KABANATA 15

2108 Words
(Ang Panganib) Lumipas ang ilang oras ay nanatili sila sa isang lugar at pinagmasdan na lamang ng grupo ni Kyle ang ginagawa ng dalawang professor. Hindi nila mabatid kung ano ang mga katagang binibitawan ng dalawa sapagkat hindi sila pamilyar sa mga terminong ginagamit. “Okay, here it is,” sabi ni Wang saka pinakita sa kanila ang isang injection na may lamang kulay berding tubig. “Ano iyan, Prof?” manghang tanong ni Marcial sa kaniya. “Katulad ito nang ginawa ko sa Zucchini University. Ito ang gagamitin namin ni Robert para makakuha kami ng mga Tissue sa katawan ng mga Zombie at pati ng mga enzymes na magagamit namin sa pag-buo ng cure,” paliwanag ni Wang. “Kung gano’n prof may pag-asa pang maging tao si Yrris? May lunas pa?” tanong ni Kyle. Nakatotok silang lahat kay Wang sa mga susunod nitong sasabihin. “Apparently, Yes. Kapag nagawa namin ang test namin, maaaring gumaling pa ang mga Zombies na tulad ni Yrris. Ngunit sa ngayon ay kakailangan pa namin ng mahabang panahon bago makagawa ng antidote,” sabat ni Robert. “Tama si Robert,” pagsang-ayon ni Wang sa kasama. “Kung gano’n tara na po, kumuha na tayo ng sample sa mga Zombies. Nasa baba na po ang mga kinuha namin, fresh pa,” sabi ni Kyle. “Excited mo, Boy, grabi ka,” sabat sa kaniya ni Marcial kaya napatingin nang masama si Kyle sa kaniya. Agad namang nagtago sa likod ni Crepssin si Marcial upang iwasan ang nakakamatay na titig ni Kyle. “Iyon nga ang gagawin namin. Ihahanda lang namin ang mga gamit at pupunta na rin kami roon,” sabi ni Wang. “Mauuna na po kami sa labas Prof Wang,” sabi ni Yrris. Tumango naman si Wang at Robert bilang pagsang-ayon sa kanilang nais. Wala silang inaksayang oras at lumabas nga sila ng silid upang mauna ng pumunta sa kinaroroonan ng dalawang Zombies na nahuli nila. Magka-akbay na lumabas sina Marcial at Kyle habang sina Crepssin at Yrris ay gayon din. Wala namang imik si Crepssin at hinayaan na lang ang mga nasa paligid niya. Hindi niya kasi alam pa kung paano magsisimulang muli simula ng mamatay si Peter. Ilang sandali lang ay narating nga nila ang mga nakakulong na Zombies. Nagwawala ang mga ito habang nakapalibot sa paligid ang mga sundalo. Lumapit naman sina Yrris at Kyle sa kinaroroonan ng dalawang Zombies at pinagmasdan ang mga ito. Naagnas na ang hitsura ng dalawa at balot ng kulay puti ang mga mata. Hindi rin nagtagal ay dumating na sina Robert at Wang dala ang kanilang mga kagamitan. May dalang isang sling bag si Robert at nasa loob nito ang nga paglalagyan nila ng nga specimen. Naunang lumapit sa mga Zombies si Wang ngunit masyadong agresibo ang dalawang Zombies kaya hindi niya nagawang iturok ang hawak nuyang injection. “Prof what if si Yrris na lang po abg gumawa,” sabi ni Marcial. Napatingin sila sa gawi ni Yrris. Napakunot naman siya ng noo. “Why me? Duh?” “Ikaw lang ang makalalapit sa kanila. Hindi nila kinakagat ang mga kauri nila,” paliwanag naman ni Kyle sa knaiya. “Fine, paano ba iyan Prof,” tanong ni Yrris. “Iturok mo lang ito sa kanila para manghina sila at makatulog ng ilang oras. Kukuha kami ng mga specimen na magagamit namin sa paggawa ng cure, at ng mga baril na pamatay sa kanila,” paliwanag ni Wang at agad na ibinigay kay Yrris ang injection. Kinuha naman agad iyon ni Yrris. Inipit niya iyon sa pagitan ng hintuturo at gitna nito. Dahan-dahan siyang lumapit sa mga nagwawalang mga Zombies. Tulad ng inaasahan ng lahat. Hindi nga siya nahirapang makalapit sa mga ito. Mabilis niyang itinusok sa leeg ang mga injection. Kapagkuan ay bigla na lang nangisay ang mga Zombies at napahiga na lang mula sa kanilang mga kulungan. Namangha ang lahat sa naging epekto ng gamot kaya walang inaksayang oras ang dalawang doctor. “Buksan niyo ang kulungan. Hindi magtatagal magigising ang dalawang iyan,” paliwanang ni Wang sa mga sundalo. Mabilis naman nilang binuksan ang kulungan. Pumasok na agad si Robert sa loob. Agad siyang kumuha ng tissue mula sa dalawang Zombies. Si Wang naman ay may inilabas na milking machine at inilagay sa bibig ng dalawang Zombies. Ilang minuto rin ang lumipas ay nakuha na nila ang kanilang pakay sumabalit ang sumunod na mangyari ay ikinagulat nilang lahat. Isang sundalo ang humahangos habang papalapit sa kanila kaya natawag ang atensyon nilang lahat. “Sarge! Kailangan niyo po itong makita!” sabi nito sa kapos nitong tinig. Biglang kinutuban sina Robert at Wang. May kung ano sa sinabi ng sundalo na pumitik sa kanilang dibdib at nakaramdam sila ng kabahalaan. Nagkatinginan naman sina Marcial at Kyle. Si Crepssin naman ay nagtatakang nakatingin lang sa kanilang lahat habang si Yrris ay nanatiling walang imik. Unti-unti namang nagkamalay ang mga Zombies sa kulungan kaya mabilis iyong isinara ng mga sundalo. “Sinusugod pa tayo ng mga Zombies, kung magtatagal po ito baka masira po ang harang na ginawa natin at makakapasok silang lahat dito sa loob,” paliwanag ng sundalong hangos-hangos. Napabuka na lang ng bibig si Robert at Wang sa kanilang mga narinig. “Halika puntahan natin, paputukan niyo!” sigaw ng tumatayong pinuno ng mga sundalo. “Sinubukan na po namin pero hindi po sila tinatablan. Tanging malakas na boltahe na lang po ang pumupigil sa kanila!” paliwanag nito. Dali-daling umalis ang pinuno ng sundalo at nagpunta sa itaas na parte ng laboratoryo para tignan ang kaganapan sa gate. Sumunod na rin sina Wang at Robert. Wala namang nagawa sina Kyle kung hindi ang sumunod na rin sa kanila. Pumunta sila sa isang mataas na parte kung saan tanaw ang mga Zombies na unti-unti ng dumadami mula sa gate. “Paano sila nakarating dito?” takang tanong ni Wang. “Baka nasundan nila kami Prof nang lumabas kami,” paliwanag ni Kyle. “O baka tumawag ng back-up ang mga kinulong natin, baka may communication system sila na hindi natin alam. Shock! Dito na ba tayo mamatay? No! No!” paliwanag naman ni Marcial saka napayakap kay Crepssin nang mahigpit. “Huwag mo nga akong yakapin!” sigaw ni Crepssin. Napayuko na lang si Marcial at tinggal ang pagkakayapos. “Sorry nadala lang?” sagot nito. Hindi siya pinansin ni Crepssin at lumapit na lang ito kay Yrris saka napakapit sa kaniyang mga balikat. Napatingin naman doon si Yrris at napangiti. Inihakbay naman ni Yrris ang kaniyang kamay kay Crepssin habang patuloy nilang pinagmamasdan ang mga Zombies sa labas na nangingisay tuwing lumalapit sa gate. Maya-maya ay bigla na lamang nagsabay-sabay sa paglakad ang ma Zombies sa gate. Biglang nanlamig ang pakiramdam nina Wang at Robert sapagkat batid nilang masisira ang gate. “Paputukan niyo!" sigaw ni Robert sa mga sundalo sa ibabang parte. Wala ngang inaksayang oras ang mga sundali at nagpaulan nga sila ng bala ngunit iyon hindi iyon natinag ang mga Zombies at mas lalo pa sipang naging agresibo. Patuloy sila sa pagbanga sa gate hanggang sa unti-unting kumalas ang turnilyo mula sa roon. “Matutumba na ang gate! Matutumba na!” “Aaah! Katapusan na natin!” sigaw ni Marcial. Hindi nga nagtagal ay bigla na lamang tumumba ang gate at isa-isang pumasok ang mga Zombies sa loob. Nagpatuloy sa pagputok ang mga sundalo ngunit hindi sila natinag kahit pa magkanda-bali-bali na ang buto nila sa kamay at ulo. Marami ng Zombies ang nakapasok at napahawak na lang sa ulo si Robert saka napasabunot. Wala na ang laboratoryong pinaghirapan niya. Halos manlumo ito sa kaniyang nakikita. “Robert tara na bago pa tayo abutan ng mga Zombie rito!” sigaw ni Wang ngunit tila wala sa sarili si Robert at hindi naririnig ang sigaw na iyon sa kaniya. “Sir! Tara na!” sigaw ni Kyle. Hinawakan niya ito sa balikat kaya medyo nanumbalik ang ulirat nito. Tuluyang na ngang napasok ang laboratoryo. Maririnig ang sunod-sunod na putok at sigaw sa loob. Hindi lang daan ang Zombies kunhmg hindi libo na ang unti-unting pumapasok sa loob. Wala namang nagawa si Robert kung hindi ang tanggapin ang pagbagsak ng laboratoryo. Sumunod na siya kina Wang at nakisabay sa takbo. “Wala na bang ibang daan dito Robert liban sa gate?” tanong ni Wang sa kaniya. “Sa likod, pero alam kong madadaan tayo sa mga Zombies alam kong napasok na rin nila iyon doon!” “Puntahan natin, tiyakin pang natin. Wala na rin po tayong ibang choice!” sigaw ni Kyle. Wala naman silang naging imik hudyat na sumasang-ayon sila sa desisyon ni Kyle. Nagpatuloy sila sa paglakad-takbo upang mabilis na makarating sa paroronan ngunit nang lumiko sila sa isang pasilyo ay tumambad sa kanila ang daang mga Zombies. Sabay-sabay pa itong napatingin sa kanila habang busy sa kinakain na pinagpipistahan na nila. Puno ng dugo ang kanilang mga mukha at kung titignan ay animo ay buto at na lang ang mga ito. “We’re trap! Balik!” sigaw ni Wang kaya umatras muli sila. Ngunit ang hindi nila batid mayroon na rin pa lang Zombies sa likod nila. “Aaaah! Sa likod! Sa likod!” sigaw ni Crepssin nang mapansin ang mga papalapit na mga Zombie. “Dito! Pasok sa pinto! Pasok!” sigaw ni Robert. Si Kyle na ang nagbukas ng pinto nauna si Marcial pumasok sa loon at iniwan ang mga kagrupo niya. Sumunod si Crepssin at Yrris. Nahuli si Wang at Robert. Mabilis nipang sinara ang pinto ngunit ang sumunod na kanilang nalaman ang nagpalaki ng kanilang mga mata. “Storage room ito! Paano tayo makakalabas?! Paano kung mabulsan ng mga Zombie ito! Patay! Ahhh!” sigaw ni Marcial. “Huwag ka ngang maingay mas maririnig nila tayo rito eh! Ang ingay mo!” sigaw ni Kyle sa kaniyang kaibigan. Bigla na lamang kumalampaga ang pinto kasabay noon ay ang biglaang pag-alon ng kanilang mga dibdib. “Paano na ano ng gagawin? Hintayin na lang kamatayan natin?” sigaw ulit ni Marcial. Wala namang naging imik sina Kyle at nakiramdam na lang. Patuloy sa pagkatok ang mga Zombies at rinig na rinig nila ang mga atungal na aakalain mong mga lion. Maya-maya ay bigla na lang lumakas ang kalabog at lumuwag ang disagra ng pinto. “Saan na tayo?! Ayaw ko pa mamatay ! Gusto ko pang magkaanak ng marami!" saad ni Marcial saka yumakap kay Crepssin na hindi rin alam ang kaniyang gagawin. Inilibot ni Kyle ang kaniyang paningin at nakita ang bintana. Isang ideya ang pumasok sa kaniya isip. “Sa bintana na tayo dumaan!” sigaw ni Kyle saka itinuro ang bintana. Patuloy sa pagkalabog ang mga Zombies sa pinto at unti-unti na ngang nasisira ang pinto. “Bilis! Ako na mauna!” presenta ni Marcial. “Buang ladies first!” sagot ni Kyle sa kaniya. “Why? Pariho naman tayong nanganganib bakit may pa-priority pa?! Kainis!” “Hindi kita sasagutin kapag ikaw nauna!” sigaw ni Crepssin. Nanlaki bigla ang mga mata ni Marcial at napatitig kay Crepssin. “Talaga?!” “Oo!” “Bilisan niyo na masisira na itong pinro naglalandian pa kayo! Dali-daling!” sigaw ni Wang. Bigla na lamang tumaksil ang isang turnilyo mula sa pinto kaya nanlaki ang mga mata nilang lahat. Lumapit sa pinto si Robert saka itinulak iyon para sumurtahan ito upang hindi bumigay. “Bilisan niyo na!” sigaw ni Robert. Wala ngang inaksayang oras sina Kyle. Naghanap sila ng mapapatungan upang maabot ang bintana. Mabuti na lamang at nasa loob sila ng stock room. Mabilis sipang nakahanap ng mga sirang upuan at pinagpatong-patong. “You first my lady!” sabi ni Marcial kay Crepssin. Pumatong na nga si Crepssin sa upuan at inuna ang paa. “Guys!” sigaw ni Crepssin. Napatingin silang lahat kay Crepssin nasa kalahati na ang katawan nito. “Ang taas pala nito wala pa akong natatapakang lupa! Ibalik niyo ako. Marcial ikaw na mauna!” Nanalaki ang mata nilang lahat sa kanilang narinig. “Ha! Sandali hihilain kita ulit,” sagot ni Marcial. Hinawakan niya sa kamay si Crepssin ngunit ang sumunod na nangyari ang gumulat sa kanilang lahat. Lumusot ang kamay nga mga Zombies sa pintuan kaya napasigaw silang lahat. Kasabay noon ay nabitawan ni Marcial ang kamay ni Crepssin kaya nahulog ito at nagpaidosdos pababa. Napasigaw na lang si Crepssin habang si Yrris ay napahawak na lang sa kaniyang bibig. Nanlaki na lang ang mga mata ni Wang at Robert maging si Marcial ay napanganga na lang. “Is... she... die?” nauutal na sambit ni Marcial. ---------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD