Trek's POV
I have no idea what happened to me.
Pilit kong tinatanggal mula sa aking isipan ang nangyari nong gabing 'yon. I tried to get rid of it, but it kept on bothering me again and again.
It was a bit odd for me to look at Maximillian that way. At isa pa, hinayaan ko ang sarili kong gawin ang bagay na hindi ko dapat gawin.
I already killed someone on my former job, but nothing beats the sin I did towards her. Potang*na lang, parang binaboy ko ang batang 'yon.
Bata? Bata pa ba talaga si Maximillian?
Yes, she's nineteen and for me sobrang bata pa talaga niya ikukumpara sa taong katulad ko.
But then witnessing her naked body on top of my very own bed makes me want to commit an eternal sin.
I can live in hell if it means I can see her beauty again.
Inis kong naitampal ang aking pisngi dahil sa mga iniisip ko ngayon. Mabilis akong tumayo atsaka nagtungo sa malaking bar counter dito sa loob ng isang club.
Ito mismo ang club na pinuntahan ko noon para kunin ang lasing na lasing na si Maximillian. At hindi ko alam kung bakit ako dinala ng aking mga paa ngayon dito.
I just found myself approaching a familiar man who's mixing drinks in the other side of the counter.
"Good evening, how may I--" Hindi niya natapos ang gusto niyang sabihin nang makita ako.
Hindi nakatakas sa'kin ang kanyang paglunok nang tignan ko ito ng deretso sa mata.
"A glass of martini." Simpleng wika ko sa kanya na ikinatango nito kaagad.
Tinitigan ko lang ito habang ginagawa niya ang aking inumin, pero hindi rin ito nakatulong sa kanya dahil ilang beses na niyang muntikan malaglag ang mixer na hawak-hawak niya.
He's tense, I can feel it.
Siguro naalala niya parin ang ginawa ko noon.
"You can breathe, you know?" I said which made him flinched a little while he's pouring the liquor into the glass.
Nang ilapag niya ang aking inumin sa aking harapan, don palang siya nagsalita.
"M-May atraso ba ako sa'yo?"
"Ano sa tingin mo?" Nakita ko itong napalunok nang sabihin ko ulit 'yon sa kanya bago sumimsim ng alak.
"Look man, if you're still holding a grudge during that night, I'm sorry-- hindi ko naman alam na may karelasyon na pala si Maxi."
Napatitig ako sa kanya lalo nang sabihin niya 'yon sa akin. Obviously, it wasn't clear to him that I am not Maximillian's man, pero hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa'kin ngayon at bakit ko sinabayan ang paniniwala niya.
"That's good to hear." Panimula ko bago muling sumimsim sa aking inumin. "I'm a very calm man, but I get uncontrollably aggressive when someone's invading mine, so learn to distance yourself. You got me?"
Mabilis tumango ang lalakeng nagngangalang 'John' matapos ko 'yon sabihin sa kanya.
Inubos ko ang natitirang laman ng aking iniinom bago muling nag-order ng panibagong round ng martini mula sa kanya. When I accepted the second glass from him, I saw how he still flinched when I accidentally touched his hand.
"Relax, I won't crash your head in this hard marbled counter," seryoso kong sabi sa kanya na ikinalayo kaagad nito.
I silently smirked when I saw how anxious he is.
This is getting funnier than I expected.
"ITO, gusto ko nito."
"Bagay ba sa'kin?"
"Hala ang ganda! Kasya kaya sa'kin yung sandals?"
"Halika, tignan mo kung babagay sa'kin."
"Trek! Dito!"
"Trek!"
Wala na bang katapusan 'to? I am her bodyguard, not her personal nanny. I am supposed to look around and must be well-guarded, hindi para maging personal alalay na tiga-bitbit ng samu't-saring paperbag.
"Tignan mo, ano ang mas bagay? Lavender or royal blue?" Aniya sabay pakita sa akin ng dalawang cocktail dresses na hawak-hawak niya.
This is one of the toughest decisions I am about to do.
Pabalik-balik lang naman ang tingin ko sa dalawang bestidang hawak-hawak niya. Parehong magaganda at bagay sa kanya.
"Royal blue." Naging sagot ko nalang.
"Hmm, hindi ba masyadong bold yung dark color? Mas feminine tsaka cute ang lavender eh, ito na lang!"
Napabusangot ako pagkatapos. She shouldn't have let me decide if that's the case.
Maxi is having an acquaintance party so she's buying a lot of things right now just after her class. Maaga s'yang natapos ngayon kaya heto at sinasamahan ko s'ya sa pamimili.
Sinabihan ko s'ya kanina na mas maganda siguro na kasama niya ang isa niyang kaibigan na babae para may tumulong sa kanya sa pamimili, pero umayaw ito at mas ginustong kami lang dalawa.
Don pa lang, alam ko ng hindi magiging magandan ang kalalabasan nito.
"Trek, bibili ako ng bagong perfume," sabi niya matapos bayaran ang kakabili niya lang na dress.
Kaagad niyang iniangkla ang kanyang isang braso sa akin atsaka idinikit ang kanyang dibdib doon. I immediately look away and swallowed hard when she did that.
I have no idea if she's doing that on purpose or not, but I don't want to give her an inappropriate reaction about it.
Keep your cool, Trek, just keep your cool.
Pumasok kami sa isang perfume shop at nagsimula ng pumili ng pabango si Maximillian.
I let her take her time as I stand on the corner of the shop, gazing some of the individuals or group walking around the mall.
Paminsan-minsan ay napapatingin din ako sa gawi ni Maximillian atsaka ito ilang segundong pagmamasdan bago muling mag-iwas ng tingin.
I admit Maximillian grew up to become a stunning lady she is. Walang kuwestiyon tungkol sa pagiging isang magandang babae niya pero kailanman ay hindi ko inaasahan ang magiging ugali niya pagdating sa akin.
O baka ganito siya sa lahat ng lalake.
Palihim kong naikuyom ang aking kamao at sa isang idlap lang ay salubong na ang dalawa kong kilay lalo na't maalala ko ang dalawang lalakeng nagngangalang Christian at John at kung paano umasta si Maximillian sa harap nila.
I shook my head and shove those things away from my head.
Why did I suddenly act like a disappointed boyfriend?
Muli akong napatingin sa labas ng shop atsaka pinagmasdan ang ilang mga tao nang may makita akong isang babae sa may di kalayuan.
Bigla akong nanigas sa aking pwesto nang makit ko ang kanyang mukha.
She's holding a phone against her ear while talking to someone on the other line. Kasalukuyan itong naglalakad papunta sa isang escalator habang may bitbit na dalawang paperbag.
In just a snap, I suddenly have no control over my body. Bigla na lang akong lumabas sa shop atsaka ito mabilis na sinundan habang titig na titig parin sa kanya.
But when I was about to touch her shoulder, a group of teenagers suddenly cut my opportunity to hold her when they get in between us.
Tuluyan na itong nakasakay sa escalator atsaka siya sinundan ng isang grupo kaya wala na akong magawa kundi ang tumayo rito sa dulo ng escalator habang sinusundan ko parin ito ng tingin.
I stared at the white ribbon clipped against her long brunette hair until she vanished on the next top floor of the mall.
My heart is thumping so fast and hard as if it wanted to get out from my chest. Mahigpit akong napahawak sa mga paperbag na hawak-hawak ko bago madiin na napapikit.
No, it's impossible... Imposibleng s'ya ang nakita ko...
"Trek." I flinched when someone touched my arm which made me look at her.
Nagulat din ito nang makita niya ang naging reaksyon bago kumunot ang kanyang noo.
"Ayos ka lang ba? Bigla ka na lang nawala sa shop, may gusto ka bang bilhin?" Sunod-sunod nitong tanong sa akin na ikinalunok ko sabay iling.
"N-No, I'm sorry I left you unguarded." Mas lalong bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Maximillian nang mautal ako sa kanyang harapan.
"Are you really okay? Namumutla ka, Trek." I immediately bite my lower lip when she said that before turning my gaze away from her.
"I'm fine, Maximillian." Bigla niya na lang hinawakan ang aking noo na ikinatingin ko ulit sa kanya sabay hawi ng kanyang kamay palayo.
"I said, I'm fine!" She gasped when my voice slightly risen up which made me caught off guard.
Nang makita ko kung paano nanlaki ang kanyang mga mata ay kaagad akong napalunok. When her eyes suddenly got teary, I immediately took her hand and apologize.
"I'm sorry... I'm sorry it wasn't my intention to--" Bigla niya akong tinalikuran na ikinatigil ko lalo na't mabilis niyang binawi ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ko.
"T-Tapos na ako, pwede na tayong umuwi." Aniya sabay lakad ng mabilis papalayo sa akin.
Hindi nakatakas sa aking paningin ang ilang mga taong napapatingin sa gawin ko at ang iba naman ay sinundan ng tingin si Maximillian na mabilis na naglakad paalis.
I shut my eyes and cursed under my breathe before following her.
NAPAHILAMOS ako gamit ang isa kong kamay habang nakatayo sa aking balkonahe. The cold breeze of the night doesn't bother me at all kahit na nakatopless lang ako ngayon at nakapajama.
My day with Maximillian didn't end that well. Ni kahit isang tango ay hindi niya magawa nang maihatid ko siya sa kanila kanina. I kept on saying sorry but she's still quiet.
Sa tuwing hahawakan ko ang kamay niya, ay palagi niya naman itong binabawi kaagad na tila ba may sakit akong nakakahawa.
And the woman...
The woman I saw in the mall is also one of the reasons why I can't sleep tonight. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako kanina na siya ang nakita ko o hindi.
It's been years since the last time I saw her.
Biglang tumunog ang cellphone ko sa loob ng aking kwarto kaya mabilis akong pumasok sa loob atsaka dali-daling tinignan ang phone screen, nagbabakasakaling si Maximillian ang tumatawag.
Pero ganon na lang ang aking pagkadismaya nang hindi ang pangalan niya ang nakaflash sa screen.
I sighed and answered the call anyway.
"Hel--"
[Kuya! Good thing you answered the call, akala ko natutulog ka na eh.] He said when he cut me off.
"What made you call me during this hour, Wycliffe? Hindi ka ba busy?" I asked as I locked the sliding door behind me.
Narinig ko ang mahinang pagtawa niya sa kabilang linya bago niya ako sinagot.
[I have something to tell you.]
"What is it?"
[I'm flying to the Philippines right now.] Mabilis akong napaderetso ng tayo nang sabihin niya 'yon.
"You what?" Bigla itong napatawa sa kabilang linya bago ito muling magsalita.
[I know you heard me, kuya. I've been planning to do this since last year and here it is! Nasa airport na ako ngayon at naghihintay ng flight ko.]
Napailing na lang ako nang marinig ko 'yon mula sa kanya. Wycliffe is studying medicine in Russia-- he's going to be surgeon, ilang taon na rin ang huli niyang pagbisita niya rito sa Pilipinas.
"Have a safe flight then, I'll be waiting for you here."
[Thanks! By the way, may pabor sana akong hihilingin sa'yo, kuya.] Umupo ako sa ibabaw ng aking kama bago ito sinagot.
"Ano yun?" There's a long pause from the other line before he answered.
[I'm planning to surprise Maxi tomorrow, pwede bang wag mo munang sabihin sa kanya na dadating ako?]
Right...
I almost forgot the relationship between my brother and Maximillian. They're the closest among the closest.
Nasa Russia pa lang ako, alam ko na ang nangyayaring pagpapalitan nila ng emails at kung minsan ay nakikita kong kausap ni Wycliffe si Maximillian sa phone o laptop niya.
Wala lang 'yon sa akin noon, pero ngayon...
"Wycliffe." Pagtawag ko sa pangalan niya.
[Yes?]
Ako na naman ang biglang natahimik.
All I have to do is to ask him about his true intentions to Maxi. That's it. Yun lang, pero bakit sobrang hirap gawin?
"Makakaasa ka tungkol diyan. Have a safe flight again."
[Thanks, kuya. Maasahan ka talaga.]
Hindi nagtagal ay binaba ko na rin ang tawag dahil pacheck-in na s'ya.
Wycliffe will see Maximillian again.
I wonder what will be his reaction after seeing her after 4 years...