(Ang Pag-aaral)
Handa na sina Robert at Wang sa kanilang gagawin. Suot-suot na nila ang kanilang mga laboratory gown upang simulan ang paggawa ng mga baril na maaaring pumatay ng mga Zombies. Ngunit bago iyon ay kailangan muna nilang suriin ang nakukuha nilang enzymes mula kay Yrris.
Noon pa man ay napag-alaman na ni Wang na hindi namamatay ang mga ang mga Zombies sa simpling pagputol ng ulo, o pagdurog doon, sapagkat kailangan pa ng rabies o laway na mula sa mga Zombies para mapuksa sila at namatay ang parasite na komukontrol sa mga utak nila.
Nakagawa siya noon ng panguntra roon na akala niya ay makakapatay ng mga Zombies ngunit hindi nagkaganoon sapagkat pinahina lamang nito ang mga parasite sa loob ng katawan ng tao at ilang minuto lang ay muli itong gigising at magiging agresibo.
“Kyle, Marcial,” tawag ni Wang sa dalawa. Nasa labas na silang ng isang hallway para pag-usapan ang kanilang nga gagawin. “I want two of you to get Zombies outside. Manghuhuli kayo ng Zombies, maybe isa o dalawa, kukuha tayo ng laway mula sa kanila upang masuri na natin at magawang Antigen para sa pagpuksa ng parasite na kumakapit sa utak ng mga taong infected,” paliwanag nito sa dalawa.
“K-kaming dalawa lang?” takang tanong ni Marcial. Mababakas ang takot sa tono ng pananalita nito.
“Of course not, sasamahan kayo ng mga sundalo, sinabihan ko na sila sa labas,” sabat naman ni Robert sa kanila.
Napahinga naman ng maluwag si Marcial nang marinig ang mga iyon.
“Kami po, anong gagawim namin?” tanong ni Yrris at nakisabat na rin sa usapan.
Napatingin ang apat na lalaki sa kanilang dalawa na kalalabas lang din mula sa isang silid.
Nasa isa-isa kasi silang silid. Sina Yrris at Crepssin ang magkasama habang si Marcial at Kyle naman sa kabilang silid.
Si Professor Wang naman ay nasa isang VIP room at sulong-sulo niya ang lahat sa loob. Iyon na rin kasi ang mungkahi sa kanila ni Robert.
Nakatayo silang lahat sa isang pasilyong kulay puti ang pagkakapintura at kumikintab ang sahig na tingin palang ay madudulas ka na.
“Yrris at Crepssin, you two are gonna stay here with us. Kukuha rin kami ng sample mula sa iyo Yrris para maka-conclude kami ng hypothesis na magagamit namin sa paggawa ng antigen,” matigas na paliwanag ni Wang.
Napatango naman si Yrris bilang pagsang-ayon habang si Crepssin ay nanatiling walang imik at nakatingin lang sa kanila.
“Pwede po bang maiwan na lang ako rito? Kawawa naman si Crepssin oh, mukhang need niya ako, iyong care ko,” sabi ni Marcial kaya napatingin silang lahat sa kaniya.
“Huwag na, kaya ko na Marcial. Conflirt ginagawa mo eh hindi comfort,” sagot ni Yrris sa kaniya.
Kaya napasimangot si Marcial. Wala namang naging reaksyon ni Crepssin at animo ay walang pakialam sa palihid niya.
“C’mon, Guys. Let's move on. Wala tayong dapat sayanging oras oh. Kailangan ng mundong ito ng lunas,” paliwanag ni Robert kasabay pa ang pagpalakpak ng mga kamay.
Isa-isang bumalik ang ulirat ng lahat at nag-pokus sa kanilang pakay na gagawin.
Agad naman silang nagsitalima. Sumama sina Crepssin at Yrris kina Wang at Robert at tumungo silang lahat sa isang pinto. Nasa loob noon ang mga Hi-Tech na kagamitang gagamitin nila sa pagsusuri.
Habang sina Kyle at Marcial naman ay nagtungo na palabas ng laboratoryo upang kitain ang mga sundalong inutusan ni Robert na makakasama nila.
Agad namang nahanap nina Kyle ang pinuno ng sundalong magiging kasama nila. Wala silang inaksayang oras at sumakay na agad sa Armor Vehicle at linisan na ang laboratoryo. Nasa sampo lamang ang kanilang bilang sapagkat hindi na sila magkasya sa dala nilang kulungan sa likod ng kanilang sasakyan.
Umupo sa front seat sina Kyle at Marcial kasama ang pinuno ng mga sundalo.
“Heto ang plano, kukuha tayo ng mga Zombies. Dalawa ang kailangan natin,” paliwanag sa kanila ni Kyle.
“Nasabi na rin sa akin ni Sir Robert. Nakahanda na ang dalawang kulungan sa likod ng sasakyan. Diyan natin sila ilalagay,” sagot naman ng pinuno ng sundalo na siya ring nagmamaniho ng sasakyan.
Ilang sandali pa silang nagpatuloy hanggang sa may mamataan na nga silang zombies.
Napatigil sila at pinatay ang engine ng sasakyan upang hindi makatawag ng maraming Zombies.
“Anong gagawin natin ang dami nila, paano tayo kukuha ng dalawa?” tanong ni Marcial.
“Kailangan natin ng magiging pain,” sagot ni Kyle.
Napatingin lahat kay Marcial kaya biglang nanlaki ang mga mata niya sa iniisip ng kaniyang mga kasama.
”No! Bakit ako?” protesta niya.
“Wala kaming sinasabi napaka-defensive mo naman,” paliwanag ni Kyle.
“Bakit kasi ganiyang ang mga titig niyo sa akin, sa dami natin dito bakit sa akin lang kayo nakatingin? Gusto ko pang mabuhay ng matagal!” depensa nito.
“Paano tayo, kukuha ngayon sir?” tanong ni Kyle. “Marcial magtigil ka na nga sa kakadaldal ang ingay mo, matatawag atensyon ng mga Zombies dahil sa ingay mo eh.”
“Akong bahala, sandali, ready niyo na ang tali. Manghuhuli tayo ng Zombies!” sigaw ng pinuno sa mga kasama niyang sundalo.
“Copy, Sir. Ready na po,” sagot nila.
Pinindot ng kanilang pinuno ang busina ng matagal kaya tunog ito at bumasag sa katahimikan ng lugar. Natawag naman ang atensyon ng ilan mga Zombies at napasinghot-singhot ang mga ito.
Lumapit sila nang dahan-dahan sa sasakyan kasabay noon ay ang pagtigil niya sa pagpindot sa busina.
Nang makalapit sa sasakyan ay ibinaba naman nila ang lubid. Sinakto nilang maisusuot ito ng mga Zombies sa kanilang leeg.
Isa nga ang saktong natali doon at sabay-sabay nilang hinatak ito pataas ngunit bigla namang maputol ang leeg ng Zombie kaya hindi nila nai-akyat at naipasok sa dala nipang kulungan.
Napamura naman ang ilan sa kanila sapagkat bigo silang makakuha.
Muli ay sumubog sila ng isa pa. Napili nila ang isang matabang Zombie at nagtagumpay nga sila. Naipasok nila iyon sa loob ng kulungan at tulad ng napag-usapan ay dalawang Zombies nga ang kanilang nakuha.
Nang matapos sila ay muli nilang pina-andar ang sasakyan. Napagdesisyonan na nga nilang bumalik muli sa laboratoryo sapagkat nakuha na nila ang kanilang pakay.
Samantala, sa laboratoryo naman ay kumuha na sila ng laway mula kay Yrris.
Si Crepssin ay naupo na lamang sa sofa kaharap si Yrris na nakahiga sa sickbay at sinusuri ni Wang at Robert. Hindi niya maintindihan kung anong ginagawa ng dalawang scientist.
Si Robert ay may kumukuha ng sample ng dugo ni Yrris sa balikat habang si Wang namam ay nasa bibig upang kumuha ng laway.
Ineksamin na rin nila ang ulo ni Yrris at tulad ng inaasahan. May mga buhay na parasite sa ulo nito at iyon ang mga nagpapagana sa mga cells sa utak ni Yrris.
Nang makuha nila ang mga sample ay agad silang pumunta sa isang microscope para suriin ang mga sample.
“Look, Wang. Her blood is dead, but there is also some parasite who make control on it. Sila ang nagsi-circulate noon patungo sa bone marrow ng host nila para mag-reproduce ng bagong dugo without the heart help,” paliwanag ni Robert.
“I saw it last time, Robert. We need further examination para makagawa tayo ng pamatay sa mga Parasite na ito,” paliwanag ni Wang.
“Right, how about her saliva?” tanong ni Robert sa kaniya.
Pinagmamasdan lang sila nina Yrris at Crepssin habang nakakunot ang mga noo. Hindi nila mabatid ang pinag-uusapang ng dalawa.
“Same as her blood. Tignan mo,” sabi ni Wang saka pinasilip ang microscope kay Robert. “Same sa blood, ang parasite ang nagti-take over ng mga nutrients na kailangan ng katawan. Nakakamangha ang mga parasite na ito. Pero there were possibilities na maging aggressive ang mga ito in the meantime,” dagdag ni Wang.
“Hindi ba sabi mo nakagawa ka ng pamantay sa mga ito?” tanong ni Robert kay Wang.
“Yes, pero hindi sila namamatay. Pinapahina lang nito ang galaw ang mutation ng mga parasite at mas lalo pang silang nati-trigger,” paliwanag ni Wang.
“Kung gano’n we have to study how to kill the parasites,” sabi ni Robert sa kaniyang kasama mababanaag ang kasiguraduhan at kapursigiduhan sa kanilang pananalita.
“Yes, we must. Pero hindi tayo tiyak na same ang galaw ng parasite na mayroon kay Yrris at sa mga Zombies na wala sa sariling katinuan. We need other infect to compare our hypothesis para maka-conclude tayo sa research na gagawin natin, sa ngayon, kailangan muna nating aralin ang galaw ng mga parasite at kung paano sila kabilis dumami,” paliwanag ni Wang.
“Tama ka, we have to study it first,” pagsang-ayon ni Robert sa sinabi ng kaniyang kasama.
Ilang sandali rin sila sa loob ng silid at patuloy na inaaral ang mga sample na nakuha nila. Ilang uri na rin ng gamot para sa parasite ang ginamit nila para mapatay ang mga parasite ngunit wala sa mga ito ang nagtagumpay.
Patuloy sila sa kanilang ginagawa hanggang sa bigla may kumatok sa kanilang pintuan na nagpatigil sa kanilang lahat.
“Ako na po ang mag-che-check kung sino,” presenta ni Yrris. Napansin niya kasing busy ang dalawang scientist sa kanipang ginawa.
Si Crepssin naman ay nanatiling walang imik at nakatulala na lang. Malayo ang kaniyang iniisip at tila wala sa sariling katinuan.
Tumayo si Yrris mula sa kaniyang pagkakahiga sa sickbay at agad na nagtungo sa pintuan upang tignan ang kumakatok.
Pinihit niya ang pinto at agad na tumambad sa kaniyang harapan sina Marcial at Kyle.
Muli au nagkatitigan na naman sina Yrris at Kyle at walang nagsalita sa pagitan nilang dalawa.
“Aherm, papasok ako o magtititigan na pang kayong dalawa?” pagbasag bigla ni Marcial.
Biglang nagkahiyaan ang dalawa kaya tumalikod na lang si Yrris at naglalad palayo saka lumapit kay Crepssin.
Pumasok naman sina Marcial at Kyle sa loob at nakitang busy ang dalawang scientist sa kanilang ginagawa kaya hindi muna sila nagsalita.
Patangong sulyap naman ang ginagawa ni Kyle kay Yrris at sa tuwing nagtatama ang kanilang mga mata ay nag-iiwas sila pareho ng tingin.
“Babe, Crepssin, are you okay na?” tanong ni Marcial kay Crepssin nang mapansing tila wala ito sa sarili.
Nag-angat ito ng tingin kay Marcial at napabuka ng labi pero walang lumabas na salita. Tumango lang ito bilang tugon kahit hindi niya naman talaga naintindihan at narinig ang sinabi ni Marcial sa kaniya.
“Why, sad? Andito na ako oh. Tutulungan kitang kalimutan shota mo, please akin ka na lang. Let me fix you,” sabi nito kay Crepssin.
Ngumiti lang sa kaniya ng pilit si Crepssin saka muling napayuko. Hindi niya batid ang kaniyang sasabihin. Masakit pa rin para sa kaniya ang pagkamatay ni Peter kaya hindi niya magawang pasiyahin ang kaniyang sarili.
“Oh, you're here. Ano? Nakakuha na ba kayo?” bungad ni Robert nang mapansin ang dalawang binata sa loob ng kinaroroonan nila.
“Opo, nasa kulungan na po sa baba,” paliwanag ni Kyle.
“Good, ano? Wang? Kukuha na ba tayo ng sample?” tanong ni Robert.
“Ikaw bahala pero masyadong mapanganib kung kukuha tayo ng may malay sila. What if hayaan mo muna akong gumawa tulad ng ginawa ko rati. Pahihinain muna natin ang parasite sa katawan nila para makakuha tayo ng sample mula sa kanila nang hindi napapahamak,” paliwanag naman ni Wang
Pinagmamasdan lamang sila ng apat na teenager habang nag-uusap.
“Ikaw bahala, sige pupunta lang akong kusina. Naghahanap na naman ng alkohol itong katawan ko.”
“Hay naku, Robert. Sige-sige... Dalhin mo rito ha,” pahabol ni Wang.
Ngumiti naman sa kaniya si Robert bulang tugon pagkatapos noon ay nilisan na ni Robert ang silid.
“Yrris can I get another saliva from you?” tanong ni Wang.
“Sure,” pagsang-ayon nito.
Makahulugang tingin lang ang namamagitan sa kanilang dalawa ni Kyle. Gustong-gusto nilang makausap ang isa’t isa ngunit hindi nila batid kung paano sisimulan. Pareho silang natatakot sa magiging resulta kapag nagsimula silang magbuka ng bibig. Takot silang aminin ang nararamdaman nilang dalawa.
Si Marcial naman ay tumabi na kay Crepssin at hinakbayan niya pa ito. Hindi naman na pumalag pa si Crepssin sapagkat parang wala pa rin ito sa katinuan. Natatagpuan na lamang niya ang kaniyang sariling umiiyak kaya at niyakap na lamang siya ni Marcial upang kahit papaano ay maramdaman niyang hindi siya nag-iisa.
----