.
Kaya mabilis kong nilingon si Trek sa aking likuran para makita ang magiging reaksyon niya sa ginawa ni Christian sa akin, only to find out that he wasn't looking at all.
Nakakainis! Bodyguard ko s'ya hindi ba? Dapat nasa akin lang nakatuon ang mga mata niya.
"THAT WAS FUN!" Saad ko matapos naming makababa sa viking; isang nakakatakot at nakakatanggal kaluluwa na ride.
"Fun eh nanginginig nga tuhod mo."
"Oy, wala kaya!"
"I'm just kidding." Nakangiting saad ni Christian atsaka ako pasimpleng inakbayan habang papalapit kami kay Trek na ngayon ay nagsisilbing tiga bitbit ng mga gamit ko.
Bitbit niya ang malaking teddy bear na napanalonan ni Christian, dalawang rubber ducklings at tatlong cute na mga keychains na inilagay sa isang plastic atsaka isang milktea na hindi ko natapos.
Oo, hindi s'ya sumama sa mga rides dahil walang tiga bitbit ng mga gamit ko.
I don't know if he's just being considerate for giving us some time alone or talagang maayos lang niyang ginagampanan ang trabaho niya.
Pero gayunpaman, hindi ko maiwasang mainis dahil sa ekspresyon na meron s'ya ngayon.
Halatang walang pakialam kahit na naka-akbay sa akin ng harapan-harapan si Christian.
"Thank you, Trek, I'll get this from here." Rinig kong wika ni Christian atsaka kinuha ang mga gamit ko mula kay Trek.
"No." Palihim akong natigilan nang umayaw ito. "I can manage." Dagdag nito dahilan upang mapatango na lang si Christian.
Muli kaming naglakad habang naka-akbay parin si Christian. Trek is just following us.
"Nasabi ko ba sa'yo na mas lalo kang gumanda sa buhok mo ngayon?" Mabilis kong nilingon si Christian nang marinig ko 'yon mula sa kanya atsaka dahan-dahan na napangiti.
"Talaga? Salamat." Nakangiti kong wika sabay hawak ng palihim sa aking nakapusod na buhok.
"Yeah, you should keep it that way. It suits you more." I pressed my lips firmly before nodding several times.
"Maxi, can you stay here for a while? Magbabanyo muna ako saglit," sabi niya habang nasa gitna kami ng amusement park.
"Sure, maghihintay ako sa'yo rito."
Kumaway sa akin si Christian bago tuluyang nagpunta sa banyo kaya hindi ko maiwasang sundan kaagad ito ng tingin.
While looking at him, I felt something behind my head. May isang kamay ang bigla na lang humila sa tali ng aking buhok dahilan upang mabilis ko itong nilingon.
Gulat kong tinignan si Trek nang makita kong hawak-hawak na niya ang pantali ng aking buhok ngayon.
"Bakit mo tinanggal?!" Inis kong wika atsaka ito pilit na kinukuha mula sa kanya, pero matangkad itong lalake kaya imposibleng maabot ko ito mula sa kanya.
"Nakakaumay nang tignan." I gasped and balled my fist when he said that.
Ang kapal!
"Are making fun of me?"
"No, I'm stating facts."
"I hate you! Akin na 'yan!" Muli niya itong inilayo mula sa akin.
Habang pilit ko itong kinukuha mula sa kanya, bigla na lang umabon hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan. Napasinghap ako dahil mabilis na nabasa ang aking pang-itaas na uniporme.
Nagsitakbuhan na ang mga tao at kanya-kanyang naghanap ng mapapasilongan.
I was about to run to the nearest place where I can find a temporary shelter under this sudden heavy rain when Trek immediately took my hand.
Hindi ko alam kung paano niya natanggal ang suot niyang blazer atsaka ito mabilis na ipinatong sa aking ulong bago ako inakbayan atsaka tumakbo papalabas ng amusement.
He's holding my things using his one hand while the other was wrapped around me.
I was stunned by his gestures. Ni hindi ko nga napansin na nakapasok na pala kami sa loob ng kanyang sasakyan.
"A-Anong ginagawa mo?" Nagtataka kong tanong sa kanya nang kunin niya na mula sa akin ang kanyang suot na blazer kanina atsaka ikinabit ang seatbelt.
