(Ang Mansyon)
“Guys! Buhay pa ako. Mababa lang pala, halina kayo sumunod na kayo rito, Guys!” sigaw ni Crepssin mula sa labas kaya tila nabuhayan silang lahat ng loob.
Nasa 9 feet lamang kasi ang taas ng bintana mula sa lupang kinabagsakan ni Crepssin kaya ligtas ito nang mabitawan ito Marcial.
Sumunod namang umakyat si Yrris, Marcial at Wang. Naiwan naman si Robert at Kyle sa loob.
“Bilisan niyo na ano pa ang hinihintay niyo, Kyle! Robert!” sigaw ni Wang sa kabila bahagi ng bintana.
“Robert tara na!” sigaw ni Kyle kay Robert. Nagsimula na itong ipatong ang paa sa upuan.
“Sige. Sandali...” sabi nito at itinulak pa ang pinto pero sadyang malakas ang mga Zombies kaya bumalik na lang ito sa dating puwesto para hindi tuluyang makapasok ang mga Zombies.
“Mauna kana, baka makapasok sila at dalawa tayo ang mapahamak dito! Sige na!” sambit na lamang nito.
Kitang-kita sa mukha nito na nahihirapan ito sa posisyon niya. Nangangawit na rin ang mga kamay niya at kung magtatagal pa ang ganito ay tiyak na bibigay na siya.
“Paano ka? Tara na po, Sir!”
“Sige na umalis ka na, susunod ako!" sagot ni Robert kay Kyle.
Napabuntong-hininga muna si Kyle bago tuluyan isinampa ang mga ni Kyle sa bintana kasabay noon ay ang biglaang pagbigay ng pintuan kaya napadapa na lamang si Robert at naipit. Napahiyaw na lamang ito nang malakas sapagkat daang Zombies ang dumagan sa kaniya..
“Sir!” ubos lakas na sigaw ni Kyle.
“Sige na umalis kana! Umalis na kayo!” sigaw ni Robert sa kaniya.
Nang mapansin ng mga Zombies si Robert ay bigla na lamang silang naging agresibo at nabaling ang atensyon sa kaniya. Kinagat nila ang katawan ni Robert at pinagpistahan. Hindi naman siya makagalaw sapagkat natatabunan at naipit siya ng buong pintuan.
“Hindi!!!” sigaw ni Kyle nang makita ang paglapa kay Robert.
Hiyaw na lamang ang namutawi kay Robert at wala ng nagawa pa. Umalingawngaw iyon sa loob ng storage room na kinaroroonan nila.
“Kyle!” sigaw ng mga kasamahin nito nasa kabila kasabay noon ay hinila nila ang paa ni Kyle.
Napaupo na lamang si Kyle at napatulala. Hindi ito halos makapaniwala sa kaniyang nakita.
“Nasaan si Robert?” tanong ni Wang.
“Wala na siya,” durektang sagot ni Kyle kasabay ang pag-iling.
“Tara na umalis na tayo rito bago pa tayo maabutan ng mga Zombies!" atat na sabi ni Marcial.
“Tama si Marcial, we have to get out of this please na muna,” pagsang-ayon ni Yrris sa inusal ni Marcial.
Ilang sandali nang makabawi sila ng lakas ay inayos nila ang kanilang mga sarili. Doon lamang nila namalayan na nasa labas na pala sila ng laboratoryo.
Wala ng Zombies sa dadaanan nila sapagkat lahat ng mga ito ay pumasok na sa loob ng laboratoryo. Maririnig pa mula roon ang mga putok ng baril, sigaw at pagsabog mula sa loob.
Wala ng inaksayang oras sina Wang at naglakad na palayo ng Laboratoryo.
Napadpad sila sa isang highway. Halos manlumo sila sa kanilang nasaksihan. Ibang-iba na ang lugar na kanilang dinadaanan. May mga ilaw pa sa mga poste ng kuryente. Nagkalat ang basura sa paligid maging ang mga saksakyan ay nagkalat lang sa lugar.
Wala ng kabuhay-buhay at tahimik na ang buong paligid kaya biglang nagsitayuan ang mga balihibo nilang laat sa kanilang katawan. Ang dating maingay na syudad ay napalitang ng isang animo ay gubat na punong-puno ng mababangis na hayop.
“Saan na tayo pupunta ngayon?” tanong ni Marcial.
“Kailangan nating makahanap ng matutuluyan,” sagot ni Wang sa kanila.
“Tama si Professor, mahirap abutan ng gabi sa daan baka ikapahamak pa natin,” sagot ni Kyle.
“Duh? Why we do not try the house her! Out there. Ang dami kayang bahay dito oh! Oh?” sabi ni Yrris saka itinuro ang mga nakatayonh mga bahay-bahay.
“Oo nga po, ito. Pwede ito,” sang-ayon ni Crepssin.
“Hindi ba girl?”
Napatingin na lang sina Wang sa kanila. Sila lamang talaga ang magkakaintindihan.
“Tama, ito... Pwede na itong mansyon!” sabi Marcial.
Napatigil sila sa isang malaking bahay. Nakasarado ba ang gate nito na nasa 9 feet ang taas.
“Buksan mo,” sabi ni Kyle.
Inabot nga ni Marcial ang harang sa gate at pinihit iyon pa kanan. Unti-unti namang bukas ang gate.
“Welcome home!” sabi nito saka itinaas ang mga kamay sa hangin.
Wala silang inaksayang oras at agad na nga silang pumasok sa loob ng bahay.
Malaki ito at mansyon na nga itong matatawag. Hindi nila batid na may ganitong mansyon pala aa lugar nila.
Dahan-dahan lang silang naglakad papasok sapagkat hindi pa sila sigurado sa kung ano ang nasa loob.
Isinara naman muli ni Kyle ang gate nang makapasok silang lahat.
Tumambad sa kanila ang malawak na field na may isang malapad na swimming pool. May fountain sa iilang lugar at bulaklak sa paligid.
May kubo sa na gawa sa light material na napapaligiran ng iba’t ibang bulaklak. Hindi maisan nina Wang na hindi mamangha sa ganda ng lugar.
“Pssst... date tayo mamaya riyan ah,” pagbasag ni Marcial ng katahimikan.
Inirapan lang siya ni Crepssin at pinitik nito ang kaniyang buhok saka naglalad palayo kay Marcial.
Hindi niya napansin na nadaan na siya sa pool sa pagmamadali niya kaya bigla na lang siyang patihayang nahulog doon.
“Tulong.... Hindi... Ako... Marunong lumangoy!” sigaw ni Crepssin.
Nanlaki ang mga mata nilang lahat. Tatalon na sana si Kyle para sagipin si Crepssin ngunit inuhan siya ni Marcial. Nag-dive ito nang mabilis sa pool pero maya-maya lamang ay bigla rin itong napaahon hawak ang kaniyang ulo.
“Kainis! Ang babaw ng pool!” sigaw nito saka nagdabog. Inihampas nito ang kaniyang kamay sa tubig.
Biglang tumayo si Crepssin sa kaniyang pagkakabagsak mula sa pool at umabot lamang hanggang baywang nito ang lalim ng tubig.
“Ay... Oo nga. Mababaw lang pala,” sabi nito saka napahawak sa labi at na peace sign kay Marcial.
Iritadong umakyat ng pool si Marcial habang hawak ang kaniyang ulo. Hindi naman maiwasan nina Wang na hindi matawa kaya halos maubusan na sila ng hangin sa baga at hindi na nila alintanang baka may Zombies sa loob at bigla na lamang silang atakihin.
Salubong ang kilay ni Marcial na umakyat sa pool at naglakad papasok ng mansyon pero maya-maya lamang ay lumabas din ito habang sumisigaw.
“Bakit?” tanong ni Kyle.
Umahon na rin mula sa Pool si Crepssin at may mga ngiti pa ito sa kaniyang labi sa nagawang kalukuhan ngunit natigil din ng makitang halos halos lumabas na ang ngala-ngala ni Marcial sa kasisigaw.
“May dalawang maid sa loob, hinahabol ako. Mga Zombies na!” sigaw ni Marcial kasabay ang paglapit kay Kyle at itinago ang sarili.
Maya-maya nga ay lumabas na mula sa pintuan ang dalawang matanadang maid. Naka-uneporme pa ang mga ito. Maputla ang kanilang mga mukha at mapuputi ang mga mata. Buto at balat na lang sila kung titignan.
“Prof, may antidote ka pa bang ginawa riyan? Itali na lang natin ang mga iyan!” sabi ni Kyle.
“Wala na ito, katunayan itong mga Rabies lang mula sa mga Zombies ang nadala ko, kung ituturok natin ito sa kanila magiging agresibo lang ang mga parasite sa utak nila, hindi ko pa naaral ng maayos ito eh,” paliwanag nito.
“Aaah! Ayaw ko mamatay, bahala kayo riyan!” sigaw ni Marcial saka tumakbo patungo sa fountain ngunit biglang natuon ang atensyon ng mga maid sa kaniya at siya ang hinabol.
“Hoy! Hoy! Bakit ako! Bakit nandito kayo, shooo huwag-huwag! Virgin pa ako please, huwag niyo ako sundan gusto ko pa magkaanak!” naiiyak na sambit ni Marcial. Itinago niya ang kaniyang sarili sa mga bulaklak.
“Ikulong na lang natin sila sa isang kwarto,” suhestiyon ni Crepssin.
Napatingin naman sa kaniya sina Kyle, Wang at Yrris.
“Tama, iyon nga ang mainam gawin, Prof. Wala tayong choice,” sabi ni Kyle at pagsang-ayon na rin.
“Ako na bahala, I'm gonna bring them to their room,” dagdag naman ni Yrris saka niya pinitik ang kaniyang buhok. Tumama pa iyon sa mukha ni Kyle at Wang.
“Mga Tita! Ante! Tara, here tayo oh. Oh Tita, ikaw hahaha... Pumayat ka na, oh sexy!” sabi ni Yrris saka hinakbayan ang dalawang maid.
Iginaya niya ito sa isang silid habang kinakausap ng kung-ano-ano. Nang masigurado ni Marcial na wala ng Zombies ay lumabas ito at bumalik kina Kyle.
“Tara na Guys, pumasok na tayo sa bahay namin, pamana ito ni Lolo, feel at home,” sabi ni Marcial na aakalain mong sa kaniya talaga.
Nauna na siyang maglakad papasok sa loob ng Mansyon. Habang si Yrris ay naiwan upang ikulong ang dalawang Zombies.
Pagpasok nila sa loob ay halos malula sila sa taas ng ceiling. Halos madulas din sila sa kinis ng sahig. May hagdan patungo sa taas. May Sofa sa gitna ng malawak na paligid na animo ay sinadya talaga. May minibar at may pianong kulay itim malapit doon. May mga malalaking babasaging banga sa paligid at naglalakihang chandeliers.
Napabuka na lamang sila sa laki at ganda ng lugar. Himala at kakaunti lamang ang mga taong nakatira rito. Siguro ay bahay bakasyunan na lang ito ng may-ari nga masyon.
“Nasaan kaya ang may-ari nito?” sambit ni Kyle.
“Oo nga, nasaan kaya?” dagdag pa ni Crepssin.
“Tayo na ang may-ari nito ngayon, tars Crepssin sa kwarto,” anyaya ni Marcial sa kaniya.
“Ew! Ayaw ko nga!”
Napatingin na lang sa kanila si Wang at Kyle.
“Magbibihis lang ito naman, bahala ka riyan katihin ka sana!” sabi nito kay Crepssin saka naglakad palayo patungo sa hagdanan pataas.
“Oo na sasama na!” sabi na lamang ni Crepssin.
Napangiti na lamang si Marcial sa kaniya.
“Mag-iibgat kayo ha!” paalala ni Wang.
Tumango na lamang ang dalawa bilang pagsang-ayon sa inusal ni Wang.
Naiwan naman sina Wang at Kyle sa baba at ibinagsak na lang ang sarili sa sofa habang patuloy na inililibot ang mata sa buong paligid.
------