KABANATA 8

2799 Words
(Panganib) “Pssst... Baka matunaw na iyang tinitignan mo, Kyle. Kanina ka pa nakatitig kay Yrris,” may halong pang-aasar ang tuno ng pananalita ni Marcial. Ilang araw na rin silang namalagi sa laboratory at ilang araw na ring nasa loob ng pribadong silid si Professor Wang. Patuloy kasi ito sa pag-examine ng nakuha niyang blood sample at specimen mula kay Yrris. Napatingin si Kyle kay Marcial na noon ay nakatayo sa gilid niya habang siya ay naka-upo sa lounge chair at banayad na pinagmamasdan ang natutulog na si Yrris. Nakaharap ito sa kanila kaya at Kitang-kita ang kabuuan ng hitsura nito. “Ah eh...” Kitang-kita ang pamumula ng kaniyang pisngi, hindi niya iyon maitatago dahil na rin sa kulay ng balat nito na kahit kagat lamang ng lamok ay mapapansin mo. “Curious lang ako, imagine. Isa siyang Zombie tapos inaantok?” sagot ni Kyle sa kaniyang kaibigan. Lumapit si Marcial sa kaniya at tumabi sa pagkakaupo. “Lalaki ako Kyle, alam ko ang mga titig na ganiyan. Gusto mo siya no? Crush mo? Sabagay, sino ba namang hindi? Kahit na naman na ako eh. Tignan mo, Zombie ito pero ang ganda pa rin niya, haysst...” Napangiti ng lihim si Kyle sa mga inusal ni Marcial sa kaniya, totoo ang mga paratang na iyon ng kaniyang kaibigan. Gayunpaman, nanatili itong tahimik at kalmado kahit na halos madurog ang dibdib nito sa pagmamakdol ng kaniyang puso. Napailing-iling at pilit tinatanggal sa utak ang mga senaryo na nabuo habang nakatitig siya kay Yrris. “Pero maiba ako. Kung possible na nagkaganiyan si Yrris, possible rin kayang may mahanap na gamot at may mga katulad niya?” tanong ni Marcial sa kaibigan. Muli ay napatingin si Kyle dito at tinignan niya sa Mata si Marcial. “Posible, Marcial. Kung papalarin ay maaring si Yrris ang magiging paraan at susi para mahanap ang cure ng sakit na ito,” sagot ni Kyle. “Paano kung naging... tulad siya ng ibang Zombies, posible rin kaya?” Tinignan lamang siya ni Kyle pagkatapos niyang sambitin ang mga kataga. “Huwag naman sana,” tipid nitong sambit sa kaibigan saka ibinalik ang paningin kay Yrris. “Ano kayang nangyari sa kaniya bago siya naging Zombie? Ano kayang ginawa niya?” nakakunot noo na tanong ni Marcial na ngayon ay nakatuon na rin ang tingin kay Yrris. Napangiti na lamang si Kyle ng nakaluluko sa kaniyang mga narinig. Kalaunan, ilang sandali lamang ay bumukas na ang pinto kung saan iniluwan noon si Wang. Bagsak ang balikat at nangingitim pa ang ilalim na bahagi ng kaniyang mga mata hudyat na hindi ito nakatutulog. Gusot na ang suot nitong polo at nakababa na ang necktie. Matamlay itong lumapit sa kanilang dalawa. “Prof ayos ka lang?” agad na bungad ni Kyle sa professor nang makalapit ito. Nagising na rin si Yrris mula sa mahimbing nitong tulog at umupo na lang kaharap si Marcial at Kyle. Pabagsak ding ibinaba ni Wang ang kaniyang pwetan sa malambot na sofa katabi si Yrris. Napahilamus ito ng kaniyang tuyong mga palad saka nagsalita. “Yeah,” tipid at walang gana nitong sambit. “Ano pong naging resulta ng examination niyo ng dugo at specimen mula kay Yrris?” tanong ni Kyle. “Saka ano po ang source bakit naging Zombies