KABANATA 1
DISCLAIMER: This is work of fiction. The characters, events, business and places used on this story are just based in the Author's wild imaginations or used in fictitiously manners. Any resemblance in real life, business, events, movies, places and person's name living or death are purely coincidence.
© All Rights Reserved 2020
--------
(Ang Simula)
September 12, 2010
Malalim na ang gabi, subalit gising pa rin ang dalawang professor. Panaka-nakang ungong na lamang ng ilang sasakyan ang maririnig mula sa labas ng kanilang apartment.
"Well done, Professor Kalvin!" sigaw ni Professor Kim Wang. Mabuti na lamang at may pagka-sound proof ang lugar kaya't hindi na umabot pa sa kabilang apartment ang boses nito.
Suot niya ang kaniyang laboratory gown at guwantis na puti sa kaniyang palad. Naglalaro sa 30-40 ang edad ng Doctor at may mangilang wrinkles nang lumilitaw sa kaniyang mukha.
Halos umabot na sa tainga nito ang kaniyang labi habang sumisilay ang pantay at puti nitong ngipin. Kalalabas niya lang mula sa loob ng isang pribadong silid sa loob ng kanilang apartment habang pinaglalaruan ng kaniyang kamay ang hawak niyang maliit na boting may lamang kulay asul na tubig.
Napahinto si Professor Kalvin sa kaniyang ginagawang pagtipa sa computer saka i-tinuon ang tingin kay Dr. Wang.
"Ano po iyan professor?" inosenting tanong ni Professor Kalvin Mcley.
Si Professor Kalvin ay ang katrabaho ni Dr. Wang na noo'y nakaupo sa swivel chair kaharap ang puting computer. Naglalaro sa 20-30 ang edad nito.
Kanina pa ito nakaharap sa kaniyang computer, sapagkat may tinatapos siyang mga test paper para sa examination ng kaniyang mga estudyanti. Ni hindi na nga ito nakapagbihis pa ng kaniyang damit.
Nangunot ang noo nito ng makita ang hawak ng Doktor sa kaniyang palad.
Ilang taon na ring magkasama ang dalawa kaya't magkapalagay na ang kanilang loob.
Si Dr. Wang ay isang biological teacher habang history teacher naman si Professor Kalvin. Iisang apartment lang silang dalawa upang hindi na sila gumastos pa ng malaki. Napili nila ang lugar dahil na rin sa malapit ito sa unibersidad kung saan sila nagtatrabaho.
Hindi niya sinagot ang tanong ni Kalvin, bagkus lumapit siya rito. Isang halakhak ang pinakawalan ng Doktor na lalong nagpakunot ng noo ni Professor Kalvin.
Napahinto rin ito agad nang makita nito si Professor Kalvin na nakakunot noo at walang reaksyon. Tila nakaramdam ng inis ang Doktor at bigla na lang nagsalubong ang kaniyang mga kilay.
"Bakit hindi ka tumatawa? Tumawa ka rin... Ang hirap humalakhak ah! Damayan mo ako, dali na!" aya nito sa kasama.
Naguguluhan man ang isip ni Professor Kalvin ay sumunod na rin ito.
Alam kasi nito kung paano magalit ang kalbong Doktor na kaharap niya ngayon. Kaya't minabuti niyang sumunod na lamang. Nagtawanan silang dalawa na umalingawngaw sa buong silid.
"Tika, ano po ba iyan Dr. Wang?" sa wakas nagtanong na rin si Professor Kalvin.
Muling naging seryuso ang mukha ni Dr. Wang. "This? This... This... Wait... Tagalog na lang. Ito? Ito ang gamot... ang sasagot sa problema ng mga matatanda! Sa wakas... I invented the medicine. Wala ng taong tatanda sa buong mundo... No one—"
"Tatalab pa ba iyan sa inyo?" sabat ni Professor Kalvin na nagpatigil kay Dr. Wang.
"Anong ibig mong sabihin?"
"I mean, matanda na kayo... What if kapag tinake mo iyan, mas lalong kukulubot mukha mo. In fact, wala ka pa namang na te-test kung effective ba talaga iyan," usal ng Professor.
"Huwag kang mag-alala, may nakita na akong subject sa gagawin kong experiment," sagot nito ng may malapad na ngiti. Siguradong-sigurado ito sa kaniyang mga sinasabi.
"Edi mabuti?" Tumalikod si Professor Kalvin kay Dr. Wang. "Hati tayo Professor sa kikitain mo ah, sympre kapag nakilala ka dadami kita mo..." pagpapatuloy nito, "alam mo naman dito, yung sweldo hindi sapat..."
"Alam mo ba kung sino ang magiging subject ko?"
Napatigil si Professor Kalvin sa pagsasalita.
"Paano ko malalaman wala naman po kayong sinasabi Dr. Wang?" sagot nito sa Doktor.
"Hmmm... Oo nga... Gusto mo ng Kape? Ipagtitimpla kita..." alok nito sa kasama.
"Seryoso ka?" Napatigil si Professor Kalvin sa pagtipa sa keyboard ng kaniyang computer.
Nanlaki ang mata ni Professor Kalvin, sapagkat ito ang kauna-unahang pagkakataon na i-pagtitimpla siya ng kape ni Doctor Wang.
"Oo."
"Sige ba," pagsang-ayon nito. "...kaunting asukal lang Dr. Wang ah," paalala nito.
'Oo, hintay ka lang diyan, dadagdagan ko ng special ingredients ang kape mo muwahahaha...' Kumurba ang labi ni Dr. Wang sa kaniyang mga naisip. Nagtungo na ito sa kusina upang i-pinagtimpla ng kape si Professor Kalvin.
Ang hindi alam ni Kalvin. Siya ang nakikitang subject sa experimentation na gagawin ni Dr. Wang. Sino nga ba namang mag-aakala na ang kasama mo ng ilang taon sa iisang bahay at matagal mo ng katrabaho ay siya ring tatraydor sa'yo sa huli?
Nilagyan nito ang kape ni Professor Kalvin ng pampatulog, upang madali niyang maisagawa ang plano. Ilang sandali lamang nga ay binigay na ni Dr. Wang ang kape sa kasama niyang professor.
Nagsimulang humigop si Professor Kalvin ng kape. Pinagmamasdan lamang siya ni Dr. Wang.
"Dr. Wang bakit parang imbis na magising ako sa kape mo i-mas parang lalo pa akong inantok? Kape pa ba talaga ito?" tanong ni Professor Kalvin sa kasama.
"Guni-guni mo lang iyan, kape lang yan," sagot ni Dr. Wang.
Pagbuhat ni Dr. Kalvin ng kaniyang baso upang humigop muli. Isang mahabang "prooooot" ang pinakawalan ni Dr. Wang.
Napahalakhak si Professor Kalvin sa lakas ng utot na iyon ni Dr. Wang. Magsasalita pa sana ito, subalit bigla siyang nawalan ng malay at naitapon sa dibdib niya ang kape dahilan kaya't napamulat itong muli. "Aray, mainit!" usal nito, pero kalauna'y tumirik din ang mata at nakatulog.
Napahagikgik si Dr. Wang sa kaniyang mga nasaksihan. Ngunit, bigla siyang naubo sa kaniyang naamoy. "Haysst... Bakit sobrang baho yata ng utot ko.... Ano ba kasing nakain ko?"
Muli siyang napatingin sa walang malay na si Professor Kalvin at isang ngisi ang pinakawalan niya.
"Sa wakas," nakangiting sambit nito
Agad siyang lapit kay Kalvin at sinimulan niya itong buhatin na parang kinakasal patungo sa loob ng kanilang kuwarto. Napangiwi pa ng bahagya si Dr. Wang dahil sa bigat ng dinadala niya.
Nang makarating ito ay binagsak niya iyon sa kama. Mabuti na lamang at malambot ang foam na hinihigaan ni Kalvin.
Napahawak ito sa kaniyang likod. "Awts! Ang sakit ng baywang ko. Nabali yata ang Cord ko, aray..."
Napa-upo ito sa kama katabi si Kalvin, subalit bigla itong napasigaw ng malakas at napatayo. Bumaon kasi sa pisngi ng kaniyang puwet ang injection na dala niya sa kaniyang likurang bulsa.
"Aw! Ouch! Aray! Bobo!" Madali niya iyong binunot. Ibinato niya ito sa sahig at pinagtatadyakan hanggang sa ito ay madurog.
"Subukan mo akong saktan ulit! Lumaban ka dali!" ubos lakas nitong sigaw habang nakatingin sa durog na injection.
--------