(Ang Pagkikita)
"Hindi yata tayo mamatay dahil sa mga tao sa labas na nag-aasal hayop eh. Mamatay yata tayo rito dahil sa gutom," aburidong sambit ng isa sa mga estudyanti na na-trap sa loob ng classroom.
Ilang araw na rin sila sa loob at hindi na lumabas pa para sa kaligtasan nilang lahat, dahil na rin sa takot silang matulad sa mga taong nawala sa sariling katinuan.
"Prof Wang, ano na ang gagawin natin?" tanong ni Marcial Qeil, isa sa mga pasaway na estudyanti ni Wang at kaibigan ni Kyle. "Ayaw ko pang mamatay ng dilat dito no."
"Tama sila Professor," pagsang-ayon ni Ivan Kyle Balenten, siya ang tumulong kay Wang mula sa pag-atake ng babaeng infected. "Mamatay tayo sa gutom rito Dr. Wang."
"Anong gagawin natin? Lalabas tayo? Paano kung may mga baliw na sa labas tapos pagkakagatin tayo?" protesta ni Wang sa inusal ng kasama niyang mga estudyanti.
"Eh, we're gonna die here na ba?" isang maarte na sambit ng babae.
Napatingin silang lahat sa nagsasalita.
"Kailangan nating tignan kung ano na ang nagyayari sa labas, nag-aalala na ako sa kalagayan ng parents ko ngayon. Hindi ko na sila ma-contact," paliwanag ng ilan sa kanila na sinang-ayon din ng iba.
"May malapit na mall dito, lagi akong nagwi-window shopping doon, baka makapuslit ako roon, guys, at titignan ko na rin ang kalagayan ng mga tao sa labas," presenta ni Sabrina.
Nagawi ang tingin nilang lahat kay Sabrina at sandaling napa-isip.
"Alam ko ang lugar na iyon, ako na lang ang kukuha, maiiwan kayo rito. Sasabihan ko lang kayong lahat kapag nalaman kong safe sa labas para makauwi na tayo sa sari-sarili nating bahay," paliwanag ni Kyle. "Saka delikado lalo na at babae ka pa, Sabrina."
Napatango si Sabrina sa inusal ni Kyle sa kaniya. Sandaling nagkaroon ng katahimikan sa dalawa nang magtama ang kanilang mga mata.
"Eyyyhhh... Kilig ako, Dong!"
"Buang ka talaga, Marcial. Sasama ka sa akin," usal nito sa kaibigan saka hinawi ang kamay.
"Kyle, my friend naman, hihintayin na kita rito no. Saka, baka ma-expose ako sa labas maakit mga baliw na nilalang." Tinanggal nito ang kamay ni Kyle kaya wala siyang nagawa kung hindi ang bitawan na lamang ito.
"Mag-iingat ka Kyle," paalala ni Wang. Hinawakan nito sa balikat si Kyle at tinapik iyon. Sinuklian lamang siya nito ng isang pagtango.
"Cial, sumama ka na kasi, dali na," pagpupumilit nito sa kaniyang kaibigan.
"Ayaw! Ayaw! Ayaw!" pagpapatuloy nito kasabay pa ang pag-ekis ng kaniyang mga kamay.
"Haysst... Wala ka talagang kwentang kaibigan kahit kailan, hindi ko alam kung paano tayo naging magkaibigan eh," inis nitong sambit saka marahan niya itong itinulak.
"No way! Kapag ayaw ko, ayaw ko. Bahala kang mamatay. Saka, baka mamatay ako no? Wala ng tigapagmana sa amin. Sasamahan kita kung walang baliw sa labas," paliwanag nito.
Hindi na lamang iyon pinansin ni Kyle. Kilala na nito ang kaniyang kaibigan at alam niyang hindi niya talaga ito mapipilit.
"Bahala ka na nga," salubong kilay nitong sambit.
"Ingat ka, Kyle," tila may pang-aasar pa sa tinig ni Marcial kasabay pa ang pagkampay ng kaniyang kamay. Iniangat lamang ni Kyle ang kaniyang kamay at itinutok iyon kay Marcial. Kinuyom niya iyon at saka biglang itinaas ang gitnang daliri.
"Sir Wang oh, si Kyle," sumbong ni Marcial subalit hindi na iyon pinagtuunan ni Wang ng pansin.
"Mag-iingat ka Kyle," sabay-sabay na sambit nilang lahat.
Napatango na lamang si Kyle bilang pagsang-ayon sa inusal ng kaniyang mga kasama.
"Iyong Baseball Bat mo, kakailanganin mo iyan," usal ni Marcial saka iyon ibinigay kay Kyle.
Mabilis naman niya iyong hinigit saka agad na nagtungo sa pinto.
Dahan-dahan niyang ipinihit ang doorknob paloob. Ingat na ingat ito sa kaniyang ginagawa upang wala siyang matawag na atensyon. Gayunpaman, lumikha iyon ng ingay habang dahan-dahan niyang binubuksan ang pinto.
Sumilip muna siya mula sa kanan at kaliwa ng hallway. Maswerte ito at walang mga infected sa lugar.
Dahan-dahan niyang binuksan ng tuluyan ang pinto at agad na lumabas saka mabilis na isinara itong muli.
Dahan-dahan itong naglakad habang may mga malilikot na mga mata. Dala-dala nito ang isang baseball bat sa kaniyang kanang kamay.
Tuluyan siyang umalis malapit sa pinto at nagtungo sa hagdan patungo sa ground floor ng building. Tahimik ang buong lugar na animo'y haunted na. Nakapaninibago na ang lugar sapagkat hindi ganito katahimik.
Nang tuluyang makalabas si Kyle ay bigla na lamang itong napabuka ng bibig at napalaki ng mata. Nagkalat kasi ang basura sa buong paligid na animo'y pinabayaan na lamang ito. May mga nagliliparang papel sa paligid dahil sa hangin. Wala na ring tao sa buong paligid. Napalunok ng kaniyang laway si Kyle sa nasasaksihan niya ngayon. Ang kinamulatan niyang paaralan ay bigla na lamang nagbago sa isang iglap.
Bigla na lamang nanlumo si Kyle sa kaniyang mga nasaksihan. Hindi ganito ang inaasahan niyang makita.
Gayunpaman, nagpatuloy lang ito sa paglalakad, wala pa rin siyang makitang tao sa buong lugar kahit pa halos mabali ang leeg nito sa katitingin sa buong paligid niya.
Patuloy ito sa paglalakad hanggang sa makarating ito ng highway. Napagmasdan niya ang buong lugar, nagkalat ang basura at mga sasakyan sa buong paligid. "Katapusan na ba ng mundo?" mga katagang namutawi sa isipan ni Kyle.
Iilang sigaw ang naririnig nito mula sa malayo kaya bigla-bigla na lang siyang nagtatago, gayunpaman nagpapatuloy pa rin ito sa paglalakad.
Tagumpay nga niyang narating ang Mall na tinutukoy ni Sabrina. Tulad ng inaasahan, tahimik ang lugar at walang bakas ng buhay.
Wala siyang inaksayang oras at agad itong pumasok sa loob at tumungo sa tindahan ng mga pagkain. Kumuha siya ng travel bag at inilagay lahat ng nakuhang pagkain sa loob.
"Babayaran ko pa ba? Hindi ba pagnanakaw ito. Tika? May CCTV ba rito." Luminga-linga ito upang hanapin ang CCTV. Nang mahanap nito ay bigla na lamang siyang nag-peace sign sa camera kasabay pa ang pagngiting aso nito.
Pagkatapos ay muli siyang kumuha ng pagkain hanggang sa mapuno ang travel bag na dala niya. Nagbalak na itong umalis ng Mall at bumalik na sa University.
Lakad-takbo na ang ginagawa nito upang mabilis na makarating sa university at baka abutan pa siya ng gabi sa kalsada.
Paalis na sana ito ng Mall nang bigla may sumigaw malapit sa kinatatayuan niya. Napalunok bigla ng laway si Kyle at nagtago siya sa kotse na nakaparada sa highway.
"Tulong! Somebody?! Anybody?! Nobody! Nobody, but you?! Hello! Tulong!" sigaw ng isang babae.
Nanlaki ang mga mata ni Kyle nang marinig ang mga daing na iyon. "Tika, tutulungan ko ba?"
"Tulong, guys! Naipit ako rito. Anybody?!"
Dahan-dahan nag-angat ng ulo si Kyle upang silipin ang pinagmumulan ng tinig. Mula sa kinaroroonan nito ay nakita niya ang isang babae sa loob ng sasakyan at tila may tinatanggal. Nakabangga ang kotse nito sa isa pang sasakyan at batid ni Kyle na na-aksidente ito.
Tumayo agad si Kyle at tumungo sa babae, subalit bigla rin siyang napahinto ng mapagmasdan ang hitsura nito. Napatigil siya at tila tinakasan na ng kaluluwa sa kaniyang mga nasaksihan. Bahagya pang nakabuka ang bibig nito at hindi makapaniwala sa nakikita.
"Hala, tulong please. Tulong, naipit ang blouse ko eh, hindi ako maka-alis, iyong bestfriend ko iniwan na ako rito, gaga talaga iyon," paliwanag nito kay Kyle na tila wala pa rin sa kaniyang sariling ulirat.
"Oy! Tatayo ka lang? Tititigan mo lang ako? I know naman na magada ako at ma-struck ka riyan, pero please. Can you help me getting out of this s**t!"
"H-h-hindi ka normal."
"Huh?! Duh?! Ano abnormal ako? Hindi mo talaga ako tutulungan dito ano?" aburidong saad ng babae kay Kyle.
"No, I mean. Bakit ganiyan ang mata mo? Bakit ang putla mo, isa ka sa mga taong wala na sa sariling katinuan... Isa ka sa mga Zombie people kung ano man tawag sa kanila."
"What? Duh?" Bigla niyang hinigit ang salamin sa harapan niya at tinignan niya ang kaniyang sarili mula roon.
"AAAAAHHHH ANO ITO?! WHY?! AAAHHH NOOOO!"
"Bahala ka riyan aalis na ako," sagot ni Kyle.
"Gaga! Hindi mo ako tutulungang makaalis! Ah! Ayaw ko rito! Ah!" sigaw nito at inalog-alog ang sasakyan niya.
"No way! Baka kagatin mo ako no?!"
"Duh?! Ikaw? Kakagatin ko? Ew! Eeeeewww! Vegetarian ako."
"Niknik mo! Zombie vegetarian?! Lukuhin mo ninang mo?!"
"Ahhhh! Can't you see hindi ako tulad ng iniisip mo, please let me out!"
"Hindi mo ko kakagatin?"
"No!"
"Talaga?!"
"Yes! Dali na! Hahanapin ko pa p****k kung kaibigan. Iniwan na naman ako. Dali,” salubong kilay nitong sambit kay Kyle.
Halos marinig na ni Kyle ang kalabog ng kaniyang dibdib. Nanginginig pa itong tumungo sa babae at pumasok ng bahagya sa sasakyan. Sinubukan ni Kyle tanggalin ang parte ng blouse nito na sumabit sa bakal malapit sa pinto ng sasakyan.
Hinila niya ito hanggang isang mahabang "Prat!" ang namutawi sa lugar. Tuluyang napunit ang blouse ng babae.
"Ahhh! Ang mahal nito! Gaga ka!" bulyaw niya kay Kyle.
"Welcome!" sarkastikong sambit ni Kyle sa babae.
Doon lang napagmasdan ni Kyle ang hitsura ng dalaga. Maputla ang kaniyang mga kutis, kulay puti ang bumabalot sa kaniyang mga mata habang kulay itim naman ang mga pupil niya, gayunpaman, hindi maikakaila ni Kyle na nagagandahan ito sa kaharap niya ngayon.
Kalaunan ay unti-unting naramdaman ni Kyle ang bilis ng pagpintig ng kaniyang puso. May kung ano sa babae na nagpakaba sa kaniya hindi dahil sa takot, kung hindi dahil sa isang bagay na hindi niya maintindihan.
“Tabi nga riyan, lalabas ako.” Doon lamang bumalik ang ulirat ni Kyle.
Dahan-dahang lumabas si Kyle at sumunod naman ang babae sa kaniya.
“O. M. G! Anong nangyari sa Earth? Nasaan na ang mga tao rito? Bakit parang haunted na ang lugar?” nanlalaki ang mga mata nito habang nagsasalita.
Doon lamang na laman ng babae ang kalagayan ng daigdig na kinaroroonan nila.
“Hindi ko rin alam, basta paglabas ko ganito na. Nagsimula ito nang may ma-aksidenting professor sa campus namin eh,” paliwanag ni Kyle.
Bigla na lamang napalaki ng mata ang babae sa kaniyang narinig. Pagkatapos ay iginala nito ang kaniyang tingin sa paligid at nagbingi-bingihan.
“Ano bang hinahanap mo?”
“Bestfriend ko. Best! Nasaan ka na!?” sigaw nito na umalingawngaw sa katahimikan ng lugar.
“Ako si Ivan Kyle.”
Napatigil ang babae sa pagsasalita at napatingin sa kamay ni Kyle pataas sa hitsura nito.
“Student ka sa Zucchini?” Tumango si Kyle sa tanong ng babae. “Yrris,” sabi nito sabay sukbit sa kamay ni Kyle.
“Wala kang pulso!” takang sabi ni Kyle nang maramdaman ang malamig na kamay ni Yrris.
Bumitaw si Yrris sa pakikipagkamay at agad na idinampi ang mga kamay sa kaniyang pisngi.
“Anong nangyari sa akin? Bakit ako ganito?” maiyak na sambit ni Yrris kay Kyle.
“May kilala akong makatutulong sayo, si Professor Wang. Sumama ka sa akin,” anyaya ni Kyle.
“Pero, iyong best friend ko,” may pag-aalala sa tinig nito.
“Malamang sa malamang infected na rin iyon! Kaya tara na.”
“S-sige...”
Agad na kinuha ni Kyle ang travel bag na punong-puno ng pagkain saka nagsimulang maglakad. Sumunod naman sa likod nito si Yrris. Kung titignan ay normal na tao pa si Yrris, maliban na lamang sa kulay ng kaniyang balat at mata nito. Hindi na rin tumitibok ang kaniyang puso, subalit alam pa rin nito ang mga ginagawa hindi tulad ng ibang infected na tao.
Paalis na sana sila ng biglang sumulpot mula sa unahan nila ang best friend ni Yrris. Napatigil si Kyle sa paglalakad dahilan kaya at bumangga sa likod nito si Yrris.
“Bakit?” takang tanong ni Yrris.
“M-m-may infected sa unahan natin, takbo na!” sigaw ni Kyle.
“Tika, wait!” Napatingin si Yrris sa sinasabi ni Kyle at nahitsurahan ang babae. “Best!”
Bigla na lang tumakbo patungo sa kanila ang best friend ni Yrris na animo ay gutom na gutom.
Lumapad naman ang ngiti ni Yrris kaya sinalubong niya rin ng patakbo ang kaibigan.
Habang si Kyle ay natamimi na lamang sa isang tabi at hindi makapaniwala sa ginawa ni Yrris.
Agad na yumakap si Yrris sa Best friend niya at nagtatalon-talon pa ito.
“Best! Buhay tayo, Best. Buhay tayo!” Mahigpit itong nakayakap sa kaniyang kaibigan subalit walang emosyon siyang tinignan nito. Tulad ni Yrris, balot na rin ng puti ang mata nito.
“Best, Uy! Talk naman, Duh?!”
Biglang ibinaling ng bestfriend ni Yrris ang kaniyang tingin kay Kyle na noon ay hindi makapaniwala sa nasasaksihan.
Biglang kumalas ang bestfriend niya saka nagtungo kay Kyle at sinunggaban niya ito, mabuti na lamang at naiharang agad ni Kyle ang kaniyang travel bag.
“Yrris! Tulong! Yrris!”
“Best! Ano ba?!” sigaw ni Yrris sa Bestfriend niya. Hinawakan niya ito sa balikat at muling niyakap subalit nagpumiglas ito.
“Uy!” Isang sampal ang pinakawalan ni Yrris, subalit tinitigan lamang siya nito.
Muli ay humarap ito kay Kyle at susunggab ng muli. “Best! Best! Best! Gising! Gising!” Sunod-sunod na sampal ang pinakawalan nito sa mukha ng kaniyang kaibigan hanggang sa biglang lumagutok ang leeg nito ng malakas at bigla na lamang mabali.
Napatakip ng kaniyang bibig si Yrris. “Oh shock! Best! I am sorry best!” Sinubukan pa nitong ibalik sa normal ang leeg ng kaibigan subalit tuluyan na iyong nabali.
“Tara na!” Hinigit ni Kyle ang kamay ni Yrris at tumakbo ng mabilis patungo sa Zucchini University.
Wala ng nagawa si Yrris kung hindi ang sumama na lamang kay Kyle. Pinagmasdan niya na lamang ang bestfriend niya habang papalayo sila. Kasalukuyan nitong hinahawakan ang sariling ulo at binabalik sa normal.
-------