Maximillian's POV
"Ngayon pa lang, alam ko ng uuwi ka na namang lasing mamaya." Rinig kong sabi sa akin ni Cristel habang papasok na kami sa loob ng club.
"May table na ba tayo?" Tanong ko sa kanila atsaka pinagsawalang-bahala ang sinabi ni Cristel. Pasok sa isang tainga, labas sa kabila.
"Oo, nasabihan ko na yung manager. Suki na tayo rito eh." Sagot sa akin ni Wringo atsaka kami pinauna ni Cristel na pumasok nang buksan niya ang unang pinto ng club.
Madilim na sa parteng 'to habang naglalakad kami sa isang hallway nila rito. Sa may pinakadulo, tanaw na tanaw na namin ang dalawang guard na may malaking pangangatawan.
Mula rito sa pwesto namin, ramdam ko na rin ang ilang vibrations mula sa loob ng club. Maghahating-gabi na rin kasi kaya buhay na buhay ang mga tao sa labas.
"Ma'am Maxi!" pagbati nong isang guwardiya nang makita niya ang grupo ko. Kaagad ko naman siyang ningitian atsaka binati na rin.
"Hindi po kita nakita last week, ma'am ah." Sabi naman nong isa habang papalapit na kami sa kanilang pwesto.
"Busy lang po." Pagdadahilan ko kahit na ang totoo niyan ay pinagbawalan na talaga ako ni Dad at ang rason kung bakit ako andito sa harapan nila ay sadyang tumakas lang talaga ako sa amin.
They never checked our purse; they just opened the door right in front of us and welcomed us inside the club.
Kasama na sa routine ko every Friday night ang magpunta sa club na 'to. Saktong biyernes din ngayon kaya heto ako ngayon.
"What table?" I asked Wringo while roaming my eyes around the club. Hmm, not bad, marami-rami na ring tao ang naririto.
"Number 8." Tumango ako atsaka kami sabay na nagpunta sa table number 8.
"Maxi!" Mabilis akong napalingon sa malaking bar counter nila rito nang may tumawag sa pangalan ko.
And right there, I saw my two favorite baristas; Jack and John, they were fraternal twins.
Hindi ako nalilito kung sino-sino sa kanilang dalawa si Jack at John dahil magkaiba naman sila ng physical features. Jack is slightly taller than John, while John is more fit compared to Jack.
Jack is standing 6 foot tall, while John has a really good body.
Sa mukha naman, pareho silang gwapo pero mas pilyo si John habang 'good boy' vibes naman si Jack.
"Look who's going to flirt again." Rinig kong bulong sa akin ni Cristel atsaka ako mahinang siniko nang makita niyang napahinto si John sa kanyang ginagawa nang marinig niya ang kanyang kakambal na tinawag ako.
Napailing ako habang nakangiti nang sabihin 'yon ni Cristel.
"Oh, shut up, Tel. Mauna na kayo ni Wringo sa table natin, ako na ang mag-oorder ng drinks." Pabiro niayng pinalo ang aking puwet bago ako tinalikuran atsaka sila sabay ni Wringo na naglakad papalayo.
Napailing na lang ako bago natungo sa malaking bar counter.
"Hey." John said while pressing both of his palm against the counter.
"Hey," wika ko atsaka umupo sa isang high stool.
"You look stunning tonight, as always." He said before showing his playful smile after checking me from head to foot.
What a flirtatious man, but I can still play with him.
Biglang sumingit ang kakambal niya dahilan upang mapatingin ako ng deretso sa gawi ni Jack.
"Hi, Maxi, how are you? Hindi ka nagpunta rito nong isang linggo ah."
"Hi, Jack. Oo nga eh, nabusy lang."
"Any drinks you want?" Jack asked while smiling at me.
"One shot of tequila, please." I said while smiling.
"Alright, my brother will prepare it for you." He said before flashing his complete set of white teeth and went to his side of the bar counter.
Nakita kong napailing si John habang nakangiti bago kinuha ang isang boteng tequila at shot glass. Hindi ko siya maiwasang pagmasdan habang nilalagyan ng matapang na likido ang maliit na basong hawak niya.
He then took some lemon and a pinch of salt.
"One shot of tequila for my favorite lady." Aniya atsaka inilagay ang inumin sa mismong harapan ko habang may nanunuyong mga mata.
"Favorite lady, that's new." Wika ko atsaka kinuha ang shot glass. "Where's my lemon, John?" I asked before looking at him directly in the eyes.
Unti-unti akong napangangan nang kagatin niya ang lemon atsaka mas inilapit ang kanyang mukha sa akin.
Mahina akong napatawa nang mapagtanto ko ang gusto niyang mangyari. Okay, mukhang lumelevel-up na nga si John. He even put the pinch of salt at the tip of his forefinger.
Muli akong napatawa habang napailing bago kinuha ang kanyang kamay atsaka itinapat sa aking bibig ang kanyang isang daliri.
He's challenging me.
Titig na titig ito sa akin at halatang naghihintay sa susunod kong gagawin. Hinawi ko ang aking nakalugay na buhok atsaka ko ipinasok ang kanyang daliri sa aking bibig.
I immediately taste the saltiness of the salt when I swiped my tongue against his finger. Ginawa ko 'to habang nakatingin ng deretso sa kanya mata.
When I saw how he looks so fascinated with a view of me s*cking his finger, I can't help but to smirk before drinking the tequila.
Nang mailunok ko na ito kaagad kong inilapit ang aking bibig sa kanyang bibig para kagatin ang lemon doon.
The moment I taste the sourness of the lemon, that was the exact moment John pulled me a bit closer for a kiss.
He sucked the lemon in his mouth and tastes my lips. I let him kiss me, but I didn't kiss him back. When he's done, he immediately pulls away and stares at me while cupping both of my cheeks.
"You taste nice." Bulong niya na ikinangisi ko.
Bahagya kong hinawi ang dalawa niyang kamay na nakahawak sa akin bago umupo ng maayos sa aking kinauupuan. I saw John removed the lemon inside his mouth and throw it away while still looking at me.
He's too obvious. Halatang gustong-gusto ako.
"I would like to get a bottle of Black Label to table number 8." Kaswal kong wika sa kanya atsaka humugot ng pera mula sa aking maliit na bag.
"No, keep it. It's on me." He said and winked.
Kung sana ganito ko lang kadali makuha ang mga gusto ko.
"Thanks, John." Tumayo na ako atsaka nagpunta sa table namin ni Cristel.
Nasabi ko bang pagmamay-ari ng mga magulang nina Jack at John ang club na 'to? Kaya ganyan lang kadali para sa kanya ang sabihin 'yon.
"MAXI! Lasing ka na." I shoved Cristel's hand and went towards our table on my own after dancing with the crowds. Kaagad akong umupo atsaka sumandal habang nakahawak sa aking ulo.
It's hot, too hot.
"Wringo, iuwi na kaya natin si Maxi?"
"Mabuti pa nga, baka tayo pa mapagalitan nina Tito."
"Tara, dami na niyang nainom."
Naramdaman ko ang kamay ni Cristel sa aking katawan atsaka binaba ang laylayan ng aking suot na bestida.
"Hindi ako uuwi." Wika ko atsaka kinuha ang aking cellphone sa loob ng purse. Naningkit ang aking mga mata habang hinahanap ang isang cellphone number.
"Walang uuwi hangga't hindi ko sinasabi *hik*." Nakangising kong saad atsaka mabilis na nagtype sa screen ng aking phone.
Dumadalawa na ang aking paningin.
"Fine, but we won't let you drink this time. Maupo ka lang diyan nang mahimasmasan ka man lang ng kaunti." Nag-aalalang wika ni Cristel atsaka ako pinabantayan ni Wringo bago ito umalis para magbanyo.
Nang abutin ko ang isang boteng alak, mabilis itong kinuha ni Wringo na ikinakunot ng aking noo.
"What the hell, Wringo?"
"Magalit ka na sa'kin pero hindi na kita paiinumin." Seryoso niyang wika atsaka inilayo ang mga alak na may laman pa.
Umirap ako atsaka muling ginawa ang isang bagay na matagal ko ng gustong gawin. I just need the alcohol to rule my entire system para nang sa ganon ay may lakas akong gawin 'to.
To Trek:
Hey jerk. Haws ur date? :))()
Then I hit the send button. Hindi pa ako nakuntento atsaka nagtype pa ulit.
Finished fckng her?
Hinilot ko ang aking sentido at hindi nagtagal ay biglang nagvibrate ang cellphone ko.
From Trek:
Maximillian?
Napangisi ako atsaka nagtype ulit.
To Trek:
Yasaah.
From Trek:
Yasaah?
Why are you still up?
To Trek:
Yeah**
Paki mo b? Sagutin mo kasi tanong ko. Are u done fcking her? What does she taste like? Does she taste nice? That's what John told me when he kissed me tho.
And then send. Napangisi ako dahil sa wakas at may lakas na akong sabihin sa kanya ang mga salitang gusto kong sabihin. Inabot ng isang minuto bago pa siya nagreply.
Bat ang tagal naman ata? Siguro hinahalikan niya pa yung babae.
From Trek:
Who's John?
To Trek:
A friend.
From Trek:
Who's John.
