bc

Seducing Mr. Bodyguard [R18]

book_age18+
3.2K
FOLLOW
26.9K
READ
heir/heiress
secrets
like
intro-logo
Blurb

"21 years ang age gap ninyo, nababaliw ka na ba? Papatulan mo talaga siya? Eh parang tiyuhin mo lang 'yan."

Hindi makapaniwalang saad ng kaibigan ni Maximillian Gutierrez nang sabihin niya rito ang tungkol sa kanyang plano.

"Age is just an age. I don't give a damn about it." Buong determinadong sagot ni Maxi sa kanyang kaibigan.

"I will seduce Trek Garcia--- I will seduce my bodyguard. Sisiguradohin kong mapapaamo ko siya," dagdag pa niya bago tinignan ang litrato ng lalakeng matagal na niyang iniibig ng patago.

—————

The good daughter had gone bad. Ano na ang gagawin ng isang Maximillian Gutierrez para lang mapasakanya ang lalakeng gustong-gusto niya?

Will the odds be ever on her favor?

chap-preview
Free preview
SIMULA
"LASING KA NA NAMAN?!" Bungad sa akin ng aking ama nang makauwi ako rito sa bahay namin. I straightened my back and cleared my throat before saying something. "Dad, I'm not. Nakainom lang ako pero hindi ako lasing." Kaswal kong wika atsaka sinubukan tanggalin ang suot kong heels pero muntikan na akong matumba nang yumuko ako para tanggalin ito. Sh*t. My world suddenly starts spinning. Napasinghap ako nang bigla niyang hawakan ang isa kong braso atsaka pinaupo sa sofa. Awtomatiko akong napahawak dito bago siya dahan-dahan na tinignan. "Sa tuwing lalabas ka kasama ang mga kaibigan mo, uuwi ka talaga ng lasing--" "I said, I'm not drunk, dad." "Wag mo 'kong gawing tanga, Maximillian, nauna ako sa duyan. Tignan mo nga 'yang sarili mo, ni hindi mo nga napansin na nagkapalit ang pagsuot mo ng sapatos." Tinignan ko ang aking suot na heels at napangiwi nang makita nagkapalita nga ito. Kaya pala mas lalong sumasakit ang paa ko kanina pa lang. I groaned and kicked the heels out of my feet to relieve the pain that I am currently experiencing. bago tinignan ang litrato ng lalakeng matagal na niyang iniibig ng patago. "Hon, what's with the rucku-- Maxi?! Oh god, anong nangyari sa'yo, anak?" dali-daling tumakbo ang aking ina papunta sa aking pwesto nang makita niya kaagad ako. "Lasing na naman 'yang anak mo Yvonne." Nagtitimping saad ni dad. Mabilis akong nilingon ni mom atsaka ako tinignan mula ulo hanggang paa. "I told you not to let yourself get drunk like this, Maxi." Malumanay na wika ng aking ina atsaka hinaplos ang aking buhok. "Simula nong nagdise-otso na 'yan, naging suwail na!" "Michael! Wag mo ngang sigawan ang anak natin!" "Yan! Kunsintihin mo pa nang lumaki ang ulo niyan." I'm 19 now, and currently living the best out of my life. Ngayong nasa saktong edad na ako, mas pinili ko ng gawin ang mga bagay na makakapagpasaya sa akin. Hindi ko naman sinasadya na kung minsan ay napapasobra ako... tulad ngayon. Believe me or not, I'm a good daughter, sister, auntie, student, friend, and etc. Hindi ako rebelde, talagang nagsasaya lang ako. Noon ay bahay at eskwelahan lang umiikot ang buhay ako pero ngayong nasa wastong edad na ako, siguro ayos lang na dagdagan ko naman ng kaunting excitement ang buhay na meron ako. My life is kinda dull and boring compared to some fellows around my age. At least hindi ako nagdadrugs! My father should be grateful about it-- at least. "That's it. I'm not letting you go out with your friends again." "DAD!" Bigla akong nahimasmasan nang sabihin niya 'yon sa akin. "You can't do this to me!" "Then, watch me." Paghahamon niya na ikinakuyom ng aking kamao. "Michael, isn't it too much?" "Too much? No Yvonne, this is 'discipline'." "Wala na bang ibang paraan, Michael? Wag mong hayaang lumayo ang loob ng anak natin sa’yo.” “Fine! Since you’re favoring your child, I have no choice but to do this.” Dinuro ako ni dad sa mukha kaya hindi ko maiwasang mapayuko. My mother tried to shove his hand away from me— trying to shield me from anything. “I’m giving you a chance to spend your time with your friends but in one condition.” Panimula niya dahilan upang mapatingin ako sa kanya ng deretso sa mukha. “I’m not allowing to go alone anymore.” Unti-unting lumaki ang aking mga mata nang sabihin niya ‘yon. No, it can’t be… Ibig bang sabihin nito ay— “I’m assigning someone to follow you around. Nang sa ganon ay hindi na maulit ito!” “But dad—!” “No buts, Maximillian!” “Hindi ko kailangan ng bodyguard!” “Shut up! Go to you room!” Naitikom ko ang aking bibig nang makitang galit na galit na ito ngayon. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni mom sa aking balikat nang makita ang reaksyon ng aking ama. I’m pretty sure it made her shocked as well. Ngayon lang ata ulit nagkaganito si dad mula nong nagkaron sila ng malaking away at hindi pagkakaintindihan ng nakatatanda kong kapatid na lalake noon, ilang taon na ang nakakalipas. “Maxi, anak…” mahinang bulong ng aking ina dahilan upang mapatayo kaagad ako atsaka mabilis na umakyat papunta sa aking kwarto. I don’t need someone to follow me around like a goddamn dog! SALUBONG ang dalawang kilay ko habang nakatingin kay Dad at sa lalakeng kinakausap niya sa labas ng bahay namin. Nang makita kong tumatango-tango ang lalake sa bawat sasabihin ni Dad sa kanya ay mas lalo akong nainis. When they shook each other's hands, that's the exact moment I stepped back from the window and sighed. That's it. Hindi ko na talaga mapipigilan si Dad sa kagustohan niyang bigyan ako ng bodyguard. Eh hindi ko naman kailangan 'yon, ang kailangan ko ay ang matindi niyang pag-unawa na hindi naman masama kung maglibang ako kung minsan. It sucks to be a good daughter always. Hindi pa ako nakakaakyat sa hagdan ay bigla na lang bumukas ang pinto. "Maxi, halika muna rito saglit." Rinig kong pagtawag sa akin ni Dad mula sa aking likuran. Bagsak ang balikat kong nilingon ito bago ito tinignan ng deretso sa mukha. Mabilis ko namang sinulyapan ang lalakeng katabi na bago siya muling tinignan. "I want you to meet him, he will be your personal bodyguard from now on." Sinabi sa akin ni Dad ang pangalan niya pero hindi ko 'yon sinaulo. "Good morning, Ma'am Maxi." Pagbati niya sa akin sabay ngiti. Tinitigan ko lang ito at nagbabalak na tanguan lang pero nang makita ko si Dad na unti-unti ng sumeseryoso ang mukha habang nakatingin sa akin ay kaagad ko itong sinuklian ng isang pilit na ngiti. "Good morning." Kaswal kong pagbati sa kanya bago ako tumalikod atsaka umakyat na sa aking silid. ISANG LINGGO na ang nakakalipas at hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay natitiis ko parin ito. Ayoko na. Ayoko na, sawang-sawa na ako. Ang buong akala ko ay magiging maayos lang para sa akin ang magkaron ng bodyguard pero akala ko lang 'yon. Sino ang magtatagal sa ganitong klaseng bodyguard?! "Ako na po ang magbubuhat niyan, Ma'am Maxi." "Ma'am, may motorsiklo po!" "Ma'am Maxi, kailangan niyo na pong umuwi." "Ma'am, kailangan niyo ng umalis." "Ma'am Maxi." "Ma'am?" Napapikit ako nang paulit-ulit kong naririnig ang kanyang boses na parang isang sirang plaka. Don't get me wrong, okay? He's definitely thoughtful-- pero pagdating sa'kin ay parang nasobrahan na ata. Hindi ako sanay at ayokong masanay sa mga ganyang klaseng bagay. Ang buong akala ko lang naman ay babantayan niya ang mga kinikilos ko at sisiguradohing hindi ko magagawa ang mga bagay na hindi magugustohan ng aking ama. But then... "Ma'am Maxi, kailangan niyo po ba ng payong? May dala po ak--" "Please." Bigla ko itong hinarap dahilan upang matigilan ito. "Ma'am?" "Please, stop." "P-Po?" Napapikit ako dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na ayaw ko na siyang maging bodyguard ko kung hindi siya titigil sa mga pinaggagawa niya. He's older than me, taller, and probably much stronger-- hindi naman siya aatasan ni dad na maging bodyguard ko kung hindi. Pero base sa nakikita ko sa kanya ngayon, kung pagsalitaan ko siya ng mga masasamang salita, siguradong masasaktan kaagad ito. "Stop following me, okay?" Hindi ko na ito hinintay na magsalita pa atsaka mabilis na naglakad papalayo. "Ma'am! Teka lang--" "I said, stop following me!" "Ma'am Maxi, hindi po pwede ang gusto niny-- MA'AM! SANDALE!" Bigla akong tumakbo atsaka mabilis na lumiko sa kanan kung saan may maraming mga tao. Sa ngayon, may event dito sa university at open to all students from other school. Pasensya ka na kung kailangan kitang ligawin. I need some space. Sakal na sakal na sakal na ako sa ganitong klaseng set-up. Kaya ayaw na ayaw ko ng bodyguard eh. Mabilis akong tumakbo papalabas ng Wilksven at hindi maiwasang mapatingin sa aking likuran para siguradohing nakawala na ako sa kanya ng tuluyan. I was about to turn my gaze in front when I saw a bright light fast approaching towards my direction. Bumusina ng pagkalakas-lakas ang kotseng papalapit sa aking direksyon at ngayon ko lang napansin na patawid na pala ng kalsada ang direksyong tinatahak ko. I stand froze in the middle of the road while looking at the car in front of me. Hindi ako makakilos, parang sinemento ang dalawa kong paa sa kalsada dahil kahit simpleng pag-angat lang nito ay hindi ko magawa. "HOY! TUMABI KA!" "DIYOS KO YUNG