"We're leaving. Hindi mo ba nakikita? Malakas ang ulan." Kaswal nitong wika pagkatapos atsaka binuksan ang makina ng kanyang kotse.
"And we're leaving Christian alone?" Hindi makapaniwala kong tanong sa kanya habang salubong ang dalawa kong kilay.
"Exactly."
"WHAT?!"
"Maximillian. He's a grown-up man, he can survive in the rain, okay?"
"And so I am. I'm an adult, Trek, desisyon kong sumama sa kanya ngayon kaya hindi ko s'ya pwedeng iwan lang dito."
"Who told you you're an adult?" Napakurap ako at mas lalong kumunot ang aking noong nakatingin sa kanya.
"I'M NINETEEN!" Pasigaw kong wika sa kanya dahilan upang umangat ang isang sulok ng kanyang labi.
"See? You're still a teen." Nakangisi nitong wika na ikinanganga ko.
He's so.... ugh! Unbelievable!
"Give me your phone. Ako na mismo ang tatawag sa kanya at sabihing iuuwi na kita."
"No need. Magdrive ka na lang." Suplada kong sabi atsaka pinagkrus ang aking dalawang braso sabay iwas ng tingin at sandal sa aking kinauupuan.
Hindi na ito muling nagsalita pa atsaka nagdrive na lang paalis ng amusement park.
Habang nasa biyahe kami, biglang may sumagi sa aking isipan kaya mabilis ko itong nilingon sa kanyang direksyon.
"Gusto mo bang makabawi sa akin?" Wika ko dahilan upang yung noo naman niya ang kumunot.
"Bakit naman ako babawi sa'yo kung wala naman akong ginawang mali?" I rolled my eyes.
"Oo, may nagawa ka kaya. Masyado kang paladesisyon sa buhay ko." He shrugged his shoulders and uttered something I didn't totally understand.
Masyado kasing mahina ang pagkabigkas niya non.
"I want to change my clothes," seryoso kong wika sa kanya.
"Wait until I get you home."
"Ayoko, hindi na ako mapaghintay. Gusto ko ng magbihis dahil basang-basa na ako, Trek, isa pa kanina pa ako nilalamig."
"I'll drive faster--"
"Sabi ng magbibihis na ako kako."
"Wala ka namang dalang pamalit." Kunot-noo nitong sabi habang mahigpit ang pagkakahawak sa manibela ng kanyang kotse.
"Meron." Mabilis kong kinuha ang aking bag sa likod atsaka isa-isa ng tinatanggal ang butones ng aking suot na uniporme sa mismong harapan niya.
"Hey--hey! Stop, okay?" Palihim akong napangisi sa sinabi niya.
Hmm, may nabubuhay na ba sa kaloob-looban mo Trek? Bakit ayaw mo akong makitang maghubad rito sa harapan mo?
"Bakit? Ngayon ka lang ba makakakita ng babaeng maghuhubad sa harapan mo?" Panunukso ko sa kanya habang nakangisi kaya mabilis niya akong nilingon na salubong ang dalawang makakapal na kilay nito.
"No. My car windows aren't that tinted, madali ka lang makita labas."
This man! Bakit ang dami niyang mairarason kaagad?!
Pwede naman niyang sabihin kaagad na...
"No, Maximillian, I don't want you to get undress in front of me coz I'm afraid I can't no longer control myself."
PWEDE NAMANG GANON! Kaasar.
"If you really wanted to get dress immediately, I'll drive you back to my place." And just like that, without any other words uttered, Trek changes the route of his car and went directly to his place.
NASA LOOB na ako ng kanyang banyo rito sa kanyang kwarto. Pinapatuyo ko ang aking mahabang buhok gamit ang sobrang puti niyang tuwalya.
Nakangiti akong nakaharap sa kanyang salamin dito sa loob habang nakatingin sa aking repleksyon.
Oo, may dala nga akong pamalit pero nang hayaan ako ni Trek rito sa loob ng kwarto niya ay kumuha na lang ako ng isang t-shirt sa loob ng kanyang closet.
I love his clothes on me. Bagay na bagay sa akin.
Buti hindi nabasa ang undies ko-- yung bra nga lang kaya heto at wala akong suot na bra. Tanging malaking t-shirt lang ni Trek at underwear ko ang suot ko ngayon.
"Are you done? Ihahatid na kita sa inyo." Rinig kong sabi ni Trek sa labas ng pinto ng kanyang banyo matapos niyang kumatok doon.
Napangiti ako atsaka mabilis na binuksan ang pinto.
I saw how his eyebrow raised on me when he saw what I'm wearing.
"You little brat, who gave you the permission to wear my favorite shirt?" Nakahalukipkip niyang sabi sa akin. Tulad ko ay iba na rin ang suot.
Nakabihis na ito ng pambahay; sweatpants, tsaka plain black shirt na hapit na hapit sa kanyang dibdiban at braso.
He's oozing hot.
"Ako s'yempre." Nilagpasan ko ito atsaka umupo sa ibabaw ng kanyang kama.
Ang lambot! Sobrang komportable, tsaka mabango rin. Ang linis-linis niya talagang lalake.
I let my body bounce a little bit while looking around his room.
"How many girls have you brought here?" I asked while still bouncing my body on his bed. Nakaupo lang ako ha? Hindi talaga ako tumatalon-talon dito sa ibabaw ng kama niya.
"Why do you ask?" Aniya habang nakasandal at nakahalukipkip sa isang pader malapit sa kanyang banyo.
I shrugged my shoulder while still bouncing off.
"Gusto ko lang malaman." Biglang umangat ang isang sulok ng kanyang labi dahilan upang mapatitig ako roon.
I can't believe I actually kissed that lip.
"Akala ko ba walang pakialaman ng personal na buhay?" Natigilan ako sa aking ginagawa at hindi maiwasang medyo mapaawang ang aking labi.
Mabilis akong nag-iwas ng tingin atsaka napangisi.
"So meron nga? Meron ka na ngang nadala rito." Bigla na naman akong nakaramdam ng konting kirot sa dibdib matapos kong sabihin 'yon sa kanya.
Bigla na lang itong naglakad papalapit sa akin atsaka lumuhod sa mismong harapan ko nang makita niyang nakayuko ako.
Nang maramdaman kong nakatingin ito sa akin ay don ko pa lang unti-unting inangat ang aking ulo.
"How many times do I have to tell you, Maximillian?" Bulong niya sa akin habang deretsong nakatingin sa mga mata ko. "I never brought a woman in my place." Dagdag niya habang nakatitig sa aking mukha.
Bigla kong itinuro ang aking sarili bago magsalita.
"Eh ano ako? Hindi ba ako 'woman'?" Taas-kilay kong tanong sa kanya.
Bigla itong napangiti atsaka napailing kaya hindi ko maiwasang matigilan saglit nang makita ko ang kanyang naging reaksyon.
"Maximillian..." Tawag niya sa pangalan ko atsaka dahan-dahan na tumayo bago bahagyang yumuko sa akin.
Sa sobrang lapit ng mukha niya ay parang gusto ko na lang na pumikit at hayaan itong halikan ako.
"You're a girl, not a woman."
Bigla akong naninigas at sa isang idlap ay biglang gumuho ang mundo ko.
Mabilis kong naikuyom ko ang aking kamao atsaka ito binigyan ito ng isang masamang tingin.
"F*ck you." Kaagad ko siyang itinulak papalabas ng kanyang silid na ikinapagtataka nito.
"What are you doing?"
"Out!"
"Huh?"
"Sabi ng lumabas ka! Naiinis na ako sa'yo! Kanina ka pa!"
"What? What did I do wrong?"
"Shut up! Now, leave!"
"You can't do this to me. This is my room."
"Shut up! Alis!"
"This is my house."
"Leave!"
"Ikaw dapat ang umalis. Ihahatid na kita sa inyo."
"No. I'll stay here tonight, and that's final." Bigla niya ako hinarap na salubong ang dalawang kilay atsaka hawak-hawak na ang dalawa kong palapulsohan.
Mabilis akong napangisi nang makita ko ang reaksyon niya.
"Are you trying to get back at me?" Naniningkit niyang mga matang sabi sa akin.
"Now, we're even." Mabilis kong binawi ang dalawa kong kamay sa kanya atsaka bumalik sa kanyang kama bago mabilis na kinumutan ang aking sarili habang nakangiti.
"Goodnight, Trek!"
Serves you right, jerk! Kung paladesisyon ka, pwes, ako rin.