Maximillian's POV
Unti-unti kong inimulat ang aking mga mata nang may marinig akong kaluskos.
I found myself laying on top of a cozy sofa in the middle of someone's living room. Nakadamit pa ako at nakita ko ang aking mga gamit sa ibabaw ng isang center table dito.
Nang tignan ko ang malaking bintana rito sa aking likuran, madilim pa ang kalangitan. The living room was not too dark yet not too bright.
I winced when my head suddenly throb.
"You're awake." Ang boses na 'yon ang dahilan kung bakit bigla akong napaupo ng tuwid.
"N-Nasan ako?" Lakas loob kong tanong sa kanya nang makita itong unti-unting naglalakad papalapit sa aking direksyon. He's holding a little cup.
"In my house." Kaagad niyang sagot atsaka umupo sa aking paanan.
Nang tignan niya ako sa mata ay bigla akong namula atsaka mabilis na nag-iwas ng tingin. Waves of memories suddenly rushed into my mind when I remembered what I did earlier.
Ngayon pa lang, pinapanalangin ko na sana ay lumubog ang buo kong katawan sa sofa ni Trek at tuluyan ng maglaho.
"Drink this, I can't let you go home looking like a trash."
So, I looked like a trash? Aray naman.
I took the teacup from him without even looking at his face. Umayos naman ako ng upo atsaka inilapag ang dalawa kong kamay sa kanyang sahig bago dahan-dahan na hinipan ang mainit pang tsaa.
Ininom ko ang mainit na tsaa habang nakatitig sa aking dalawang paa, ngunit natigilan din ako nang makita kong may mga band-aid na roon.
"You shouldn't force yourself to wear a heel for that long. You're torturing your foot and yourself."
Palihim kong naikagat ang aking ibabang labi matapos niyang sabihin 'yon.
Trek took good care of me. He even treated my bruises on my foot.
Ngayon pa lang, habang iniimagine ko ang ginawa niya kanina habang natutulog ako, parang sasabog ata ang buo kong mukha.
Tumikhim ako pagkatapos kong inilapag ang tsaa sa ibabaw ng center table.
"A-Anong nangyari kanina?" Nauutal kong sambit habang nakangiti sa dalawa kong kamay na nasa ibabaw ng aking mga hita.
"You passed out after kissing me." Napasinghap ako bago siya mabilis na nilingon. Nanlaki ang aking mga mata nang dahil sa kahihiyang idinulot ko sa aking sarili.
"K-Kailangan mo ba talagang sabihin 'yan?!"
"You asked. I answered."
Napakurap ako dahil may punto nga naman siya. I can't believe this man; how could he say those words with a straight face?!
Mas lalo tuloy akong nahiya!
"Y-You kissed me first." Mahina kong bulong habang naka-iwas na ng tingin sa kanya bago bahagyang napayuko.
"I know." Sing bilis ata ng kidlat nang lingunin ko ulit siya. "And I did it just to shut you up." Dagdag pa niya atsaka tumayo mula sa pagkaka-upo.
Trek walked towards his kitchen and cleaned the counter up. Habang nakatingin ako sa kanya, hindi ko maiwasang palihim na masaktan kung paano niya dalhin ang kanyang sarili sa ganitong klaseng sitwasyon.
Again, he said those words as if it's not a big deal. Trek said those as if it won't affect me at all.
He kissed me without thinking that I might misunderstood it. He kissed me as if it won't bother me for the rest of my life.
I shoved those painful thoughts away and drank the remaining tea inside my cup. Kinuha ko kaagad ang aking mga gamit sa ibabaw ng mesa atsaka hinanap ang aking cellphone.
It's almost 4am in the morning yet I didn't receive a single text message nor a missed call from dad. Siguradong wala pa itong kaalam-alam sa nangyari sa akin dahil tumakas na naman ako.
"Where's my shoes?" I asked Trek while looking at him. He pointed a shoe rack on the side before saying something.
"You can find it there." Kaagad kong kinuha ang aking heels atsaka ito balak na suotin kaagad ngunit pinigilan niya ako.
Muntikan na akong mapasinghap nang maramdaman ko ang malaking niyang kamay na nakahawak sa aking palapulsohan.
"Use my slippers instead," aniya sabay kuha ng heels ko mula sa akin atsaka inilapag ang dalawang malalaking tsinelas sa sahig.
"Masyado itong malaki para sa akin." Reklamo ko pa.
"It's better than these pairs." Hindi na niya ako hinayaan pang magsalita ulit dahil tinalikuran na niya ako sabay kuha ng susi ng kanyang sasakyan.
Bigla akong napatingin sa isang pinto na naiwang hindi nakasara. Napatitig ako roon at hindi maiwasang maisip kung kwarto kaya 'yon ni Trek.
Napansin kong walang hagdan ang kanyang bahay; bungalow style ito at halata ang pagiging pagkamoderno sa istilo palang dito sa loob.
At kahit na hindi masyadong maliwanag dito ngayon, masasabi kong sobrang linis nito. Kung ikukumpara kaming dalawa, mas malinis pa siguro si Trek pagdating sa bahay niya ikukumpara sa sarili kong kwarto.
"Trek." Pagtawag ko sa pangalan niya habang nakatingin parin sa pinto.
Hindi siya sumagot kaya nagsalita ulit ako.
"N-Nandiyan ba sa loob ang kadate mo kanina?" Nauutal kong tanong bago siya nilingon na ngayon ay nakaharap na sa akin. He's still holding my pair of heels.
Boba, Maximillian! Nagtanong ka pa eh halata naman na dinala niya rito yung babae. Ano ba ang kasunod sa date? Diba se--
"No. No one's here except for the two of us."
Napakurap ako at hindi maiwasang mabato sa aking kinatatayuan.
"H-Ha?" Kung ganon... hindi niya dinala rito yung babae?
"I know what you're thinking, Maximillian. You thought I f*cked her, right?" Napalunok ako kasabay ng paghawak ng mahigpit sa aking bag.
"Bakit? Diyan naman talaga nauuwi ang isang date, hindi ba?" Mas lalo akong natigilan nang makita ko itong napangisi atsaka napailing.
Na tila ba hindi ito makapaniwala sa sinabi ko.
"Your generation surely only thought about s*x and physical intimacy." He said with a serious tone in his voice while eyeing on me.
Tulong. Mawawalan ata ako ng lakas sa mga titig niya.
"K-Kung ganon, anong nangyari kanina? K-Kamusta ang date mo?" Pag-iiba ko na lang ng paksa dahil baka mas lalo pa akong mapahiya sa harapan niya.
Nakita kong naningkit ang dalawa niyang magagandang mata matapos kong sabihin 'yon. Teka, may nasabi ba akong mali? Nangangamusta lang naman ako sa date niya ah.
"Why do you even care?" He asked which made me stunned.
Right, why do I even care?
Ano na ang isasagot mo tungkol diyan, Maxi? Ano na? Makakalusot ka pa ba sa lalakeng 'to?
"D-Dahil bodyguard kita. Hindi naman sa hindi ka pwedeng makipagdate, siyempre personal mo 'yan eh, labas na ako diya--"
"What did you say?" He suddenly cut me off which made me stop.
Humakbang ito papalapit sa akin dahilan upang mapaatras ako ng isang beses. Muntikan pa akong mawalan ng balanse sa laki ng tsinelas na suot-suot ko ngayon, naapakan ko kasi ang dulong parte ng isa tsinelas.
"Who told you I'm your bodyguard?"
N-Nasabi ko ba 'yon?!
"Hindi pa ba?" Aba! Ang kapal naman ng apog mo, Maximillian.
"What made you say that?"
"Dahil sa ginawa mo kanina, hindi pa ba pagiging bodyguard 'yon?"
"Any concern man can do that to a reckless and rebellious kid like you."
Napasinghap ako sa kanyang sinabi. How could he say that to me without even thinking twice?!
Bigla akong nainis kaya kaagad ko siyang itinulak sa dibdib pero ni hindi man lang ito natinag. Ang mas nakakainis pa ay nagustohan ko ang pagiging matigas ng dibdib ne'to.
Bwiset!
"I'm not a kid!" I hissed before marching towards his door and left his house. Naramdaman ko namang nakasunod ito kaagad kaya heto at nasa loob na kami ng sasakyan niya.
Nang makapasok na ako sa passenger's seat, ni halos ayaw kong tumingin sa backseat dahil maaalala ko lang ang ginawa namin kanina.
Up until now, it still pains me to realize what he did is just 'nothing' for him.
The kiss is just...nothing.
"WE'RE HERE." Napatingin ako kay Trek nang magsalita ito kasabay ng paghinto ng kanyang sasakyan sa labas ng gate.
Napatingin ako sa malaking bahay na nasa mismong tapat namin bago kinuha ang aking heels na nasa aking paanan.
"I'll leave your slippers here. Thank you." Kaswal kong sabi habang hindi man lang nakatingin sa kanya.
I was about to open the door of his car when suddenly he said something which made me stop.
"The date never happened." Gulat ko itong nilingon kaagad.
Trek is holding the steering wheel of his car while looking straight onto the road.
"Pagkatapos kitang ihatid dito, hinatid ko na rin siya pauwi. So, basically, there wasn't a date."
"Why?" Did Trek somewhat turn her down? A beautiful, feminine, sophisticated woman like her?
May kaunting pag-asa ang biglang umusbong sa akin nang malaman kong walang nangyari kanina. Sobrang sama ko na ba ngayon? Natutuwa lang naman ako na hindi natuloy ang date ni Trek sa iba.
"Why? Because I realized I don't need a woman."
The little hint of hope in my system automatically fades away right after he said that.
Nang mapatahimik ako sa aking pwesto ay don pa lang ako nilingon ni Trek. Hindi ko alam kung bakas ba sa mukha ko ang pagkadismaya ngayon.
Pero base sa ekpresyon ni Trek ngayon, parang wala itong kaalam-alam sa nararamdaman ko.
O baka sadyang wala lang itong pakialam.
"Pumasok ka na sa loob. Hindi mo magugustohang maabotan ka ng papa mo rito sa labas."
The way he said it, there was really a hint of concern from his voice. Yung tipong nag-aalala siya sa akin pero sa ibang paraan na gusto ko.
Walang duda, isang bata parin ang tingin sa akin ni Trek ngayon. My face, voice, and definitely my body evolves after those years and yet I still look like a kid for him.
I want him to see me as a woman. Bakit sobrang hirap non para sa kanya?
"Sige. Salamat nga pala ulit." Wika ko astaka tuluyan ng lumabas sa kanyang sasakyan.
"Wait, Maximillian."
Bigla itong lumabas sa kanyang sasakyan atsaka hinarap ako. We were a few steps away which is good-- for me. Nang sa ganon ay hindi niya marinig ang sobrang lakas ng pagpintig ng aking puso ngayon.
"I'll take it." Nangunot ang aking noon nang sabihin niya 'yon.
"Payag na ako sa gusto mo."
Nanlaki ang aking mga mata at bigla na lang sumigla ang aking buong diwa.
I ran automatically towards him without any hesitation and throw myself against him. Trek doesn't mind it at all, he didn't embrace me back, but I can feel both of his hand supporting me and our balance.
"But it will only be for 3 months." Dagdag niya habang nakabaon na ang aking mukha sa aking dibdib. Napatingala ako sa kanya nang sabihin niya 'yon.
I placed my chin against his chest while still wrapping my arms around him.
"Bakit?"
"I need to go back to Russia."
Oo nga pala, nakalimutan kong don talaga siya nakatira at hindi rito sa Pilipinas.
"Sige, ayos lang sa'kin." Wika ko sabay ngiti sa kanya.
Trek pats my head before slowly pushing me away from him which made me frowned. Kaasar! Napansin niya sigurong masyado akong naging kumportable sa pagyakap ko sa kanya.
"Now, get inside. I'll see you tomorrow."
Kinilig ako nang sabihin niya 'yon atsaka mabilis na tumango. Trek finally bid his goodbye and drives away the moment I stepped my foot inside my house,
Hindi siya aalis hanggat hindi siya nakakasigurong nakapasok na ako sa bahay.
That's how thoughtful and gentleman he is.
Kaya heto, habang nakahiga na ako sa ibabaw ng aking kama, halos hindi na mawala ang ngiti sa aking labi.
"3 months... 3 months is not that bad..." Bulong ko sa aking sarili habang nakatingin sa kisame.
In 3 months, I'll make sure to tame your heart, Trek.
Muli kong naalala ang sinabi niya kanina nong nasa kotse pa kami.
"Because I realized I don't need a woman."
Napangisi ako.
Nope, you're gonna need one, Trek, and that would be me.
Mapapasakin ka rin, tandaan mo 'yan.