BABAE!" And just as I was about to accept my fate, something hard pressed against my whole body as if it was pushing me away with it onto to the very side of the road. Sabay kaming napahiga ngunit ang katawan niya lang ang tumama sa sementadong kalsada habang ako naman ay nakadagan sa kanya. The first thing that processed to my senses was the smell of this man. Nakapikit ang mga mata ko ngayon, kaya nang maamoy ko siya, unti-unti ko na itong idinilat. My heart is starting to thump so fast after inhaling that familiar scent. Nang tignan ko na ito sa mukha, tuluyan ng nagharumento ang aking puso nang makita ko siya. His strong masculine features make me want to stare at him even longer. Ang kunot niyang noo, salubong na kilay at mga matang nakakatunaw kung tignan ka nito-- lahat ng 'yon ay kailanman hindi ko malilimutan. Even if it takes me a decade before getting a glimpse of him again. He's glaring the direction of the car before gripping my waist. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong nakapulupot ang dalawa niyang braso sa aking katawan. We're so close... too close... Nang lingunin na niya ako, halos magtama ang tungki ng aming ilong dahil sa sobrang lapit. "Maximillian." He said in a deep, authoritative voice. How I never loved my name to be called like this before. Ngayon lang. "What the hell are you thinking crossing on a road unguarded?" Sermon niya sa akin bago ako walang kahirap-hirap na pinatayo. He's still strong. I think he became stronger now. "T-Trek." Ngayon na nga lang ako napagsalita ulit, nautal pa. "Trek, kasi--" "MA'AM MAXI!" Sabay kaming napalingon sa direksyon kung saan ako galing at don ko nakita ang lalakeng kanina ko pa iniiwasan. Bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala habang tumatakbo papalapit sa akin. "Ma'am! Bakit po kayo tumakbo papalayo sa akin? Baki--" Hindi niya natapos ang gusto niyang sabihin nang biglang iniharang ni Trek ang kanyang katawan sa akin atsaka hinarap ang bodyguard ko. "Who are you?" I pressed my lips firmly when I heard him said that. He's still the over-protective man I've known. "Bodyguard po ako ni Ma'am Maxi." "Bodyguard?" Tumango ang lalake sa kanya. "You are her bodyguard, but you left this kid almost get killed by a rushing car?" Uh what? KID? I'm not a kid. I'm an adult. Biglang namutla ang lalake sa sinabi ni Trek atsaka napalunok. Halatang walang kaalam-alam sa muntikan ng mangyari sa akin. Napasinghap ako nang kunin ni Trek ang aking kamay atsaka mabilis na naglakad papunta sa gilid kung saan may isang sasakyan ang nakaparada. "I'm taking you home and I'll tell your father what happened." Pinipigilan ko ang aking sarili na mapangiti habang hila-hila niya ako. Ngunit natigilan din ako nang buksan niya ang backseat ng kanyang kotse. Bakit niya ako dito pauupoin? He can put me in the passenger seat beisde him. "Get in." "P-Pero." Pero gusto kong maupo sa tabi mo. Ayoko sa backseat lang. Biglang bumaba ang bintana ng passenger's seat at don ko nakita ang isang babae na ikinagitla ko. Sa pagkakataong ngayon ay hindi na nakahawak sa akin ang kamay ni Trek. The woman looks beautiful. At hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. I suddenly felt insecure. "Hi sweetie, are you okay?" Nag-aalala niyang tanong sa akin. Nakatitig lang ako sa kanya at hindi sumagot. "She's fine." Si Trek na ang sumagot sa kanya. "Get inside, Maximillian." Isang tango lang ang itinugon ko sa kanya bago mabilis na pumasok sa backseat dahil wala naman akong choice. Liningon pa ako nong babae dito sa pwesto ko atsaka ako tinignan mula ulo hanggang paa, halatang chinecheck kung ayos lang ba talaga ako. I don't need your sympathy, miss whoever-you-are. "I'm sorry but can we first take her home?" Tanong ni Trek sa babae dahilan upang palihim kong maikuyom ang aking kamao habang tahimik na nakayuko rito sa likod. "Of course, I don't mind. Makakahintay naman ang date natin." "Thanks." Date... Trek is having a date with a woman. I clenched my teeth when he started the engine of his car and drove away from my school.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
151.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
142.3K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
95.1K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
48.6K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
14.6K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
69.8K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
38.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook