(Ang Pamamalagi sa Laboratory)
“Ang tagal ni Kyle, nasaan na kaya iyon? Hindi kaya naging tulad na rin nila si Kyle?” pagbasag ni Marcial ng katahimikan. Isa-isa niya ring pinukol ng tingin ang mga kasamahan niya sa loob na noon ay nakaupo lamang at bagsak ang mga balikat dahil sa gutom at pagod.
“Ligtas siya, maniwala lang tayo, Marcial,” mahinang sagot ni Wang kay Marcial.
“Oo nga, sa lahat ng nandito ikaw lang ang praning. Kanina ka pa ikot nang ikot diyan. Ako nahihilo sa'yo sa ginagawa mo eh,” saway sa kaniya ni Sabrina.
Sa kanilang lahat si Marcial lang ang nakatayo at hindi mapakali, bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala sa best friend niya. Oo nga at lagi silang nagtatalo pero hindi ibig sabihin na wala na siyang pakialam dito. Matagal na rin ang pinagsamahan ng dalawa kaya at ganoon na lamang kung mag-alala sa kaibigan.
“I tried, Sabrina.”
“Calm ka na lang there, malay mo na traffic lang somewhere,” sabat ni Aria, ang maarting babae sa kanilang lahat. Nagkalat na ang kolorete nito sa mukha at bumaksak na sa pisngi niya ang eyelashes na kaniyang ginamit.
Humarap si Marcial sa kaniya. “Calm? Traffic? Haysst... Nagpapatawa ka ba, Ria?” may pang-aasar na sabi ni Marcial sa kaniya.
“E 'di dapat sumama ka na sa kaniya kanina!” sabat naman ni Tommy, kasamahan nila sa loob ng silid na sinang-ayunan naman ng ilan.
“Guys! Please, calm down. Huwag nga kayong maingay baka sugurin tayo ng mga Zombies rito! Makikita niyo,” saway ng professor sa kanila.
“Professor, nagkatotoo na ang nasa book! Ang prediction tungkol sa apocalypse. Mauubos na tayong lahat!” paliwanag ni Marcial na sinabayan pa niya na animo ay naiiyak.
Napahawak na lamang sa kaniyang baba si Professor saka napaisip ng malalim. Hindi nito pinansin ang sinabi ni Marcial na ngayon ay nakatakip pa ang mukha. Ilang sandali namang natahimik ang buong silid liban na lamang sa peking iyak na ginagawa ni Marcial.
“Prof, may idea ba kayo kung bakit may mga Zombies? Kung bakit ito nangyari at saan galing o anong cause?” tanong ni Sabrina kay Wang.
Napabuntong-hininga si Wang saka humarap kay Sabrina. “As of now, wala pa, Sab. Unless, makakakuha ako ng specimen mula sa mga taong Zombies.”
“Ganoon po ba? Dahil po kaya ito sa T. Gondi?” tanong muli ni Sabrina.
“Ha?”
“T. Gondi po?” ulit ni Sabrina nang mapansing hindi siya narinig ng professor. Lumalakas na rin kasi ang pag-iyak ni Marcial na animo ay isang umaalolong na aso.
“Hindi ko marini—”
“Wahhh! Kyle! Nasaan ka na... May friend, sayang... I miss you na, Kyle!” bulyaw ni Marcial na sumakop sa buong apat na sulok ng silid.
Tinignan siya ng masama ni Wang. “Ang ingay mo!” Iniangat nito ang kaniyang kamay at hinampas si Marcial sa ulo.
“Aray!”
“Tumigil ka! Hindi ko marinig si Sabrina!”
“Ito naman si Professor nag-e-emote lang e!” protesta nito.
“Gusto mo dagdagan ko pa iyang sapok?” may halong inis sa tuno ng boses ni Wang.
“Hindi na, okay na. Aray...” Nag-peace sign ito kay Wang saka napahawak sa ulo at hinimas iyon.
“I think not, Sabrina. T. Gondi isn't worst as this. As I told you before, it wasn't still dangerous. I think may other cause ukol dito,” paliwanag ni Wang kay Sabrina.
“Mmm... Possible kayang na-triggered ang parasite sa utak nating mga tao?” tanong nito sa professor. “May gamot kaya?”
Natahimik bigla ang buong paligid sa tanong na iyon ni Sabrina. Lahat sila ay nakapako ang tingin sa professor. Sa katunayan ay hindi na rin nito alam kung may mahahanap pa bang gamot.
“Possible,” tipid na sagot na lamang ni Wang kahit ang totoo ay nag-aalangan ito.
“Nag-patupad na ng lockdown ang government, tignan niyo!” sabi ni Edmund, isa sa kanila. Hawak nito ang kaniyang cellphone at may pinapanood sa screen.
“Shock! Buong mundo na ang apektado ng sakit na ito? Sabi, makabubuti raw na huwag ng lumabas at i-lock na lang ang buong bahay,” saad naman ni Endrico, isa pa nilang kasama.
“Tignan niyo?” Iniharap naman ni Ramesis, isa sa mga kasama nila ang hawak niyang cellphone.
Napako naman ang mata nila sa screen nito na noon ay makikita ang mga taong naglalakad sa kalsada at wala sa sariling katinuan. Balot ng dugo ang kanilang mga katawan at kasuutan. “Katapusan na ba ng mundo?” dagdag pa nito.
Walang sumagot sa kanilang lahat at isa-isa lamang silang nagtapunan ng mga tingin. Walang nagsalita sa kanila ng ilang minuto hanggang sa isang malakas na katok ang gumulat sa kanilang lahat.
“Kyle? Ikaw na ba iyan?” tanong ni Marcial.
“Buksan niyo na dali, ako ito! Hinahabol kami,” sigaw ni Kyle sa kabilang pinto.
“Kami?”
“Oo, Cial. May kasama ako, dali na buksan niyo na!”
Dali-daling lumapit sa pintuan si Marcial at binuksan nga iyon. Subalit, napasigaw silang lahat sa sunod nilang masaksihan at nanlaki na lamang ang mga mata. Napatulala na lamang din si Marcial at tila nanigas na sa kinatatayuan.
Si Kyle na lamang ang nagsara ng pinto sapagkat tila nawalan na ng ulirat ang kaniyang mga kasama.
“Hi?” Kinumpas ni Yrris ang kaniyang kamay sa kasamahan ni Kyle.
Doon lamang sila nagkamalay at sabay-sabay pang sumigaw. Napasiksik na lamang sila sa isang sulok.
“Tika, huwag kayong matakot!” bungad ni Kyle sa kanilang lahat.
“Paanong hindi! Isa siya sa mga Zombies sa labas! Paanong hindi ah!” protesta ni Tommy.
“Duh? Kung isa ako sa kanila, malamang hindi na nakarating si Kyle rito nang kasama ko. Okay? In fact, may Zombie bang nagsasalita?” paliwanag ni Yrris kasabay pa ang pagrolyo ng kaniyang mga mata.
“Professor, hindi siya tulad ng iba, iba siya. She thinks as if normal person, like us. Hindi siya wild tulad ng iba.”
“S-s-sigurado ba tayong, h-h-hindi ta-tayo kakagatin niyan?” may panginginig sa tuno ng pananalita ni Wang.
“Gusto niyo po, lips to lips ko pa?”
“Eww! Kadiri ka! Ew!” Hinampas niya sa likod si Kyle.
“Tika? Bakit basa ito? Anong nabuhos?” pag-iiba ni Kyle ng mapansing may tubig sa sabig malapit sa pintuan kung saan nakatayo si Marcial na noon ay naninigas pa rin habang nakatingin kay Yrris.
“S-sorry, na-wiwi ako sa takot,” mahinang sambit ni Marcial.
“Ey!”
“Yuck!”
Isa-isa na silang nagreklamo kay Marcial.
“M-may pagkain ka na bang dala?” tanong agad ni Marcial sa kaibigan.
Tumango si Kyle at ibinigay sa kanila ang isang travel bag na punong-puno ng pagkain. Isa-isa naman silang nagsilapitan at kumuha ng pagkain mula roon. Ni hindi na nila naisip na may kasama nga pala silang hindi tao, tulad nila. Pinagmasdan lamang sila ni Yrris, habang isa-isa silang kumakain. Walang emosyon na makikita sa mukha nito.
“Wala ng tao sa labas, ibang-iba na ang mundo. Makalat na ang buong lugar at maging ang mga sasakyan,” panimula ni Kyle sa kanilang lahat.
Napatingin silang lahat kay Kyle. Kitang-kita sa kanilang mga mukha ang pangamba at tila hindi pa rin sila makapaniwala.
“Kung uuwi kayo ngayon sa inyong mga bahay, sigurado akong makakarating pa kayo, huwag lang kayong gagawa ng ingay,” dagdag pa ni Kyle.
“Ako, uuwi ako sa amin,” saad ni Diego, kasamahan nila sa loob.
Labing isa silang lahat sa loob ng silid at lima ang nagpasyang umuwi sa kanilang mga tahanan. Pagkalipas nga lang ng ilang sandali, nagpasyang umuwi ang limang kasamahan nila habang ang grupo naman ni Kyle ay naiwan.
“Kayo, hindi pa ba kayo uuwi?” agad na bungad ni Kyle sa kasamahan niya.
Isa-isa silang napayuko. “Wala kaming uuwian, mag-isa na lang naming pinapa-aral ang sarili namin.” Napatango na lamang si Kyle.
“Ikaw?” tanong ni Wang kay Kyle.
“Wala namang may gustong umuwi ako eh,” saad nito sa professor.
Biglang humakbay sa kaniya si Marcial. “Ako rin, mga magulang ko nasa states,” dagdag ni Marcial.
Tinignan lamang sila ni Yrris, wala paring emosyon na makikita sa kaniyang mukha.
“Ang panghi naman, Cial! Huwag ka ngang humakbay sa akin,” pagdadahilan ni Kyle saka tinanggal ang kamay nito na nakapulupot sa balikat niya.
“How about me, sabi mo may makatutulong sa akin dito, Kyle? The who?” hindi na napigilang magtanong ni Yrris.
Tinapunan siya ng tingin ni Kyle bago tumingin kay Wang. “Professor, ano pong gagawin sa babaeng ito? Magagamot ba siya? Saka paano siyang hindi naging tulad ng iba?”
“I need to have further examination to her. Kailangan kong masuri ang dugo niya upang malaman ko kung anong uri ng sakit ang dumapo sa mga tao,” mahabang paliwanag ng Professor.
“Ummm.. Pero, wala man lamang tayong kagamitan rito,” sabat ni Marcial.
“Sa laboratory room, may mga kagamitan doon na magagamit natin. Kompleto ang lugar na iyon,” paliwanag ni Wang sa kanilang lahat.
“Lalabas pa tayo?!” nanlalaki ang mata ni Marcial habang nagsasalita. “What if ma-trap tayong lahat patungo roon?”
“Ang Nega naman nito, duh?” nirolyo ni Yrris ang kaniyang mga mata.
“Huwag kang sasabat, hahampasin kita ng basball bat eh.”
“Sige, kakagatin kita!”
“Kyle, oh!” sumbong ni Marcial saka pumagitna kina Wang at Kyle upang iwasan si Yrris na noon ay nasa likod lamang ni Kyle.
“Anong plano nating ngayon, professor?” tanong ni Kyle sa kaharap niyang professor.
“Kailangan nating pumunta roon, I will examine the girl...” sagot ni Wang.
Napatapon ng tingin si Kyle kay Yrris. Binigyan lang siya nito ng isang malapad na ngiti.
Ilang sandali nga lamang ay nagpasya na silang tumungo sa laboratory room. Nasa ikalawang palapag pa iyon sa itaas na bahagi ng building na kinaroronan nila. Ilang metro pa ang kanilang lalakbayin bago sila tuluyang makarating doon.
Isa-isa na nga silang nagsilabasan sa loob ng silid kung saan sila naroroon. Nauna na ng maglakad si Kyle dala ang kaniyang Bat, sumunod si Yrris at Marcial, habang nasa likod naman nito si Wang at tatlo pa nilang kasama.
Maswerte ang mga ito sapagkat wala silang nasasalubong na Zombies. Lakad-takbo ang kanilang ginagawa habang may mga malilikot na mga mata.
Umakyat na sila ng hagdan patungo sa laboratory room hanggang sa makarating nga sila sa mismong pinto. Dahil sa si Wang ang may duplicate ng Susi at siya na ang bumikas noon.
Pagpasok nila tumambad agad sa kanila ang lounge chair kaharap ang coffee table. May dinning sa loob at refrigerator. May dalawang pinto na well-varnish habang ang celling naman ay may itim na fan at chandelier. Balot ng kulay gray ang silid.
Isa-isa silang humanap ng pwesto ng makapasok sila sa loob.
“Ang laki, parang bahay na itong laboratory room, nasaan ang mga kagamitan dito?” agad na tanong ng isa sa mga kasama nila.
“Wow, hindi ko expected na ganito pala ito kalaki? First time ko makapasok dito...” manghang sambit ni Kyle.
“Iyan, cutting pa kasi tuwing magpapa-laboratory si professor Wang,” pang-aasar ni Marcial.
“Iyong dalawang pinto na iyan, iyang isa ay bedroom, kapag kasi ginagabi ako dito na ako natutulog, iyong isa, nandiyan ang mga kagamitan ko sa laboratory,” paliwanag ni Wang.
“Prof? May extra ba riyang damit? Magpapalit ako.”
Napatapon ng tingin si Wang kay Marcial. “Tignan mo lang sa kabinet sa loob,” sabi nito.
Napangiti na lamang si Marcial at agad na tinungo ang pinto patungo sa bedroom.
“Ikaw,” sabi ni Wang kay Yrris kaya at napatitig ito sa kaniya. “Sumama ka sa akin, kukuha ako ng specimen mula sa'yo.”
Napatango na lamang si Yrris sa inusal sa kaniya ni Wang. Nagsimulang tumalikod kay Yrris at naglakad patungo sa isa pang pinto kung saan naroroon ang mga kagamitang gagamitin niya. Sumunod naman agad si Yrris sa kaniya, ngunit bago ito umalis, isang sulyap ang pinukol nito kay Kyle.
Hindi matanto ni Kyle kung bakit pero biglang kumislot ang kaniyang dibdib. Bumilis ang t***k ng kaniyang puso ng hindi niya alam ang dahilan.
Pinagmasdan na lamang siya ni Kyle hanggang sa tuluyan silang makapasok sa loob ng pinto.
Napabuntong-hininga si Kyle saka naghanap ng mauupuan at ibinagsak ang kaniyang sarili. Napatingala ito at napapikit ng kaniyang mga mata. Ngayon niya lamang naramdaman ang kaniyang pagod.
-------