Okay? What's with the statement? Bakit parang naririnig ko na ang boses niya? I rolled my eyes.
To Trek:
The bartender.
From Trek:
Are you drunk?
To Trek:
Yasaah.
Napakurap ako atsaka mabilis na nagtype ulit.
To Trek:
No** That means 'nO' jerk.
From Trek:
Where are you?
To Trek:
Secreeeeeet! Baka puntahan mo pa ako.
From Trek:
Maximillian. Where are you.
Tinitigan ko muna ang screen ng aking phone bago nagtype ulit.
To Trek:
Hindi ko sasabihin sayo na nasa agwa ako.
And then send. Napangisi ako dahil ako ang nagwagi, hindi na kasi siya nagreply ulit. Ha! Shame on you, Trek! Naisahan na kita.
Kaagad kong inilagay ang aking phone sa loob ng aking purse dahil saktong nakabalik na rin si Cristel.
"Tel, sayaw tayo."
"Ay nako, Maxi, ha? Diyan ka na lang."
"Please? I'm a bit sober. Promise, hindi na nga ako uminom nong nagbanyo ka." Nilingon ko si Wringo na ngayon ay nakaupo parin sa kanyang pwesto.
"Right?" Wringo sighed before nodding his head.
"Well, Maxi attempted to drink earlier but I didn't let her." Tumango ako kaagad sa sinabi ngunit hininto rin dahil bigla na lang akong nahilo. Buti na lang at hindi nila napansin 'yon.
"Fine." Kaagad akong hinila ni Cristel papuntang dancefloor para makisayaw sa mga tao rito sa loob. It's almost 1 am and some of the people here are drunk like me.
Sumayaw kaming dalawa ni Cristel at nang makita kong may kasayaw siyang ibang lalake, hindi ko maiwasang mapangisi . I even spotted Wringo dancing a few steps away from us with someone he knew.
I am in the middle of feeling every beat of the loud music when someone held my waist from behind.
"Good thing you're still here." He whispered behind my ears. Tumama pa ang labi niya sa aking tainga kaya hindi ko maiwasang lingunin ito.
"John?" I said with a doubt. Dalawa na kasi ang paningin ko kaya hindi ko siya masyadong maaninag ng husto.
"Yeah, it's me." Nakangiti niyang wika atsaka ipinulupot ang dalawa niyang kamay sa aking bewang.
"Tapos na ba ang shift mo?" Tanong ko matapos kong hawakan ang kanyang kwelyo. John chuckled a bit before fixing some strands of my hair against my face.
"Yes, and I decided to join you here." Ngayon ko lang napansin na suot niya. Hindi tulad kanina na talagang uniporme para sa barista ang suot niya.
He smells good as well, but not as much as how Trek smells good.
That man is beyond anyon--
What the hell? Bakit siya parin ang iniisip ko? Eh nakipaglandian na nga 'yon sa iba.
"Nabitin ako kanina." Panimula niya atsaka ako mas lalong hinapit papalapit sa kanya. Dikit na dikit na ang katawan ko sa kanya.
"You don't mind if I kiss you again, right Maxi?" Bulong niya bago hinawakan ang magkabila kong pisngi.
Titig na titig ito sa aking mata bago bumaba sa aking labi.
"The moment I saw you dancing in this dancefloor for the very first time, you already caught my interest." He leaned closer this time.
"And now, you're dancing with me." Dagdag pa niya bago unti-unting inilapit ang kanyang labi sa akin.
I closed my eyes and waited for his lips to meet mine when someone pulled me away from him. Sa sobrang lakas ng pagkakahila sa akin ay muli akong nahilo kaya mabilis kong tinakpan ang aking bibig.
"What the-- hey!"
Nang tignan ko si John, nakita ko kung paano ito natigilan nang harapin ang taong humila sa akin papalayo sa kanya. Kaagad na nangunot ang aking noo nang bahagyang itinaas ni John ang dalaw aniyang kamay sa ere atsaka umalis na lang bigla.
What the hell? Sino ba 'to? He's ruining my mood! Our mood.
"Hoy, walang modo! Sino ka para hilahin ako mula kay John? Hindi mo ba alam na siya ang--"
"So, that was John, huh?" Napaawang ang aking bibig nang tuluyan na akong hinarap nong lalake. "I never thought he was a chicken."
Kagaya ng nangyari kanina ay halos hindi ko rin maigalaw ang aking mga paa. Ang seryoso niyang mga mata ay nakatingin na sa akin habang mahigpit na nakahawak sa aking braso.
"Anong-- paano mo--"
"You better chose a man who can fight, Maximillian. That John can't even throw his fist on me." Pagpuputol niya sa akin atsaka ako mabilis na hinila paalis sa dancefloor.
"T-Teka! Bitawan mo nga ako, Trek!"
Pilit kong binabawi ang aking braso mula sa kanya pero mas lalo niya lang itong dinidiinan.
"Ano ba--! Hoy!" Bigla niya akong hinarap atsaka binitbit na parang sako.
"Cristel! Wringo!" Sigaw ko sa mga kaibigan ko dahilan upang makita nila kaagad akong binibitbit na isang malaking tao.
"Hoy! Ibaba mo ang kaibigan namin!" Wringo caught Trek's arm, but he shoved it away instantly and faced them.
"Stay away, kid. I'm taking Maximillian home." Nakita kong napakurap si Wringo atsaka bahagyang napaatras nang makita ang seryosong mukha ni Trek.
Tila ba kaagad silang nagiging isang maamong tuta sa oras na tignan sila sa mata ng lalakeng 'to.
Come on! Could someone have the guts to take me away from this man?!
Kahit paglabas namin sa mismong club ay hindi siya hinarangan ng dalawang guard at nanatili na lang na nakatayo at nakayuko sa kanilang pwesto.
"Put me down!" I hissed before hitting his back. Damn this sexy back, bakti sobrang tigas nito?
"I said, put me down!" Bigla niya akong inilapag sa lupa ngunit kaagad din akong nawalan ng balanse dahilan upang mapaupo ako.
I groaned when my butt hit the ground before cupping the side of my head. Hilong-hilo na talaga ako.
Nakita ko kung paano napasuklay sa buhok si Trek gamit ang kanyang mga daliri atsaka mabilis na binuksan ang backeat ng kanyang sasakyan.
"Get in." Hindi ko siya pinakinggan atsaka unti-unting tumayo.
"Get inside the car." Aniya habang nakahawak sa pinto ng kanyang sasakyan.
Hindi ako nagsalita atsaka muling naglakad papalayo sa kanya.
"Don't follow me, okay? Uuwi ako kung kailan ko g-- TREK! ANO BA?!" Bigla niyang hinuli ang aking bewang atsaka ako sapilitang pinapasok sa loob ng kanyang sasakyan.
He slammed the door immediately which made me jolted.
Nang makapasok na ito sa driver's seat kaagad kong sinipa ang kanyang upuan dahilan upang inis niya akong nilingon.
"What the f*ck is wrong with you?" Kunot noo niyang singhal sa akin.
"No, what the f*ck is wrong with you? Sino ba ang nag-utos sa'yo na puntahan ako rito?! You ruined my moment!"
"Moment? You called that a moment?" Aniya sabay turo sa club. "Well guess what, Maximillian, you ruined my sleep!"
"I don't care! You should've get back to sleep with your date rather than picking me up here! Hindi na ako bata!"
"Shut up and behave."
"I won't behave!"
"Shut your mouth, Maximillian." May pagbabanta niyang wika sa akin pero hindi ako susunod. Hinding-hindi ako susunod sa kanya.
"You shut your mouth, Trek."
"Isa!" Naikuyom ko ang aking kamao nang magbilang na ito.
"Hindi ako masisindak diyan!"
"Dalawa! Pag umabot ito ng tatlo, hindi mo magugustohan ang gagawin ko."
"The hell I care?! I won't shut my mouth until you let me go back!"
Bigla niyang tinanggal ang kanyang seatbelt atsaka kaagad na nagpunta rito sa backseat. Nang mahawakan niya ang aking braso ay kaagad kong tinampal ang kanyang kamay atsaka ito itinulak sa gilid.
"What the hell?! What are you doing?!" Kunot noo kong tanong nang makita nakaupo na ito sa tabi ko rito sa backseat.
"Just shut your mouth or else--" Bigla kong binuksan ang pinto ng kanyang kotse para sana lumabas ngunit bigla niyang hinuli ang akign braso at pati na rin ang pinto bago ako hinila pabalik.
He shut the door and locked it using his hand before pushing me against the door and cupped both of my cheeks. Nanlaki ang aking mga mata nang maramdaman ko ang kanyang labi sa aking labi.
Ang kaninang nagaalburoto kong damdamin ay unti-unting kumalma.
It looks like I've been casted by a spell in just a snap.
Unti-unti kong naisara ang aking dalawang mata atsaka dinamdam ang kanyang malambot na labi. Walang kasing lambot ang labi niya ikukumpara kay John.
When Trek pulled away from the kiss, his eyes pierced on me immediately while clenching his jaw.
"I'm taking you home, okay?" Aniya bago tuluyang lumayo sa akin ngunit hindi ko siya hinayaan atsaka ito hinila muli nang mahawakan ko ang kanyang kwelyo.
"Maximillian, what--"
"More. I want more." I said before kissing him again.