Maximillian's POV
Kinusot ko ang aking mga mata atsaka nag-unat ng buong katawan. Bigla akong may naalala kaya hindi ko maiwasang mapangiti ng malapad atsaka gumugulong-gulong sa malambot na kamang ito.
Ah, my lovely Trek, you did so good!
Nang tignan ko ang aking katawan sa ilalim ng kunot ay biglang nangunot ang aking noo nang makita kong nakabihis ako.
Suot-suot ko na ang tshirt ni Trek kagabi at pati na rin ang underwear ko.
Huh? Diba nakahubad ako kagabi?
Mabilis akong napaupo sa ibabaw ng kama atsaka mabilis na tinignan ang buong lugar.
Nasa mismong kwarto pa naman ako ni Trek kaya bakit...
"Trek?" Tawag ko sa pangalan niya nang makita kong nakabukas na ang kanyang pinto. Maliwanag na sa labas kaya alam kong umaga na.
Dito ba siya natulog kagabi? Sana nga nagkatabi kaming dalawa kasi maganda yung nangyari kagabi para hindi niya ako samahan dito sa kama niya!
"Trek?" Tawag ko ulit nang mailabas ko na ang aking ulo sa kanyang kwarto atsaka ito hinanap sa labas.
Nang makita ko itong nakatalikod sa akin ay may ginagawa sa kusina ay bigla na lang akong napangiti ng malapad.
Hays, ganito pala ang magiging view ko tuwing umaga kung ikakasal na kami. Nakakaexcite naman!
Libre lang naman mangarap eh, lulubosin ko na lang, baka matupad din.
"Good morning! Anong niluluto mo?" Tanong ko sabay yakap sa kanya sa likuran habang nagluluto ito.
"Eggs and bacons. Just take your seat, Maximillian." Napakurap ako nang mabilis niyang tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanyang katawan atsaka nagtungo sa hugasan.
Ang kaninang hindi matanggal-tanggal kong ngiti at unti-unti ng nawawala nang makita ko ang pag-iiba ng kanyang ekspresyon sa mukha.
"Please, take your seat, I can't cook well if you're here." Medyo napaawang na ang aking bibig matapos niyang sabihin 'yon sa akin nang hindi man lang ako tinitignan.
It sounds a bit irritated.
He's brewing his coffee right now while taking out some fresh milk from his fridge. Kaya hindi niya mapapansin ang biglaang pag-iiba rin ng aking ekspresyon ngayon.
"S-Sige. Pasensya ka na." Mahina kong sabi sa kanya bago tuluyang tumalikod atsaka umupo rito sa harap ng kayang mesa.
"If you need some help, I can--"
"No, thank you." Mabilis nitong wika dahilan upang maputol niya kaagad ang gusto ko pa sanang sabihin.
Pinagmamasdan ko lang ito habang abala sa kusina.
I don't think he had a good morning.
Wala akong magawa kundi ang kumurap-kurap nalang dito sa aking kinauupuan habang nakatingin sa kanya. Medyo salubong ang dalawa niyang kilay habang nagtitimpla ng kanyang kape.
Pati paglagay ng mga pagkain sa harap ko at isang basong fresh milk ay nakakunot parin ang noo. Inilapag niya ang kanyang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa atsaka ako tinignan bago magsalita.
"Eat your breakfast, wear your clothes, and I'll drive you home. And when I say wear your clothes, I mean wear YOUR clothes."
Noo ko na naman ang nakakunot ngayon lalo na't sabihin niya 'yon sa akin na may buong diin. Kung may isyu naman pala sa kanya ang pagsuot ko sa kanyang damit, oh edi sana hindi na niya lang ako hinayaang suotin ito kagabi pa lang.
"May nangyari ba sa'yo na hindi ko alam?" Inosente kong tanong sa kanya na ikinatigil nito ng bahagya.
Nagkatitigan kami ng ilang segundo bago niya hinila ang isang upuan atsaka ito pinaharap sa akin. He took the seat and looked at me with a problematic face.
Bakit s'ya nagkakaganito?
"Maximillian." He stated while looking at me in the eye.
"What happened last night was a mistake."
And then just like that, my world suddenly stops turning. Tila bigla akong nabingi nang sabihin niya 'yon at hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkadismaya.
A mistake? It wasn't a mistake for me.
"And it shouldn't happen again, do you understand me? We suddenly just get too excited and it's not a good thing. It's my entire fault for letting my guard down. Hindi ko dapat hinayaan na mangyari--"
"No." I cut him off.
"No, it wasn't a mistake. Desisyon ko 'yon, ginusto ko 'yon, Trek. Ginusto natin yung nangyari sa atin kagabi--"
"Walang nangyari sa ating dalawa, Maximillian. So basically, you're still safe."
"Safe-safe, I don't give a damn about it. I don't wanna be safe!"
"Hey, lower down your voice."
"Totoo naman ah, totoong ginusto natin yung kagabi. Hindi man natin tinuloy yung dapat na mangyari kagabi, pero alam kong ginusto natin 'yon."
"Anong dapat na mangyari?" Kunot-noo nitong tanong sa akin na tila ba hindi ito makapaniwala sa salitang lumalabas mula sa aking bibig.
"T-The s*x!"
"Jesus, Maximillian." Bigla itong napatayo atsaka mabilis na kinuha ang kanyang kape para inumin ito. Narinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga habang nakatalikod sa akin matapos niyang ibaba ang kanyang kape sa ibabaw ng mesa.
I know he's stressed, and it was evident that what happened between the two of us last night bothered him the most.
"If you're thinking I might sue you for r*pe then you're obviously overreacting things. Hell, I won't do that to you." Sabi ko sa kanya para mapanatag naman ang loob niya.
I don't want to mess him up. I don't want him to overthink.
"Even so, filling r*pe against me won't help you at all simply because we never did IT."
"Well, almost--"
"Jesus, stop, okay? Just stop talking about it." Bigla na lang niya akong hinarap na salubong ang dalawang makakapal nitong kilay at medyo namumula na ang mukha nang dahil sa inis.
I sighed before raising both of my hands in the air while nodding at him.
"Fine, fine, I'll shut my mouth about it," sabi ko bago muling hinarap ang pagkain. "Pwede na ba akong kumain?" Dagdag ko pa na ikinatango ni Trek.
Kaagad akong kumuha ng mga pagkain atsaka ito mabilis na isinubo. Kanina pa ako natatakam sa luto ng lalakeng 'to kaya heto at sunod-sunod ang bawat pagsubo ko ng kanin.
"I'll prepare your things and your bath." Rinig kong sabi niya sa aking tabi bago tuluyang umalis at nagtungo sa kanyang kwarto.
TREK AND I never talked about that thing again. Medyo masakit man sa aking parte pero wala rin akong magagawa. I can't be proud of something that bothers him to extent.
Sa aming dalawa, s'ya pa 'tong nahiya. Nahihiya s'ya sa kanyang ginawa sa akin at sa katotohanang hindi niya raw nakontrol ang kanyang sarili tungkol don.
He kept on blaming himself about it and since then, he distanced himself away from me as if he was a threat.
Linggo na at hanggang ngayon ay hindi parin nakakauwi sina Mom at Dad mula sa business trip nila. Sanay na rin naman na ako tungkol diyan kaya hindi ko na rin hinahanap-hanap ang presensiya nila.
Kaya heto at nagbibihis na ako ng magandang damit para bisitahin ang mga pamangkin ko sa kanila.
Tumawag ako kanina kay Kuya Mckenzie at sinabi kong gusto kong bumisita sa kanila ngayon, tsaka baka don na rin ako magdidinner.
Day-off ni Trek tuwing Linggo kaya hindi s'ya makakasama sa akin ngayon papunta kina Ate Tia-- ang sister-in-law ko at ang babaeng pinrotektahan ni Trek noon.
Again, there's nothing romantic between the two, just simple work. Bodyguard nga kasi ni Ate Mattea si Trek noon, at nagtatrabaho si Trek sa ama ni Ate Tia noon na business partner na ni Daddy ngayon.
"Manong, sa bahay po tayo ni Kuya Mckenzie."
"Sige po, Ma'am Maxi."
Muli kong tinignan ang aking phone atsaka nagtext kay Trek dahil bigla ko s'yang namiss. Tsaka wala rin akong narinig sa kanya mula nong inihatid niya ako kinaumagahan sa bahay namin.
To Trek:
What's up?
Mabilis kong dinelete ang mga letra dahil masyadong kaswal. Nagtype ulit ako.
Hi, any plans today? I can accompany you.
I immediately shake my head and delete the entire message coz I sound so clingy. Nagmumukha akong attention seeker.
Napabuga na lang ako ng hangin atsaka in-off ang aking cellphone bago ito inilagay sa loob ng aking purse.
This is his day-off, malay ko ba baka may mga plano na s'ya at masisira ko ito nang dahil sa pagiging pakialamera ko.
Whatever, magkikita pa naman kami bukas, makakahintay naman ako.
"AUNT MAXI!"
"Hi, Matty!" Mabilis kong niyakap si Matilda na ngayon ay hawak-hawak pa ang stuffed animal niya na ang pagkakatanda ko ay unang regalo ni Mauvy sa kanya-- ang nakatatanda niyang kapatid.
"Where's your mom? Is she here?"
"Yes po! She's in the backyard, picking up some fresh flowers." Napangiti ako dahil don atsaka ito hinayaang tumakbo papunta sa likod bahay nila.
"Ate Tia!" Sigaw ko nang makita ko ang isang maganda at mestizang babae na halatang may ibang lahi.
She's half-Russian, half-Filipino. Purong Ruso ang kanyang ama na marunong lang magtagalog habang isang magandang Pilipina naman ang kanyang ina.
"Buti at nakadalaw ka, Maxi, uuwi na rin yung kuya mo mamaya matapos niyang sundoin si Mauvy sa school." Tumango kaagad ako atsaka napatingin sa kalangitan na kulay kahel na.
The sun is setting, and the moon will finally take over.
Nasa kusina na kami ngayon ni Ate Tia at kasalukuyan ko siyang tinutulungan sa pagluluto habang si Matilda naman ay nanonood ng Barbie movie sa sala nila.
"Maxi, may boyfriend ka na ba?" Mabilis kong nilingon si Ate Tia nang magtanong ito bigla.
"Wala pa ate."
"Manliligaw?" Bigla kong naalala si Christian.
"Meron po."
"Talaga? Sino? Classmate mo ba?"
"Opo nong last sem, pero ngayon hindi na."
"Wag kang mag-alala," aniya bago inilagay ang mga gulay sa loob ng kaldero. "Walang makakarating sa kuya mo." Dagdag pa nito sabay kindat sa akin.
I laughed and nodded at her as a response.
"Ate." Pagkuha ko sa kanyang atensyon.
"Hmm?"
"Matagal na po kayong magkaibigan ni K-Kuya Trek, hindi po ba?" Kinailangan kong mag-Kuya sa kanya ngayon dahil baka magtaka si Ate Tia kung bakit hindi.
"Oo naman, ilang taon na rin. Bakit?" Kaagad niyang tinakpan ang kaldero matapos niyang haluin ang mga sangkap sa loob atsaka ako tinignan.
"B-Bodyguard ko po kasi ngayon si Kuya Trek, gusto ko lang po sanang may malaman pa tungkol sa kanya."
"Ah oo nga pala, nabanggit sa'kin ng kuya mo ang tungkol diyan. Mapapanatag talaga ang daddy mo dahil siya ang naging bodyguard mo, Maxi. Poprotektahan ka niya kahit na buhay pa niya ang nakataya."
I straightened my back when she said that.
"Really?"
"Yes, that's how dedicated he is in his work. I even thought maybe being a protector will always be Trek's specialty."
Gusto ko sanang sabihin na pati sa pagluluto ay specialty niya rin atsaka pagdating sa pagiging malinis, pero baka magtaka lalo si Ate Tia kung sasabihin ko 'yon sa kanya.
"Dahil napag-usapan na rin naman natin si Kuya Trek, m-may alam po ba kayo tungkol sa nakaraan niya Ate?" Tanong ko sa kanya na ikinatingin niya sa'kin ng deretso.
Kaagad itong napatingin sa ceiling na tila ba may pilit na inaalala bago ako nilingon.
"Hindi siya palakwentong tao eh, pero may nalaman ako tungkol sa huling babaeng minahal niya." I immediately lend my ears to her when she said that.
It piques my interest all of a sudden.
"T-Talaga po? Ano po ang tungkol don?"
"Trek have this some sort of a necklace. Noong nasa Russia ako, nakita ko 'yon na suot-suot niya. It was a bit odd for me to see a man wearing that kind of necklace, at don ko nalaman na galing pala 'yon sa babaeng huli niyang minahal."
A necklace? I never saw him wearing one.
"Ay nako! Andito na ang kuya mo. Tara salubongin natin sila sa pinto." Nakangiting wika ni Ate Tia atsaka dali-daling tinanggal ang apron niya.
"Susunod po ako," sabi ko bago mapatulala sa kawalan dahil sa kakaisip tungkol sa sinabi ni Ate Tia.
I wonder who she is... the woman who caught Trek's heart...
Kung makilala ko s'ya, baka malaman ko kung ano talaga ang hinahanap ni Trek sa isang babae.