na ang mga tao?” si Marcial na ang nagdagdag ng tanong. “Tama ang aking hypothesis. Ang sakit na kumakalat ngayon ay dahil sa imbensyon kung gamot,” walang pakundangan nitong sambit saka napayuko sa sahig. Nanlaki ang mga mata nina Kyle at Marcial, maging ang tatlo nilang kasamahan sa loob ay natawag na rin ang atensyon. “Naglabas ng Hormones ang imbensyon ko. It wasn't affected the brain not until the person will die. Doon, ang hormones na contain ng gamot ang magti-take over at mamanipulahin nito ang isipan ng isang tao. Hindi rin sila ordinaryong Zombie lang tulad ng napanonood natin, they are different. Mabubuhay pa rin ang mga ito kahit pa wasakin na ang kanilang mg utak. The only one will kill them is, if they will accidentally bites their body or their peers body, because the enzymes that found in their silva is the one can kill them, but not that easy. Kasi need pa ng further examination kung gagana ba ito. Teorya ko lang ito sa ngayon,” mahabang paliwanag ng Professor sa kanilang lahat. “Imposible. Paano natin sila mapapatay? Eh alam nilang tropa nilang Zombie ang kaharap nila,” hindi na napigilan ng ilan ang magtanong. “Don't worry, guys. For now? All I can do is to duplicate the hormones contain in Zombies blood, kapag ito ay pumasok sa kanilang katawan, sandali silang makatutulog,” tugon ni Wang sa kanilang lahat. “Pero, prof maiba ako, bakit hindi nila naging katulad si Yrris?” may halong pagtataka ang tuno ng pananalita ni Kyle. “Base sa mga examination ko sa specimen niya. Mabagal ang pagkain ng hormones sa utak niya. Though, may nagmananipula sa utak ni Yrris pero kaya niya pa rin itong kontrolin at hindi ito gaanong karami.” Napatango-tango na lang si Kyle at Marcial sa kanilang mga narinig. “Kung gano‘n may possibilities na maging wild si Yrris?” tanong ng ilan sa kanilang mga kasamahan. “Hindi ko pa masasabi iyan sa ngayon. For now? Ang magagawa ko lang ay tawagan si Robert, ang classmates at kaibigan ko na may ari ng isang laboratoryo. In fact, nakausap ko siya so far. Sinabi ko sa kaniyang ang kaganapang ito, sabi niya magpapadala siya ng tauhan para sunduin tayo rito,” paliwanag ni Wang. “Ano pong gagawin natin sa ngayon?” si Kyle na ang nagtanong. Tumitig sa kaniya si Wang sandali. “Sa ngayon... wala, papahinga muna tayo rito, hanggang sa matapos ko ang isang imbensyon ko. I will duplicate the enzymes, para makagawa tayo ng Anti-Zombie Gun,” maiksing paliwanag nito. Nanlaki ang mga mata nilang lahat sa kanilang mga narinig. Kitang-kita sa kanilang mga mata ang pagkamangha. “Anti-Zombie Gun?” tanong ni Kyle. Tumango si Wang kay Kyle. “Ang bala ng baril na ito ay lalagyan ko ng combination ng enzymes na duplicate mula sa Zombie upang magamit natin ito para protektahan ang ating mga sarili,” paliwanag nito sa kanilang lahat. “Kailan naman pupunta si Robert na sinasabi niyo?” tanong ni Marcial. “For now, Marcial wala pa siyang sinasabi eh. Basta, pupunta siya rito, magtiwala lang tayo.” Natahimik na lamang silang lahat at nagkatinginan na sa isa't isa. Sa ngayon ay wala silang magawa kung hindi ang sundin ang mga sinasabi ni Wang. Lumipas ang ilang araw ay patuloy sa pabalikbalik sa isang silid si Wang. Batid nilang ginagawa na nga niya ang sinasabi niyang Anti-Zombie Gun. “Guys, if mananatili tayo rito, mamatay tayo. Paubos na ang supply ng pagkain natin, hindi na rin sapat ang nasa refrigerator,” paliwanag ni Diego, isa sa mga kasamahan nila. Kasalukuyan silang kumakain sa dinning table. Magkasama ang tatlo sa kabilang parte ng upuan habang kaharap naman nila sina Yrris, Marcial at Kyle. “Oh, Yrris. Bakit ka hindi ka pa kumakain diyan?” tanong ni Kyle sa kaniya. Tinitignan lamang siya ni Yrris. “Ayaw mo, akin na lang ba?” presenta ni Marcial. “Hindi ako nagugutom eh, I don't feel like I'm hungry so far. Magkaka-ulcer yata ako eh,” paliwanag ni Yrris. Napangisi naman ang kasama nila sa kabilang parte sa birong iyon ni Yrris. “Sige, Marcial sa'yo na lang. Eat it well,” sabi nito saka binigay ang pagkain kay Marcial na agad naman niyang kinuha. Susubo na sana si Marcial ng biglang magsalita si Yrris, “You have to take care kasi baka natalsikan na ng laway ko iyan.” Napatigil si Marcial saka isa-isang pinukol ng tingin ang kaniyang mga kasama. Lahat sila ay kumukurba ang mga labi. “Nginingiti-ngiti niyo riyan?! Gusto niyo din ibigay pagkain niyo?” may halong inis ang tuno ng pananalitang iyon ni Marcial. “No... Ano ka hilo?” sabat ng kasama niya. “Iyon naman pa—” “Arhmm...” peking ubo ni Wang na nagpatigil sa kanilang lahat. Isa-isa silang nagbali ng leeg at itinuon ang paningin kay Professor Wang. Nanlaki na lamang ang kanilang mga mata. Napaawang naman ng kaniyang labi si Yrris habang nakatingin. Lahat sila ay hindi makapaniwala sa kanilang nakikita ngayon. Dala ni Professor Wang ang isang tila M14 na baril, ang pinagkaiba nito ay may tila tubig sa itaas nito. “Finally, I made it!” masayang bungad nito. Agad na lumapit si Kyle kay Wang at pinagmasdan ng malapitan ang baril. “Wow, napaka-simple lang ng pagkakagawa, pero sigurado po bang gagana ito?” Hinawakan nito ang tip ng baril at sumilip doon. “Uy, ingat! Ang bala ng baril na ito ay may contain ng karayom. Ginamit ko ang mga karayum ng mga injection at ginawang bullets,” paliwanag nito. “Ang cool, pwede ba natin iyang subukan? Kay Yrris kaya?” walang prenong sabi ni Marcial. Tumitig sa kaniya si Yrris. “May problema ka sa akin?” malamig nitong wika kay Marcial saka lumapit ng kaunti kaya at napaatras ito. Biglang umangat ang inuupuan ni Marcial dahil sa hindi na balance ang pagkakaupo niya. Bumagsak ang kaniyang pwetan kaya at napadaing ito sa sakit. Halakhak naman ang namuo sa buong silid ng mga sandaling iyon. Maging sina Kyle at Wang ay napangiti na rin sa reaksyon ni Marcial mula sa pagkakahulog sa upuan. Hindi na maitsurahan ang kaniyang mukha habang hawak ang kaniyang balakang. “Susubukan ko muna ito sa rooftop, baka sakaling may mahanap akong Zombie roon,” sabi ni Wang na nagpatigil sa kanilang lahat. “What?! Mapanganib po Prof, lalo pa't hindi natin sigurado kung kakaunti lang ang bilang nila gayong limited lang ang bullets mo?” may pag-aalala sa tuno ng pananalita ni Kyle. “I have too. Doon rin tayo susunduin ni Robert gamit ang private helicopter niya kaya't mabuti na ring wala ng sasagabal pa kapag dumating na ito roon.” “Sasama na lang po ako,” saad ni Kyle kay Wang. “Ako rin,” sabat ni Yrris. Tumingin si Kyle kay Marcial at tinitigan, hinihikayat nitong sumama rin ito, subalit umiling lamang ito sa kaniya bilang tugon. Tila nagkaintindihan naman silang dalawa. “Sabi ko nga,” bulong na lamang nito sa sarili. “Tara,” aya ng professor. “Kayo Diego, hindi kayo sasama?” Umiling lamang ang mga ito bilang tugon. Kaya at walang nagawa si Wang kung hindi ang pabayaan na lang sila sa loob. Total ay safe sila sa laboratoryo. Agad silang nagtungo sa pinto at isa-isang lumabas sa laboratoryo. Nangunguna si Wang sa kanila dala ang kaniyang baril, sumunod si Kyle habang nasa hulihan naman si Yrris. Dahan-dahan sila sa paglakad at ingat na ingat. Malilikot din ang kanilang mga mata at tinatalasan ang mga pakiramdam, sapagkat baka bigla na lamang silang sunggaban. Naglakad sila sa hagdan hanggang sa makatungtung nga sila sa rooftop. Isang malamig na hangin ang sumalubong sa kanila. May kung ano roon na nagpatindig ng balahibo nila sa batok. “Tignan niyo may isa roon!” sigaw ni Yrris sabay turo sa isang lalaking nakatayo malapit sa railing ng rooftop. Natawag ang atensyon nito sa ingay ni Yrris kaya at humarap ito sa kanila. “K-k-Kalvin?” saad ni Wang ng ma-hitsurahan ang lalaki. Tinitigan lamang siya ni Kalvin. Punong-puno ng dugo ang polo nito maging ang bibig nito ay gayon na rin. Nagsimula iyong humakbang palapit sa kanila. Kikiang-kian ito dahil sa pilay niya sa paa. “Prof ano ba? Itutuk mo na ang baril,” udyok ni Kyle. “I can't!” “Hindi na po siya ang Kalvin na kilala niyo Prof. Saka, hindi naman na mamatay iyan eh.” “Duh? Correction, patay na iyan.” Napatingin si Wang at Kyle kay Yrris na noon ay nakasukbit balikat lamang at pinagmasdan sila. Mabuti at walker lamang ang mga Zombies na ito at hindi tumatakbo tulad ng mga nasa palabas. Nanginginig na itinutuk ni Wang ang baril. “Sige na iputok mo na!” sigaw ni Kyle sapagkat palapit na ito nang palapit sa kanila. “I can't!” sigaw ni Wang. “Ako na nga ang gagawa, akin na prof!” sabi nito saka hinigit ang baril may Wang. Itinutuk niya iyon kay Kalvin saka kinalabit ang gatilyo. Nakapikit pa si Kyle habang kinakalabit ang triggered dahilan kaya at wala itong matamaan. “Wala kang natatamaan, tignan mo nga iyang binabaril mo! Nakapikit ka eh! Paano mo matatamaan!” bulyaw ni Wang kay Kyle saka biglang sinapok ito. “Mauubos lang ang bullets eh.” “Haayssst! Ako na nga!” presenta ni Yrris. Kinuha niya ang baril at lumapit sa Zombie saka ipinaputok ang ito, tumama iyong sa dibdib ni Kalvin. Kalaunan ay bigla na lamang itong tumumba at nangisay na animo at kinukuryente. “Okay, effective po Prof!” “Oo nga, Kyle,” nakangiting tugon nito sa binata. “Aaaaahhhh!” Isang sigaw ang umalingawngaw sa pinto patungo sa kanila. Alam nilang nagmula iyon kay Marcial. May kung ano sa sigaw na iyon na nagpakislot ng dibdib ni Wang at Kyle habang si Yrris ay napatingin lamang sa kanila ng walang emosyon. “Kyle! Prof Wang!” Tumambad sa kanilang mga mata si Marcial na tumatakbo patungo sa kanila. Kitang-kita ang takot nito sa kaniyang buong mukha. Nang makarating ito ay isang mahigpit na yakap ang binigay niya kay Kyle. Ramdam pa ni Kyle ang panginginig ng buong kalamnan nito. “Why?” tanong ni Yrris. “Kasalanan mo ito Yrris! Hindi mo ni-lock ang pinto, pumasok ang mga Zombie sa loob, iyon... Iyong mga kasama natin nakagat na sila, ma-mabuti at nakatakas ako,” paliwanag nito. May halong panginginig pa sa tuno ng pananalita nito. Nagkatinginan sina Kyle at Wang sa isa't isa. “Anong gagawin natin Prof?” may pag-aalala sa tuno ng pananalita ni Kyle. Sandaling napahawak sa kaniyang baba si Wang at maging sa sentido. Nagpalakad-lakad ito sa kaniyang kinatatayuan. “O.M.G! May mga Zombie sa pinto!” sabi ni Yrris ng makita ang papasok na mga Zombies. “Ahhh. We are doomed here. Mamatay na tayo!” sigaw ni Marcial. “Papalapit na sila!” dagdag pa nito at lalong napahigpit ang hawak sa katawan ni Kyle. “Marcial, ano ba! Hindi ako makakilos sa ginagawa mo, mamatay talaga tayo niyan!” hindi na napigilan ni Kyle na sumigaw. Samantala, patuloy sa paglapit ang mga Zombies sa kanila habang paatras naman ang ginagawa nila. “Iyong baril, gamitin niyo iyong baril!” sigaw ni Marcial. Ibinigay ni Yrris ang baril kay Wang at kasabay noon ay ang unti-unting paggising ni Kalvin na kanilang pinatulog. “Oh! No! Hindi matagal ang epekto ng gamot! Yrris, ikaw na lang ang pag-asa namin!” “Ako?! Bakit ako, Prof?” pagtataka ni Yrris sa sinabi ni Wang. “Makipagkagatan ka sa kanila!” “Huh?! No! I won't! Baka kung anong germs ang makuha ko no ewww!” “Kung gano'n, handa na ba kayong mamatay?! Tatalon na lang ako imbis na maging Zombie!” sabi ni Wang sa kanilang lahat. “Prof?!” sabay na sambit ni Kyle at Marcial. “Hahanap tayo ng paraan!” paliwanag ni Kyle. Ilang metro na lang ang layo ng mga Zombies sa kanila. Pinagpapawisan sila ng malamig liban kay Yrris na tila wala pa ring emosyon. Nagsimula na rin itutuk ni Wang ang kaniyang baril. “Bakit ang bagal nilang maglakad, ano ba iyan? Itulak ko kaya muna sila?!” aburidong sambit ni Yrris kaya at napatingin ang tatlo sa kaniya nv nakakunot ang mga noo at salubong ang kilay. Naparolyo na lang ng mata si Yrris saka napasukbit ng balikat. Walng emosyon niyang tinignan ang mga Zombies na papalapit sa kanila. Habang palapit ang mga ito ay siya namang pag-iksi ng space nina Wang, tiyak na pagpipistahan sila sa rami ng Zombies. “Barilin mo na prof!” bulyaw ni Marcial. Nagsimula nga itong magpaputok at tumama iyon sa katawan ng ilang sa mga Zombies, agad silang natutumba at nangingisay na lamang. “Ah wala na, finished na!” sigaw ni Wang. “Bye Earth, bye cruel world!” dagdag pa nito at saka ibinato na sa mga Zombies ang hawak niyang baril. Nanlaki na lamang ang mga mga nina Kyle at Marcial nang makita nila ang paghagis ni Wang nga baril sa mga Zombies. “AAAAHHHH!” sabay-sabay nilang sigaw na halos ikaubos na ng hangin sa kanilang baga, kahit pa ilang hakbang pa ang mga Zombies mula sa kinatatayuan nila. Maging si Yrris ay napasigaw na rin na bumalot sa buong lugar. -------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD